Share

Chapter 02: Treasure

Author: Yazellaxx
last update Last Updated: 2025-01-17 20:00:14

Tatlong araw na nanatili si Cailyn sa ospital.

Pagbalik niya sa bahay, sinalubong siya ng tahimik na gulo, si Manang Fe, ang matagal nang sekretarya ni Austin, abalang-abala sa pag-iimpake ng mga gamit.

Akala ni Cailyn, may business trip lang si Austin. Kaya hindi na siya nagtanong.

Pero habang pinagmamasdan niya si Manang Fe na isa-isang nilalagay sa kahon ang mga bagay, mga damit, sapatos, relo, at kung anu-ano pa, napansin niyang hindi lang simpleng pag-iimpake ito. Mahigit dalawampung kahon. Lahat ng pag-aari ni Austin, siniguradong wala nang matitira.

Doon niya naramdaman na may mali.

Bago pa siya makapagtanong, nauna nang nagsalita si Manang Fe. “Miss Cailyn, utos ni Boss, kunin lahat ng bagay na naibigay niya sa’yo pati alahas, bag, damit, lahat ng pag-aari niya. Dapat walang matira.”

Nanlamig si Cailyn. Napatitig siya kay Manang Fe, naguguluhan, nasasaktan pero walang salitang lumabas sa bibig niya.

“Huwag n’yo na akong pag-aksayahan ng oras,” malamig na sabi niya. “Sa villa na ’to, maliban sa katawan ko, lahat ng bagay dito, kay Austin. Mas mabuti pa siguro, ako na lang ang umalis.”

Tatlong taon.

Tatlong taon mula nang isuko ni Cailyn ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral kapalit ng 300 milyong piso, ang halagang nagligtas sa negosyo ng kanyang pamilya.

Tatlong taon mula nang pakasalan niya si Austin pagkatapos ng graduation. Naging full-time housewife siya mula noon. Hindi na nagtrabaho, hindi na kumita ng kahit singkong duling.

At iyon ang tingin ng lahat sa kanya, pati na ni Austin.

Isang babaeng walang sariling kakayahan.

“Ah, ganun po ba…” mahina ngunit kalmadong sagot ni Cailyn.

Natigilan si Manang Fe. Hindi niya inasahan ang ganung reaksyon.

“Kailangan ko pong ipaalam ‘to kay Boss,” sabi niya, halatang nag-aalangan.

Ngumiti si Cailyn, pilit na ngiti at tahimik na umalis papunta sa kanyang parmasya.

Doon, sa maliit na espasyo na itinayo niya nang hindi alam ni Austin, nakahilera ang mga produktong siya mismo ang nag-develop. Mga gamot, supplements, mga ideyang ilang taon niyang pinag-isipan.

Sabi ng iba, umaasa lang siya kay Austin.

Pero ang totoo? Matagal na niyang itinayo ang sarili niyang mundo, kahit pa nasa anino siya ng asawa niya.

Kaya nang makita siyang kalmado ni Manang Fe, natataranta ito. Kinuha ang phone at agad tinawagan si Austin.

Sa opisina, nanigas ang panga ni Austin nang marinig ang ulat. “Hayaan mo siyang umalis,” malamig na utos niya. “Gusto kong makita kung hanggang saan aabot ang sinasabi niyang prinsipyo.”

Sigurado rin si Manang Fe na umaasa lang si Cailyn. Iniisip niya, saan pupunta ang babaeng ito? Wala na ang yaman ng pamilya niya. Wala na siyang masasandalan.

Pero nagkamali siya.

Matapos iligpit ni Cailyn ang mga produkto niya, isinilid niya ito sa kotse na matagal na niyang ginagamit. Handa na siyang umalis.

Hindi niya kailangang magmakaawa kay Austin.

Hindi ngayon.

Hindi na kailanman.

“Miss Cailyn.”

Napatigil siya sa harap ng kotse.

May plastik na ngiti si Manang Fe. “Ang kotse na ‘yan… pag-aari rin ni Boss. Hindi mo puwedeng dalhin.”

