Share

Chapter 7

Author: Georgina Lee
last update publish date: 2026-10-13 21:07:16

Nanlaki ang mga mata ni Natalie sa sinabi ni Nyle. "That's a ridiculous demand, Nyle!" Kontra niya.

"That's a reasonable demand as your punishment for keeping my son away from me! I will let you taste how it feels like to be in my shoes!" May diin nitong bigkas.

"Nigel is still young! Hindi niya maiintindihan kung basta-basta nalang natin baguhin kung ano ang nakasanayan niyang itatawag sakin!"

"Then that's your problem! Not mine!" Kibit balikat nitong bigkas.

Nakipagsukatan siya ng titig sa lalaki habang taas baba ang kanyang dibdib dahil sa nararamdaman niyang galit para sa lalaki.

"Sumusobra ka na talaga, Nyle!" May diin niyang bigkas.

Sarkastiko naman itong ngumisi. "I'm just giving you the treatment you deserve Natalie. Sign the marriage application now so my lawyers could work on them immediately!" Naiinip nitong bigkas.

Napatitig siya sa mga papeles sa harapan niya. Ilang beses siyang napalunok para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan bago dinampot ang sign pen na nasa kanyang tabi.

Akmang pipirmahan na niya ang marriage application nang makaramdam siya ng panginginig ng kanyang mga kamay. This isn't what she had dreamed of. Totoo ba pinangarap niya noon na maikasal sa lalaki sa tamang panahon subalit hindi sa ganitong paraan.

"What are you waiting for? Nag-aalangan ka parin ba? Don't you want to continue Nigel's treatment?" Untag nito sa pananahimik niya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa sign pen bago dahan-dahan na nilagdaan ang marriage application. Makalipas ang ilang sandali ay itinulak niya iyon palapit kay Nyle.

Sinipat nito ng tingin ang mga papeles bago ipinakuha sa kasama nilang lawyer. Nang makita niyang tapos na ang lahat, tumayo na siya mula sa kanyang kinauupuan.

"Natapos ko na ang gusto mo. Pwede na ba akong bumalik sa ospital? Baka hinahanap na ako ni Nigel," malamig niyang turan.

Tumango naman ang lalaki at tumayo narin. "I will be coming with you."

Natigilan siya at napatingin kay Nyle. "Sasama ka?"

"Yes. The marriage application is already signed so it's time for you to introduce me to my son," walang emosyon nitong wika.

Humugot siya ng hangin bago tumango. "Okay. Gagawin ko ang nais mo," aniya at nauna ng lumabas.

Isang tinted na kotse ang ginamit ni Nyle. Doon siya nito inutusan na sumakay at ito narin mismo ang nagmaneho habang nakasunod sa kanila ang maraming bodyguards nito.

Tahimik sila sa buong byahe nila. Pakiramdam siya pagod na pagod siya sa naging pag-uusap nila kahit na maikli lang naman iyon. Hindi rin naman siya kinausap ni Nyle at nanatili lang na nakatutok ang mga mata sa daan.

Hindi nagtagal, huminto ang sasakyan ni Nyle sa underground parking lot ng ospital. Sa backdoor elevator sila dumaan papunta sa silid na kinaroroonan ni Nigel.

"Nyle," tawag niya sa lalaki.

Dahan-dahan naman itong lumingon sa kanya. "What?"

Humugot siya ng malalim na paghinga bago nagsalita. "Tungkol sa... Tungkol sa nais mo na hindi na ako tatawagin ni Nigel na... na Mama. Pwede bang sa susunod nalang natin ipatupad iyon? Ipapakilala kita sa kanya ngayon at sigurado akong magugulat siya. Ayoko lang na ma-overwhelm siya sa mga bagay na sasabihin natin sa kanya."

Sandali namang natahimik ang lalaki pero kalamnan ay tumango narin. "Just make sure to do it kapag nakalipat na kayo sa bahay ko."

"Okay. Walang problema," buntong hininga niyang sagot.

Hindi na sil muling nag-usap pa hanggang sa makarating sila sa harapan ng silid na kinaroroonan ni Nigel. Pagpasok niya sa loob, gising na ang anak niya. Agad na nagliwanag ang mga mata nito nang makita siya.

"Mama..." Mahina nitong sambit.

