Share

Chapter 3

Author: Yuki Akane
last update Huling Na-update: 2025-09-23 21:10:22

"Tamang-tama ang gising mo!” I smiled and greeted Theodore as he walked in.

Salubong pa ang kilay niya nang makita niya akong nasa kusina at naghahanda ng almusal. I shouldn't forget that I still needed to be nice to him and not too harsh. Hangga't hindi ko pa nalalaman ang sikreto niya, hindi ako dapat magpadalos-dalos sa mga gagawin at desisyon ko, and most of all, hindi ko dapat inisin o galitin nang husto ang lalaking ito.

Katulad ng plano namin nina Daphne at Christian, I needed to win his trust so everything would work according to my plan. Kung kailangan ko munang magbait-baitan sa kanya, why not? Baka iyon lang ang paraan para makakuha ako ng mga impormasyon.

"What's with that face? Ang aga mo namang nakasimangot. Smile, the sun rose perfectly. Or are you trying to lessen your oozing charm?" I laughed at my own joke, but he didn't and just stared at me intently.

Para akong baliw na mag-isa na tumatawa habang nakatanggap ng seryosong mga tingin nito. Umubo ako at itinigil ko ang paghalakhak. Mukhang mahihirapan akong i-please ang isang ito. Akala mo ay pasan niya ang buong mundo sa sobrang pagiging seryoso.

"Hindi mo naintindihan ang sinabi ko sa'yo kahapon? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo sa pagtira mo rito?"

"Naiintindihan ko naman ng mga sinabi mo. Bakit, may nagawa ba akong mali?"

"Then what the hell are you doing?" he fired back in exasperation, and I shut my eyes, trying to calm myself over his bossy attitude. Kulang na lang kasi ay sigawan ako nito sa mukha okaya ay isampal niya sa akin iyong bawat letra ng mga sinasabi niya.

"Drinking coffee? Eating breakfast?” sarkastikong sagot ko kay Theodore, at inis akong namaywang sa harapan niya.

Minsan, masama talaga ang masyadong matalino dahil nawawalan sila ng common sense. Hindi ba obvious na nagluluto ako ng breakfast para tanungin pa niya kung anong ginagawa ko?

Now, I understand why Margaret didn't want to live with this guy. He was a hot headed man, an angry husband, at higit sa lahat ay walang sentido-komon. Kahit sinong babae mukhang puputi ng dugo sa kanya.

"Stop being sarcastic, Margaret. I told you not to touch anything pero anong ginagawa mo? Nagawa mo pa talagang magluto sa bahay ko?"

"So sino ang magluluto ng almusal? Yung kapit-bahay? Gusto mo ba tawagin ko sila para ipagluto ka?" Dinuro-duro ko siya ng hawak kong sandok. Nanggigil ako sa kanya at nangangati akong ihampas itong sandok sa ulo niya.

I tried to be classy like Margaret, but with this kind of attitude, hindi ko mapigilan ng ilabas ang nanggigil na si Beatrice 

Ang layo-layo ng ugali ng lalaking ito sa asawa ko. Never nga ako sinigawan ng totoo kong asawa, at kahit kailan hindi ako nainis nang ganito dahil lang sa bawal hawakan ang mga kaldero at sandok. Kung matino ang pag-iisip niya, hindi niya ako pagbabawalan sa ginawa ko.

"Pagbawalan mo ako kung may nakulong na dahil sa pagluluto. Oh, wait, I forgot. You can convict someone even they are innocent cause you are..." I paused and smirked. "None other than the famous Atty. Theodore Galvez," mapang-inis kong asar sa kanya at sigurado akong dama niya iyong pait na nararamdaman ko.

Everything was still clear in my head. How he accused me, how he blamed me for killing my own husband, and how the world took everything from me.

Sumingkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin, but I will never be afraid of him because I knew he was not as good as everyone saw him nor praised him to be. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya, and he tightly closed his fist. Obviously, he was holding in his anger, but I never let my guard down. I sized him up and I arched my brow in anger.

"You are too much to absorb," taim ang bagang niyang sagot at padabog na nilisan ang kusina. Napangiti ako nang makita ko kung paano siya sumuko. Para pa akong timaing na iniwasiwas ang sandok sa hangin.

"Dear husband, ayaw mo ba kumain? Mahirap na, baka magutom ka sa trabaho mo," mapang-uyam kong sigaw at sinisigurado kong narinig niya iyon. I laughed hard at his serious and witty answer.

Well, I need to learn how to enjoy this game. The game of Margaret in Theodore’s life. If I did, I'm sure I can play smoothly.

"I'm full... full of regrets,” ismid niya sa akin.

Hindi ko iyon pinansin at muling nagtanong. "Anong oras ka uuwi?"

Nagtataka siyang lumingon sa direksyon ko habang inaayos ang suot na necktie.

