Share

Chapter 4: Anak mo ba talaga ako?

MAGULO ang isipan na nagpahatid si Nicole sa isang taxi driver pauwi sa bahay ng kaniyang mga magulang. Hindi niya alam paano at saan magsimula upang magkaroon ng linaw ng lahat ng naganap sa hotel. Biktima lamang din siya pero walang maniniwala dahil kahit sa sarili ay hindi niya rin alam paano ipaliwanag na napunta siya sa silid ni Steven. Lalo na ang bagay na nangyari sa kanila ng binata.

Gusto ng sumabog ng kaniyang puso dahil sa pinaghalong emosyon. Siya ang agrabayado kung tutuusin dahil nawala ang pinakakaingatan niyang puri sa isang iglap lamang. Ang malala pa ay hindi niya asawa o boyfriend ang taong nakauna sa kaniya.

Naisubsob niya ang mukha sa dalawang palad na nakatukod sa kaniyang hita. Naipagpasalamat na lamang niya at mabait ang driver. Pinahiram pa siya nito ng jacket nang mapansin na nilalamig siya.

"Nandito na po tayo, Ma'am." Untag ng driver sa kaniyang pasahero nang tumapat sila sa adress na ibinigay nito sa loob ng subdivision.

"Salamat po." Inabot niya sa driver ang pera at hindi na kinuha ang sukli.

Pagkababa ng sasakyan ay mabibigat ang mga hakbang na pumasok siya sa gate ng kanilang bahay. Ang akala niya ang makapagpahinga sandali ang kaniyang isipan pagkapasok. Ngunit mas malaking dagok pa sa kaniyang buhay pala ang naghihintay pagkaharap niya sa ina.

"Haliparot ka!" Galit na sinugod ni Rox ang anak at hinila ang buhok nito na magulo na.

"A-aray, Ma! Ano po ang kasalanan ko..."

"Nagtatanong ka pa!" Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Rox sa pisngi ng anak.

Masama ang loob na sinalubong niya ang galit na tingin ng kaniyang ina. May kutob na siya kung bakit ito nagagalit sa kaniya ngayon. Sa halip na maawa sa hitsura niya ay lalo lang ito nagagalit sa kaniya.

"Paano mo nagawa iyon kay Danica? Mahabaging langit! Wala siyang ginawang masama sa iyo para sirain ang pangarap niya at agawin ang lalaking tanging pangarap na makasama sa kaniyang buhay!" nanginginig sa galit ang boses ni Rox.

Tikom ang bibig na napailing si Nicole habang humahakbang paurong upang dumistansya sa ina. "Anak mo ba talaga ako, ma?"

Napatda si Rox sa kinatayuan at napatitig sa anak. "Paano mo naisip na itanong iyan sa akin? Nasisiraan ka ba talaga ng bait na babae ka? At sino sa tingin mo ang maging ina mo bukod sa akin?"

"Kung husgahan mo ako noon pa man ay ganoon na lang. Ni hindi mo pinapakinggan ang panig ko bago mo ako saktan at usigin." Masama ang loob na sumbat niya sa ina.

"Huwag mong ibahin ang usapan!" Bulyaw ni Rox sa anak. Hanggang ngayon ay naglalaro pa sa isipan niya ang sakit na nadarama ni Danica.

Tumawag sa kaniya ito kanina at umiiyak. Nang e kwento nito ang lahat ay awang-awa siya dito at nagalit sa kaniyang anak.

"Hindi ko rin po alam," nakayuko ang ulo na sagot niya sa ina.

"Wala kang kwentang anak at kaibigan! Lumayas ka rito at huwag babalik hangga't hindi naayos itong sinira mong relasyon!"

Kinakabahan na sinundan ni Nicole ang ina na pumasok sa kaniyang silid. Hindi niya ito magawang pigilan nang walang ingat na inalis ang mga damit niya sa cabinet at itinapon iyon sa sahig. Wala siyang nagawa kundi ang lumuha at ipasok sa maliit na maleta ang mga damit.

"Tandaan mo, hindi ka muling makakaapak sa pamamahay na ito hangga't hindi naayos ang sinira mong relasyon sa iyong kaibigan!" Nakapameywang na bulyaw ni Rox sa anak.

Mabilis na nagpalit ng damit si Nicole sa harapan ng ina at walang salitang nilisan ang silid. Ang ama na nakatayo sa gitna ng sala ay tahimik pero nasa mukha rin nito ang disappointment. Hilam ng luha ang kaniyang mga mata na lumabas ng kanilang tahanan. Hindi niya malaman kung saan pupunta ng mga oras na iyon.

"Saan po ang punta mo ngayon, Ma'am?" magalang na tanong ng lalaki na siyang nagmamaneho ng taxi.

Napamaang si Nicole sa sasakyang tumigil sa kaniyang harapan. Nakilala niya ito kaya napanatag ng kaunti ang kaniyang kalooban.