Agad siyang lumapit sa bata. Nagbigay daan naman ang nurse na nakabantay kay Nigel para makapag-usap sila.

"Saan po ikaw galing, Mama?" Tanong nito.

Masuyo siyang ngumiti bago hinaplos ang pisngi ng bata. "May inaasikaso lang si Mama sa labas kaya wala ako dito kanina. How are you feeling? Gutom ka na ba?" Malumanay niyang tanong.

Marahan naman itong umiling. "Di pa po. Gusto ko po sana magplay sa labas."

Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi para hindi siya tuluyan na maiyak. "Hindi pa kasi pwede ngayon anak. Sa susunod nalang kapag magaling ka na, okay?"

"Kailan po ako gagaling, Mama?"

Natigilan naman siya. Siya mismo hindi alam kung kailan ito gagaling kaya wala siyang maapuhap na sagot.

Nasa ganung kaisipan siya ng bumukas ang pintuan ng silid ni Nigel at pumasok si Nyle. Napatingin ang kanyang anak sa lalaki bago napasulyap sa kanya.

"Nandyan na naman ang giant na lalaki Mama," bulong nito.

"G—giant?" Gulat niyang tanong.

Sunod-sunod na tumango ang kanyang anak. Napalingon siya kay Nyle. Kung tutuusin, tama naman ang anak niya. Talagang matangkad naman talaga si Nyle dahil sa pagkakaalala niya, lampas six foot ang lalaki.

"Sino po siya Mama?" Tanong pa ni Nigel.

Hindi naman siya nakapagsalita agad. Nais man niyang sabihin kay Nigel na ang lalaki ang ama nito pero hindi niya maapuhap ang kanyang boses na gawin iyon.

Tumayo si Nyle malapit sa hospital bed ni Nigel bago ito nagsalita. "Hey there little buddy. I'm your Daddy..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 7

    Nanlaki ang mga mata ni Natalie sa sinabi ni Nyle. "That's a ridiculous demand, Nyle!" Kontra niya."That's a reasonable demand as your punishment for keeping my son away from me! I will let you taste how it feels like to be in my shoes!" May diin nitong bigkas."Nigel is still young! Hindi niya maiintindihan kung basta-basta nalang natin baguhin kung ano ang nakasanayan niyang itatawag sakin!""Then that's your problem! Not mine!" Kibit balikat nitong bigkas.Nakipagsukatan siya ng titig sa lalaki habang taas baba ang kanyang dibdib dahil sa nararamdaman niyang galit para sa lalaki. "Sumusobra ka na talaga, Nyle!" May diin niyang bigkas.Sarkastiko naman itong ngumisi. "I'm just giving you the treatment you deserve Natalie. Sign the marriage application now so my lawyers could work on them immediately!" Naiinip nitong bigkas.Napatitig siya sa mga papeles sa harapan niya. Ilang beses siyang napalunok para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan bago dinampot ang sign pen na nasa kanya

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 6

    Hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili na sampalin si Nyle. Kita niya ang gulat sa mukha nito subalit mabilis iyong nawala at napalitan ng isang nakakalokong ngisi habang hinihilot nito ang nasaktang pisngi."Did I hit the nerve?" Anito sa nakakalokong boses."Kahit paman may kailangan ako sa'yo, wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan!" May diin niyang bigkas.Sarkastiko namang natawa si Nyle. "I won't say those words if I don't have a proof Natalie. And unfortunately, I know what kind of woman you are. Tsaka ayaw mo pa nun? Iisang lalaki lang ang gagamit sa'yo. Hindi paiba-iba. You'll have the lower risk of getting sick. You can consider this as favor from me. Don't you think so?"Malakas na ibinagsak niya sa mesa ang marriage application na hawak niya kasabay ng marahas niyang pagtayo. "Kung ganyan rin lang naman ang magiging kondisyon mo, mas mabuti pang wag na nating ituloy 'to!" Matapang niyang asik at marahas na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Nagsimula na siyang