"Kailan ka pa nagkaroon ng interes alamin ang oras ng pag-uwi ko?"

Gusto kong umirap sa pagiging ambisyoso at feelingero ni Theodore. Akala niya ba mag-aalala ako kung gagabihin siya? Mas matutuwa pa nga ako kung hindi muna siya uuwi para mas mahaba ang oras ko na maghalungkat sa mga gamit niya.

“Calm down, Beatrice. You need to act accordingly,” paalala ko sa sarili.

I sexily stood up and flipped my hair, seductively smiled, and chewed my bottom lip. Marahan akong lumapit sa kinatatayuan niya at mapang-akit kong hinagod ang dibdib ni Theodore. In fairness, matigas. May ibubuga ang dibdib.

"Husband, aren't you happy that your wife cares about you? Nag-aalala lang ako na baka sa ibang bahay ka umuwi mamaya," mapanuya pero paos kong sabi. Hinila at inayos ko ang suot niyang necktie. Kung hindi lang ako si Margaret ngayon, malamang kanina pa ako naihi sa kakatawa ng dahil sa klase ng reaksyon ng katawan ni Theodore.

As I thought, Theodore could still be attracted to Margaret. Dama ko ang kakaibang panginginig ng katawan niya, ang pagbagal ng paghinga. At kahit pilit niya pang itago ay nararamdaman ko mula sa likod ng mga kunot niyang noo at salubong na kilay ang tensyong namumuo sa nagdidilim niyang mga tingin.

Alam ko, nakikita at nararamdaman ko na ibang-iba ang epekto sa kanya ni Margaret.

"Don't play with me, Margaret. " Mapagpanggap niyang tinabig ang kamay ko.

Ngumisi ako at kibit-balikat na humalikipkip sa harapan niya. "Basta sabihan mo ako kung pauwi ka na para mapaghanda kita ng hapunan."

Yeah, you better leave me a message so you can't catch me snooping through your things. Hindi ko gustong mabuko nang maaga, ayokong masayang ang ilang taong pag-aaral ko sa pagtao ni Margaret.

"I can take care of myself."

"But I insist. I'm trying to be nice and to be a good wife. Don't you want that, husband?"

Sinundan ko ang bawat kilos ni Theodore. He rolled his sleeves up and I fought with myself not to help him. These scenes reminded me how I took care of my husband, Felix. I used to prepare everything for him, na kahit busy ako ay pinipilit kong maging asawa sa kanya.

"I'm leaving. If I'm home late, just lock the doors, and if you're going out... just please, don't let your stubbornness make a mess again," pag-iba niya ng usapan. “Huwag mo ako bigyan ng sakit sa ulo.”

I nodded and took my eyes off him. Apektado pa rin ako ng nakaraan ko, naninikip pa rin ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko si Felix at ang anak ko na inilayo sa akin. Ang mga pinagsamahan naming dalawa ni Felix ay bigla na lang naglaho. Ang pamilyang masaya na sabay naming pinangarap ay nasa hangin na lang ngayon.

Saktong pag-alis ni Theodore ay nanlulumo akong bumagsak sa may sofa. Hindi ko maiwasang maalala si Felix. Every time he went to work, he used to ask my help to roll his sleeves and knot his necktie. Ako rin ang naghahanda ng makakain niya sa lahat ng oras.

I used to be a loving and caring wife kaya paano... paanong ako ang sinasabi nilang pumatay sa asawa ko?

Matapos naming magtalik, gabi sa araw ng kasal namin ay nagising ako bandang alas kwatro ng madaling araw para uminom ng tubig. Pagbalik ko sa kwarto namin ay niyakap ko ang asawa ko, pero naramdaman kong may malagkit na likido sa buo niyang katawan. At nang buhayin ko ang ilaw ay nakita ko ang duguan niyang katawan, may nakatarak na kutsilyo. Kinuha ko ang kutsilyo at sumigaw para humingi ng tulong.

Hindi ko kayang gawin iyon. Hindi ako ang pumatay sa kanya. Sigurado ako na hindi ako 'yon, and whoever killed him, sisiguraduhin kong babayaran niya ang pagsira niya sa pamilya ko.

“Be strong and never let your emotions prevail over anything else,” sabi ko sa sarili ko. “Hindi na ikaw si Beatrice, ikaw na si Margaret kaya hindi ka dapat maging mahina. Margaret is not as weak as Beatrice. Hold your tears and don't ever forget the reasons why you are living with a new face. You only have a couple of months, so don't miss your chance of being unwanted.”

Para kay Felix. Para sa anak namin.

Tumingala ako sa itaas ng hagdan at mariing tumititig doon. I need to find something... something na magdadala sa akin sa puno't dulo ng lahat.

