“S-Sugod…?”Nauutal din ang kalbong lider ng mga bodyguard, pero sa sandaling nagsalita siya, nilabanan ng mga bodyguard sa paligid niya ang takot nila habang tinaas nila ang mga sandata nila. “S-Sugod, dali, sugod!”“S-Hindi! Takbo!” Sa wakas ay natapos na ng kalbong bodyguard ang sasabihin niya, ngunit nagsimula na ang kaguluhan at walang nakarinig sa kanya. Sinubukan ni Frank na patigilin sila gamit ng sigaw niya at suminghal nang nakita niyang gusto nilang mamatay.“Dahil ito ang gusto niyo, ayos lang sa'king tuparin yan.”Binawi niya ang purong lakas niya dahil hindi niya kailangang ang buong lakas niya laban sa mga pangkaraniwang taong ito. Nang bumwelo ang isang falchion papunta sa kanya, humakbang siya sa gilid, hinawakan ang palad ng lalaki, at dinurog ito."Argh!!!"Hindi nagtagal ay sumigaw ang bodyguard na nauna sa pag-atake habang inagaw ni Frank ang falchion mula sa mga kamay niya at hiniwa ang mga taong sumugod sa kanya. Sumayaw siya na parang paru-paro sa
Alam ng lahat na ang Cloudnine Sect ay isang higanteng hindi pwedeng banggain ng kahit na sino sa Riverton—kahut ang Sage Lake Sect ay langgam lang para sa kanila. Marami silang mga ekspertong nakarating na sa tuktok ng Birthright rank, at ang ilan pa nga ay sinasabing nasa Ascension rank. Usap-usapan pa ngang nakarating na ang chief nila sa godhood tatlong taon ang nakaraan!Ang top ten ng Skyrank ay konektado ng lahat sa South Sea Four at wala silang pakialam sa Riverton. Kahit na ganun, sobrang yabang pa rin ni Frank at hindi siya niya nag-aalala sa kanila?Sa sandaling iyon, natalo ng interes ni Burt kay Frank ang takot niya sa lalaking iyon. Ano ba talagang nangyari sa Battle of the South Sea tatlong taon ang nakaraan? Bakit mauuwi sa maliit na Riverton ang apprentice na ito ng Mystic Sky Sect? Kahit na ganun, hindi siya nagtanong dahil nagmamakaawa pa rin siya kay Frank. Bigla siyang naging inspirado sa kabila ng banta sa buhay niya. Lumuhod si Burt at dinikit ang muk
Ang mga mabababang apprentice kagaya ni Burt ay hindi kailanman hahayaang maturuan ng core teachings ng Sage Lake Sect—kailangan niyang personal na hanapin at aralin ang sari-saring martial art techniques nang mag-isa. Binibigay lang ng Sage Lake Sect ang impluwensya at suportang pinansyal nila, wala nang iba pa. Sa kabilang banda, sa sandaling nagsabi siyang gusto niyang sumali sa Mystic Sky Sect, pinatawad na ni Frank ang kabastusan niya kanina at sinabihan siyang handa niya siyang turuan ng Mystic Sky Sect martial arts. At ang Mystic Sky Sect ang pinag-uusapan nila rito—ang dating kapantay ng Cloudnine Sect!Sa lakas ni Frank, masyadong malinaw ang lebel ng martial arts na ginamit niya! Buo na ang isip ni Burt sa sandaling iyon—sa halip na pagsilbihan ang Sage Lake Sect bilang utusan at magdusa sa mga kagustuhan nila, bakit di na lang niya pagsilbihan si Frank?Ang pagsali sa Mystic Sky Sect at matutunan ang martial arts nila ay isang bagay na hindi niya naisip ngunit kusa
Hindi napigilan ni Helen na bumuntong-hininga nang palihim sa kadaldalan ng nanay niya—paano niya ito ipapaliwanag?Kahit na ganun, nanatiling kontrolado ang ekspresyon niya habang naiilang siyang nagsabi, “Usapin ito ng pamilya ko, Chaz.”“Kung ganun, di ako magtatanong,” sabi ni Chaz na maginoong ngumiti. “Oh, at wag kang mag-alala—tumawag na ako ng isang sikat na Seaham healer. Papunta na siguro siya rito at tutulong na pagalingin si Luna.”“Talaga? Salamat, Chaz!” Sabi ni Helen sa gulat at mabilis niya siyang pinasalamatan.“Bakit nagiging pormal ka na naman? Ang problema mo ay problema ko rin, ok?” Nanatiling nakangiti si Chaz.“Mismo! Tignan mo kung gaano kagaling si Mr. Graves, at siya rin ang chief ng Seaham Martial Artist Association!” Lumitaw si Gina mula sa kung saan at binola si Chaz sa pinakamalakas na boses na magagawa niya. “Helen, dapat maging mas mabuti ang pagkakaibigan niyo at kalimutan mo na ang basura mong dating asawa.”“Hmph. Hindi man lang nararapat ang ba
