Share

CHAPTER 6

Julia's POV

Just when I opened the front door, I saw my mom's angry face while carrying my baby in her arms. 

"Where the heck were you?!" Galit na galit na tanong niya pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bahay. 

Nagulat naman ako sa tinanong niya at hindi mapigilan ang sarili ko sa pagsagot, "Sino ba naman kasing ina ang hindi sinusundo ang anak niya dun? Hindi mo manlang ako binigyan ng pera kanina."

Agad niyang ibinigay si Shan sakin, "Ako na nga nag-alaga sa anak mo buong araw. Siguro naman sapat na yung rason ko para naman matuto ka ding umuwing mag-isa."

Hindi ko nalang pinansin si Mama at pumanhik nalang ako papuntang kwarto. Minsan hindi ko na kilala si Mama dahil pakiramdam ko ay napaka-bitter at harsh na niya sa akin pero masisisi ko ba siya? Dahil naman sa akin kung bakit nagkaganun siya.

Napansin kong nakaulog na si Baby Shan kaya inilapag ko siya sa crib nang pumasok si Papa sa kwarto ko na mukhang kakauwi niya lang galing trabaho, "Kumusta 'nak? Ayos lang ba ang apo ko?" Tanong niya sakin at hinalikan ang noo ko.

"Ayos lang naman po siya, pero ako hindi," I said and sat on my bed, "Ngayon pa nga lang ako nakauwi kasi hindi ako nasundo ni mama. Hindi man lang ako binigyan ng pera kanina kasi sabi niya susunduin niya ako."

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa pagmumukha niya, "Paano ka nakauwi? Sana tinawagan mo ako kanina para masundo kita." 

"Ayaw na kitang maabala pa sa trabaho mo atsaka sumabay ako kay John kanina pauwi," Sagot ko naman at mukhang nagulat naman siya.

"John? Yun ba yung anak ng kapit-bahay natin?" Napatango naman ako, "Mabuti naman kung ganun pero huwag na huwag mong mabanggit sa Mama mo yan. Paniguradong magagalit na naman yun but I'm happy na may naging kaibigan ka na dito. Sure akong mabuting tao yung si John."

I smiled, "Yeah, he is."

"Pero anak, wag mo masyadong dibdibin yung sinasabi ng Mama mo. Nag-aalala lang yun sayo and she's doing the best for you."

"Pero, ayaw niya kay Shan," Mahinang sambit ko at sabay nun ang pagtulo nang luha ko.

Umupo naman sa tabi ko si Papa at pinunasan ang luha ko sabay yakap sa akin, "Huwag ka ngang mag-isip nang ganyan. Mahal na mahal niya si Shan. In fact, he is now part of your mom's life. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan kayong dalawa kaya nagawa niya yun but I'll try to talk to her later."

I smiled, "Thanks, dad. You're the best dad talaga."

Kumalas naman siya sa yakap, "Kailangan ba kitang i-hatid-sundo bukas?"

"No need. Napag-usapan na namin ni John na siya na ang maghatid-sundo sakin tutal magkapit-bahay naman eh."

Mapilyong ngumiti si Papa that he's like not convinced, "Really? Nililigawan ka na niya ata e."

Nanlaki naman ang mga mata ko, "Pa naman e! Grabe ka talaga, kakakilala lang namin ni John 'no."

"Bakit? Ganun naman din kami ng Mama mo. Nagkakilala lang kami dahil kapit-bahay namin yung pinsan niya and then ayun wala pang isang araw ay napamahal na ako sa kanya. One week lang 'nun, sinagot na niya ako agad kasi ganun din nararamdaman niya." 

"Talaga?" Hindi ko alam ganun pala sila nagkakilala talaga, "Eh paano kung sabihin ko sayo na oo nga eh nililigawan niya ako? Ano bang dapat kong gawin?"

"Sundin mo kung ano ang nasa puso mo."

"Pero pa naman, I know what I feel. To be honest, I fall for him too but maaaring masasaktan ko siya because of Shan."

"Kung mahal ka niya, matatanggap niya kung sino ka man si Shan sa buhay mo," Sabi niya naman, "If you will say yes to him, don't hesitate to tell me. 'Wag mo lang sabihin sa Mama mo. Suporta ako sa inyo," Then he leaved the room.

x x x x x

The next day is a great day indeed. John and I are on really good terms and I just really prove that I am falling for him.

Every morning, we meet outside our houses and every afternoon he always waited for me on my last subject and sometimes I would wait for their practice to finish. 

Kate's POV

I am in the locker room with my friends talking about the new girl which is my classmate Julia, "They hang out a lot and seems so be close. Anong masasabi mo about it, Kate?" 

Tumango naman si Marie sa tinugon ng kaibigan kong si Chloe at nagsalita rin si Marie, "Magkasabay pa nga sila palaging papunta dito at hinahatid din siya pauwi. I told you, she's totally hitting your ex, Kate."

