Home / Romance / The Hard Boss / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: LiCueto
last update Last Updated: 2023-12-31 15:29:23

Chapter Three

“Move on, Tam.”

Mahina kong tinuktok ang ulo ko ng hair brush. Sumubsob ako sa kama at gigil na nagtakip ng unan. Gusto ko mang gawing maganda ang araw na ‘to, hindi ko magawa dahil sa isang kagagahan na nangyari.

“Nagkamali ako ng pintong pinasukan at ang mas malala, naghubad ako sa harapan ng isang stranger na kamukha ni Alas. Fudge! Sana hindi na kami magkita pa,” dismayado kong sabi sa sarili at idiniin ang unan sa akin.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa kama kaya agad ko itong kinuha at tiningnan. Bigla akong napabangon nang makita sa screen ang pangalan ni Alas na tumatawag.

Sinagot ko ito at tinapat sa aking tainga. “Hello?”

“Good morning, Tamara. I’m here outside your unit.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya.

Nagmadali akong tumayo at dumiretso sa pintuan para pagbuksan siya. Napataas ako ng isang kilay nang makitang walang tao sa labas. Lumingon ako sa kabilang pinto.

“Alas!” tawag ko. Kakatok pa sana siya roon, buti na lang napigilan ko.

Napansin ko ang pagtataka sa reaksyon niya nang makita ako. “I thought you lived here,” aniya at tumingin ulit sa pintuan nasa tapat niya.

“Nope, this is my place,” sagot ko at niluwagan ang pagbukas ng pinto para papasukin siya.

Lumapit na siya sa akin at pumasok sa loob.  Inilagay niya sa mesa ang mga dala niyang pagkain.

“Kumusta? Medyo naparami ang nainom mo kagabi. I brought coffee and some hangover relieving food,” saad niya.

“Thank you.” Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa pagiging sweet at thoughtful niya.

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi niya kagabi. Nagdadalawang-isip pa ako kung itatanong ko ‘yon. Nahihiya ako sa kanya.

Bahala na.

“Ahm, Alas. About last night, totoo ba talaga ‘yon?” nahihiyang tanong ko.

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. “Yes, and I hope we get to the next level. Pero hindi kita minamadali, maghihintay ako.”

Hindi ko na naitago pa ang kilig na nararamdaman ko. Tila biglang naging maganda at buo agad ang araw ko sa kabila ng pangit na umagang bumungad sa akin.

“Ako hindi,” sagot ko.

Bahagya naman siyang napakunot ng noo. “What do you mean?” tanong niya.

“Hindi na ako makapaghintay!” puno ng tuwang sagot ko.

Nakita ko sa reaksyon niya ang gulat at saya sa narinig. Kitang-kita rin ang ningning sa kanyang mga mata. Nakangiti siyang lumapit sa akin.

“Seriously?” hindi makapaniwalang tanong niya at malapad na napangiti.

“Yes,” sagot ko at tumango bilang tugon.

Hindi ko na kailangang patagalin pa dahil ilang taon ko na siyang hinintay.

“Yes!” Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit at binuhat. “Grabe, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Tamara,” rinig kong sabi niya.

“Ako rin,” sagot ko habang nakayakap sa kanya.

“Ow, wait! Malapit na pala tayong ma-late, hindi ko namalayan ang oras.” Marahan niya akong ibinaba. Kumalas siya at tumingin sa akin.

“Let’s go?” pag-aaya niya.

Nakangiti akong tumango. “Sure.”

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami. Magkahalong hiya at kilig ang nararamdaman ko habang hawak niya ang aking kamay.

Huminto kami sa tapat ng elevator at naghintay. Dahan-dahang nagbukas ang pinto nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong nasa loob. Napansin ko rin ang gulat sa kanyang reaksyon pero agad na naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Kung hindi ako nagkakamali, siya ang lalaking nasa kabilang unit.

Napalingon ako kay Alas, seryoso lang siyang nakatingin doon. Ibinalik ko ang tingin sa lalaki at tiningnan siyang mabuti. Unti-unting napataas ang aking isang kilay.

“Parang may kakaiba,” mahinang sabi ko.