Nagpatuloy na dumada si Gina, “Ipinahamak ni Frank si Helen nang napakaraming beses, at muntik pang masira ang mukha niya noon! Kung tuturuan siya ni Mr. Graves, hindi siya madaling mapapahamak!”“Sigurado yun.” Mapait na tumawa si Chaz bago tinanong si Helen, “Ano? Wala ka bang gagawin ngayong araw?”Tatanggi sana si Helen nang bigla niyang naalala kung paano siya nadukot nang pagkarami-raming beses at kung paanong kailangan siyang iligtas ni Frank.Naisip niya rin si Vicky Turnbull na nakangiti sa kanya nang tuwang-tuwa. Narinig niyang dating eksperto sa martial arts si Vicky pero nawala ang cultivation niya dahil sa sakit. Pero ngayong gumaling na nang tuluyan si Vicky, sandali na panahon na lang bago bumalik ang cultivation niya. Habang lalo itong inisip ni Helen, mas lalo siyang hindi napakali. At dahil maambisyon siya, seryoso siyang tumango kay Chaz. “Interesado ako. Sana maturuan mo ko nang ilang bagay—sa ganitong paraan, kapag napahamak ako ulit, hindi na ako magiging
Naramdaman ni Frank ang lungkot sa mga salita ni Henry sa kaunting pag-uusisa lang. “Wag mong sabihin yan, Lolo. Tinawagan mo ko para tulungan si Luna, di ba?”“Hindi ko gustong madamay, at mas alam ko kung anong ugali nina Jade at ng anak niya. Pero…”Huminto si Henry at bumuntong-hininga nang matagal. “Isipin mo na lang na huling pabor ko na'to mula sa'yo, at hindi na ako maghahangad ng iba pa…”“Anong sinasabi mo?!” Sumama ang mukha ni Frank at nanginig ang mga daliri niya sa phone niya nang bumuntong-hininga siya. “Hindi ako mabubuhay ngayon kung hindi dahil sa'yo.”“Pasensya ka na talaga, Frank…”Nasaktan si Frank na marinig ang nanginginig at luhaang boses sa kabilang linya. “Wag kang mag-alala, Lolo—ililigtas ko si Luna, at wag mong sabihing ito na ang huli. Hindi babagsak ang pamilya mo basta't buhay ako.”Gayunpaman, tahimik siyang umupo sa drawing room pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay nakita siya ni Winter na nakaupo pa rin roon nang bumalik siya mula sa campus. N
Sumigaw si Jade, “Mahina ang bato ng anak mo! Ganun din ang buong pamilya mo!”Nang walang masabi at galit na galit, nagsimulang umalis ang lalaking nakaitim. Kahit na sinabihan siya ni Chaz na pumunta mula sa malayong Seaham, maiistroke siya sa sandaling tiisin niya ang isang bastos na kagaya ni Jade nang isa pang segundo. “Kumalma kayo.” Mabilis siyang pinigilan ni Gina na mapaumanhing ngumiti nang nakita niyang sumama ang sitwasyon. “Masyado lang nag-aalala ang kamag-anak ko sa anak niya. Pakiusap, subukan niyong tulungan si Luna para kay Mr. Graves—gagantimpalaan namin kayo nang malaki kapag gumaling siya.”Medyo kumalma ang lalaking nakaitim nang nabanggit si Chaz at ang gantimpala, pagkatapos ay tumango siya. “Kumuha pala kayo ng drakeroot. Kailangan mo lang itong dalhin sa'kin, at mapapagaling ko siya.”Bumuntong-hininga si Gina. “Pasensya ka na, pero mukhang hindi namin kayang makakuha—”“Iyon ay dahil ginamit ni Frank Lawrence ang nag-iisang nahanap namin!” Sumingit si