I smirked as I saw them passed and entered the room, "One week palang siya sa school na 'to pero inaagaw na niya ang dapat na sakin. Inagaw niya sakin si John."

Tiningnan naman ako ni Marie na parang naguguluhan, "Nagka-amnesia ka na ba? Baka nakalimutan mo eh ikaw yung nakipaghiwalay sa kanya."

"Oo nga hiiniwalayan ko nga, pero temporary lang yun. Babalikan ko naman siya. Baliw lang talaga 'yang si Kurt, so babalikan ko si John and I'll make sure I will make him mine again," I said at pumasok na rin ako sa classroo. I have to plan hard!

John's POV

I walked down the hallway at hinahanap si Lia kung saan-saan. Naisipan ko na baka nasa may CR siya kaya tumakbo ako papunta doon nang may nabangga ako at napagtanto kong si Giselle pala yon, "Giselle, ikaw pala yan. Sorry."

"Oh, parang nagmamadali ka ah? May hinahanap ka ba?" Tanong niya pero ngumisi din siya bigla, "Or probably, SINO ang hinahanap mo?"

"Si Lia sana," Tumawa naman siya at tila nahula ang nais kong isipin.

"I know that. Nasa CR siya sa second floor, kasama ko 'yun kanina e. Hinatayin mo nalang at aalis na ako't hahanapin ko muna yung boyfriend ko," Pagpapaalam niya at umalis din ng tuluyan. Saktong pag-alis niya ay agad akong tumungo sa second floor at sa CR ng mga babae na saknong lumabas din si Lia. 

Nakita niya naman kaagad ako at ngumiti naman ito, "Oh, John? Anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ka, obviously."

"Ganon. Are you stalking me?" 

I smiled, "Yes! Gwapong stalker 'no?"

"Asa ka naman," Napatawa naman siya, "Seryoso na. Ano kailangan mo at talagang pinuntahan mo pa ako dito?"

Binigay ko sa kanya ang isang form na naglalaman ng form ng tryouts for cheerleader, "Ito, nahulog kahapon sa sasakyan. Isasauli ko lang sa'yo and baka you need it."

Tiningnan niya naman ako at napagbuntong hininga, "I told you, matagal ko nang tinalikuran ang pagiging cheerleader ko. I don't want na bumalik pa sa dati kong buhay, John."

"Please, sali ka na. Makikita lang kita palagi sa school and court. Please, if it wasn't for you, please do it for me," I said, pleading my eyes and I saw her sighed once again.

"Gusto mo ba talaga akong sumali diyan?"

"Yes, gustong-gusto ko."

"Gusto mong makasama ko ang ex-girlfriend mo mo?"

"Yes, if that's the case."

Then she smiled and nodded, "Okay, I will try out. Just for you."

"Yes!" Gustong-gusto ko talagang sumali siya kasi bukod sa makakasama ko siya pero I have learned that it is better to try things again lalo na kung makikita mong passionate and also it will be a best thing para mapadali ang pag-let go and move sa past.

"May isa pa pala," I said then she looked at me, "Si King kasi inaya niyang manood si Queen ng movie mamayang gabi since Friday naman ngayon."

"Wow, movie date? Paano nangyari yun? I mean, aso't-pusa kaya silang dalawa. Mabuti naman kung pumayag si Queen."

"I don't know what happened pero ayun nga, ayaw ni Queen na umalis na silang dalawa lang kaya ako yung isasama nila, parang chaperone kumbaga," Sabi ko naman at tiningnan naman niya ako na nagtataka.

"Tapos, 'yun lang? You're asking for my permission to go with them? Walang problema sakin 'yun."

"Hindi sa ganun. Ang awkward naman kung ako lang kasama nila, 'diba? Ano ako don, third wheel? Ayaw ko kayang maging third wheel. Atsaka gusto kong ikaw kasama ko para hindi ako mag-mukhang kawawa dun."

"Well, sige na nga papayag na ako basta libre mo," Sabi niya at ngumisi siya.

"Libre? 'Yun lang? Okay sige," I said and she quickly turned away, "Hoy, saan ka pupunta? Iiwan mo na ako dito?" 

"Ano ka ba, nasa may CR pa tayo. Baka nakalimutan mong may klase pa tayo, Mr. Aquino."

"Hindi ba may break-time pa?"

"Tapos na po, magkaklase na po at late na nga tayo," Sabi niya at tiningnan ko ang relo ko at napagtanto kong pasado ala una na sa hapon.

"Okay, hindi nako papasok. May gagawin pa ako, bye!" Naglakad ako papuntang canteen at tinext ko si Queen ng Mission Accomplished.

King's POV

Alam niyo ba na masaya ako ngayon? Masaya lang talaga ako. Masaya ako kasi masaya si John, si Julia, si Queen, at ang barkada. Masaya lahat ng tao kaya masaya ako.

Sino naman ba kasing hindi magiging masaya, nakikita kong masayang-masaya ang bestfriend kong si John. Iba-iba ang awra niya at ang mga ngiti niya simula nang dumating si Juia sa buhay niya.

