Share

CHAPTER 5

Julia's POV

Not just long, we arrived at our house and when I'm to go inside, he suddenly held my hand.

"Lia," He said and napalingon naman ako sa kanya, "Para sabihin ko sayo, totoo lahat ang mga sinabi ko sa'yo."

Wala na akong masabi and I sighed. He held my face at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Mas nilapit niya pa ang mukha niya and I see he closed his eyes. I don't know  but I find myself closing my eyes too.

The next thing I knew is namulat ko yung mata ko na halos magkadikit na ang labi namin nang natulak ko siya. I'm not ready for this.

"What were you doing?" I asked him and I'm confused, "To tell you, that will not happen. That will never gonna happen. I mean, you just suffered a heart break."

"I-I'm sorry. I didn't mean to pero really I say to you that nakaka-move on na ako. I can prove it to you."

"No, hindi ka pa naka-move on. The way you talk to me earlier? Hindi ka pa naka-move on. Please, kakakilala pa lang nating dalawa."

Kinuha at hinawakan niya ang mga kamay ko and he looked into my eyes, "Then sabihin mo nga sa akin kung bakit kasama kita, it felt so good. I felt so alive and my heart keeps on beating, and it never happened to me once. Kahit nung first time lang kitang nakita, I was attracted and I really hate to admit that time but nagka-crush ata ako sayo nun," Sabi niya sakin with his pleading eyes and still holding my hands. "I know, you still think that galing lang ako sa heart break but don't you think that marami ring instances na magkatotoo yung nararamdaman ko? I never felt this feeling before, not to Kate."

Nararamdaman kong napakalakas at napakabilis ng mag tibok ng puso ko ngunit umiling ako at binitiwan kamay niya, "I'm sorry. Siguro hindi pa ako ready but I could see that you had a hard time and ibang-iba sa John ang nakita ko kahapon. 'Yung nakita ko kasi kahapon, malulungkot yung mga mata niya pero ngayon I could see happiness. But, I don't want to hurt you again."

Napabuntong-hininga na lamang siya, "Maybe Derek was right, hindi pa nga ito ang tamang oras para satin dahil sa mga pangyayari. I still need time to refresh myself. I'm sorry, Lia."

"It's alright. See you this Monday. Sorry din and I hope hindi magbabago yung pakikitungo mo sakin."

"Of course, I won't. Sige, pumasok na kayo. Mag-iingat ka," He kissed my forehead and then I feel like some butterflies inside my stomach.

As I went inside kaagad akong nag-lock ng mga pinto at agad na pumasok sa kwarto ko. Naiisip ko na naman yung mga nangyari kanina. I was really shocked sa pag-amin niya bigla atsaka yung muntikan niya akong mahalik. Lalong-lalo na yung hinalikan niya ako sa noo.

Am I falling for him too or crush lang lahat ng 'to? Pero kung ma-fall naman ako pero bakit parang ang bilis naman? Kakakilala ko pa nga lang sa kanya kahapon. 'Yung halos ilang taon mo ngang nakilala eh nagawa ka pa ngang iwan dahil lang ayaw tanggapin ang magiging responsibilidad niya.

Biglang tumulo ang mga luha ko nang maalala ko na naman yung unang nalaman ni Phillip na buntis ako.

"I'm pregnant," Pagbanggit ko kay Phillip habang nakahiga siya sa lap ko. Agad siyang napabalikwas sa hinihigaan niya at tinignan ako nang punong-puno ng pagka-dismaya sa mukha niya.

"What?!" Nagtatakang tanong niya, "You're joking right? HAHAHAHA! Sige tatawa nalang ako," Sabi niya na pero ramdan na ramdam ko ang inis sa mga boses niya.

