“Target lock,” bulong ko at natawa nang walang humor.
Inalis ko ang suot kong shades at pinagmasdan ko ang pakikipagkamay ng kliyente sa isang tanyag na Atty. Theodore Galvez, ang tinitingalang abogado ng marami dahil sa magandang reputasyon at napakalinis niyang record, na kahit minsan ay hindi pa natatalo sa ano mang kaso na hinawakan niya. Naibaba na ang hatol at naipanalo niya ang laban. Hindi na iyon bago at inaasahan na ng marami ang tagumpay ni Theodore. Napawalang sala ang lalaki sa kasong murder, but I didn't know if the guy really killed someone. Ang importante lang naman sa abogadong ito ay mapalaya ang client niya.
Napangiti ako nang mapait nang muling manumbalik sa alaala ko si Theodore Galvez. Ang abogado na siyang dahilan kung bakit ako nakulong. He was the lawyer of the other party at siya ang nagdiin sa akin sa kasong hindi ko naman ginawa. Ito ang walang pusong lalaki na hindi man lang ako pinakinggan sa mga paliwanag ko, but look how playful destiny was. Wala akong kahirap-hirap na makalalapit sa kanya.
Napalingon siya sa akin at mukhang nagulat siyang makita ang mukha ng isang Margaret Villacaceres.
It was good to be back with a new face. Ilang taon din akong namalagi sa America para pag-aralang mabuti ang katauhan ni Margaret, na ultimong pangangatawan niya ay napilitan pa akong mag-gym para makuha ko lang ang sapat na bikas ng bawat parte. And now, I was ready to face all of the people who ruined my life, at kasama na roon si Atty. Theodore Galvez. He would be the key to my sweetest revenge. Siya ang magiging susi ko para malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa asawa ko.
"Margaret?" Gulat siyang napalapit sa akin at matamis naman akong napangiti sa kanya.
"Hey, husband." I laid my hands on his broad chest and gently caressed it. "Missed me?"
"What the hell are you doing here?" nanggagalit niyang tanong sa akin at hinila niya ang braso ko palayo sa maraming tao. Ngumisi akong hinaplos ang maamong mukha ni Theodore.
"Hindi ka ba masaya makita ang asawa mo?" mapang-asar kong tanong sa kanya.
Theodore Galvez was the secret husband of Margaret Villacaceres. It was a fixed marriage between them, and as far as I knew, itinago nila sa maraming tao ang tungkol sa kasal. They just married each other dahil sa utos ng pamilya ng bawat isa, and they had a deal that they wouldn't involve each other in their lives unless the family codes required them to.
Hindi ko alam kung nasaan ngayon ang totoong Margaret Villacaceres at ang may-ari ng bago kong mukha. Pero ang sabi nina Daphne at Christian, ang dalawang tao na nagligtas at tumulong sa akin, hindi na raw babalik pa si Margaret kay Theodore. Hindi ko alam ang ibig nilang sabihin. Pero ang sabi nila safe na gamitin ang mukha ni Margaret. Malaki rin ang kasalanan ni Theodore Galvez kina Daphne at Christian. Si Theodore ang abogado na nagpakulong sa mga magulang nina Daphne at Christian. Namatay sa kulungan ang mga magulang nila kaya malaki ang galit ng magkapatid kay Theodore. Kapalit ng pagtulong nila sa akin ay tutulungan ko rin silang pabagsakin ang abogadong ito.
"We have an agreement. Baka nakakalimutan mo iyon? Anong kailangan mo?" bakas ang inis sa tono niya.
Mahina akong natawa. It was my first time to meet the most prominent and respected attorney as Margaret, and I never thought na ganito siya ka-straightforward.
"Nothing. I just want to see you, husband."
"Don't play games with me, Margaret. We didn't grow up together for nothing. I know you well."
Oh, and I forgot that they grew up together. Pero ayon sa background ni Margaret at ni Theodore, hindi sila magkaibigan. They were forced to like each other, pero talagang mainit ang dugo ni Theodore kay Margaret dahil sa bitchy attitude nito.