After the break-up, I lost my bestfriend for one month. He never smiled, he never laughed, and mostly, I lost my time with him. Ngayon, I can see he is moved on and kahit hindi ko sasabihin, ibang-iba ang nararamdaman niya even before Kate, hinding-hindi ganito si John.

Iba talaga dating ni Julia at kahit naman ibang lalaki ay madali lang ma-fall sa kanya dahil sa kung anong merong taglay at ugali niya. I can see that he is madly in love to Julia kahit na kakakilala palang nilang dalawa.

"Bruh!" Napasigaw naman ako sa gulat nang biglang may kumalabit sakin. Si John lang pala!

"Nagulat ako ah," Sambit ko at naoobserbahan kong ang saya-saya niya na naman, "Wow. Don't tell me pumayag si Julia 'no? Alam ko na ang ngiting yan," 

"Yeah. Hindi naman mahirap basta atleast makakasama ko siya," Sabi niya naman at tumingin sa relo niya, "It's quarter to three, aalis na ako. Anytime, mag-start na yung tryouts for cheerleading. Gusto ko mapanood tryouts ni Lia."

Cheerleading? "Okay lang ba na sumama ako?" Tanong ko.

Ngumisi naman siya, "I know what's on your mind. Tara na at baka nagsisimula na sila," Lumabas kami ng gate at tumawid patungo sa kabilang gate sa Junior High School Building at tumungo kami sa Court kung saan ay parang kakasimula pa lang ng tryouts.

"Welcome to the cheerleading auditions, ladies. I'm glad you came today," Rinig kong sabi ni Kate sa contestants.

Actually, Dalawa lang naman silang magkalahok at mag-tryoyuts ngayon. It was Julia and a sophomore student who loves dancing.

"Grace, we would like to see you first," Nag perform si Grace at natapos na din siya. She did perfect all along and good. She's really good at dancing.

"That was nice," Sabi ni Giselle and smiled, "But let's see what Julia got."

"I'm really sorry at medyo hindi ako prepared ngayon," I really saw Kate's face. Mukhang naiinis na nakatitig kay Julia. Something's fishy talaga about her.

"Ayos lang yun 'no. Just show us what you got there."

"Para malaman niyo lang, medyo naging inflexible na ako since ilang months na ako tumigil sa pag-cheerlead but here it goes," Sabi ni Julia at nagsimulang tumakbo at nag backtumbling, doing some handsprings and more.

Wow! Literal, she's a goddess of cheerleading! Grabe, hindi man lang siya natumba and I guess she's really great and legend pagdating sa cheerleading and gymnasts or aerobic!

"Dude, may nakita ka na bang ganung moves?" Tanong ko kay John habang nakatitig pa din ako kay Julia.

Namangha lang ako kasi wala sa itsura niya na magaling siya sa cheerleading. To be honest, mas magaling pa siya kay Kate. Si Kate kasi puro pa-sexy lang mostly pinapalabas sa cheerlead and naging head lang because of his Father, the Principal.

"Yeah, nakakakita na ako nang ganung klase. Hirap kaya nun!"

"Talaga? Saan naman?"

"Ano ba tong pinapanood ko ngayon? Nanonood kaya ako ngayon," I rolled my eyes at siya naman tumawa, "Joke lang bro, oo sa TV lang ata eh kundi sa youtube."

Nakita ko naman na napatakbo sa stage si Giselle at niyakap si Julia, "Grabe, Julia! Ang galing mo!"

Tiningnan ko ang reaction ni Kate at muntik na akong mapatawa kasi hanggang ngayon naka-nga-nga pa siya.

Sino bang hindi? I mean, hindi naman niya kasi kaya ang ganung moves. Takot niya nalang siguro na maging team leader na at ma-overtake siya ni Julia. To be honest, Kate is not that good talaga.

Tumayo naman si Kate at tiningnan ang listahan nila, "Well, Grace and Julia. Giselle and I will discuss our decision now. We will come back at you by Monday, alright?"

Binulungan ko naman si John, "Kailan ba naging mataray si Kate? Nung kayo naman eh napakabait niyan."

"Maybe hindi lang natin kilala ang tunay niyang pagkatao," Napatango naman ako sa sinagot niya. Oo nga naman noh?

Tumayo naman agad si John at pumunta sa pwesto ni Julia. Okay. I am left alone by now. Sumunod nalang ako kay John pero nasa likuran lang ako.

"Ang galing mo talaga, Lia. No, hindi lang magaling. I cannot explain it! What you did was breathtaking. Hindi ko ine-expect na magagawa mo yun."

"Ako din naman eh. Akala ko kasi hindi ko na kaya but thank you. Thank you for pushing me into this. I just felt relieved when I perform. Nawala yung bigat na nararamdaman ko," Sabi ni Julia at nakita kong hinalikan ni Julia si John sa pisngi at namula ba naman yang best friend ko.

Ngumiti naman ako pero napansin ko din si Kate na iritang-irita na naka titig sa dalawa. May something talaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status