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 5

    "Ano?" Halos pabulong niyang tanong."C'mon Natalie... Stop acting like you don't hear me at all. My words were loud and clear. In order for you to be with my son, you have to marry me," nakangisi nitong wika.Umawang ang kanyang mga labi habang nakatingin sa mukha ni Nyle. Kung ang iba, matutuwa at maglulupasay sa kilig pero siya hindi. Dahil sigurado siyang kaakibat ng alok nito ang pagdurusa niya.Marahan na pinasadahan ni Nyle ang kanyang mukha gamit ang likod ng daliri nito. "Even if I hate you, you still could be useful to me," makahulugan nitong bigkas.Mabilis niya iniiwas ang kanyang mukha mula sa kamay nito nang sa ganun, matigil ang pagdapo ng balat nito sa kanya."You're a monster!" May diin at nanginginig ang boses niyang bigkas."This monster can save the life of the person you cared the most, Natalie," anito bago tumayo.Ngayon ay nakatingala na siya sa lalaki habang nakatunghay naman ito sa kanyang na para bang diyos na niluluhuran niya.May hinugot si Nyle mula sa wal

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 4

    Parang binuhusan ng malamig na tubig si Natalie sa narinig. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita habang pilit na inuunawa ang mga salitang binitiwan ni Nyle.“Hindi mo puwedeng gawin iyon,” mahina ngunit mariin niyang sagot. “Ako ang nagpalaki sa kanya. Ako ang kasama niya sa bawat araw at kahit na ngayong nagkasakit siya. Hindi mo siya pwedeng basta nalang kunin sakin!” Halos maghisterikal na niyang bigkas.Umangat ang sulok ng labi nito kasabay ng isang nakakalokong ngisi. “Then perhaps you should have thought about that before you decided to keep him from me.”“Hindi ko siya itinago sa iyo!” mariin niyang pagtutol. “Hindi mo alam na buntis ako noon!”“Because you made sure I wouldn't find out!”Napailing nalang si Natalie. Hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay iyon pa rin ang paniniwala ng lalaki. Kahit anong sabihin niya, tila nakahanda na itong hatulan siya nang hindi man lang pinakikinggan ang kaniyang panig.“Please, Nyle. Huwag mong idamay si Nigel sa galit mo sa ak

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 3

    "Doc? Kumusta po ang anak ko? Ayos lang ba siya? Bakit siya nagkaroon ng seizure?" Significant na tanong ni Natalie nang makarating siya sa ospital.“Stable na ang kalagayan niya sa ngayon, Miss Aurelio. Pero sa ngayon, hindi pa natin masasabi kung ano ang magiging takbo ng kanyang kondisyon hangga't hindi natin nakukuha ang resulta ng mga pagsusuri," paliwanag ng doctor."Please Doc, gawin niyo po ang lahat para gumaling ang anak ko," puno ng pagsusumamo niyang wika.“Gagawin namin ang lahat ng nararapat para sa kanya. Pero kailangan ko ring ipaalala sa inyo na ang leukemia niya ay nangangailangan ng tuloy-tuloy at agarang paggamot. Hindi natin puwedeng ipagpaliban ang kanyang cancer treatment.”Napayuko si Natalie. Alam na alam niya iyon. Iyon mismo ang dahilan kung bakit siya lumapit kay Nyle—dahil hindi na niya kayang sagutin ang mga gastusin para sa pagpapagamot ni Nigel.Pero sa naging takbo ng pag-uusap nila kanina, mukhang mahihirapan siya na kumbinsihin ang lalaki.Nang magpa

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 2

    “Maganda ang resulta ng trust rating mo ngayong buwan, Gov,” ani Janus, ang personal assistant ni Nyle, habang naglalakad sila sa hallway ng kapitolyo. Hawak nito ang tablet kung saan nakatala ang pinakabagong ulat tungkol sa gobernador.Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Nyle. “That's good to hear.”Akmang papasok na siya sa kaniyang opisina nang makarinig sila ng nagmamadaling mga yabag mula sa likuran. Unang lumingon si Janus, dahilan upang mapahinto rin si Nyle nang makita ang isa sa mga security personnel na papalapit sa kanila.“What is it?” tanong ni Janus.“Gov, may babae pong naghahanap sa inyo sa labas. Sinabihan ko na po siyang hindi kayo puwedeng makausap ng walang appointment, pero ayaw pong umalis,” paliwanag ng security.“Ano raw ba ang sadya niya?” kunot-noong tanong ni Nyle.“May sakit daw po ang anak niya at kayo lang daw po ang makatutulong sa kaniya.”Napabuntong-hininga si Janus bago muling hinarap ang security. “May mga ahensya naman tayong puwedeng mag-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status