Sa kabila ng kirot, ngumiti si Cailyn, pero hindi na ito pilit. Malamig. Blangko. “Sorry, nakalimutan ko.”

Isa-isa niyang binaba ang mga gamit mula sa kotse. Nang matapos, tumawag siya sa telepono, saka nilingon si Manang Fe.

“Ang suot ko na damit, sapatos at pera rin ni Austin. Kailangan ko rin bang hubarin?”

Ngumiti si Manang Fe, nagkukunwaring mabait. “Kung gusto mong iwan, pwede naman.”

Sumikip ang dibdib ni Cailyn. Pero hindi siya nagpatalo.

Umakyat siya sa ikatlong palapag ng villa, hinanap ang mga lumang damit na tatlong taon nang nakatago. Mga damit bago pa siya naging “Mrs. Austin”.

Habang nagbibihis, sumunod si Manang Fe, siniguradong wala siyang dadalhing kahit ano.

Pagbaba, hinarang siya. “Sigurado ka bang wala kang dinalang kahit ano?”

Tinitigan siya ni Cailyn. “Gusto mo bang halughugin ako?”

Ngumiti si Manang Fe. “Para malinaw lang.”

At walang kahihiyan siyang kinalkal ang bulsa ni Cailyn, sinipat pati ilalim ng damit.

Matapos ang lahat, ngumiti si Manang Fe. “Ayos na, Miss Cailyn. Pwede ka nang umalis.”

Nilunok ni Cailyn ang lahat ng sakit. Kinuha ang kaunting gamit niya at tuluyan nang umalis.

Sa ilalim ng puno, sa labas ng villa, naupo siya habang hinihintay si Jasper.

Masakit. Masakit sobra. Pero hindi niya hahayaang madamay ang dinadala niya.

Isang buhay na kailangan niyang ingatan, ang anak nilang dalawa ni Austin.

Hindi ito kasalanan ng bata.

Hindi niya hahayaang mawala ito.

“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Jasper nang makita si Cailyn ay maputla, naka-tsinelas, at may bitbit na karton sa tabi ng kalsada.

Tumingala siya at pilit na ngumiti. “Wala na kami ni Austin. Pinalayas na rin niya ako.”

Nanlaki ang mga mata ni Jasper.

Napansin ni Cailyn ang reaksyon niya at mapait na tumawa. “Ano? Nagulat ka? Tutulungan mo ba ako o hindi?”

Hindi makapagsalita si Jasper. Alam niyang malakas si Cailyn, pero ngayon, kitang-kita niya ang bigat na dinadala nito.

“Bakit? Dahil ba kay Helen?”

Ang babaeng bumalik kamakailan. Ang babaeng sinundo pa ni Austin sa airport.

Ngumiti si Cailyn, walang emosyong tumango. “Oo. Gano’n na nga.”

Bigla, isang itim na kotse ang huminto sa tapat nila.

Cullinan.

Lumabas ang malamig na titig ni Austin mula sa bumabang bintana.

Nagtagpo ang mga mata nila.

“Nagmadali ka yatang bumalik para lang siguraduhin na wala akong nadalang kahit ano?” mapait na biro ni Cailyn.

Ngumiti si Austin pero hindi iyon ngiti ng pagmamahal. “Cailyn, akala mo ba sa ginagawa mong ‘to, magbabago ang tingin ko sa’yo?”

Napakagat-labi si Cailyn.

“Kung ano man ang tingin mo sa’kin, Austin… problema mo na ‘yon. Wala na akong pakialam.”

Lumamig lalo ang mga mata ni Austin. “Kung ganun, ipalaglag mo na ‘yang bata sa sinapupunan mo. Para tuluyan na tayong maputol.”

Nanlaki ang mata ni Jasper. “Ano? Palaglag?”

Bumagsak ang puso ni Cailyn, pero hindi siya nagpakita ng kahinaan.

“Huwag kang tanga, Cailyn,” malamig na bulong ni Austin. “Hindi ko aangkinin ang anak na hindi akin.”

Nagpanting ang tenga ni Jasper. “Kung wala na kayo, wala ka nang karapatang pakialaman si Cailyn!”

