Share

Chapter 43

Author: MysterRyght
last update publish date: 2026-08-20 19:06:43

Third Person

Sinubukan muli ni Georgina na makawala sa pagkakahawak ni Franco, ngunit kahit anong pilit niya ay hindi niya magawa. Alam niya sa sarili na kulang ang depensa at opensang binibigay niya.

Kung normal na sandali lamang iyon at malinaw sa kanyang isip na kailangan niyang lumayo, alam niyang kaya niya. She’s a fighter. Ilang beses na siyang napunta sa mga sitwasyong dapat ay hindi na siya nakaligtas, pero sa bawat pagkakataon, nagawa niyang lumaban, kumapit, at mabuhay dahil sa tapang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 79

    Franco"Really?""Yeah." Tumango ako bago sumandal nang bahagya sa sandalan ng silya. "Madalas ikuwento sa akin nina Daddy ang tungkol sa pagkakaibigan nila. Matagal na silang magkakakilala, at hindi lang basta simpleng friendship ang mayroon sila. They trusted each other with almost everything, including the safety and future of their children."Nawala nang bahagya ang ngiti sa mukha ni Jo habang mas nagiging seryoso ang ekspresyon niya. Tahimik siyang nakinig, tila ayaw palampasin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko."Nang mawala ka, hindi tumigil ang mga magulang ko sa paghahanap sa iyo," patuloy ko. "Alam nilang hindi basta-basta bibitaw ang parents mo sa pag-asang mahanap ka, kaya ganon din ang ginawa nila. Inihabilin ka ng mga magulang mo sa kanila, Jo. At bago pa man nangyari ang lahat, may pangako na silang binitiwan sa isa't isa."Bahagya akong huminto upang bigyan siya ng pagkakataong unawain ang mga sinabi ko. Nang mapansing hindi siya nagsasalita, nagpatuloy ako."The

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 78

    FrancoLinggo na, at bukas ay babalik na ako sa isla. Dapat ay nakakaramdam na ako ng kaunting excitement sa nalalapit naming pag-uwi, lalo na't may magandang balita akong kailangang ibahagi sa mga magulang ko.Sa wakas, matapos ang napakahabang panahon ng paghahanap, natagpuan ko na rin si Jo, ang anak ng matalik na kaibigan nina Mommy at Daddy. Ngunit sa kabila ng magandang balitang iyon, hindi pa rin ako lubos na mapakali dahil may isa pang taong patuloy na sumasakop sa isip ko—si Georgina.Damn it! Paano ba naman ako magiging kalmado kung hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuha kahit katiting na impormasyon tungkol sa kanya?Ilang araw na akong pabalik-balik sa pag-check ng mga report, umaasang may makikita akong kahit anong lead na magtuturo sa kung nasaan siya, pero sa bawat pagkakataon ay pare-pareho lang ang resulta. Wala. As in, absolutely nothing!Kahit ang grupo ng mga tauhan ni Mon, na kilala sa pagiging mabilis at mahusay sa pangangalap ng impormasyon, ay tila bigla

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 77

    Franco“This is your room,” malamig kong sambit, kahit pilit kong pinaamo ang boses ko habang marahan kong itinutulak ang pinto.Lumikha iyon ng bahagyang kaluskos nang tuluyan kong mabuksan ang silid na siyang ginagamit ni Georgina dito sa condo. Saglit akong nanatili sa bungad, nakatingin sa loob na para bang kailangan ko munang kumbinsihin ang sarili kong tama ang ginagawa ko bago ko tuluyang hayaan si Joanne na pumasok.Bago man ako umuwi galing sa kumpanya kanina, pinalipat ko na sa mga cleaner ang lahat ng personal na gamit ng dalaga papunta sa sarili kong silid.Napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang maalala ko kung paano ako muntik nang mapaisip kung tama ba talaga ang desisyong iyon. Napabuntong-hininga ako nang patago at bahagyang kinusot ang sentido ko. Wala naman akong ibang choice. Hindi ko rin naman inaasahang biglang lilitaw si Jo ngayon, lalo na sa sitwasyong wala pa rin akong ideya kung nasaan si Georgina.Tatlo lang ang kwarto rito: ang master bedroom na ginagamit

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 76

    Third Person“She’s Joanne Mercader,” pormal ngunit may halong pag-aalangan na sabi ni Mon habang itinatapat ang kaniyang kamay sa babaeng katabi niya.Bahagya pang kumunot ang noo ni Mon habang tinitingnan ang babae, na para bang kahit siya ay hindi pa rin lubos na makapaniwala na matapos ang napakahabang panahon ng paghahanap ay nasa harapan na nila mismo ang taong matagal nang pinaghahanap ni Franco.Tahimik lamang si Joanne.Nakatayo ito sa tabi ni Mon habang mahigpit na nakakapit ang dalawang kamay sa laylayan ng kaniyang damit. Halata sa kaniyang mukha ang pagkalito habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa mga taong nasa loob ng silid. Hindi niya alam kung bakit siya dinala roon o kung ano ang koneksiyon niya sa lalaking seryosong nakatayo sa kaniyang harapan.Matapos matanggap ang krusyal na tawag ni Mon na sinasabing natagpuan na nila ang babaeng matagal na nilang pilit na hinahanap, tila biglang nawala sa isip ni Franco si Georgina.Wala nang ibang mahalaga sa sandaling iyo

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 75

    Third PersonSa wakas ay nakabalik na rin sa Manila si Franco.Tatlong linggo ang lumipas bago siya tuluyang nakalabas muli ng isla, na nangangahulugang ganoon na rin katagal na nasa Manila si Georgina.Nang malaman niyang muling pumunta sa Manila si Georgina nang hindi man lamang ito nagpapaalam sa kanya, gustong-gusto niyang agad itong sundan. Kung maaari lang sana, kinabukasan ay nasa Manila na rin siya. Ngunit hindi ganon kadali ang lahat. Napakarami niyang responsibilidad sa kapitolyo at sa shipping company na hindi niya basta-basta maaaring iwanan.Mula umaga hanggang gabi ay halos sunod-sunod ang meetings, reports, documents, at mga problemang kailangan niyang asikasuhin. Halos wala na siyang sapat na oras para huminga, lalo na para basta na lamang umalis ng isla nang walang sapat na paghahanda.Ngayon na sa wakas ay nakabalik na siya at nasa loob na ng sarili niyang condominium, hindi pa rin niya magawang maging kampante.May kung anong hindi magandang pakiramdam na mabigat na

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 74

    Third PersonIsang marahas na hampas ng libro sa ibabaw ng makapal na wooden desk ang biglang bumasag sa katahimikan ng malawak na silid. Umalingawngaw ang malakas na tunog sa buong opisina, kasabay ng bahagyang pagyanig ng ilang gamit na nakapatong sa mesa. Maging ang basong may tubig sa gilid ng desk ay bahagyang gumalaw dahil sa lakas ng pagkakahampas.“Damn this Franco!” galit na galit na sigaw ni Anton, halos lumabas ang mga ugat sa kanyang leeg habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang kamao. Kita sa kanyang namumulang mukha ang matinding inis, at maging ang kanyang paghinga ay kapansin-pansing bumigat. “Ano bang pumapasok sa utak ng batang 'yon?”Napapikit siya nang mariin at ilang sandali ring hindi nagsalita, na para bang pinipigilan lamang niya ang sarili na muling sumabog. Ngunit kahit anong pigil niya, hindi niya maalis sa isip ang mga plano ni Franco para sa expansion ng kumpanya.Hinding-hindi niya gusto ang mga ambisyosong plano ng lalaki para sa shipping company. Sa tot

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status