Beranda / Romance / The Heartache of a Broken Marriage / Chapter 01: The Child Will Stay

Share

The Heartache of a Broken Marriage
The Heartache of a Broken Marriage
Penulis: Yazellaxx

Chapter 01: The Child Will Stay

Penulis: Yazellaxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-17 19:59:41

Pagkalabas ni Cailyn mula sa banyo, agad siyang isinandal ni Austin sa gilid ng kama.

Mahigpit ang hawak ng lalaki sa kanyang baywang, hindi siya binigyan ng kahit katiting na pagkakataong tumanggi.

Habang bukas ang TV, isang balita ang umagaw sa atensyon ni Cailyn.

"Ngayong hapon, personal na sinalubong ni Austin Buenaventura, presidente ng Buenaventura Group, ang sikat na Cello Queen na si Helen. Espesyal pang nag-arrange si Austin ng pribadong eroplano para sunduin siya mula sa London."

Nilingon ni Cailyn ang TV. Sa screen, kitang-kita niya si Austin, guwapong-guwapo, may hawak na malaking bouquet ng pulang rosas habang nakatingin kay Helen nang may tamis sa mga mata.

Dumagsa ang mga reporter.

"Mr. Austin, totoo bang hinintay ninyo si Miss Helen ng tatlong taon? Ngayong nandito na siya, balak n’yo na ba siyang pakasalan?"

Napako ang tingin ni Cailyn sa screen, hinihintay ang sagot ni Austin…

Pero bago pa niya marinig, biglang pinatay ng lalaki ang TV.

Hawak pa rin ang kanyang mukha, marahas siyang hinalikan mula sa likuran.

"Cailyn, mag-focus ka rito."

Pumiglas si Cailyn, pero mas lalo lang humigpit ang hawak ni Austin sa kanya.

Isang kamay nito ang umabot sa drawer at may hinugot na dokumento.

Kinabukasan, habang naliligo si Austin, biglang nag-ring ang phone niya.

Napatingin si Cailyn. Lumitaw sa screen ang pangalan—Helen.

Hindi niya iyon pinansin at nagpunta sa closet para kumuha ng nightdress.

Pagbalik niya, nandoon na si Austin, nakatayo sa harap ng bintana, nakikipag-usap sa telepono. Basa pa ang buhok nito, tumutulo ang tubig sa kanyang katawan, bumabagtas sa kanyang matipuno at maskuladong dibdib pababa sa V-line ng kanyang baywang.

Kinuha ni Cailyn ang tuwalya sa sofa para punasan sana ang kanyang buhok.

Ngunit iniwasan siya ni Austin.

Ibinalik nito ang phone sa bulsa at walang imik na inabot sa kanya ang isang papel.

Nang tingnan niya ito, bumungad sa kanya ang limang salita—

"Divorce Agreement."

"Pirmahan mo 'to sa loob ng dalawang araw, at ipapadala ko agad ang pera sa account mo."

Napangiti si Cailyn, kahit masakit.

"May tatlong buwan pa bago matapos ang kontrata natin, Austin."

Natawa nang malamig si Austin, ang tingin sa kanya'y puno ng panlalamig.

"Ano, ayaw mo bang umalis dahil gustong-gusto mo nang maging Mrs. Buenaventura?"

"Si Helen ang mahal ko. Siya ang gusto kong pakasalan, hindi ikaw. Sana malinaw 'yon sa'yo, Cailyn."

Bahagya siyang ngumiti, pero ramdam sa mga mata niya ang lungkot.

"Para kay Helen, babaliin mo ang kasunduan natin?"

"Wala kang karapatan pakialaman 'yon," malamig na sagot ni Austin. "Huwag kang mag-alala, babayaran kita."

Hindi na nagdalawang-isip si Cailyn. Kinuha niya ang dokumento.

"Sige. Asahan ko na lang ang bayad mo."

Tinitigan siya ni Austin, malamig ang mga mata, bago tumalikod at umalis.

Tatlong taon silang kasal, pero sa loob ng 1,095 na gabi, hindi kailanman natulog si Austin sa tabi niya.

At ngayong gabi, ganun na naman.

Pero kinabukasan, nagising si Cailyn sa matinding kirot sa tiyan.

Pinilit niyang balewalain, pero habang lumilipas ang oras, lumalala ang sakit.