Kagaya ng inaasahan, sumugod sina Gina at Jade sa mansyon ni Frank sa tuktok ng burol sa Skywater Bay kasama nina Cindy at ng boyfriend niyang si Hughie. Hindi sila makakapasok dapat, ngunit nagawang makausap ni Hughie ang security at dinala sila sa mansyon ni Frank. Nang pinindot nila ang doorbell, nagulat silang makitang ang nagtatakang si Winter ang sumagot sa pinto sa halip na si Frank. Tinulungan niya si Carol papunta sa bagong snackbar niya at nakasuot siya ng bear print apron dahil tiningnan niya si Carol na maghanda ng hapunan. “Sino ang hinahanap niyo?” Nagtatakang nagtanong si Winter. Hindi niya nakilala ang mga mukhang ito. Bago pa nakapagsalita si Jade, tumayo si Gina nang magkapatong ang mga braso sa harapan niya at bumunganga, “Sumosobra na talaga si Frank Lawrence, may puta pa pala siya! Basura talaga siya!”“Tinawag mo ba akong puta?” Nagulat si Winter na takang-taka. Snap!Kinunan ni Cindy si Winter ng larawan bago niya ito napansin, “Nakunan ko siya ng l
Sinundan ni Frank ang mga Favoni sa isang mas maliit na gusali sa likuran, at nakita niyang napapaligiran na si Abel ng lahat bago pa man siya makapasok.Nakatayo siya sa gilid ng grupo, iniiwasan ang pagbati kay Abel dahil pinapanood siya ng dalawang bantay ng Favoni.Pinayagan lang nila si Frank na maghintay imbes na makialam.Pagkatapos ng lahat, sinabi sa kanila na si Jaden Favoni, ang bituin ng mas batang henerasyon ng pamilya, ay kalahating patay na dahil kay Frank.Kahit na nalinis na ni Frank ang kanyang pangalan at napatunayan na hindi siya isang kasuklam-suklam na lasonero, patuloy pa rin na inakusahan siya ng mga Favonis.At kung ano mang sinabi ng mga nakatataas ay natural na tinatanggap ng mas seryoso ng mga minion, kaya't naging mabagsik ang mga bantay na ito kay Frank.May mga Favoni martial artist pa nga na dumating, tinitingnan si Frank kung talagang magaling siya.Kung tutuusin, nagkaroon na sana ng laban kung hindi pa sila pinigilan ng dalawang bantay na iyon.
Frank ay nagpalaki ng kanyang dibdib nang may kumpiyansa. "Madali lang—gagamutin ko si Jaden, habang sasabihin mo sa akin kung nasaan ang pinuno ng Martial Alliance. Ano sa tingin niyo?""Pfft."Si Lubor ay tumatawa agad nang matapos si Frank, pinapanood siya nang may kasiyahan."Ginoong Lawrence, akala mo ba kasing tanga namin ka? Sino ang maniniwala sa mga kalokohan mo? Paulit-ulit ko nang sinasabi—ang Soulbleeder ay isang bagong bagay na nilikha ng Hundred Bane Sect, at tanging ang mga nakatatanda namin ang makakapigil dito. Mag-ingat ka, baka magkamali ka ng salita kung patuloy kang mag-iimbento."Nanatiling kalmado si Frank sa kabila ng paghamak ni Lubor, nilingon ang kanyang ulo habang sinabi, "Nakikita kong nahuhulog ka sa isang dilemma, Mr. Favoni. Kaya paano ito? Dalhin mo ako sa iyong anak, at sabihin mo sa akin kung nasaan ang pinuno ng Martial Alliance kung magtatagumpay ako. Kung hindi, ako ang mananagot... kahit na mahahawahan din ako at mamamatay dahil sa aking mga kas