Napangiti ako. Hinawi ko ang buhok ko, at inilapat ang labi ko sa tainga niya. He smelled good. It was something sweet with a touch of fresh mint, but still a manly scent that every woman would love.
"I want to live with you," diretso kong bulong sa kanya.
He was the one who held my case before as Beatrice Pascual, and it would be easy for me na makilala ang mga tao sa likod ng pagkakakulong ko kung mapapalapit ako sa kanya. He was the only way to have my revenge and find justice, hindi lang sa pagkamatay ng asawa ko kundi pati sa ilang taong pagkakakulong ko.
"Move away, Margaret. It's beyond our contract," mahinang bulong niya, and obviously ay nagpipigil siya na sumabog sa inis.
What a hot-headed man. Mukha siyang kalmado sa harap ng korte pero mukhang mainit ang dugo niya sa likod ng pagkatao ni Margaret.
"Oh well, you can't say no to me, dear husband. Alam mo iyan," nakangisi kong hinila ang necktie niya. Inayos ko iyon at mapang-inis na hinagod ang mukha niya hanggang magsalubong ang mga tingin naming dalawa.
Nagdidilim ang mga mata niya sa sobrang inis. I didn't know what secrets he had, pero ang tanging alam ko ay kayang-kaya siyang pasunurin ni Margaret dahil sa isang sikreto na walang ibang nakakaalam. I needed to know it too, as soon as possible, para mahawakan ko rin nang maayos sa leeg si Theodore.
"Nasaan ang mga gamit mo?" Huminga siya nang malalim at tila kinakalma ang sarili.
Naging isang maamong tupa ang nagwawalang leon kanina. I loved being Margaret. She had a powerful personality. Hindi tulad ng isang Beatrice, mahina at tanga.
"Nasa tabi ng sasakyan mo. Would you put it in your car trunk?"
Hinilot niya ang sentido, tipid na napatango habang hindi maipinta ang mukha. Ngumisi ako at naunang sumakay. Sumunod siya at walang kumibo sa amin sa buong oras ng biyahe. I kept staring at the road, vividly remembering everything. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano niya sinabi sa mukha ko na ako ang pumatay sa sarili kong asawa limang taon na ang lumipas.
Mariin akong napapikit at umiwas ang tingin kay Theodore. Hanggang ngayon ay nanatili pa ring sariwa ang lahat, ang lahat ng mga ginawa at ibinintang nila sa akin. At ang lalaking ito, isa siya sa dahilan kung bakit ako nakulong.
Paano nagawa ng isang abogado na ipakulong ang mga taong walang sala at palayain ang mga tunay na kriminal? Were they really after money? Fame? Reputation? Dahil kung oo, hindi niya deserve ang titulo niya bilang abogado dahil nilalagay lang nila ang batas sa sarili nilang mga kamay at ninanakaw ang totoong hustisya.
Napuno muli ng galit ang puso ko nang maalala ang lahat sa nakaraan, pero hindi na nila ako muling maaapakan dahil lalaban ako at lilinisin ko ang pangalan ko. Babalikan ko ang lahat at sisiguraduhin ko na makakamit ko ang hustisya para sa amin at para kay Felix.
"This will be your room and your keys. Utang na loob, kung may balak kang umuwi ng madaling-araw at lasing, huwag kang mag-ingay. Iyon ang oras ng tulog ko," seryosong bilin ni Theodore nang inabot niya sa akin ang susi.
Luminga-linga ako sa buong kwarto. It was pretty big and nice. Maganda ang taste ng lalaking ito sa bahay at sa mga gamit at disenyo. It had a minimal design yet it was so aesthetic, at halatang mamahalin ang lahat ng nandito. Mula sa mga furniture hanggang sa huling hibla ng painting ay masasabi kong may kamahalan. Ganito pala talaga kayamanan ang mga Galvez.