Kaya napilitan siyang pumunta sa ospital.

At doon, isang hindi inaasahang balita ang bumungad sa kanya.

"Congratulations, Mrs. Buenaventura! Buntis po kayo at kambal ang dinadala ninyo!"

Nanlaki ang mga mata ni Cailyn.

Hindi siya makapagsalita.

Si Austin ay laging maingat. Kapag wala siyang proteksyon, kahit nasa kalagitnaan na sila, titigil ito.

At sinabi pa nito noon—

"You're not worthy to bring a child."

Para siyang sinampal ng reyalidad.

Ginamit lang siya bilang kasangkapan para mapanatili ang kasal habang hinihintay si Helen.

Pero kahit alam niyang walang pag-ibig si Austin sa kanya, umasa siya.

Umasa siyang matututunan din siyang mahalin nito…

Nagkamali siya.

Kasabay ng natanggap niyang balita, dumating ang tawag ni Austin.

Nagdadalawang-isip siyang sagutin ito, pero sa huli, pinindot niya ang phone.

Pagkarinig sa boses ng lalaki, parang binuhusan siya ng malamig na tubig.

"Bakit ka nabuntis?"

Hindi pa siya nakakasagot nang muling marinig ang malamig na boses nito.

"Sabihin mo sa doktor na gawin ang lahat para mawala 'yan."

Parang tinadtad ng kutsilyo ang puso ni Cailyn.

Halos tatlong taon niyang sinunod ang lahat ng gusto ni Austin…

Pero sa pagkakataong ito, hindi na.

Nanginginig ang boses niya nang tanungin niya,

"Austin, paano kung hindi ko gawin?"

"Cailyn, sa harap ko, wala kang karapatang tumanggi."

Bumagsak ang luha niya.

Niyakap niya ang tiyan niya.

At sa pagkakataong ito, hindi na siya papayag na mawalan muli.

Kaya agad niyang pinapirmahan ang papeles sa ospital para protektahan ang kanyang dinadala.

Makalipas ang ilang oras, bumukas ang pinto ng kwarto niya.

Pumasok si Austin, galit na galit.

Tahimik siyang tinitigan ni Cailyn, kalmado, pero puno ng determinasyon ang kanyang mga mata.

"You fool me."

Nakangisi si Austin, pero ang mukha niya’y punong-puno ng poot.

"Sabihin mo, paano ka nabuntis?"

Hindi natinag si Cailyn.

"Austin, sigurado akong sa'yo ang batang 'to."

Natawa nang malamig si Austin.

"Talaga? IVF? Plano mong gamitin 'yan para hindi matuloy ang divorce natin?"

Napangisi si Cailyn. Hindi siya natinag sa malamig na titig ni Austin.

"Austin, ako ba ang pinagdududahan mo… o ang sarili mo?"

Namuo ang tensyon sa pagitan nila. Kitang-kita niya ang galit sa mukha ng lalaki, ang ugat sa kanyang noo na bakas ng matinding emosyon.

"Kung may ginawa akong ganyan, sa tingin mo ba hindi mo malalaman?"

"Cailyn!" sigaw ni Austin, sumiklab ang galit sa kanyang mga mata.

Tatlong taon siyang sunud-sunuran, tahimik na nagtitiis sa ilalim ng anino ni Austin. Pero ngayon, nakatayo siya sa harapan nito, hindi na takot.

Hindi nagpatinag si Austin. Bumaling ito sa assistant.

"Ipahanda mo na ang operation procedure. Ngayon din."

Parang binagsakan ng mundo si Cailyn.

Pero hindi siya nagpakita ng kahinaan.

Huminga siya nang malalim, pinunasan ang luha sa kanyang mga mata, saka buong tapang na nagsalita.

"Huwag ka nang magsayang ng oras, Austin. Ang batang ito, hinding-hindi ko ipapaalis."

Saglit na katahimikan.

Pero nang magsalita si Austin, ramdam niya ang matinding lamig sa boses nito.

"Akala mo ba kapag nanganak ka, hindi matutuloy ang divorce?"

Hindi sumagot si Cailyn. Imbes, mahigpit niyang niyakap ang kanyang tiyan—ang tanging bagay na pag-aari niya ngayon.

Biglang lumamig ang ngiti ni Austin. May isang bagay sa titig niya na nagpatayo ng balahibo ni Cailyn.