Nagsimula ng tumulo ang luha ko, "Kung pwede sanang joke lang lahat, pero hindi eh. Totoo ang sinasabi ko," Sabi ko at walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko, "You even noticed everything. Like palagi akong nag-susuka and palagi din akong walang gana kaya nag-alala na si Lyn sa kalagayan ko kaya nag-file siya nang appointment with the Doctor and that's when she told me that I was six weeks pregnant."

Napatayo naman siya nun and I can see frustration in his face, "Paano ba nangyari yun? I mean, nagco-condom naman ako, ah? Tanginang buhay 'to."

"Naalala mo pa ba yung birthday ni Lyn six weeks ago? Lasing na lasing tayo nun at may nangyari satin nun, hindi ba?"

"May nangyari nga 'nun pero akala ko ba nag-take ka ng pills 'nun? 'Yun sabi mo, diba?! Edi dapat walang mabu-buo kung ganun! Shit!"

"Nagtake kasi ako nang antibiotics nung hangover natin and then sabi naman ng doctor na baka dahil sa anti-biotics na ininom ko ay ang dahilan kung bakit nawala ang epekto sa pills."

Napa-mura naman siya for the last time, "Ngayon nabuntis ka because you were so stupid to read the antibiotics you drink! Now, what?! Wow, Julia! Wow talaga!!" Galit na galit na sigaw niya and he stormed off my room, leaving me in pain.

John's POV

"Good morning everyone! I have an announcement to make and this is so important," Pahayag ni Kate sa harap ng klase habang may hawak na papel at flyers. 

"Gaano kaya ka-importante at talagang dito pa i-a-announce? Pwede namang magbigay nalang ng flyers," Bulong ni King.

Hindi ko nalang siya pinansin at itinutuon ang pansin sa harap, "Kilala niyo naman si Shaina, hindi ba? Isang myembro ng cheerleading squad. Nabalitaan namin na naaksidente siya and grabe yung impact siguro ng pagkabangga niya that medyo na fractured yung mga buto niya. Kailangan siyang i-undergo ng operation. That's when we think na siguro mga isang buwan ang pagpapahinga niya lalo na sa cheerleading," Tumango-tango naman si King sa tabi ko na parang interesado sa mga sinasabi ni Kate.

"Because of that, nagkukulang kami ng members ngayon at hindi namin ma-finalize ang mga pyramids and such kung kulang kami ng mga members." 

"Naghahanap kami ng mga new members na interesado maging part ng squad. Take note, hindi kami basta-bastang pumipili lang. Pipiliin namin yung mas may experience or kahit yung marunong lang mag-gymnasts. May standards kami to those who wants to join the team." 

"Ay, eto na! Si Julia oh, isang cheerleader!" Biglang pagsigaw ni Queen kaya napatingin kaming lahat sa kanila. Queen smiled widely pero napawi agad ang ngiti niya dahil sa ginagawa niya, "Shoot, sorry Julia. Secret nga pala 'yun."

Napalingon naman si Julia sakin, "You were a cheerleader?" Nagtatakang tanong ko pero hindi niya ako sinagot at bumalik sa harap ang tingin niya.

Lumapit naman si Kate sa harap niya, "You were a cheerleader? Wow! How much experience do you have?"

"Hindi naman, parang back-up dancers lang. Kung hindi back-up, flaglets lang naman role ko." 

Tinapik naman siya ni Queen, "Anong back-up? Nakalimutan mo na ba? Sabi mo pa nga sakin na ikaw ang team leader, diba?" Nagtatakang tanong ni Queen pero agad na namang tinakpan ang bibig niya, "Jusko! Anyare sakin? Sorry Juls!"

Wow, she was a cheerleader? She never mentioned that. Oh, oo nga pala. I realized that I barely have known her. Ano bang pinag-iisip ko, kakakilala pa nga lang namin nung Biyernes e so basically I really don't know much of her. I'm willing to know everything about her.

"You were what?!" Gulat na gulat na tanong na sigaw ni Kate. "That's awesome, Julie!!" Sabay shake hands pa din sa kanya.