"Sakay na Hija." Nakangiting anyaya ng ginoo sa dalaga. Kanina nang isakay niya ito mula sa isang hotel ay alam niyang kailangan nito ng tulong. Hindi ito nagsasalita pero ramdam niya ang paghihirap ng kalooban nito.

"Salamat po!" hindi na siya nag-aksayang itago ang tunay na nadarama. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay napahagulhol siya ng iyak.

Naiintindihan ni Kanor ang pinagdadaanan ng dalaga. Binagalan lamang niya ang pagpapatakbo ng sasakyan at hinintay na kusang maglabas ng saloobin sa kaniya upang gumaan ang pakiramdam nito.

Ilang minuto pang pinalipas ni Nicole bago tuloyang nahamig ang sarili. Kahit papaano ay hindi siya pinabayaan ng panginoon. May iba pa ring tao ang nagmamalasakit sa kaniya kahit hindi siya kilala niti.

"Bakit mo po ako tinutulongan?" naitanong niya sa lalaking may edad na rin. Tantya niya ay kaedaran ito ng kaniyang ama sa edad na forty eight.

"Nakikita ko sa iyo ang anak ko." Malungkot na sagot ni Kanor sa dalaga. Nagpakilala siya dito at ganoon din ito sa kaniya.

"Nasaan po siya ngayon?" interesadong tanong niya sa ginoo. Na curious siya dahil mukhang malungkot ito nang banggitin ang pangalan ng anak nito.

"Wala na siya," napaluha siya nang maalala ang anak na namatay dalawang taon na ang nakalipas.

"Sorry po." Naawa siya bigla sa ginoo. Ramdam niyang mahal na mahal nito ang anak at bigla siya nakaramdam ng inggit. Mahal din siya ng ama pero hindi niya ramdam ang suporta nito sa kaniya.

"Napabayaan ko ang aking anak at napabarkada sa mga adik. Dahil sa kapabayaan ko ay nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot at nabiktima ng gang rape."

Muling napaluha si Nicole dahil sa awa sa lalaki. Ramdam niya ang pagsisisi nito at sinisisi ang sarili kaya nawala ng maaga ang anak nito.

"May matutuloyan ka ba?" pag-iiba  ni Kanor ng kanilang paksa.

Malungkot na umiling si Nicole. Ayaw niyang tumuloy sa nakakakilala sa kanila ni Danica dahil tiyak tulad ng ina ay huhusgahan lang din siya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang bigat na dinadala ng kaniyang kalooban.

"Pwede kang tumuloy sa bahay, huwag kang mag-alala dahil may kasamabahay akong kasama sa bahay."

Mukhang mapagkatiwalaan ang lalaki kaya sumama na si Nicole dito. Dinala siya nito sa Quezon City at nagulat siya nang makita ang bahay nito. Hindi niya akalain na isa palang may ari ng mga taxi ang lalaki. Naging libangan lamang nito ang pagbebeyahe minsan gamit ang isa sa taxi na pag-aari nito. Ang swerte niya at siya ang naging pasahero nito nang araw na iyo. Naintindihan niya ang motibo nito kung bakit gusto siyang tulonga. Ayaw nitong matulad siya sa anak nito na namayapa na.

"Mula ngayon ay ituring mong tahanan itong bahay ko. May isa pa akong anak pero namamalagi siya sa ibang bansa."

"Maraming salamat po! Hulog po kayo ng langit sa akin!" dala ng katuwaan ay napayakap siya sa ginoo.

Itinuring ni Kanor na anak si Nicole at naging maayos ang pagtanggap ng kasamambahay niya sa dalaga. Lahat doon ay itinuturing niyang kapamilya.

"Nakita niyo na ba?" tanong ni Danica sa tauhan makalipas ang ilang oras. Pinahanap niya si Nicole, hindi niya akalain na palayasin ng mga magulang ito dahil sa isinumbong niya sa mga ito. Hindi pwede ito mawala dahil baka mabuntis ito.

"Wala po siya sa mga lugar na itinuro niyo, Ma'am na maari niyang puntahan." Sagot ng lalaki kay Danica mula sa kabilang linya.

"Bwesit!" Naibato niya ang cellphone sa kama dahil walang magandang balita ang tauhan. Pinakontak niya rin ang cellphon ni Nocole sa tauhan ngunit hindi makuntak.

Sa mansion ng mga Scout ay nagkagulo ang magkapatid dahil nagnamatigas si Steven na ayusin ang relasyon kay Danica.

"Ano na naman bang kagulohan ito?" galit na sita ni Donya Asuncion sa dalawang apo nang makitang nagtatalo ang dalawa.

"Lola!" nagpapasaklolo na lumapit si Rita sa abuela. Dalawang araw na mula nang mangayri ang sa hotel. At hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ng bahay si Danica at walang ginagawang hakbang ang kapatid.

Napabuga ng hangin sa bibig si Steven dahil sa kakulitan ng kapatid. Wala sa bukabolaryo niya ang manuyo ng babae dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan. Wala siyang oras magpaliwanag pa sa kung ano ba talaga ang nangyari. Sapat na ang alam ng mga ito na ginamitan siya ng droga kaya may nangyari nang gabing iyon. Mabilis na iwinaksi ni Steven sa isipan nang muling maalala ang babaeng nakaniig.

