"SAAN ka ba galing na bata ka?" nag-aalalang tanong ni Nicole sa anak habang yakap ito ng mahigpit."I'm sorry, Mommy kung pinag-alala kita ng husto." Gumanti ito ng yakap sa ina. Noon pa man ay ramdam niyang may kinatatakutan ang ina at ayaw nitong mawalay siya sa paningin nito lalo na kapag nasa public place sila."Promise me na hindi mo na uulitin ito. Hindi ka pamilyar sa lugar na ito kaya you should ask mommy first kung may pupuntahan ka man o gagawin."Sobrang seryuso ng tono ng ina maging ang mukha kaya hindi na siya nagsalita pa. Itinaas niya ang kanang kamay at tumango bilang pangako dito. Pero ang isang kamay ay nakatago sa kaniyang likuran at naka cross finger. Ngumiti pa siya sa ina upang pawiin na ang sa kung anong agam-agam sa isipan nito. Kahit bata pa siya ay mabilis niyang matandaan ang lahat ng bagay kahit ang isang lugar. Hindi siya ang tipo ng bata na kapag nawala sa paningin ang ina sa crowded na lugar ay iiyak at matatakot.Nakangiting inakay na niya ang anak pab
"ANO ang nangyari?" tanong ni Steven kay Tony nang biglang tumigil sa pagtakbo ang saskayan."Plat po yata ang gulong, Sir. Sandali po at tignan ko." Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at hindi na hinintay ang sasabihin ng binatang amo.Binuksan lamang ni Steven ang bintana ng sasakyan at sinundan ng tingin ang pagpunta ni Tony sa likuran ng sasakyan. Pagtingin niya sa isang gulong sa bandang hulihan ay plat nga iyon. Tinignan niya ang pambisig na orasan, kung tatagal pa sila doon ay ma late na siya sa kaniyang pupuntahan."Sir, pasensya na po sa aberya. Hindi ko alam kung bakit nabutas ang gulong. Mas mabuti pa po siguro na magpasundo kayo dito sa kakilala mo para sa iyong kaligatasan. Maiwan na po muna ako dito hanggang sa dumating ang tinawagan kong talyer."Naintindihan ni Steven ang ginoo at hindi siya nagalit dito. Hindi nga safe para sa kaniya ang lugar na kinaroonan nila ngayon. Magda-dial na sana siya ng numero ng kaibigan na nasa site rin na pupuntahan niya nang biglang m
"Honey, are you okay? Nabalitaan kong nasiraan kayo ng sasakyan kanina." Nag-aalalang tanong ni Danica sa binata pagkapasok niya sa opisina nito.Sanay na si Steven na tawagin siya sa endearment ni Danica. Pero parang biglang nakaramdam siya ng pagkaasiwa sa tawag nito ngayon sa kaniya."Tinatawagan kita kanina pero hindi ka sumasagot jaya lalo akong nag-alala. Then tinawagan ko si Mang Tony at nasabi niya sa akin ang nangyari." Paliwanag niya sa binata. Alam niyang ayaw nitong inaalam niya ang bawat kilos nito lalo na kapag nasa labas ito."I am in the middle of meeting when you called." Malamig niyang tugon kay Danica.Napabuntonghininga si Danica. Kapag ganoon ang tono ng pananalita ng binata ay alam niyang ayaw nitong makipag-usap pa."I called our daughter and she ask about you." Pag-iiba niya ng paksa upang muling makuha ang atensyon ng binata.Bahagyang lumambot ang expression ng mukha ni Steven pagkaalala sa kaniyang prinsesa. " I will call her."Wala ng nagawa si Danica nang
"BATA pa umano si Rita nang maganap ang aksidente kasama ang mga magulang nito. Lumubog ang cruise ship na sinasakyan ng mga ito at hindi pinalad na mabuhay ang mga magulang nito. Si Rita ay nakaligtas at napadpad sa isang liblib na isla kasama umano ang batang nakilala sa pangalang Nica."Pagpapatuloy na kuwento ni Kanor sa dalaga. May sasabihin pa sana siya pero naudlot nang mapansin ang reaction sa mukha nito."ANO ang problema?" nag-aalalang tanong niya kay Nicole."Hindi maari," umiiling na bulong ni Nicole na umabot pa rin sa pandinig ng ginoo."Bakit?" nagtatakang tanong niya muli sa dalaga. Mukhang bigla nitong nakalimutan na naroon siya sa harap nito."Paano niya nagawa ang lahat ng ito sa akin at paano niya nahanap si Tata?" muling kausap ni Nica sa sarili. Muling nanariwa sa kaniyang isipan ang nakaraan noong bata pa siya."Tawagin mo na lang akong Nica." Pakilala ni Nicole sa kasamang bata na nakasama niya kanina pa pagpalutang-lutang sa dagat. Nakaugalian na niyang ganoon
