"Honey, are you okay? Nabalitaan kong nasiraan kayo ng sasakyan kanina." Nag-aalalang tanong ni Danica sa binata pagkapasok niya sa opisina nito.Sanay na si Steven na tawagin siya sa endearment ni Danica. Pero parang biglang nakaramdam siya ng pagkaasiwa sa tawag nito ngayon sa kaniya."Tinatawagan kita kanina pero hindi ka sumasagot jaya lalo akong nag-alala. Then tinawagan ko si Mang Tony at nasabi niya sa akin ang nangyari." Paliwanag niya sa binata. Alam niyang ayaw nitong inaalam niya ang bawat kilos nito lalo na kapag nasa labas ito."I am in the middle of meeting when you called." Malamig niyang tugon kay Danica.Napabuntonghininga si Danica. Kapag ganoon ang tono ng pananalita ng binata ay alam niyang ayaw nitong makipag-usap pa."I called our daughter and she ask about you." Pag-iiba niya ng paksa upang muling makuha ang atensyon ng binata.Bahagyang lumambot ang expression ng mukha ni Steven pagkaalala sa kaniyang prinsesa. " I will call her."Wala ng nagawa si Danica nang
"BATA pa umano si Rita nang maganap ang aksidente kasama ang mga magulang nito. Lumubog ang cruise ship na sinasakyan ng mga ito at hindi pinalad na mabuhay ang mga magulang nito. Si Rita ay nakaligtas at napadpad sa isang liblib na isla kasama umano ang batang nakilala sa pangalang Nica."Pagpapatuloy na kuwento ni Kanor sa dalaga. May sasabihin pa sana siya pero naudlot nang mapansin ang reaction sa mukha nito."ANO ang problema?" nag-aalalang tanong niya kay Nicole."Hindi maari," umiiling na bulong ni Nicole na umabot pa rin sa pandinig ng ginoo."Bakit?" nagtatakang tanong niya muli sa dalaga. Mukhang bigla nitong nakalimutan na naroon siya sa harap nito."Paano niya nagawa ang lahat ng ito sa akin at paano niya nahanap si Tata?" muling kausap ni Nica sa sarili. Muling nanariwa sa kaniyang isipan ang nakaraan noong bata pa siya."Tawagin mo na lang akong Nica." Pakilala ni Nicole sa kasamang bata na nakasama niya kanina pa pagpalutang-lutang sa dagat. Nakaugalian na niyang ganoon
INILIBOT ni Nicole ang paningin sa paligid nang kaniyang maging opisina. Maliit iyon kumpara sa opisina ni Steven pero nagustohan niya. May sarili na iyong bathroom sa loob at isang sofa sa gilid na tama lang ang haba para sa kaniyang maging bisita."Kung may gusto kang ipabago sa iyong opisina ay sabihin mo lang." Untag ni Steven sa dalaga. Hindi niya magawang ihiwalay ang tingin dito habang nasa ibang bagay ito nakatingin.Malapad ang ngiting nakapaskil sa nang-aakit na mga labi ng dalagang humarap kay Steven. "I like it!"Mabilis na iniwas ni Steven ang tingin sa mukha ng dalaga. Iba ang dating sa kaniyang pandinig ng salitang binitiwan nito. Parang um-echo iyon sa kaniyang isipan kasabay ng pagbalik ng alaala nang gabing iyon sa hotel."Uhmmm I like it, please continue.." ang padaing na pakiusap ng isang babae sa alaala ni Steven."May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Nicole sa binata nang mapansin na biglang hindi naging normal ang kulay ng mukha nito.Hindi nagawang iiwas an
"Hello, goodmorning! How can I help you?" Nakangiting bati Nicole sa babaeng bagong pasok.Kahit alam na ni Rita na may kamukha ang babaeng kaharap ngayon ay nagulat pa rin siya pagkakita dito. Para siyang nakakita ng multo ngayon kaya hindi agad siya nakapagsalita.Gustohin mang ipakita ni Nicole ang kasiyahan sa mukha pero nanaig ang lungkot habang nakatitig kay Rita. Hindi na ang batang matakutin at iyakin na nakilala niya. Matapang ang aura ng mukha nito katulad kay Steven."Do you know who I am?" mataray na tanong ni Rita sa kaharap nang nakabawi. Hindi niya nagustohan ang paraan ng tingin nito sa kaniya na tila ba may alam sa kaniyang nakaraan."Sorry, bigla ko lang naalala ang matalik kong kaibigan na nakasama sa isang isla noong maliit pa kami." Hindi sinasadyang naibulalas ni Nicole ang laman ng kaniyang isipan.Nangunot ang noo ni Rita at nagdududa ang tinging ipinukol sa babae. "What a coincidence!" naibulong niya sa kaniyang sarili."By the way, sorry pero hindi po kita ki