"Pwede mo itong isipin na ganun!"Agad na tinanggal ni Edon ang mga disguises, inilabas ang isang nagniningning na bolo mula sa likuran niya at itinaga ito sa mesa sa harapan niya.Tinutukso si Frank, sumigaw siya, "Mas mabuting magsabi ka ng totoo, o hindi ka makakalabas ng bahay na ito!""Pfft…" ngumisi si Lubor kasabay ng pagbigat ng hangin sa loob ng silid."Anong pinagtatawanan mo?!" galit na tanong ni Edon.Pinagbantaan niya si Frank dahil ayaw niyang manalo si Lubor.Kung makakapagligtas sila kay Jaden sa pamamagitan ng paggawa ng anumang ginawa ni Frank, hindi nila kailangang isuko ang pinuno ng Martial Alliance sa Hundred Bane Sect.Hindi nila papagsasamantalahan ang Martial Alliance at tiyak na hindi nila bibigyan ng kalamangan ang Hundred Bane Sect laban sa kanilang sarili.Gayunpaman, kung naisip iyon ni Edon, tiyak na kayang isipin iyon ni Lubor."Tulad ng sinabi ko, Edon, ang Soulbleeder ay isang pambihira ng Hundred Bane Sect. Wala nang sinuman ang makakapag-neu
Hindi tuwirang sumagot si Chet sa tanong ni Frank, sa halip ay tahimik na nagtanong, "Maaari ko bang malaman kung sino ang nagtanong sa iyo at bakit mo hinahanap ang pinuno ng Martial Alliance?”Sagot lang siya sa isang tanong ng isa pang tanong, ibinabalik ang responsibilidad kay Frank."Ito ang hinihingi ng kanyang ama, at tungkol sa kung bakit…"Huminto si Frank, mabilis na ngumiti habang nag-iisip ng isang ideya. "Engaged kami noong mga bata pa kami, at tinutupad ko ang pangakong iyon.""Ano?”Nagulat si Chet, at ipinikit ang kanyang mga mata sa pag-iisip.Ang pinuno ng Martial Alliance ay engaged?!Wala siyang ideya… Hindi, wala ni isa sa Martial Alliance ang nagbanggit tungkol doon!Ginagago ba sila ni Frank?!Para kay Frank, kailangan niyang magkaroon ng makatwirang dahilan para sa kanyang paghahanap sa pinuno ng Martial Alliance, o magmumukha siyang walang karapatang makialam.Gayunpaman, mayroon siya—kahit na si Silverbell ang pinuno ng Martial Alliance, may problema b
Malalim na ang gabi nang dumating si Frank sa Favoni House sa Norsedam.Talagang nakaka-curious ang mga sinaunang kasangkapan sa paligid ng tahanan habang inakay siya ng isang katulong papasok.Ang mga Favonis talaga ay isang angkan ng martial arts, mula sa arkitektura, mga hardin, hanggang sa mga fountain na pinalamutian sa tradisyunal na estilo.Dinala siya sa isang silid-pahingahan at pinagsaluhan ng isang baso ng mamahaling tsaa.Hindi inasahan ni Frank ang ganitong magalang na kilos—akala pa nga niya na gusto ng mga Favonis ng paghihiganti.Gayunpaman, hindi nagtagal ay nakakita siya ng pamilyar na mukha.Si Stella Favoni ito, nakasuot ng masikip na training robes at mukhang nagulat nang makita siya roon. "Ikaw nga… A-Anong ginagawa mo dito? Sandali, huwag mo sabihin…"Napalid ang mukha ni Stella nang maisip niyang dumating si Frank para sa paghihiganti.Maging mula sa kanyang pananaw, si Frank ang inatake nang walang dahilan sa Lanecorp, pinagsalitaan ng masama ng kanyang
Dahil doon ay kinamumuhian ni Edon si Lubor.Bukod pa rito, kung si Lubor ang mangunguna, ang kanilang pamilya ay ganap na mapapasailalim sa kontrol ng Hundred Bane Sect at magiging parang mga daga sa laboratoryo.Kaya't hindi kailanman nagbaba ng kanyang bantay si Chet kahit na tila nagpapadala si Lubor."Chet, bakit hindi na lang natin tanggapin ang alok nila?"Edon ay lumingon sa kanyang nakatatandang kapatid na may pag-aalala. "Basta't hindi tayo maging mga vasal ng Hundred Bane Sect, anumang bagay ay puwedeng hintayin pagkatapos nilang gamutin si Jaden.”"Nagiging tanga ka."Umiling si Chet, may ngiti sa kanyang mukha habang tinitingnan si Edon. "Talaga bang iniisip mong tapat si Lubor sa pagtulong sa atin? Isipin mo lang—ano ang gagawin ng Martial Alliance kung malaman nilang ibinigay natin ang kanilang pinuno sa Hundred Bane Sect?”"Oh!" Pinagsampal ni Edon ang sarili sa hita sa napakaraming beses at galit na galit na humarap kay Lubor.Alam ko na may masama kang balak!