Or should I say na marami na siyang naipon sa pagiging abogado niya? But I didn't think so. I always heard how famous they were, at hanggang sa ibang bansa ay umaabot ang negosyo nila. They were also involved with the biggest personalities and politics, but their backgrounds remained private, kaya nga walang mahanap na butas ang mga kalaban nila sa negosyo para pabagsakin ang mga Galvez.
Now, I wondered what secrets they had. Gaano ba kabaho ang tinatago ng mga Galvez at tila takot na takot si Theodore sa pinanghahawakan ni Margaret.
"And one more thing, you are not allowed to touch anything. Hindi ka rin pwedeng pumasok sa ibang kwarto at lalo na sa opisina ko, Margaret. Kapag nahuli kitang pumasok doon ay hindi ako magdadalawang-isip na paalisin ka rito. Naiintindihan mo ba?"
Natigilan ako sa paglilibot ng tingin at ibinaling ang atensyon sa lukot na noo ni Theodore. In fairness, kahit gaano kasibangot ang pagmumukha niya ay nanatiling gwapo siya.
Nakapagtataka kung bakit pumayag si Margaret na humiwalay nang tuluyan sa isang gwapong lalaki, o baka boring ang buhay na kasama niya? Knowing Margaret, she was a fan of bar hopping and parties. She enjoyed her life at ayaw niyang kinokontrol at pinagbabawalan siya sa mga gusto niyang gawin. She also got everything she wanted, kaya siguro ay hindi niya ginusto ang makisama sa lalaking ito.
"Naiintindihan ko. Hindi naman ako bobo," mataray kong sagot sa kanya at napaupo sa gilid ng kama.
Kung hindi ako makakapasok sa opisina niya ay walang sense ang pag-stay ko rito. I couldn't wait for long, kaya oras na makaalis siya ay dapat na agad akong kumilos para maghalungkat ng mga lumang papeles ni Theodore. Kakailanganin ko iyon para mas maintindihan ko pa kung ano ba talagang nangyari sa kaso ko, na kung bakit ako ang naidiin sa pagpatay kay Felix.
Napatingin ako sa kanya at napaisip nang mabuti. Why did he really hate Margaret? Was he gay? I suddenly wanted to test how this man reacted around Margaret.
May kalokohang pumasok sa isip ko kaya marahan kong inalis ang sapatos. Sadyang ipinakita ko pa ang mahahaba kong hita bago mapang-akit na kinagat ang labi. Ibinaba ko ang zipper ng suot kong dress.
"Pwede mo ba akong tulungan?"
"Marami pa 'kong gagawin," mabigat ang paghinga niyang sagot sabay iwas agad ng tingin.
Ngumisi ako sa naging reaksyon niya.
I knew it. He had an attraction, somewhat, to Margaret.
"Kung may kailangan ka, kumatok ka na lang. Katabi lang nito ang kwarto ko," sabi niya nang hindi man lang ako tinitingnan.
"Alright!"
At lumabas na siya ng kwarto.
Nakakatawa. Halatang malakas ang epekto ni Margaret sa kanya at hindi naman siya mukhang bakla sa reaksyon niya. Sa tingin ko, umaayon ang lahat sa 'kin at mas magiging madali ang lahat. Ito pa lang ang umpisa. Babalikan ko ang lahat ng taong dahilan kung bakit ako nakulong pati na rin ang taong kumuha sa anak ko.
Gagamitin ko si Theodore para maabot ang lahat ng iyon at hindi ako titigil hangga't hindi sila nagbabayad sa lahat ng kasalanan nila sa akin.
I will crash them until they beg me to stop. Ipaparanas ko sa kanila ang lahat ng pinagdaan ko.
At kapag tapos na ako sa kanilang lahat ay lalayo kami ng anak ko. Mamumuhay kami ng malayo sa kanila.