Lumingon-lingon ako kay Alas at sa lalaking nasa elevator. Natigil ako nang mapagtanto na magkamukha talaga silang dalawa. Ang pinagkaiba lang ay ang kanilang hairstyle. Mahaba ang buhok ni Alas na umaabot hanggang sa balikat, samantalang undercut naman ang gupit ng lalaki. Mukhang wala rin dimple ang lalaki, o baka hindi lang siya marunong ngumiti.

Ibinaba niya ang tingin sa kamay namin ni Alas na magkahawak at inangat ulit ang tingin sa amin. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

Bakit pala siya nandito?

“Let’s go to the conference room, Tamara.” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang sinabi ni Alas. Tumango ako bilang tugon.

“Excuse us.” Pumasok na siya sa loob at sumunod na ako. Lumabas naman ang lalaki.

Pinindot ni Alas ang third floor button kung nasaan ang conference room. Nang magbukas ang pinto ay dumiretso na kami roon.

Nang makarating na kami, napansin kong nandito na ang mga kasamahan ko pati na rin ang ilang empleyado sa ibang department. Lumapit ako sa kanila na ngayon ay nagchichismisan. Pumunta naman si Alas sa mga Editor.

“Uy, Tamara! May nasagap akong chika. Hindi lang pala basta kapatid ni Sir Alas ang bagong CEO, kakambal niya pa,” bungad ni Ate Sam.

Bahagya akong napakunot ng noo.

“Kakambal?” nagtatakang tanong ko.

“Guys, makinig na kayo, magsisimula na,” pagsingit ni Arya.

Itinuon na namin ang atensyon sa harap para makinig.

“Let’s now welcome, the new Chief Executive Officer of Likha Studios, Mr. Apollo Imperial.” Tumayo kami at nagpalakpakan.

Napatingin kaming lahat sa pintuan na nagbukas. Halos tumigil ang mundo ko nang pumasok ang pamilyar na lalaki. Parang binagsakan ako ng langit at lupa nang makumpirma na siya ‘yung lalaki sa kabilang unit. Nanlambot ang mga tuhod ko habang nakatitig sa kanya.

“S-siya?” nauutal na tanong ko.

Kung susuwertehin nga naman talaga ako. Siya ang sinasabing bagong Boss namin. Siguradong pangit na agad ang image ko sa kanya.

Nanatili akong tulala at bakas pa rin sa mukha ang gulat. Bahagya akong napayuko. Gusto kong lumabas para hindi niya makita dahil  wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Gusto ko ring maglaho na lang bigla na parang bula.

Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Parang ugong na lang ang naririnig ko. Inangat ko ang tingin sa kanya. Ngayon ay tipid siyang nakangiti.

Bigla akong kinabahan nang lumipat sa direksyon ko ang tingin niya bago siya magsalita.

“I only have three rules,” saad niya.

“First rule, the easy one. Follow my command,” mahinahong wika niya habang nakataas ang hintuturo.

“Second rule, no visitors allowed. Unless clients, investors and partners.” Medyo napataas ako ng isang kilay nang marinig ito. Napansin ko rin ang violent reaction sa ilang nandito.

“And the last rule. No romantic relationship between the employees, kahit meron na kayo nito bago pa ako dumating. It’s either itigil n’yo ang relasyon o mag-resign ang isa sa inyo, are we clear?”

Hindi ko na napigilang napakunot ng noo. Nagkaroon din ng bulung-bulungan sa paligid tungkol sa huling rule.

“Paano sina Kyla at Jom?” rinig kong tanong ni Chanti.

Napalingon kami sa direksyon nina Jom at Kyla. Bakas sa mga mukha nila ngayon ang takot at kaba.

Hindi magandang ito, apektado sila ng last rule. Hindi sila puwedeng matanggal dito dahil sa mababaw na patakaran.

Napalingon kami kay Enzo nang magtaas siya ng kamay.

“Yes?” tanong ni Sir Apollo.

“Sir, regarding sa rule number 3. Kinasal lang kahapon sina Kyla at Jom, paano po ang case nila?” tanong ni Enzo at itinuro ang bagong kasal.

“Congratulations,” bati ni Sir Apollo at nginitian sina Kyla at Jom. “But rules are rules.” Sa isang iglap ay naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakakatakot.