Mabilis akong naglakad paakyat ng hagdanan at tinungo ko ang kwarto ni Theodore. At katulad ng inaasahan ko, naka-lock nga iyon.

"Damn it!" mura ko at inis na hinampas ang pintuan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Good Lawyer's Impostor Wife   Chapter 4

    Pawis na pawis ang buo kong katawan. Kumakalam na rin ang tiyan ko, pero wala pa rin akong mahanap na papeles o ebidensya sa buong bahay ni Theodore.I think I could only find it inside his office or in the master's bedroom, but I didn't have the keys for those. All I had was for the main door.I sighed in frustration. Kanina ko pa balak sirain iyong mga doorknob, pero ayaw ko naman magduda siya o maghinala sa akin. Maayos ko pa nga ibinalik iyong mga gamit sa kung paano iyon nakaayos bago ko ginalaw.Sobrang linis ng buong bahay at hindi mo aakalain na busy ang nakatira rito. Siya kaya ang naglilinis?Pagod kong ibinagsak ang katawan sa may malaki at puting sofa na hugis S. Napaisip-tuloy ako kung ano na nga ang tawag dito. I already saw this kind of sofa before in my husband's online cart. Binili niya nga iyon pero walang dumating sa bahay. And I wasn't sure what the purpose of this sofa was, but it felt comfortable on my back.Bigla akong nahulog sa sofa nang dumagundong ang barito

  • The Good Lawyer's Impostor Wife   Chapter 3

    "Tamang-tama ang gising mo!” I smiled and greeted Theodore as he walked in.Salubong pa ang kilay niya nang makita niya akong nasa kusina at naghahanda ng almusal. I shouldn't forget that I still needed to be nice to him and not too harsh. Hangga't hindi ko pa nalalaman ang sikreto niya, hindi ako dapat magpadalos-dalos sa mga gagawin at desisyon ko, and most of all, hindi ko dapat inisin o galitin nang husto ang lalaking ito.Katulad ng plano namin nina Daphne at Christian, I needed to win his trust so everything would work according to my plan. Kung kailangan ko munang magbait-baitan sa kanya, why not? Baka iyon lang ang paraan para makakuha ako ng mga impormasyon."What's with that face? Ang aga mo namang nakasimangot. Smile, the sun rose perfectly. Or are you trying to lessen your oozing charm?" I laughed at my own joke, but he didn't and just stared at me intently.Para akong baliw na mag-isa na tumatawa habang nakatanggap ng seryosong mga tingin nito. Umubo ako at itinigil ko an

  • The Good Lawyer's Impostor Wife   Chapter 2

    “Target lock,” bulong ko at natawa nang walang humor.Inalis ko ang suot kong shades at pinagmasdan ko ang pakikipagkamay ng kliyente sa isang tanyag na Atty. Theodore Galvez, ang tinitingalang abogado ng marami dahil sa magandang reputasyon at napakalinis niyang record, na kahit minsan ay hindi pa natatalo sa ano mang kaso na hinawakan niya. Naibaba na ang hatol at naipanalo niya ang laban. Hindi na iyon bago at inaasahan na ng marami ang tagumpay ni Theodore. Napawalang sala ang lalaki sa kasong murder, but I didn't know if the guy really killed someone. Ang importante lang naman sa abogadong ito ay mapalaya ang client niya.Napangiti ako nang mapait nang muling manumbalik sa alaala ko si Theodore Galvez. Ang abogado na siyang dahilan kung bakit ako nakulong. He was the lawyer of the other party at siya ang nagdiin sa akin sa kasong hindi ko naman ginawa. Ito ang walang pusong lalaki na hindi man lang ako pinakinggan sa mga paliwanag ko, but look how playful destiny was. Wala akong

  • The Good Lawyer's Impostor Wife   Chapter 1

    Sunod-sunod na umaagos pababa sa pisngi ko ang aking mga luha habang nakatingin sa abogado ng kabilang panig.Si Atty. Theodore Galvez.Galit kong pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang mukha at pinakatandaan ang bawat detalye nito, para bang inuukit ko na sa isipan ko iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura niya.Napatingin ang abogado sa akin at nagtama ang mga mata namin. Kalmado ang tingin niya, wala akong makita na kahit anong pag-aalinlangan sa kanya. Mula pagpasok niya sa courtroom, iisa lang ang reaksyon niya, at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nagbabago.Totoo nga ang sinasabi nila. Napakagaling niyang abogado. Nabaliktad niya ang kaso laban sa akin. Ako ang naidiin niya sa kasalang hindi naman ako ang gumawa."Beatrice Pascual, ikaw ay itinuturo ng mga ebidensya sa salang pagpatay sa iyong asawa. The facts presented have clearly established your direct participation, and no sufficient justification has been proven to lessen your liability.Therefore, by the authorit

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status