Chapter Four
Nang matapos ang meeting ay dumiretso agad ako sa coffee station para magtimpla ng kape. Kailangan ko nito ngayon dahil bukod sa malalang hangover ay gusto ko rin gisingin ang sarili ko. Baka sakaling masamang panaginip lang itong lahat.“Seriously?” hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili habang pinoproseso sa isip ko ang naganap kanina.No romantic relationship. Bawal ang pakikipagrelasyon sa pagitan ng mga empleyado sa kompanya.Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, pero mas nangingibabaw ang gulat at takot. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ’to pagkatapos ng pinakamagandang pangyayari sa buhay ko kagabi. Ang tagal kong hinintay si Alas, at sa wakas naging kami na. This is our first day as a couple, pero masisira lang ito dahil sa kakambal niya na kararating lang dito.Paano na ang love story namin ni Alas? Hindi pa nagsisimula, meron na agad kontrabida, at kakambal niya pa talaga. Higit sa lahat, Boss pa namin.Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. Napatakip ako ng mukha nang maalala ang kagagahan ko.Jusko! Dahil sa kalasingan ko, imbis na si Alas, si Apollo pa ang unang nakakita ng katawan ko.“Ano ba ’yan, Tamara? Nakakahiya ka,” mahinang d***g ko at hinilot ang aking sentido.Kapag iniisip ko ’yon, lalong sumasakit ang ulo ko.Gusto kong sumigaw sa sobrang inis, pero kailangan kong pilitin na kumalma dahil nasa oras ako ng trabaho. Medyo malayo rin dito ang scream room kaya ang hassle.Napasilip ako ng tingin sa direksyon ng pintuan nang maramdaman na may parating. Natanaw ko sina Chino at Enzo na nag-uusap habang naglalakad.“Mukhang hindi liyon ang bago nating Boss, kundi d*monyo. First day pa lang pinakita agad ang sungay,” sabi ni Chino. Idinikit niya pa ang dalawang hintuturo sa magkabilang sentibo at inakto ito na parang sungay.“Hays! Sina Jom at Kayla ang inaalala ko. Wala man lang awa sa bagong kasal,” umiiling na sambit naman ni Enzo.Napunta ang atensyon nila sa akin.“Oh, Tamara. Ang saya-saya mo kagabi, pero parang bigla kang pinagsakluban ng langit at lupa,” pagpuna ni Enzo.“Dapat ba akong matuwa ngayon?” matamlay na tanong ko.“Sabagay,” pagsang-ayon niya. Napatingin siya sa water heater na hawak ko.“Hindi ka na dapat nagpapainit ng tubig, sayang,” nanghihinayang na sabi niya.Naguguluhan ko naman siyang tiningnan. “Bakit?”“Dahil mukhang nasa impyerno na tayo. Easy heater,” biro niya sabay taas-baba ng kilay.Natatawa akong napailing. “Baliw.”“Parang makakatipid din tayo sa kape,” pagsingit ni Chino.Napakunot naman kami ng noo. “Bakit naman?”“Hindi na natin kailangan, kasi palagi na tayong nenerbyusin kay Sir Apollo,” biro niya.Napasapo na lang ako ng noo at natatawang umiling. “Mga kalokohan n’yo talagang dalawa.”“Nga pala, kumusta sina Kayla at Jom?” pagbabago ko ng usapan.“I saw them on the stairs earlier. Feeling ko, hindi maganda ang pag-uusap nila,” sagot ni Chino.Natahimik si Enzo at napabuntong-hininga na lang ako. Siguradong may malaking pagdedesisyon na magaganap sa kanila. Dahil sa rule ni Sir Apollo, isa lang sa kanila ang puwedeng manatili rito.“Hindi ko maintindihan ang bagong CEO. Alam naman niyang humihina na ang kompanya, magtatanggal pa siya ng empleyado,” inis na sabi ni Enzo. “How cute na aalisin din niya ang malalaking asset dahil lang sa walang kwentang batas niya.”Tama siya. Parehong magaling at competitive sina Jom at Kayla. Sa ginagawa ni Sir Apollo, mas lalo niya pang binabagsak ang Likha Studios.“Kung ako lang si Mr. Imperial, si Sir Alas ang pipiliin ko na maging tagapamahala,” saad naman ni Chino.Tinanaw ko si Alas sa office niya na ilang metro mula rito. Seryoso lang siyang nakatutok sa laptop habang nagtitipa.Sana siya na lang talaga pinili ni Mr. Imperial. Magaling din naman siya, lalo na sa paghawak ng mga empleyado.Natapos ang nakakapagod na araw. Napaunat ako ng braso at bahagyang inangat ang balakang ko. Napatingin ako sa paligid, halos kaunti na lang pala ang tao.