Share

Chapter 5: Pagkahulog sa bitag

Lumipas ang mahigit isang buwan na naging tahimik ang bubay ni Nicole. Naging secretary siya ni Mang Kanor na ngayon ay tinatawag niyang Tatay. Tumigil na rin ito sa pagmamaneho ng taxi dahil nagawa na umano nito ang misyon, ang makaligtas ng buhay ng babaeng napariwara ang buhay. At siya nga iyon at itinuring siyang anak nito. Wala siyang inilihim dito maliban sa kung sino ang nakagalaw sa kaniya.

"Mukhang namumutla ka, hindi ka ba nakapag-almusal?" nag-aalalang puna ni Kanor kay Nicole.

Hindi magawang sumagot ni Nicole sa ginoo dahil nakaramdam siya ng panlalamig sa mga kamay at paa. Pero pinagpapawisan siya gayong hindi naman mainit ang paligid.

"Ang mabuti pa ay dalhin na kita sa hospital upang masuri ang iyong kalagayan."

Nang lumapit sa kaniya si Mang Kanor ay biglang naduwal si Nicole. Hindi niya nagustohan ang pabangong gamit nito gayong dati pa niya iyon naaamoy. Tutop ang sariling bibig na tumakbo siya papasok ng bathroom.

Malungkot na sinundan ng tingin ni Kanor ang dalaga. Sigurado siya kung bakit nagkakaganoon ang babae. Ganoon din noon ang asawa niya nang mabuntis ito sa kanilang panganay.

Napaluha si Nicole nang makumpirmang buntis nga siya. Muling nagulo ang kaniyang isipan at hindi alam kung dapat bang ipaalam sa ama ng magiging anak niya.

"May karapatan siyang malaman na nagbunga ang nangyari sa inyong dalawa. Based sa iyong kwento ay mukhang hindi naman siya masamang tao kaya mas nakakabuting ipaalam mo sa kaniya ang iyong kalagayan ngayon." Payo ni Kanor sa dalaga.

Ilang minuto ring nag-isip si Nicole. Wala na siyang kontak kahit sa sariling pamilya mula nang umalis siya sa poder ng mga ito. Naitapon niya ang kaniyang sim card at nasira ang cellphone kaya hindi niya alam kung sino ang dapat pang kontakin.

Kinabukasan ay nagpasya si Nicole na pumunta sa kompanya upang kausapin si Steven. Ngunit una niyang nakita si Danica at hindi na ito naiwasan nang yayain siyang mag-usap sa pribadong lugar.

Hindi nga nagkamali si Danica sa hinala na maaring doon unang magpakita si Nicole kaya naglagay siya ng taong nagmamatyag sa paligi ng kompanya. Nang tawagan siya kanina ng tauhan ay dali-dali siyang lumabas ng gusali at hinanap ang huli. Ngayon ay kasama na niya ito sa kaniyang sasakyan.

"Danica, saan tayo pupunta?" tanong ni Nicole sa kaibigan na nanatiling tahimik sa kaniyang tabi. Nang pumaling ang ulo nito paharap sa kaniya ay bahagya siyang napaurong ng upo palayo dito.

"Pwede bang manahimik ka muna?" matatalim ang tinging ipinukol niya kay Nicole.

Hindi na nangulit si Nicole sa babae. Gusto niya sanang makipag-ayos dito kaya siya sumama. Ngunit sa nakikta niyang pakitungo nito sa kaniya ay halatang matindi pa rin ang galit nito sa kaniya. Nalungkot siya sa isiping iyon at nilabanan ang sariling huwag umiyak. Naging sensitive lalo siya nang malaman niyang buntis siya.

Hindi alam ni Nicole kung gaano kalayo ang binayahe nila at kung saang lugar sila nagtungo. Sumunod siya sa pagbaba ng sasakyan at sinundan ang kaibigan na pumasok sa isang bahay na hindi siya pamilyar.

"Danica, pwede na ba tayong mag-usap?" Mahinahon niyang pakiusap sa kaibigan.

"Hindi ko kailangan ang iyong paliwanag. Gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo, nagbunga ba ang nangyari sa inyo ni Steven?"

Marahang tango ang naging tugon niya sa kaibigan. Inihanda na niya ang sarili sa maging reaction nito at hindi niya hahayaang masaktan dahil buntis siya.

Malutong na tawa ang kumawala sa bibig ni Danica na ipinagtaka ni Nicole. Mukhang masaya pa ito sa narinig sa halip na lalo itong magalit sa kaniya.

"Kung ganoon ay nagbunga ang lahat ng aking plano. Ang kailangan ko na lang ay ang hintayin na mailuwa mo ang bata at ako ang kilalanin niyang ina." Nakangising turan ni Danica habang naglalaro sa isipan ang iba pang kaganapan.

"Ano ang ibig mong sabihin, Danica? Narito ako para makipaglinawan sa nangyari noon at hindi para ibigay sa iyo ang anak ko kapag lumabas na siya." Nakaramdam ng kaba si Nicole, parang hindi na niya kilala ngayon ang kaibigan at ibang-iba ang ugali at kinikilos nito ngayon.