Ngumiti si Austin, matalim. “Anong pakiramdam, Jasper? Gumamit ng second-hand?”

Parang may kutsilyong sumaksak sa puso ni Cailyn.

Ngunit ngumiti siya. Isang ngiting mas matalas pa sa sinabi ni Austin.

“Alam mo, Austin… minsan, ang second-hand… mas mahalaga kaysa sa mga bago.”

“Tara na, Jasper. Tapos na ‘to.”

Walang patid na titig ang iniwan ni Cailyn kay Austin bago siya tuluyang umalis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 400: Play

    Nang makita ni Alexander na parang lumuluwag na ang ekspresyon ni Samantha, bahagya siyang ngumiti, muling idinikit ang katawan niya at dahan-dahang huminga sa may tenga nito.“Misisss…” bulong niya na puno ng tukso.Napakilig si Samantha, agad siyang natauhan. Inisandal niya ang ulo sa dibdib ng lalaki. “Alexander… mag-usap tayo.”Natigilan si Alexander, dahan-dahang umatras at tinitigan siya. “Tungkol saan?”“Pakawalan mo muna ako.” sabi ni Samantha, tinutukoy ang binti niyang nakasabit pa.Binitiwan siya ni Alexander pero hindi umalis. Hinaplos pa nito ang hita niya paakyat hanggang bewang, parang wala lang. “Sige, ano ’yung sasabihin mo? Diretsohin mo na.”Muling itinulak siya ni Samantha pero hindi gumalaw ang lalaki. Sa huli, napabuntong-hininga na lang siya. “Mas mabuti siguro kung bumalik na lang tayo sa dati… yung kanya-kanya tayo ng buhay.”Biglang tumigil ang kamay ni Alexander sa pagmasahe ng bewang niya. Naningkit ang mga mata. “Ano raw?”“Para sa’yo rin ’to. Sobra n

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 399: Please

    Pagbaba ni Alexander, tapos na agad ang gulo. Ang bilis. Yung lalaking nang-harass kay Samantha, may dala pa namang tropa, pero wala silang binatbat kay Ariana na parang makina kung lumaban. Dagdag pa, kaibigan ni Shaira yung may-ari ng bar at kilala rin si Ariana, kaya syempre kampi lahat sa kanila.Medyo tipsy pa si Samantha, kaya kanina todo tapang. Pero ngayon na kumalma na, natakot din siya na baka sobrang padalos-dalos yung ginawa niya. Kung wala si Ariana doon, baka siya pa ang nadisgrasya.“Salamat ha, Ariana. Libre kita ng kain one of these days,” sabi niya.“We’re family, sis-in-law, wag ka na mag-formal-formal pa,” sagot ni Ariana, sabay kindat. Napatingin siya sa blonde beauty na katabi ni Samantha, at nagulat kasi si ate girl, titig na titig sa kanya with sparkling eyes. Medyo namula ang pisngi ni Ariana, nagkamot ng batok at umiwas ng tingin.Pero bago pa siya makasagot ulit, dumaan si Alexander galing sa crowd.“Kuya Alex!” tawag ni Ariana, kumaway pa.Nilingon ni Saman

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 398: Seriously

    Hindi mapakali si Samantha mag-isa nung gabing yun. Nagising siya bandang alas-dose, nag-CR, tapos pagbalik niya, sinilip niya yung phone. May bagong notification — isang friend request sa WeChat. Dahil sa trabaho, sanay na siyang nadadagdagan ng kung sinu-sino, kaya in-add niya agad nang hindi iniisip.Wala rin naman siyang antok, kaya binuksan niya ang Moments. Doon agad bumungad yung nine-grid selfie ng isang tao.“Wow, magaling mag-edit. Mas gumanda pa kaysa sa totoong itsura.” Napakunot-noo siya. Sinilip niya yung name: ‘Sheena’ – Deer can be seen in deep forests.Nag-roll eyes si Samantha. Sino pa nga ba? Si Lina, at syempre si Alexander. Gusto na sana niyang i-delete, nang biglang may pumasok na message.Sheena: Sis, gising ka pa ba ng ganitong oras?Napasimangot si Samantha. Ano ‘to, baka mag-send pa ng bed photo nilang dalawa?! At bago pa niya tapusin yung iniisip, may pumasok ngang picture.Binuksan niya agad. Tama nga—bed photo. Hindi naman hubad si Lina, pero mahigpit na n