“Another, secret relationship is also ineffective. Kapag ginawa n’yo ‘to, pareho kayong matatanggal, kaya huwag n’yo nang tangkain,” aniya.

Nabalot ng bulungan ang buong room. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam na hindi pala bagong CEO ang narito sa harapan namin, kundi isang robot o kaya anti-love freak. Tao pa ba siya?  Mukhang wala siyang pakiramdam at walang pakialam sa mararamdaman ng mga tao niya.

“I don’t want to have any distraction here. Isa ang love sa pinakadahilan nito kaya simulan na nating tanggalin. Isipin n’yo nang masyado akong mapait o mahigpit, pero kung ito ang magiging paraan para mapabuti ang kompanya, I will. Tandaan n’yo, nasa isang matinding krisis ang Likha Studios, kaya umaasa ako na magtutulungan tayo,” saad niya.

Walang kahit isang nagsalita sa amin. Tanging pagkuyom lang ng kamao at pakikiramdam sa paligid ang nagawa ko. Napatingin ako kay Alas. Nakatingin din siya sa akin na may bahid ng kaba at lungkot sa kanyang mukha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
grabe Naman Ang bagong boss paano na SI Tamara at Alas
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
up next episode po
goodnovel comment avatar
Sol Consigna
pa update po pls Ms A.... salamat po .........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Six

    Chapter Twenty Six Napakagat ako ng ibabang labi ko habang tinitingnan ang kanyang p*gkalalaki.Grabe, kaya ko ba ’to? Parang hindi. Nakakatakot!“Don’t be nervous. I’ll be gentle,” mahinahong sambit niya at marahan na hinawakan ang aking pisngi.Napalunok ako nang mapupungay na mga mata siyang tumitig sa akin. Sobrang nakakadala ang tingin niyang ganyan. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos at wala sa sariling napatango. Gumuhit naman ang ngisi sa kanyang labi. Hinawakan niya ulit ang magkabilang hita ko at lalong ibinuka. Muling nabuhay ang init ng katawan ko nang ikiskis niya ang kanyang kahabaan sa gitna ko. Kita ko sa mga mata niya ang labis na pagnanasa. Napansin kong mayroon muna siyang inilagay, mukhang proteksyon ito, hanggang sa naramdaman ko ang ulo ng p*gkalalaki niya na unti-unting pumapasok sa bukana ko. “A-aray!” d*ing ko dahil sa sobrang sakit. Parang may mapupunit na laman sa akin habang pinapasok niya ito. “Ah! A-ang sakit!” Mariin akong napakapit sa magkabil

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Five

    Chapter Twenty Five“What?!” gulat na tanong ko. Agad kong tinakpan ang aking katawan.“Are you out of your mind?” inis na tanong ko.Tanging pagngisi lang ang sinagot niya sa akin at nanatili pa ring hawak ang camera sa tapat ko. “Itigil mo ’yan!” sita ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at seryoso ang mukha na nakatitig sa phone na nakatutok sa akin.Grabe! Hindi ko inaasahan na aabot siya sa ganito. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya, pero hindi ’yon sapat para gawin niya ito sa akin. Tumayo ako at galit lumapit sa kanya. Umakma akong kukunin ang phone pero iniwas naman niya ito sa akin.“Hey! Stop!” pagpigil niya sa ’kin habang pilit na inilalayo ang phone niya. “Ikaw ang tumigil! Akin na ’yan!” sagot ko at nakipag-agawan pa rin.Umibabaw ako sa kanya para ikulong siya at lalong maagaw ang kanyang phone. Wala na siyang kawala.Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ng matigas na bagay sa ilalim ko. “Ugh,” rinig kong ungol niya. Natigil kaming dalawa sa pag-aag