"It's Julia," Sabi na lamang ni Lia at parang nahihiya pa sa mga pangyayari.

As I saw the two of them shaking hands, I could feel like something on my stomach. My ex-girlfriend with the girl I like now is interacting. Is it a good idea or not?

The heck was I thinking again? Ano bang pake ko kay Kate ngayon?

"You should really try out this Friday, Julia," She said and handed Lia a paper. Kinuha niya naman yun at ipinasok lang sa kanyang bag ang form. 

"I'll think about it," After that announcement ay bumalik na sa pagturo si Ma'am but I didn't even bother to listen. 

Napatingin ako kay Lia, naalala ko na naman yung mga nangyayari last Saturday and may mga sinasabi siya na hinding-hindi ko makakalimutan.

"I don't want to hurt you again."

"I don't want to hurt you again."

"Hurt you again."

"Hurt you."

"Again."

I still don't know kung anong ibig niyang sabihin nun but she doesn't want to hurt me again? Why? May ginawa ba siya? 

"Yo! Talino naman pala ni Julia!"

Nabalik ako sa realidad nang sumigaw si Kurt then ngayon ko lang narealize na may mga questions pala na si Lia lang ang tanging nakakasagot.

"Tumahimik ka nga diyan Kurt, panira ka talaga at ingay pa."

"What? Wala akong ginawa sayo ah?" Inosenteng depensa niya at napa-iling na rin, "Weirdo."

Queen's POV

Nang matapos ang English Class ay grabe yung paghingi ko nang tawad kay Julia. I swear talaga na hindi ko alam kung anong meron at sinabi ko lahat nang yun! Para akong sinapian na parang baliw.

"Kumalma ka nga, Queen. Okay na 'yun," Sabi ni Julia habang pinapagaan ang pakiramdam ko, "Hindi naman ako mag-a-audition doon but please naman kung may secret akong sabihin sayo, please keep it a secret talaga."

Tumango naman ako, "Yes po! Pasensya ka na talaga, hindi na mauulit!" Sabi ko at napansin kong sinundan niya ng tingin si John na kakalabas lang ng classroom.

"Okay lang talaga, sige I have to go," Wala pang isang segundo ay nawala na siya sa harapan ko. 

Inakbayan naman ako ni King na ikinagulat ko, "Alam mo Queen Esther, ang swerte mo at isang Julia ang nakilala mo. Kung ibang babae pa yan, patay ka na talaga dahil sa ginawa mo."

I sighed, "Oo nga eh. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko kanina."

"Be careful next time," Then he smiled.

Nakakatunaw yang ngiti niya. As all you know, crush ko siya dati pa pero kasi alam kong hindi ako yung type na mapapansin niya kaya palagi ko siyang sinusungitan, inaway, at inaasar pero crush ko talaga siya dati pa.

Inakbayan niya pa ako eh!

"Excited na ako. I can't wait to see her wear the gymnastics uniform," Siniko ko naman siya. Okay na sana yun eh! Pero bahala na, basta crush ko padin siya.

Julia's POV

Nang umalis si John sa room ay dali-dali ko siyang sinundan at nasundan ko nga siya. Nasa locker room siya at may kausap na babae. I assume she's part of the gymnasts dahil palagi siyang kasama ni Kate.

"Thank you talaga, Marie," Narinig kong sabi ni John at nakita kong nag-uusap sila nung Marie na kasali sa cheerleading team.

"Anything for you, John," Sabay lagay nang kamay niya sa balikat ni John.

Seeing her doing that ay parang may kumikirot sa may dibdib ko. Ano kaya yun? May sakit na kaya ako sa puso o sa lungs?

Umalis na din naman siya at ako naman ang lumapit sa kanya, "John. Pwede ba kitang makausap?"

Lumingon naman siya sa gawi ko, "Oh, Lia? Ano yun?"

"About earlier, galit ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya, straight-forward.

