Share

Chapter 30

Author: MysterRyght
last update publish date: 2026-07-29 14:11:43

Third Person

Kasama si Georgina, dahan-dahang naglakad ang pamilya Villareal patungo sa mismong venue ng pagdiriwang. Habang papalapit sila, mas lalong naging kapansin-pansin ang engrandeng paghahanda ni Reed Mondejar.

Ang malawak na hardin sa harap ng mansyon ay napalamutian ng mga warm lights na nakasabit sa matatandang puno, habang ang mga eleganteng floral arrangements ay maayos na nakahilera sa magkabilang gilid ng daanan. Sa di-kalayuan ay maririnig ang banayad na tugtog ng isang string q
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 33

    Georgina“Siya si Mr. Reed Mondejar,” sabi ko kay Franco.Hindi ko naman talaga naisip na kailangan ko siyang ipakilala, lalo na’t hindi ako sigurado kung nagkakilala na ba sila noon o nagkita lamang somewhere. Sa totoo lang, wala akong idea kung ano ang relationship nila sa isa’t isa. Ang alam ko lang, mula nang lumapit sa amin si Franco, biglang nag-iba ang atmosphere sa paligid.Kanina ay maayos naman ang pag-uusap namin ni Reed tungkol sa garden at sa mga bulaklak, pero ngayong narito na si Franco, parang may invisible tension na biglang sumingit sa pagitan naming tatlo.Hindi ko gusto ang ganoong pakiramdam.Feeling ko tuloy ay may conversation na nangyayari kahit wala namang nagsasalita. Nagkakatinginan sina Franco at Reed na para bang may mga bagay silang parehong alam at ako lang ang hindi nakakaalam. At dahil ayokong ma-stuck sa gitna ng ganoong klaseng awkward silence, nagsalita na lang ako para kahit paano ay maputol ang kakaibang tensyon.“Hello, Mr. Mondejar,” bati ni Fra

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 32

    GeorginaMalawak at napakagandang bakuran ng mansyon, at habang naglalakad ako sa garden, hindi ko mapigilang mapatitig sa paligid. Halos bawat sulok ay may makukulay na bulaklak na maingat na inalagaan, mula sa maliliit na halamang nakahilera sa gilid ng pathway hanggang sa matatangkad na halaman na tila nagsisilbing natural na dekorasyon ng buong property.May mga bulaklak na unang beses ko pa lamang makita, samantalang ang iba naman ay pamilyar sa akin at agad na nagpapaalala ng mga bagay na matagal ko nang pilit itinatago sa isang sulok ng isip ko.Napansin kong dumidilim na ang langit, ngunit hindi iyon gaanong dama dahil sa mga ilaw na nakasabit sa bawat poste at ilang puno sa paligid.Warm at soft ang liwanag ng mga iyon, sapat para maging malinaw pa rin ang dinaraanan ko kahit unti-unti nang nilalamon ng gabi ang paligid. May kakaibang peacefulness ang garden na halos nakakalimot ako sandali kung bakit nga ba ako narito.Gayunpaman, habang patuloy akong naglalakad, biglang may

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 31

    Third PersonSamantala, sa loob ng malawak at tahimik na study room na nasa unang palapag ng mansyon, nakatayo si Reed Mondejar sa harap ng isang floor-to-ceiling one-way mirror wall.Mula roon ay kitang-kita niya ang kabuuan ng hardin at malaking bahagi ng venue kung saan ginaganap ang housewarming party. Dahil one-way ang salamin, walang kamalay-malay ang mga bisita na may isang pares ng matang matamang nakamasid sa bawat kilos nila mula sa loob ng bahay.Sa dami ng mga taong naroroon, iisa lamang ang paulit-ulit na sinusundan ng kanyang paningin.Si Georgina.Tahimik itong naglalakad sa malawak na hardin habang paminsan-minsang humihinto upang pagmasdan ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid. Minsan ay bahagya itong yumuyuko para mas makita ang isang namumulaklak na halaman, pagkatapos ay muling maglalakad na tila walang anumang iniisip.Sa paningin ng ibang tao, isa lamang itong bisitang namamangha sa ganda ng lugar.Ngunit para kay Reed, iba ang dating ng bawat kilos nito.Hind