"Si Jaden ay pangalawa sa Skyrank!" sigaw ni Edon nang may kaba kay Chet. "At siya ang anak mo! Isipin mo na lang—kung lalago pa ang batang iyon, hindi lang tayo magiging isa sa pinakamalalakas na dinastiya sa East Coast… Baka magtatag pa tayo sa Morhen!”"Alam ko." Bumulong si Chet, nagbigay ng malamig na tingin sa kanyang kapatid."Pero sino pa bukod sa Hundred Bane Sect ang makakapagligtas kay Jaden ngayon? Gayunpaman, kung susundin natin ang kanilang mga hinihingi, ang pagsusumikap at hirap ng ating pamilya na umabot ng mahigit isang daang taon ay magiging walang kabuluhan.""Kabaligtaran ng Martial Alliance, ang Hundred Bane Sect ay magkakaroon ng ganap na kontrol sa ating pamilya. Kung saan ang Martial Alliance ay isang maluwag na organisasyon, magiging mga daga kami sa kanilang laboratoryo. Kahit na ikaw ang nasa aking kalagayan, magagawa mo bang isakripisyo ang napakarami sa atin para kay Jaden?""Tama yan, pero…"Gusto sanang makipagtalo ni Edon pero nagmukmok siya dahil wa
Si Edon ay handang ituro ang ilong ni Chet at magalit, ngunit natigilan siya nang kalmadong sinabi ng kanyang kapatid, "Nandito ang pinuno ng Martial Alliance sa ating tahanan.”"Ano? Ang pinuno ng Martial Alliance?! Ibig mong sabihin…""Oo." Tumango si Chet nang malungkot, tinitingnan ang gulat na reaksyon ng kanyang kapatid bago dagdagan, "Siya ay nasugatan, halos nawala na ang kanyang pagsasanay.""Kung ganun, ang spiritron vein…""Wala ito sa kanya," sagot ni Chet.Habang lumabas ang pagkadismaya sa mukha ni Edon, nagpatuloy si Chet nang kalmado, "Alam ko kung ano ang iniisip mo—sa katunayan, iniisip ko rin ito nang matanggap ko siya. Gayunpaman, binitiwan na niya ito bago siya dumating, at ang Martial Alliance ay nawalan ng mahigit isang daang martial artist sa laban. Wala namang kakulangan sa mga ranggo ng Ascendant, at siya lamang ang nakatakas, halos patay na."Bumuntong-hininga nang malungkot, nagwakas si Chet, "Para sa akin, malinaw mula dito na ang spiritron vein ay ma
Matapos mag-alinlangan nang ilang sandali, tumingin si Helen kay Frank, namumula ang kanyang mga pisngi habang nag-aalangan, "D-Darling… Gusto ko rin ang nakuha ni Vicky…”"Hahaha! Sinasabi ko na nga ba!"Sumigaw si Vicky nang bigla siyang lumitaw sa likod ni Helen, nakangiting masaya habang nakayakap ang mga braso sa kanyang dibdib."Sabihin mo na kasi. Hindi ka ba nahihiya, palaging kinakabahan sa edad mo, Ms. Lane?""Umayos ka!" sabay talikod ni Helen kay Vicky at nagalit.Nang lumingon si Helen, nakita niyang si Frank ay nasa harap niya, nakayuko upang bigyan siya ng mainit na halik sa noo.Habang inabot niya nang walang isip ang kanyang noo, tumingin siya pataas at nakita ang ngiti ni Frank.Namumula sa kahihiyan, humarap siya at umalis, humihikbi. "Sige na, tama na yan! Oras na para sa hapunan!"Kahit na hinahabol niya ang tumatawang si Vicky sa loob, tumingin si Vicky kay Frank. "Bumalik ka agad.""Oo." Tumango si Frank, nakangiti.Mamaya, habang kinuha ni Helen ang isan