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Four

    Chapter Twenty Four“Come in,” malamig na saad niya. Namimilog na mga mata ko siyang tiningnan. “P-po?” hindi makapaniwalang tanong ko.Hindi niya ako nilingon at pumasok na sa loob. Iniwan naman niya na nakabukas ang pinto para makapasok ako. Pumasok na ako sa loob na bakas pa rin sa mukha ang gulat. Medyo nakakabigla ang pagiging mabilis niyang kausap. Pumunta siya sa kitchen, nanatili lang akong nakatayo sa living room habang hinihintay siyang bumalik. Ilang sandali lang ay nakabalik na siya. Mayroon siyang dalang isang basong tubig. Umupo siya sa couch at ininom ito. Hindi ko alam, pero parang ang hot tingnan ng paggalaw ang kanyang Adam's apple habang lumagok. Napansin ko rin na maganda talaga ang hugis ng panga niya. Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin nang bumaling sa akin ang matalim niyang mga mata.Sumenyas siyang umupo rin ako sa pwesto na katapat niya. Sinunod ko ito at umupo na roon. Ang bilis ng kabog ng d*bdib ko habang tinitingnan siya. Ibinaba niya ang b

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Three

    Chapter Twenty ThreeMalalim akong napabuntong-hininga habang inililigpit ang mga gamit ko. Parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko sa tinginan ng mga empleyado na napapadaan sa aking puwesto. Napapansin ko rin na pinagbubulungan nila ako. Hindi naman nakapagtataka, siguradong laman ako ng chismis dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Bahagya akong napailing. Itinuon ko na lang ang atensyon sa mga gamit at nagmadali na itong niligpit. Nang matapos na, napatitig ako sa desk ko at hinawakan ito. Mapait akong napangiti at pinigilan ang luha na gusto nang pumatak."Mami-miss ko ang table na 'to," malungkot na sambit ko habang tinitingnan ang aking desk. Ibinaling ko ang atensyon sa mga kasama ko para magpaalam sa kanila."Buti na lang hindi ka sinisante. Akala ko talaga, mapapatalsik ka," sabi ni Chanti na bakas sa mukha ang pag-aalala.Akala ko rin. Thirty days suspension and overtime without pay for one year. Ito ang sinabi sa akin ni Alas. Siya ang kumausap sa akin dahil masyado pan

  • The Hard Boss   Chapter Twenty Two

    Chapter Twenty Two “What?!” gulat na tanong ni Sir Apollo.Hindi na ako nakapagpigil pa at dali-daling sinugod siya sa kanyang upuan. “Bastos! Manyak! R*pist!” singhal ko habang hinahampas siya nang malakas.Sa sobrang galit ko, gusto ko siyang murahin, tadyakan at paluin ng kung anumang gamit na aking mahawakan. “Ouch! Stop! Tamara, enough!” pagpapatigil niya sa akin habang patuloy siya sa pagpoprotekta sa sarili. “Tamara!” rinig kong tawag ni Alas.May humawak sa magkabilang kamay ko mula sa likuran at hinila ako palayo kay Sir Apollo. “Get off me! Hindi pa ako tapos!” Sinubukan kong pumalag pero masyado siyang malakas. Mahigpit din ang paghawak niya sa akin, kaya kahit ano pang galaw ko ay hindi ako makaalis.“Stop it!” boses ni Alas mula sa likuran ko. Siya pala ang pumigil sa akin. “What is this mess, Mr. Imperial?” tanong ng isang investor. “It’s just a little misunderstanding, Mr. Sebastian,” kalmadong sagot niya. “R*pist!” sigaw ko at pinilit ulit na kumawala kay Alas

  • The Hard Boss   Chapter Twenty One

    Chapter Twenty OneUNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang nabibiyak ito sa sobrang sakit. Kinuha ko ang unan at idiniin ito sa aking mukha.“Aray…” d*ing ko habang nakaiidin pa rin ang unan sa akin.Ang bigat ng ulo ko, nararamdaman ko rin ang pananakit ng katawan ko. Parang kahit kagigising ko lang ay nanghihina ako. “Ano ba’ng nangyari?” wala sa huwisyong tanong ko sa sarili.Tinanggal ko ang unan na nakatabon sa akin at namimikit na mga matang tumingin sa itaas. Napaiwas ako ng nang makita ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw. “Sh*t!” mura ko at hinilot ang aking sentido. Pinilit kong bumangon kahit pikit ulit ang aking mga mata. Gusto kong magtimpla ng kape para mahimasmasan na ako nang kaunti at mawala rin ang sakit ng ulo ko. Dumilat ako at bumuwelo muna bago tumayo. Natigil ako nang mapansin na parang may kakaiba sa buong paligid. Kumunot ang noo ko nang makita ang kama. “Sandali?” nagtatakang sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status