"Okay lang."

"Kung hindi na magkakaanak si Helen… hindi na rin masama kung hiramin na lang ang batang dinadala mo."

Namilog ang mga mata ni Cailyn.

"Austin, anong ibig mong sabihin?"

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

Si Austin, puno ng panlalamig.

Si Cailyn, puno ng kaba.

At sa isang saglit, tuluyan siyang ginupo ng sakit sa puso.

"Ang ibig kong sabihin, puwedeng manatili ang bata... pero si Helen ang magiging ina. At ikaw, kailangan mong lumayas."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Rafael Paras
nice story
goodnovel comment avatar
Cassandra Hibe
hahahaha grabe!
goodnovel comment avatar
Angelica Moralina
omgggg!!!!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 162: Kickin' the Door

    Siyempre, hindi talaga magpapakamatay si Cailyn. Kung mamamatay man siya sa kamay lang ni Carlos, kahit pa buong pamilya Sevilla ang maglibing sa kanya sa ginto, hindi pa rin iyon magiging sulit. Paano na si Daniel at si Daniella? Kapag nawala siya, sino pa ang magtatanggol sa kanila? Hindi siya puwedeng mamatay. Kailangan niyang mabuhay. Pero ngayon, kailangan niyang manatiling gising, kahit konti. At kung kailangan niyang magsugal para takutin si Carlos. Kaya dahan-dahang ibinaon ni Cailyn ang matulis na piraso ng seramika sa balat ng leeg niya. Kitang-kita ang paglabas ng pulang guhit ng dugo. Ang sakit na dulot nito ay bahagyang pumigil sa init at pagkalito sa kanyang katawan, at unti-unting ibinalik ang ulirat niya. Hindi inakala ni Carlos na kakayanin ni Cailyn na saktan ang sarili niya. Nang makita ang dugo sa leeg nito, nanginig ang kanyang tapang. Hindi ito ang plano niya. Hindi dapat mamamatay si Cailyn. Dahil kapag namatay si Cailyn, mamamatay din siya. Hindi si

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 161: Prove It

    Inihatid ng chef ang food cart papunta sa dining area. Maingat niyang inisa-isa ang pag-aayos ng hapunan ni Cailyn.Yung isa pang chef na tahimik lang sa likod, paminsan-minsan ay pasimpleng sumusulyap kay Cailyn, na abalang-abala pa rin sa tawag sa may sala.Tuloy pa rin ang tawanan at kwentuhan nila ni Jasper sa phone, at hindi man lang niya napansin ang dalawang chef na naroon.“Miss Cailyn, ayos na po ang hapunan niyo, puwede na kayong kumain.”Magalang na sambit ng chef na nag-ayos ng pagkain.Tumango si Cailyn. Matapos makipagkwentuhan ng kaunti pa, binaba na niya ang tawag at lumapit sa hapag-kainan.“Pwede na kayong bumaba.”Sambit niya, nang mapansing nakatayo pa rin ang dalawang chef sa gilid.“Iiwan ko na lang po yung assistant ko rito, para kung may kulang o may gusto kayong ipabago, nandito siya para mag-asikaso.”Alok ng chef na naunang nagsalita.“Hindi na kailangan. Lahat kayo, bumaba na.”Mahinahon pero mariing utos ni Cailyn. Hindi siya sanay na may nanonood habang k

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 160: Somehow Achieved

    Pagkatapos maayos ang mga isyu sa Rux, lumipad pabalik si Mario sa AustraliaSi Raven naman ay naiwan sa Cambridge City —bukod sa pagsama kay Cailyn, marami pa rin siyang kailangang ayusin doon.Si Cailyn naman, pumunta sa Rux R&D Center para tingnan ang progress ng mga bagong gamot at i-check ang kondisyon ng mga equipment sa lab.Dahil hindi naman techie o eksperto si Raven sa ganung bagay, ayaw na lang ni Cailyn sayangin ang oras niya, kaya hindi niya na ito sinama. Pinagawa na lang niya ng ibang bagay.Buong araw siyang nasa Rux R&D Center.Sa nakaraang anim na buwan, sobrang laki ng improvement sa Rux dahil sa solid na pag-manage ni Mariel.At least, sa nakita niya sa research center, satisfied si Cailyn.Pagbalik niya sa hotel, pasado alas-siete na ng gabi.Habang nasa biyahe pabalik, hindi niya mapigilan mag-isip kung paano mabibili ang natitirang 42% shares ng Rux na hawak pa ng pamilya Sevilla.Oo, wala na silang say sa operations ng Rux ngayon, pero dahil may hawak pa silang