Kumunot naman noo niya, "Ako? Magagalit? Bakit naman?"

"Kasi hindi ko sinabi about yung pagiging cheerleader ko. Hindi ko lang kasi sinabi sayo kasi may past ako na ayaw ko ng balikan pa."

He sighed, "No, okay lang talaga yun. I just really realized that napakadali lang ng panahon. I mean, you're right. It's really not the right time. I also barely know you from the start," He said and half smiled.

"But still thank you, for earlier."

"Nah, no problem. By the way, I'm looking forward to know more about you para naman maging malinaw sakin lahat kung bakit mo ko binasted nung Saturday."

Nanlaki naman ang mga mata ko, "Binasted kita? Nanliligaw ka pala nun?" I sighed, "You don't understand! You just got your heartbreak and --"

Nagulat ako nung bigla niyang sinara ng malakas ang pintuan ng locker niya. Nagulat tuloy yung ibang estudyante, "Please! Huwag mo nang banggitin yan! Bakit ba kayong mga tao kung kagagaling lang sa heartbreak ay ayaw na ninyong maniniwala sa mga nararamdaman namin?! Hindi pa ba sapat yung mga sinabi ko? Everytime I am with you kahit pananandaliang panahon lang, nararamdaman ko eh na ikaw mismo ang bumabalik sa mga puso kong nasira and now my heart is alive again," Pahayag niya bago umalis sa harapan ko.

What could I do? I have started to fall for him kahit pananandalian lang beause who wouldn't? He's sweet, kind, thoughtful and a gentleman. But I am really not ready for a relationship because of Shan.

I would really like to give him a chance but alam kong masasaktan lang siya pag nalaman niya ang totoo tungkol kay Shan and I swear, it could cause great damage. Even me, I don't want to be hurt again and I don't want my mom to be disappointed again.

John's POV

Maagang natapos ang basketball practice namin at dumeretso ako sa locker room ko at pumasok sa banyo para magbihis.

Lumabas na ako at tumungo sa parking lot para makauwi na. May kotse na ako ngayon because eighteen years old na ako at nung sixteen palang ako ay niregaluhan ako ng lolo ko ng isang kotse. Maganda naman siya at mahigit tatlong taon na din ang kotse kong ito.

Nang lumabas na ako ay napadaan ako sa may guard house at may nakita akong pamilyar na babaeng nakaupo sa isang bench. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nakita kong may hawak siyang tissue at narinig ko ang munting hikbi niya.

Nilapitan ko naman siya at niyakap, "Huy, may nangyari ba sayo? Are you hurt?" Nag-alalang tanong ko. It's no other than Lia. Why is she crying?

Pinunasan niya naman ang luha niya, "Wala naman. Nakalimutan kasi akong sunduin ni mama eh tapos ngayon wala akong makakasabay pauwi eh hindi pa din ako pwedeng maglakad dahil malayo at wala akong perang dala pauwi."

Napangiti naman ako, "Sana sinabihan mo ako para mahatid kita. Hello, magkapit-bahay lang tayo."

"Mukhang wala ka kasi sa mood kaninang umaga eh atsaka baka makaabala pa ako sa inyo nung Marie na yun."

Marie? Nakausap ko ba yun? Ah, oo nga pala. Nakita niya ata kami kaninang umaga na nag-uusap. Malamang nakita niya rin na kausap ko siya sa lunch time, it's just about Cheerleading and Basketball stuff.

"Selos ka?"

Hinampas niya naman ako sa braso, "Hindi 'no! Asa ka!"

"But seriously, Marie is just a friend. She's not my type so you don't have to worry about and ay boyfriend na 'yun," Sabi ko sa kanya and is it just me or nakita kong ngumiti siya. Well then, this will be a good start.

"Tara na nga at uwi na tayo," Pag-aaya ko at pinagbuksan ko siya ng pinto. Sumakay naman siya at ako din ay sumakay na sa drivers seat at binuhay ang makina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status