"Huwag mo nang tangkaing linisin ang dangal mo sa lahat dahil wala ring maniwala sa iyo. Ang mga magulang mo nga sa akin naniniwala, ang ibang tao pa kaya?" nang-uuyam na patutsada ni Danica sa dating kaibigan.

"Danica? Ano ang pinagsasabi mo?" nagugulohang tanong niya dito. Hindi niya akalaing maging masaya  ito sa kaalamang miserable na ang kaniyang buhay dahil sa nangyari.

"Simple lang, nilagyan ko ng gamot ang inumin ninyong dalawa ni Steven upang mangyari ang plano ko." Nakangising tugon ni Danica dito.

"Pero bakit?" nagugulohang tanong kay Danica. Hindi niya ubos maisip na gustohin nitong may mangyari sa kanila ni Steven at mabuntis dahil ang alam niya ay mahal na mahal nito ang lalaki.

"Huwag ng magtanong dahil wala akong oras magpaliwang sa isang bobang tulad mo." Mataray niyang tugon kay Nicole.

Magbabago ang kaniyang plano dahil nalaman ng matanda ang problema niya sa ovary. Hindi niya akalain na pati ang kakayahan niya sa pagbubuntis ay aalamin nito. Ang balak niya noong una ay angkinin na kaniyang anak ang iluluwa ni Nicole. Nalaman niya ring pinapahanap nito si Nicole upang masiguro na maging maayos ang bata kung mabuntis man ito.

Biglang natakot si Nicole, nakaramdam siya ng panganib para sa kaniyang anak. "Kung ano man iyang binabalak mo ay hindi ako makakapag, Danica! Anak ko ito at hindi ko hahayaang ibang ina ang kilalanin!"

Malakas na sampal ang pinadapo ni Danica sa pisngi ni Nicole dahil sa inis. "Mula sa araw na ito ay wala kang karapatan na kontrahin ang lahat ng gusto ko! Kung gusto mong mabuhay ang nasa sinapupunan mo ay sundin mo ang gusto ko!"

Naitulak ni Nicole si Danica at patakbong lumabas ng bahay na hindi pamilyar sa kaniya. Ngunit bigla ring napaurong nang pagbukas ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang armadong lalaki. Itinutok nito ang hawak na baril sa kaniyang ulo kaya nanginginig sa takot na bumalik siya sa loob.

Lumakas ang tawa ni Danica at nag-e-enjoy sa nakikitang takot sa mukha ni Nicole. Nilapitan niya ito at kinaladkad papasok sa isang silid.

"Ahhhh... Bitjwan mo ako!" Nagpumiglas siya sa pagkahawak ni Danica sa kaniyang buhok ngunit malakas ito. Ngayon niya lang napansin na may iba pang tao doon sa loob ng bahay.

"Siguraduhin ninyo na hindi makatakas ang babaeng iyan dito and healthy ang pagbubuntis niya." Kausap ni Danica sa may edad ng babae.

"Danica, huwag mo namang gawin ito sa akin. Ano ang kasalanan ko at bakit mo naisipang gawin ito sa akin?" umiiyak na pagmamakaawa niya sa dating kaibigan. Natatakot siya para sa kaniyang anak kahit na nabuo lamang iyon dahil sa kagagawan nito.

Ngumiti si Danica at pinalambot ang aura ng mukha. "Hindi naman ako galit sa iyo. Sadyang taglay mo lang ang mga bagay na gusto kong mayroon ako. At para mapasaakin ang kahat ng iyan, kailangan kitang gamitin."

"Danica, alam mong mas mahal ka ni Mommy. Katunayan nga pinalayas niya ako nang sinabi mo sa kaniya na inagaw ko ang nobyo mo. Hindi pa ba sapat iyon?" mahinahon niyang pakipag-usap sa dalaga. Nagbabakasakali na magbago ang isip nito at pakawalan na siya.

"Pangako, hindi na ako magpapakita sa iyo kung iyan ang gusto mo. Lalayo ako at hindi malalaman ni Steven na nabuo ang isang gabing pagkakamali namin." Patuloy niyang pakiusap kay Danica nang manahimik ito.

Pinalungkot ni Danica ang expression ng kaniyang mukha at lumapit kay Nicole. "Patawad kung kailangan kitang ikulong dito. Ang bata lang ang kailangan ko para pakasalan na ako ni Steven.".

Humakbang palayo sa kaibigan si Nicole kasabay ng pag-iling ng ulo. "Ayaw mo bang magkaroon ng sariling anak at kailangan pang ang akin ang angkinin mo?"

Napalitan ng inis ang lungkot na nababanaag sa mukha ni Danica. Naging maiksi ang pasensya niya kapag si Nicole ang kausap. Balak niya sanang magmukhang kawawa para kusa itong sumang-ayon sa gusto niya.

"May problema ako sa ovary kaya malabong makabuo agad ng bata. Kailangan na mabigyan ko na siya or else hahanap ng ibang babae ang abuela niya na may kakayahang bigyan ito ng apo sa tuhod." Pag-amin niya kay Nicole upang kaawaan siya.