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 159: Misterious

    Lumipas ang lima o anim na minuto bago tuluyang ibaba ni Austin ang tawag sa kanyang telepono.Pero kahit tapos na ang tawag, hindi pa rin siya lumingon.Tumingala siya sa bintana.Tirik na tirik ang araw sa tanghaling ‘yon, pero kahit gaano pa kainit sa labas, hindi nito kayang tunawin ang lamig at kalungkutang bumabalot sa katawan niya.“Au... Austin...”Pinilit ni Dahlia ang sarili, tinawag siya nang dahan-dahan.Parang alam na niyang nandoon si Dahlia, kaya tinaas ni Austin ang kanyang kaliwang kamay, pinisil ang sariling sentido, at sa paos na tinig ay inutusan si Felipe, “Dalhin mo sa kanya ang dokumentong kailangang pirmahan.”Tumango si Felipe, saka kinuha ang kopya ng kasunduan sa paglilipat ng shares ng Rux.Napako si Dahlia. Ilang segundo rin siyang hindi nakakilos bago niya tuluyang kinuha ang folder, binuksan ito, at mabilis na binasa.Simple lang ang nakasulat—ibinebenta niya ang 5% shares ng Rux na nakapangalan sa kanya kay Austin, sa halagang eksaktong 5.8 billion.Yun

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 158: Silent

    Habang paalis na ang doktor, agad na sumunod si Felipe kay Cailyn na nasa pintuan na ng kanyang suite. Maingat siyang nagtanong, “Miss Cailyn, may oras ka ba? Pwede ba kitang istorbohin sandali para lang makapagsalita ako?”Ngayon, alam na ni Felipe na si Cailyn pala ang tunay na boss nina Mario at Raven. Ang yaman niya, ilang beses pa ang taas kumpara kina Austin.Doon lang talaga umabot sa sukdulan ang respeto ni Felipe sa kanya.Kay Austin, kahit boss pa niya ito, hindi gano’n kataas ang tingin niya.Pero ‘di lang dahil sa yaman kung bakit gano’n kataas ang respeto niya kay Cailyn—kundi dahil sa tatlong taon na ipinaglaban at ibinigay niya lahat para kay Austin at sa pamilya nito.Sa sobrang yaman at galing ni Cailyn, sino ba’ng babae ang gugugol ng tatlong taon para lang mahalin at intindihin ang isang lalaking tulad ni Austin?Ngumiti lang si Cailyn. “Kung tungkol ‘yan kay Austin, huwag na lang nating pag-usapan.”Napabuka ang bibig ni Felipe pero pinilit pa rin niyang magsalita.

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 157: Seriously Ill

    "Ano'ng sabi ni Cailyn kanina? 'Sasamahan kita, maglaro ulit tayo ng ganitong game?'Pwedeng ba, sa nakaraang tatlong taon, natutunan na ulit ni Cailyn na mahalin si Austin?Hindi. Hindi ‘yan acting.Mahal pa rin siya ni Cailyn.Noong panahong ‘yon, sigurado, mahal na mahal siya ni Cailyn.Pero kung hindi na siya mahal ngayon, bakit siya hinahabol ni Austin?Pero... paano kung totoo ngang hindi na siya mahal?Pero siya, mahal na mahal niya si Cailyn. Gusto niya siya sa araw at sa gabi, gusto niya siyang alagaan, gusto niyang ibigay lahat. Hindi pa ba sapat ‘yon?Pero kahit hindi na siya mahal — okay lang.“Cailyn, kahit hindi mo na ako mahal, ayos lang.Simula ngayon, ako naman. Ako ang magmamahal sa’yo ng totoo.Bigyan mo lang ako ng isa pang chance, please.”“Boss, wife mo…” sabay lakad ni Felipe palapit kay Austin. Tiningnan niya ito — tulala, hindi makagalaw, ang daming emosyong halatang pilit niyang kinukubli.Sa labas ng salaming bintana, tanging buntot lang ng isang mamahaling

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status