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 30

    Third PersonKasama si Georgina, dahan-dahang naglakad ang pamilya Villareal patungo sa mismong venue ng pagdiriwang. Habang papalapit sila, mas lalong naging kapansin-pansin ang engrandeng paghahanda ni Reed Mondejar.Ang malawak na hardin sa harap ng mansyon ay napalamutian ng mga warm lights na nakasabit sa matatandang puno, habang ang mga eleganteng floral arrangements ay maayos na nakahilera sa magkabilang gilid ng daanan. Sa di-kalayuan ay maririnig ang banayad na tugtog ng isang string quartet na lalong nagbigay ng pormal at marangyang ambiance sa buong okasyon.Hindi rin basta-basta ang mga panauhin. Halos lahat ng naroon ay kilalang personalidad sa isla—mga negosyante, may-ari ng malalaking kumpanya, doktor, abogado, at ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.Mayroon ding mga bisitang halatang hindi taga-isla dahil sa kanilang mga mukha at paraan ng pakikisalamuha. Isang tingin pa lamang ay sapat nang sabihin na hindi simpleng housewarming party ang dinaluhan nila kundi isan

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 29

    Third PersonHindi mapakali si Franco mula nang malaman niyang si Reed Mondejar ang nagpadala ng imbitasyon sa kanyang mga magulang.Gusto niyang madaliin ang pag-iimbestiga ni Mon, gusto na niyang malaman kung ano ang tunay na katayuan ng isang Reed Mondejar.Naalala niya ang paraan ng tingin na binigay sa kanya ng lalaki ng magkasalubong ang kanilang sasakyan. Pakiramdam ni Franco ay kilala siya ni Reed at ‘yon ang dahilan kung bakit agad siyang nagpaimbestiga kay Mon.Ngunit sa nakalipas na mga araw ay nananatiling limitado ang kanyang nalalaman tungkol sa lalaki. At yon ang pinaka ayaw niya.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang report na iniabot ni Mon kanina. Kaunti lamang ang impormasyong nakuha nila tungkol sa lalaki, ngunit sapat na iyon para makabuo siya ng hinala.Isang estrangherong bigla na lamang lumitaw sa isla, bumili ng malaking lote, nagtayo ng malaking bahay, at ayon sa mga usap-usapan ay may hinahanap. Ngayon naman ay personal nitong inimbitahan ang pamilya Vil

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 28

    FrancoPagkaalis ni Mon ay naiwan akong mag-isa sa loob ng opisina. Tahimik kong isinara ang folder na iniwan niya sa mesa bago ko ito itinabi sa gilid. Ilang segundo akong nakatitig doon, saka ako humugot ng mabigat na buntong-hininga.Pinilit kong alisin sa isip ko ang pangalang Reed Mondejar.Sa ngayon, wala pa naman siyang ginagawang anumang labag sa batas. Wala pa akong sapat na dahilan para pagbuhusan siya ng buong atensyon ko. Ang lahat ng impormasyon na nasa report ay puro haka-haka pa lamang at walang matibay na ebidensyang magpapatunay na may masama siyang intensyon.Kung iisipin, baka nga masyado lang akong naging mapagmatyag.Ang pagtatagpo ng mga mata namin nang magkasalubong ang mga sasakyan namin noon ay maaari namang simpleng pagkakataon lang. Isang ordinaryong insidente na ako lang ang nagbibigay ng malalim na kahulugan.Hindi ko puwedeng pairalin ang kutob sa bawat desisyong gagawin ko.Bilang gobernador, kailangan kong manatiling objective.Kaya ibinalik ko ang aten

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status