"Lola, kausapin mo si Kuya. You know naman po how much important Danica is to me. She's my savior and at hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan at ang kapatid ko pa ang dahilan." Pagsusumamo ni Rita sa abuela.

Napabuntonghininga ang donya habang napapailing ng ulo. Alam na niya ang nangyari sa hotel. Pero hindi siya nakaramdam ng awa kay Danica. Hanggang ngayon ay nagdududa pa rin siya sa pagkatao nito kaya hindi niya sinasang-ayunan an gusto ni Rita na ikasal na ang babae at kapatid nito.

"Tawagan mo ang kaibigan mo, sabihin mong kailangan ko siyang makausap." Utos ni Asuncion sa apong babae.

Napasimangot si Rita sa naging sagot ng abuela. Kahit matanda na ito ay taglay pa rin nito ang pagiging cold hearted. Mabuti na lang at hindi siya nagmana dito.

"Kuya?!" inis na tawga niya sa kapatid nang tumalikod na ito.

"I had meeting to attend." Emotionless na tugon ni Steven sa kapatid at humalik muna sa noo ng abuela bago tuloyang umalis.

Nagdadabog na tumalikod na rin si Rita upang sundin ang utos ng abuela.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Rita sa kaibigan nang sagutin nito ang kaniyang tawag.

"I'm doing fine."

She sigh nang marinig ang kulang sa buhay na boses ni Danica. "Ipapasundo kita sa driver. Gusto kang makasalo ni Lola ngayong lunch."

Napasimangot si Danica nang marinig ang pangalan ng matanda. Alam niyang pinaganda lamang ng kaibigan sa kaniyang pandinig ang kagustohan ng matanda na makausap siya.

"Pero kung hindi ka pa handa humarap sa ibang tao..."

"Mas maganda nga sigurong harapin ko na ang lahat ng ito upang hindi na ako nalulungkot."

Ngumiti si Rita kahit hindi nakikita ng kausap. Masaya siya dahil kahit papaano ay nakaka move on na kaibigan at sinusunod ang kaniyang payo. Naintindihan niya ito kung naisip na maaring mabuntis ang babae at gamitin iyon upang mapikot ang kaniyang kapatid.

Pagdating ni Danica sa mansion ay magalang siyang bumati sa matanda. At tama nga siya ng hinala nang manduan siya nitong sumunod sa opisina nito na naroon lang din sa loob ng bahay ng mga ito.

Apologetic ang ngiting iginawad ni Rita sa kaibigan nang magsalubong ang kanilang mga paningin.

Mabilis na sumunod si Danica sa donya sa takot na magalit ito kaoag mabagal ang kaniyang maging kilos.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Nabalitaan ko ang nangyari sa hotel at gusto kong malaman kung ano na ang plano mo ngayon?"

Hindi nagpatinag si Danica sa nang-aarok na tingin bg matanda. Buo ang loob na sinagot niya ito at hindi hinihiwalay ang paningin sa mga mata nito na alam niyang gustong basahin ang tunay niyang saloobin.

"Tuloy po ang kasunduan. Hindi isang kaibigan ko lamang ang makakabuwag sa pagmamahal ko kay Steven."

"Paano kung naunang mabuntis ang kaibigan mo? Sa pagkakaalam ko ay walang ginamit na protection ang aking apo nang galawin niya ang babaeng iyon."

"Hindi niyo naman po siguro hahayaang sa isang mapanlinlang na babae mapunta ang iyong apo, hindi po ba?" nanghahamon niyang tugon sa matanda.

"Huh! Matalino ka at alam mo kung paano makipag kumpitensya sa kalaban. Hindi ko babawiin ang unang napagkasunduan. Pero huwag kang umasa na hahayaan kong lumaking bastardo ang magiging apo ko sa babaeng iyon kung mabuo man." Pinangunahan na niya ang babae.

Ang totoo ay nagsimula na si Asuncion na alamin ang background ng babae. Maliit lamang ang bilang ng kanilang angkan. Lingid sa kaalaman ng lahat na ang dugong nanalaytay sa kalalakihan nila ay kakaiba. Hindi active ang mga ito sa sex kung hindi compatible sa ka relasyon. Kaya nga naisip niyang dapat mabuntis muna si Danica bago niya hahahayaang mapabilang ito sa kaniyang angkan. Kailangan niyang masiguro na mayroong magmamana para sa next generation ng kanilang angkan.

"Naintindihan ko po." Lapat ang mga ngiping tugon ni Danica sa donya.

"Good! Maari ka ng umalis."

Yumukod muna ang ulo ni Danica bago tinalikuran ang matanda. Lihim na nagpupuyos ang kalooban dahil nalalagay sa alanganin ang lahat ng kaniyang plano.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lanie Enerlan
Ay nkakainis sii danica sna di ka mkatuloyan ni Steven bwehehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status