“Tammy, tama na ’yan. May bukas pa,” sabi ni Chanti at niyugyog ang balikat ko.“Sige, save ko lang ’to,” sagot ko.“Sure. Anyway, mauuna na ako. Kailangan ko pang mag-grocery,” paalam niya at b****o sa akin.“Sige, ingat,” tugon ko habang nakatutok pa rin sa screen.Nang matapos ay nag-ayos na ako ng gamit. Napatingin ako sa office ni Alas. Hindi ko maiwasang malungkot nang makitang walang tao sa loob.“Mukhang umuwi na siya,” matamlay na sabi ko sa sarili.Buong araw kaming hindi nakapag-usap dahil pareho kaming naging busy, tapos hindi ko pa siya makikita ngayon.Napabuntong-hininga na lang ako. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad palabas.Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ako sa baba ng condo. Matamlay akong pumasok sa loob.Pagod at stressed ako sa work tapos wala pang bebetime.Kawawa naman ako.Naagaw ang atensyon ko nang mag-vibrate ang aking phone. Nanlalata ko itong kinuha sa bag at tiningnan. Agad na gumihit ang ngiti sa labi ko nang makita ang pangalan ni Alas na tumatawag. Mabilis ko itong sinagot.“Tammy?” tawag niya mula sa kabilang linya.“Alas,” natutuwang sambit ko.“Sorry dahil hindi kita nakausap kanina. By the way, where are you?” tanong niya.“Ahm, papunta na sa condo ko. Bakit?” nagtatakang tanong ko.“Tara. Let’s have a dinner date. Babawi ako,” pag-aaya niya.Napangiti ako nang malapad dahil sa hindi mapigilang kilig.“Oh, wait. Do you have anything else to do? Or are you going to rest? We can move it, if you're tired,” sabi niya sa nag-aalalang tono.“Ay, hindi! Okay lang. At saka kung pagod ako, mas magandang makasama kita, kasi ikaw ang pahinga ko,” banat ko at nagpigil ng ngiti.Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa. “Okay, Tammy. See you later.”Nakangiti akong napakagat-labi habang pinakikinggan ang boses niya.“Sure. Sige na, uuwi muna ako at magpapalit ng damit,” paalam ko.Nang ibaba na ang tawag ay dali-dali akong naglakad papuntang elevator.Napahinto ako at agad na napaatras nang makita si Sir Apollo na papunta rin sa direksyon nito.Mukhang sinuswerte ka nga naman, Tamara. Ang ganda pa ng timing.Pagdating sa tapat ay pinindot niya ang button at sabay kaming naghintay na magbukas ito.“Good evening, Sir,” nahihiya at hindi makatingin na bati ko.Walang emosyon lang siyang tumango. Nabalik ang atensyon namin sa pinto nang magbukas na ito. Pumasok na siya sa loob. May pagdadalawang-isip sa akin kung sasabay ba ako sa kanya o pauunahin na lang siya para hindi nakakailang. Biglang sumagi sa isip ko si Alas, naghihintay siya sa akin.Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nagbigay na lang ako ng malaking distasya at nakayukong humarap sa pinto ng elevator.Ang tahimik at ang awkward ng paligid para sa akin. Hindi rin ako maapakali. Itinutok ko na lang ang atensyon sa mga number button at hinintay na makarating sa floor ko.Grabe naman talaga ang kamalasan na ’to. Magkatabi nga pala ang unit namin. Mauuna na lang ako para hindi na siya makasabay. Kailangan ko rin magmadali, may date pa kami ni Alas.Halos nakahinga na ako nang maluwag nang huminto ito at magbukas ang pinto.Finally, maiiwasan ko na siya. Magmamadali na ako na lumabas.“Hey!” rinig kong tawag niya.Napahinto ako at dahan-dahang napalingon sa kanya. Lumingon-lingon muna ako sa paligid dahil baka iba pala ang tinatawag niya. Mukhang ako nga ito dahil wala nang ibang tao rito bukod sa akin.“Y-yes po, Sir?” kinakabahang tanong ko.“What’s your name?” walang emosyon na tanong niya.