INILIBOT ni Nicole ang paningin sa paligid nang kaniyang maging opisina. Maliit iyon kumpara sa opisina ni Steven pero nagustohan niya. May sarili na iyong bathroom sa loob at isang sofa sa gilid na tama lang ang haba para sa kaniyang maging bisita."Kung may gusto kang ipabago sa iyong opisina ay sabihin mo lang." Untag ni Steven sa dalaga. Hindi niya magawang ihiwalay ang tingin dito habang nasa ibang bagay ito nakatingin.Malapad ang ngiting nakapaskil sa nang-aakit na mga labi ng dalagang humarap kay Steven. "I like it!"Mabilis na iniwas ni Steven ang tingin sa mukha ng dalaga. Iba ang dating sa kaniyang pandinig ng salitang binitiwan nito. Parang um-echo iyon sa kaniyang isipan kasabay ng pagbalik ng alaala nang gabing iyon sa hotel."Uhmmm I like it, please continue.." ang padaing na pakiusap ng isang babae sa alaala ni Steven."May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Nicole sa binata nang mapansin na biglang hindi naging normal ang kulay ng mukha nito.Hindi nagawang iiwas an
"Hello, goodmorning! How can I help you?" Nakangiting bati Nicole sa babaeng bagong pasok.Kahit alam na ni Rita na may kamukha ang babaeng kaharap ngayon ay nagulat pa rin siya pagkakita dito. Para siyang nakakita ng multo ngayon kaya hindi agad siya nakapagsalita.Gustohin mang ipakita ni Nicole ang kasiyahan sa mukha pero nanaig ang lungkot habang nakatitig kay Rita. Hindi na ang batang matakutin at iyakin na nakilala niya. Matapang ang aura ng mukha nito katulad kay Steven."Do you know who I am?" mataray na tanong ni Rita sa kaharap nang nakabawi. Hindi niya nagustohan ang paraan ng tingin nito sa kaniya na tila ba may alam sa kaniyang nakaraan."Sorry, bigla ko lang naalala ang matalik kong kaibigan na nakasama sa isang isla noong maliit pa kami." Hindi sinasadyang naibulalas ni Nicole ang laman ng kaniyang isipan.Nangunot ang noo ni Rita at nagdududa ang tinging ipinukol sa babae. "What a coincidence!" naibulong niya sa kaniyang sarili."By the way, sorry pero hindi po kita ki
MALAYO palang ay nakilala na ni Steven si Nicole kahit nakatalikod ito. May kausap itong lalaki at kilala niya iyon."Mr. Scout! Nice to see you again and welcome back here!" nagagalak na bati ni Joseph sa binata pagkakita dito.Seryuso ang mukha ni Steven habang ang mga mata ay nasa kamay ni Stephen na nakalapat sa likod ni Nicole.Tumikhim si Nicole upang kunin ang atensyon ng kaibigan. "Magkakilala na pala kayo?""Yes, of course! Mr. Scout is one of our VIP guest here." Proud na sagot ni Joseph sa dalaga."Ahm, well! Siya ang tinutukoy kong ka meeting ngayon." Matipid ang ngiting sumilay sa kaniyang labi at hindi magawang salubongin ang nang-aarok na tingin ni Steven. Takot siya na baka mabasa nito sa kaniyang mga mata na scripted lamang ang kaniyang ginagawa ngayon."Oh, hindi ko alam!" Mabilis na inalis ni Joseph ang kamay sa likod ng dalaga at tinawag ang isang waiter.Pormal na nagpasalamat si Steven kay Joseph at siya na ang humila sa upuan kung saan uupo si Nicole."Please, e
NAABUTAN ni Kanor si Sean na nakatutok ang mga mata sa binabasa sa balita. Alam na niya ang tungkol sa balitang iyon at hindi niya inaasahan na makita iyon ng bata."Siya po ba ang daddy ko?" tanong ni Sean sa abuelo habang ang mga mata ay nanatiling nakatutok sa larawan ng ina kasama ang lalaking kamukha niya."Siya nga pero hindi ka pwedeng magpakita pa sa kaniya." Hindi na ipinagkaila ni Kanor sa bata ang tungkol sa lalaki. Lalo lamang gagawa ang bata ng paraan upang alamin ang katotohanan kapag itinanggi niya."Naintindihan ko po," simpleng sagot ni Sean sa ginoo at ibinalik na ang atensyon sa television.Lalo lamang lumaki ang balita nang lumabas ang interview kay Steven. Kahit sinabi nitong wala itong relasyon sa babae at bagong kasosyo lamang ay marami pa ring malisyusong nagbigay ng ibang meaning sa balita. May nagsabi pa na kung hindi special ang pagtingin ng binatang bilyonaryo sa babaeng kasama nito ay hindi iyon ang maging action nito."Kuya, bakit hindi mo na lang pinabur