"I'm sorry, pero hindi pa rin tama itong gagawin mo at..."

"Hindi mo ako tutulongan?!" Bulyaw niya kay Nicole at tuloyan nang napatid ang pagkukunwaring kabaitan.

Napapiksi si Nicole dahil sa lakas ng boses ng kausap. "Alam mong hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa maling paraan, Danica. Tutulongan kita pero hindi sa ganitong paraan."

"Walang kang kwentang kaibigan! Tama lang na itinakwil ka ng sarili mong mga magulang! Huwag ka ng mag-aksaya ng laway dahil hindi na magbabago ang plano ko!"

Napahagulhol ng iyak si Nicole nang iwan na siya ni Danica sa loob ng silid. Naka lock ang pinto mula sa labas at ang bintana ay sinadyang lagyan ng bakal upang hindi makadaan doon kahit nakabukas.

Ilang minuto pa ay pinakalma ni Nicole ang sarili. Walang mangyayari kung iiyak lang siya doon. Sumilip siya sa bintana upang tanawin ang paligi na kinaroonan. Na disappoint siya dahil puro puno ang nakikita. Sa tingin niya ay isang bahay bakasyunan ang bahay na ito at malayo sa kabahayan. Kung normal lang ang sitwasyon ay ma-appreciate niya ang ganda ng paligid at gustohing tumira doon. Tahimik at malamig ang paligid.

"Kailangan ko ng umalis, upadte niyo ako araw-araw sa kalagayan niya at alagaan niyo siyang mabuti para sa bata." Mahigpit na bilin ni Danica sa taong mapagkatiwalaan.

"Opo, Ma'am. Kami na po ang bahala sa kaniya." Sagot ni Soledad sa dalaga. Isa siyang dating midwife at nawalan ng lisensya dahil inireklamo siya ng mag-asawang namatayn ng anak matapos niyang mapaanak.

Ngumiti si Danica sa ginang. Nakilala niya ito sa isang kalye at napag-alaman na maruning magpaanak. Inalok niya ito ng malaking halaga at alam niyang hindi siya nito traidurin. Dalawang tao pa ang iniwan niya doon upang maging silbing bantay at masigurong hindi makatakas si Nicole.

Its been two months pero hindi pa rin makatulog ng maayos si Steven. Nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi at hinahanap ang init ng katawan ng isang tao na dito lang niya naramdaman. Lalong nawalan siya ng gana kahit inaakit siya ng husto ni Danica sa tuwing ma solo siya nito.

Sa kompanya ay lalong nangilag ang mga tao kay Steven dahil kahit maliit na pagkakamali lang ay nagagalit na ito. Lahat ng empleyadong nadadaanan nito sa loob ng building na pag-aari niya ay napapayuko ang ulo at sabay-sabay na bumabati sa kaniya. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang mga ito at tuloy lang sa paglalakad.

"Goodmorning, Mr. Scout!"

Ang sumunod na bumati sa kaniya ay ang mga empleyadong may mataas na katungkolan sa kompanya.  Doon niya lang nagawang tignan isa-isa ang mga ito at may mukhang hinahanap ngunit hindi niya iyon mahagilap. Ngayon niya lang naalala na may nawawalang tao doon.

"Dismiss!" maawturidad niyang mando sa mga ito bago seninyasan ang assistant na sumunod sa kaniya sa loob ng opisina.

"Gusto kong malaman ang status ng empleyadong ito." Inabot niya sa kaniyang assistant ang maliit na papel kung saan nakasulat ang pangalan ng babaeng nangahas nang gabing iyon. Hindi niya alam ang full name nito pero tanda niya kung saang department ito nakatalaga.

"Right away, Sir!" Yumukod si Grey sa amo pagkakuha ng papel mula sa kamay nito.

Mula nang magsimula si Steven sa pagpapatakbo ng kompanya ay siya na ang umaalalay dito. Kahit nagtataka kung bakit bigla itong nagkaroon ng interest sa isang babaeng empleyado ay hindi na siya nagtanong. Pansin niya mula noong naganap ang grand opening sa hotel ay may nagbago sa kinikilos ng binata.

"Wait a second." Tawag ni Steven kay Grey bago pa ito makalabas ng pinto nang may maalala.

"May ipag-uutos pa po ba kayong iba sa akin, Sir?"

"Noong ginanap ang grand opening ng hotel, nasaan ka nang gabing nalasing ako?"

Hindi agad nakasagot si Grey at hinagilap sa isipan ang nangyari nang araw na iyon. Napatanong siya sa kaniyang sarili kung may nangyari ba na sanhi ng kaniyang kapabayaan?

"Nagising ako na wala ka sa paligid."

"Sorry at naging pabaya ako ng araw na iyon!" mabilis niyang paghingi ng patawad dito kahit wala siyang idea kung ano ang nangyari. "Nang ihatid ka po ni Ma'am Danica sa iyong silid ay inutusan niya akong pwede ng umalis at siya na ang bahala sa iyo."

Nagsalubong ang mga kilay ni Steven at napaisip ng malalim. Ilang minuto pa ay pinaalis na niya sa kaniyang harapan ang lalaki.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status