“N-name? T-Tamara Fernandez po, Sir,” medyo nauutal na sagot ko.“Tamara,” pag-ulit niya. “You forgot something in my condo.”Tila sumakit na namang ang ulo ko nang maalala ang kagagahan na ginawa ko sa condo niya.Pero sandali? May nakalimutan ako?Puno ng pagtataka ko siyang tiningnan. Inisip ko kung ano ito pero walang ideya na pumapasok.“A-ano po ’yon, Sir?” nahihiyang tanong ko.Bahagya siyang napaiwas ng tingin at napalunok. “I don’t know what that thing is. Just take it when we get to my condo.”“O-opo, Sir,” sagot ko at bahagyang tumango.Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa unit niya. Pumasok na siya sa loob. Sumandal ako at naghintay sa tapat ng pinto niya.Napaayos ako ng tayo nang makita ko na siyang palabas. Lumapit siya sa akin.“Here,” naiilang na sabi niya at nilahad ito.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang br*ast pads ko. Mabilis ko itong kinuha sa kanya at sinuksok sa aking bag. Napayuko ako sa sobrang hiya. Pakiramdam ko, namumula ang buong mukha ko dahil nag-iinit ito.“T-thank you, Sir Apollo. P-pasensya na rin po sa nangyari,” hindi makatingin na sabi ko.Hindi ko na alam kung may mukha pa akong maiiharap sa Boss ko. Nag-trespass ako sa condo niya, naghubad at inaya siya ng s*x sa pag-aakalang siya si Alas. Akala ko tapos na, pero hindi pa pala dahil nakapag-iwan pa ako ng br*ast pad. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.Jusko, Tamara! Ang gaga mo talaga!Chapter Twenty Six Napakagat ako ng ibabang labi ko habang tinitingnan ang kanyang p*gkalalaki.Grabe, kaya ko ba ’to? Parang hindi. Nakakatakot!“Don’t be nervous. I’ll be gentle,” mahinahong sambit niya at marahan na hinawakan ang aking pisngi.Napalunok ako nang mapupungay na mga mata siyang tumitig sa akin. Sobrang nakakadala ang tingin niyang ganyan. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos at wala sa sariling napatango. Gumuhit naman ang ngisi sa kanyang labi. Hinawakan niya ulit ang magkabilang hita ko at lalong ibinuka. Muling nabuhay ang init ng katawan ko nang ikiskis niya ang kanyang kahabaan sa gitna ko. Kita ko sa mga mata niya ang labis na pagnanasa. Napansin kong mayroon muna siyang inilagay, mukhang proteksyon ito, hanggang sa naramdaman ko ang ulo ng p*gkalalaki niya na unti-unting pumapasok sa bukana ko. “A-aray!” d*ing ko dahil sa sobrang sakit. Parang may mapupunit na laman sa akin habang pinapasok niya ito. “Ah! A-ang sakit!” Mariin akong napakapit sa magkabil
Chapter Twenty Five“What?!” gulat na tanong ko. Agad kong tinakpan ang aking katawan.“Are you out of your mind?” inis na tanong ko.Tanging pagngisi lang ang sinagot niya sa akin at nanatili pa ring hawak ang camera sa tapat ko. “Itigil mo ’yan!” sita ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at seryoso ang mukha na nakatitig sa phone na nakatutok sa akin.Grabe! Hindi ko inaasahan na aabot siya sa ganito. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya, pero hindi ’yon sapat para gawin niya ito sa akin. Tumayo ako at galit lumapit sa kanya. Umakma akong kukunin ang phone pero iniwas naman niya ito sa akin.“Hey! Stop!” pagpigil niya sa ’kin habang pilit na inilalayo ang phone niya. “Ikaw ang tumigil! Akin na ’yan!” sagot ko at nakipag-agawan pa rin.Umibabaw ako sa kanya para ikulong siya at lalong maagaw ang kanyang phone. Wala na siyang kawala.Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ng matigas na bagay sa ilalim ko. “Ugh,” rinig kong ungol niya. Natigil kaming dalawa sa pag-aag