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 397: Self Blame

    Pagkatapos dalhin ni Samantha ang bagong leading lady ng “Lover Me”, literal na nagkagulo ang buong kumpanya. Si Vic, na kilala bilang sobrang mayabang na direktor, biglang parang natunaw ang yabang. Nang makita niya ang bagong leading actress, tinakpan niya ang bibig niya at halos tumakbo palayo habang nangingilid ang luha.Ang bagong leading actress? Si Sandra. Trenta pa lang siya pero sikat na sikat na noon pa. At 26, nakamit niya ang grand slam ng film at TV awards. Pagkatapos nun, nag-retire siya para magmahal at magpakasal. Ang twist—yung asawa niya pala ay president ng kumpanyang ini-invest-an ni Cailyn.Since nasa abroad si Cailyn at sobrang busy, hindi agad niya nalaman yung kalokohang ginawa ni Jimson. Nalaman lang niya after ilang araw na nag-strike pala yung original heroine ng “Lover Me”. Kaya agad siyang kumilos at personally nag-invite ng Grand Slam Queen na si Sandra.Pagbalik ni Vic, nagulat lahat. Kanina naka-vest lang at mukhang baduy, ngayon naka-formal suit na, sl

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 396: No Sooner Said than Done

    “Ah—!” halos maputol ang sigaw ni Samantha. Akala niya babagsak siya ng todo-todo, pero biglang may mainit at malakas na kamay na humawak sa pulso niya. Isang hatak lang, diretsong bumagsak ang katawan niya sa malapad at pamilyar na dibdib.Katatapos lang maligo ni Alexander, naka-tuwalya lang sa bewang. Basa pa ang balat niya, malamig pero matigas ang haplos. Naka-upo si Samantha sa ibabaw niya, kabog na kabog ang dibdib dahil sa takot.Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Ang tanging ingay lang ay yung boses ni Vic sa cellphone, halos pasigaw na, “Samantha? Anong nangyari sa’yo? Hoy, magsalita ka!”Huminga nang malalim si Samantha, pilit pinapakalma ang sarili, iniwas pansinin ang lalaking nasa ilalim niya. Gumalaw siya para bumangon at abutin yung phone. “I’m fine…”Pero bago pa niya matapos, biglang tumayo si Alexander, inagaw ang cellphone at tinapon sa gilid.“Hoy, ano ba—” hindi pa tapos magsalita si Samantha nang mabilis siyang binaligtad ni Alexander, itinulak sa kama, at hin

  • The Heartache of a Broken Marriage   Chapter 395: Leading Lady

    Pagpasok pa lang ng tatlong tao, hindi man lang tiningnan ni Mommy ni Alexander si Samantha. Diretso siyang lumapit kay Carl, niyakap nang mahigpit at paulit-ulit na tinawag na “baby.” Para bang natatakot siya na napapabayaan o napapahirapan ito ng stepmom niya. Kung hindi pa umubo si Daddy, malamang tinanong na niya si Carl sa harap mismo ni Samantha, “Mabait ba ang stepmom mo?”Buti na lang talaga, mabait na bata si Carl. Imbes na magsalita laban kay Samantha, sinabi pa nito kung gaano siya kabuti bilang nanay, at kung gaano siya kamahal. Nang matapos si Alexander magsalita, doon lang ngumiti si Mommy kay Samantha at nagtanong ng ibang bagay sa pamilya.Tahimik lang na nakaupo si Samantha, sagot ng sagot sa mga tanong. Nasa tabi lang niya sina Alexander at Carl, parang ready silang ipagtanggol siya anytime. Kapag may tanong na ayaw sagutin ni Samantha o hindi niya alam, sila ang sumasalo. Napansin tuloy ng lahat ng elders ng pamilya ni Samantha na binabantayan siya mag-ama, kaya’t t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status