MALAYO palang ay nakilala na ni Steven si Nicole kahit nakatalikod ito. May kausap itong lalaki at kilala niya iyon."Mr. Scout! Nice to see you again and welcome back here!" nagagalak na bati ni Joseph sa binata pagkakita dito.Seryuso ang mukha ni Steven habang ang mga mata ay nasa kamay ni Stephen na nakalapat sa likod ni Nicole.Tumikhim si Nicole upang kunin ang atensyon ng kaibigan. "Magkakilala na pala kayo?""Yes, of course! Mr. Scout is one of our VIP guest here." Proud na sagot ni Joseph sa dalaga."Ahm, well! Siya ang tinutukoy kong ka meeting ngayon." Matipid ang ngiting sumilay sa kaniyang labi at hindi magawang salubongin ang nang-aarok na tingin ni Steven. Takot siya na baka mabasa nito sa kaniyang mga mata na scripted lamang ang kaniyang ginagawa ngayon."Oh, hindi ko alam!" Mabilis na inalis ni Joseph ang kamay sa likod ng dalaga at tinawag ang isang waiter.Pormal na nagpasalamat si Steven kay Joseph at siya na ang humila sa upuan kung saan uupo si Nicole."Please, e
NAABUTAN ni Kanor si Sean na nakatutok ang mga mata sa binabasa sa balita. Alam na niya ang tungkol sa balitang iyon at hindi niya inaasahan na makita iyon ng bata."Siya po ba ang daddy ko?" tanong ni Sean sa abuelo habang ang mga mata ay nanatiling nakatutok sa larawan ng ina kasama ang lalaking kamukha niya."Siya nga pero hindi ka pwedeng magpakita pa sa kaniya." Hindi na ipinagkaila ni Kanor sa bata ang tungkol sa lalaki. Lalo lamang gagawa ang bata ng paraan upang alamin ang katotohanan kapag itinanggi niya."Naintindihan ko po," simpleng sagot ni Sean sa ginoo at ibinalik na ang atensyon sa television.Lalo lamang lumaki ang balita nang lumabas ang interview kay Steven. Kahit sinabi nitong wala itong relasyon sa babae at bagong kasosyo lamang ay marami pa ring malisyusong nagbigay ng ibang meaning sa balita. May nagsabi pa na kung hindi special ang pagtingin ng binatang bilyonaryo sa babaeng kasama nito ay hindi iyon ang maging action nito."Kuya, bakit hindi mo na lang pinabur
"DARN!" mahinang namura ni Nicole ang sarili nang mapalakas ang tama ng ulo sa kahoy na sinadya niyang itumba. Ang plano niya lang kanina ay ang lumikha ng ingay upang agawin ang atensyon ni Steven. Magkukunwari na rin sana siyang nasaktan pero mukhang mabilis ang karma sa kaniya at gumanti ang kahoy. Nagkamali siya ng hakbang kaya hindi siya nakaiwas sa kahoy na nakasandal kanina sa dingding."Fuck!" Namilog ang mga mata ni Josh at mabilis na tinakbo ang kinaroonan ni Nicole.Pero mas mabilis si Steven at mas malapit sa dalaga kaya ito ang naunang nakasalo dito nang gumiwang ito mula sa pagkatayo."Tsss! Bakit sa akin ang bilis ng balik ng karma samantalang kay Danica ay hindi?" reklamo ng isang bahaging isipan ni Nicole habang sapo ang noo ng dalawang palad.Pakiramdam ni Nicole ay umikot ang paligid niya at pati ang pader na kinasasandalan ay gumagalaw na rin. Nanatiling pikit ang mga mata at abala ang sarili sa pagdebati sa isa't isa."Sir, ako na magbubuhat sa kaniya." Kausap ni
GALIT na umalis ng kompanya si Steven nang malaman na wala sa opisina si Nicole. Umaga palang ay sira na agad ang kaniyang araw dahil dito. Alam niyang dumiritso ito sa site gayong pinagbawalan na niya ito.Sinadya ni Nicole na dumaan muna sa site bago pumasok sa opisina. Naging selfish siya kahapon kaya hindi natapos ang dapat niyang tapusin roon. Kailangan niyang makausap si Josh at tignan ang mga bagay na nagkaroon ng problema.Nasa kalagitnaan na sila ng pag-uusap ni Josh nang dumating ang dominateng boss nila. Sa paraan ng tingin nito sa kaniya ay alam niyang galit ito."Iwan mo muna kami." Utos ni Steven kay Josh.Nagkibit balikat si Josh bago lumabas sa maliit niyang opisina na malapit lang din doon sa site."Hindi ba at ang sabi ko kahapon ay hindi ka na pupunta dito?" salubong ang mga kilay na sita nito sa dalaga."Hindi naman ako magtatagal dito, importante ang pag-uusapan namin ni Josh kaya...""The hell with that important things!"Nagitla si Nicole dahil sa pagtaas ng bos