Chapter Twenty Four“Come in,” malamig na saad niya. Namimilog na mga mata ko siyang tiningnan. “P-po?” hindi makapaniwalang tanong ko.Hindi niya ako nilingon at pumasok na sa loob. Iniwan naman niya na nakabukas ang pinto para makapasok ako. Pumasok na ako sa loob na bakas pa rin sa mukha ang gulat. Medyo nakakabigla ang pagiging mabilis niyang kausap. Pumunta siya sa kitchen, nanatili lang akong nakatayo sa living room habang hinihintay siyang bumalik. Ilang sandali lang ay nakabalik na siya. Mayroon siyang dalang isang basong tubig. Umupo siya sa couch at ininom ito. Hindi ko alam, pero parang ang hot tingnan ng paggalaw ang kanyang Adam's apple habang lumagok. Napansin ko rin na maganda talaga ang hugis ng panga niya. Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin nang bumaling sa akin ang matalim niyang mga mata.Sumenyas siyang umupo rin ako sa pwesto na katapat niya. Sinunod ko ito at umupo na roon. Ang bilis ng kabog ng d*bdib ko habang tinitingnan siya. Ibinaba niya ang b
Chapter Twenty ThreeMalalim akong napabuntong-hininga habang inililigpit ang mga gamit ko. Parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko sa tinginan ng mga empleyado na napapadaan sa aking puwesto. Napapansin ko rin na pinagbubulungan nila ako. Hindi naman nakapagtataka, siguradong laman ako ng chismis dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Bahagya akong napailing. Itinuon ko na lang ang atensyon sa mga gamit at nagmadali na itong niligpit. Nang matapos na, napatitig ako sa desk ko at hinawakan ito. Mapait akong napangiti at pinigilan ang luha na gusto nang pumatak."Mami-miss ko ang table na 'to," malungkot na sambit ko habang tinitingnan ang aking desk. Ibinaling ko ang atensyon sa mga kasama ko para magpaalam sa kanila."Buti na lang hindi ka sinisante. Akala ko talaga, mapapatalsik ka," sabi ni Chanti na bakas sa mukha ang pag-aalala.Akala ko rin. Thirty days suspension and overtime without pay for one year. Ito ang sinabi sa akin ni Alas. Siya ang kumausap sa akin dahil masyado pan
Chapter Twenty Two “What?!” gulat na tanong ni Sir Apollo.Hindi na ako nakapagpigil pa at dali-daling sinugod siya sa kanyang upuan. “Bastos! Manyak! R*pist!” singhal ko habang hinahampas siya nang malakas.Sa sobrang galit ko, gusto ko siyang murahin, tadyakan at paluin ng kung anumang gamit na aking mahawakan. “Ouch! Stop! Tamara, enough!” pagpapatigil niya sa akin habang patuloy siya sa pagpoprotekta sa sarili. “Tamara!” rinig kong tawag ni Alas.May humawak sa magkabilang kamay ko mula sa likuran at hinila ako palayo kay Sir Apollo. “Get off me! Hindi pa ako tapos!” Sinubukan kong pumalag pero masyado siyang malakas. Mahigpit din ang paghawak niya sa akin, kaya kahit ano pang galaw ko ay hindi ako makaalis.“Stop it!” boses ni Alas mula sa likuran ko. Siya pala ang pumigil sa akin. “What is this mess, Mr. Imperial?” tanong ng isang investor. “It’s just a little misunderstanding, Mr. Sebastian,” kalmadong sagot niya. “R*pist!” sigaw ko at pinilit ulit na kumawala kay Alas
Chapter Twenty OneUNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang nabibiyak ito sa sobrang sakit. Kinuha ko ang unan at idiniin ito sa aking mukha.“Aray…” d*ing ko habang nakaiidin pa rin ang unan sa akin.Ang bigat ng ulo ko, nararamdaman ko rin ang pananakit ng katawan ko. Parang kahit kagigising ko lang ay nanghihina ako. “Ano ba’ng nangyari?” wala sa huwisyong tanong ko sa sarili.Tinanggal ko ang unan na nakatabon sa akin at namimikit na mga matang tumingin sa itaas. Napaiwas ako ng nang makita ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw. “Sh*t!” mura ko at hinilot ang aking sentido. Pinilit kong bumangon kahit pikit ulit ang aking mga mata. Gusto kong magtimpla ng kape para mahimasmasan na ako nang kaunti at mawala rin ang sakit ng ulo ko. Dumilat ako at bumuwelo muna bago tumayo. Natigil ako nang mapansin na parang may kakaiba sa buong paligid. Kumunot ang noo ko nang makita ang kama. “Sandali?” nagtatakang sabi