Pawis na pawis ang buo kong katawan. Kumakalam na rin ang tiyan ko, pero wala pa rin akong mahanap na papeles o ebidensya sa buong bahay ni Theodore.I think I could only find it inside his office or in the master's bedroom, but I didn't have the keys for those. All I had was for the main door.I sighed in frustration. Kanina ko pa balak sirain iyong mga doorknob, pero ayaw ko naman magduda siya o maghinala sa akin. Maayos ko pa nga ibinalik iyong mga gamit sa kung paano iyon nakaayos bago ko ginalaw.Sobrang linis ng buong bahay at hindi mo aakalain na busy ang nakatira rito. Siya kaya ang naglilinis?Pagod kong ibinagsak ang katawan sa may malaki at puting sofa na hugis S. Napaisip-tuloy ako kung ano na nga ang tawag dito. I already saw this kind of sofa before in my husband's online cart. Binili niya nga iyon pero walang dumating sa bahay. And I wasn't sure what the purpose of this sofa was, but it felt comfortable on my back.Bigla akong nahulog sa sofa nang dumagundong ang barito
"Tamang-tama ang gising mo!” I smiled and greeted Theodore as he walked in.Salubong pa ang kilay niya nang makita niya akong nasa kusina at naghahanda ng almusal. I shouldn't forget that I still needed to be nice to him and not too harsh. Hangga't hindi ko pa nalalaman ang sikreto niya, hindi ako dapat magpadalos-dalos sa mga gagawin at desisyon ko, and most of all, hindi ko dapat inisin o galitin nang husto ang lalaking ito.Katulad ng plano namin nina Daphne at Christian, I needed to win his trust so everything would work according to my plan. Kung kailangan ko munang magbait-baitan sa kanya, why not? Baka iyon lang ang paraan para makakuha ako ng mga impormasyon."What's with that face? Ang aga mo namang nakasimangot. Smile, the sun rose perfectly. Or are you trying to lessen your oozing charm?" I laughed at my own joke, but he didn't and just stared at me intently.Para akong baliw na mag-isa na tumatawa habang nakatanggap ng seryosong mga tingin nito. Umubo ako at itinigil ko an
“Target lock,” bulong ko at natawa nang walang humor.Inalis ko ang suot kong shades at pinagmasdan ko ang pakikipagkamay ng kliyente sa isang tanyag na Atty. Theodore Galvez, ang tinitingalang abogado ng marami dahil sa magandang reputasyon at napakalinis niyang record, na kahit minsan ay hindi pa natatalo sa ano mang kaso na hinawakan niya. Naibaba na ang hatol at naipanalo niya ang laban. Hindi na iyon bago at inaasahan na ng marami ang tagumpay ni Theodore. Napawalang sala ang lalaki sa kasong murder, but I didn't know if the guy really killed someone. Ang importante lang naman sa abogadong ito ay mapalaya ang client niya.Napangiti ako nang mapait nang muling manumbalik sa alaala ko si Theodore Galvez. Ang abogado na siyang dahilan kung bakit ako nakulong. He was the lawyer of the other party at siya ang nagdiin sa akin sa kasong hindi ko naman ginawa. Ito ang walang pusong lalaki na hindi man lang ako pinakinggan sa mga paliwanag ko, but look how playful destiny was. Wala akong
Sunod-sunod na umaagos pababa sa pisngi ko ang aking mga luha habang nakatingin sa abogado ng kabilang panig.Si Atty. Theodore Galvez.Galit kong pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang mukha at pinakatandaan ang bawat detalye nito, para bang inuukit ko na sa isipan ko iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura niya.Napatingin ang abogado sa akin at nagtama ang mga mata namin. Kalmado ang tingin niya, wala akong makita na kahit anong pag-aalinlangan sa kanya. Mula pagpasok niya sa courtroom, iisa lang ang reaksyon niya, at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nagbabago.Totoo nga ang sinasabi nila. Napakagaling niyang abogado. Nabaliktad niya ang kaso laban sa akin. Ako ang naidiin niya sa kasalang hindi naman ako ang gumawa."Beatrice Pascual, ikaw ay itinuturo ng mga ebidensya sa salang pagpatay sa iyong asawa. The facts presented have clearly established your direct participation, and no sufficient justification has been proven to lessen your liability.Therefore, by the authorit