Ang loob ng penthouse ni Rafael sa Bonifacio Ridge ay parang isang museum of minimalist wealth. Mataas ang kisame, puro shades ng charcoal, white, at deep bronze ang interior. Walang kalat. Walang bakas ng init ng isang totoong tahanan.
Pero sa mga sandaling iyon, ang master bedroom ay naging parang backstage ng isang international fashion show.
"Turn around, please, darling," utos ni Pierre, isang kilalang celebrity stylist na personal na pinapunta ni Rafael gamit ang isang tawag lang.
Kasunod niya ang apat na assistants na may bitbit na racks ng mga mamahaling gown mula sa mga international designers. Sa ibabaw ng vanity table, nagkalat ang mga mamahaling cosmetics, hair products, at mga kahon ng alahas na may tatak ng Cartier at Harry Winston.
"The bone structure is divine, Pierre, look at that," bulong ng makeup artist habang marahang nilalagyan ng light foundation ang pisngi ko. "Half-European?"
"British-Filipina," sagot ko nang mahina.
"Explains the jawline and those hazel eyes," puri ni Pierre habang sinusuri ang katawan ko gamit ang measuring tape. "Slim, elegant, but not fragile. Hindi ka lalamunin ng tela. Mr. Valderama was very specific with his instructions: he wants understated royalty. Walang cheap sequins, walang loud colors. He wants you to look like you're worth more than the entire Laurel Corporation combined."
Napalunok ako habang tinititigan ang sarili ko sa malaking salamin. Sa nakalipas na tatlong oras, binunot, kinulayan, at inayos ang bawat parte ng pagkatao ko. Ang magaspang kong buhok ay naging makintab na alon na maayos na bumabagsak sa aking likod. Ang mga labi ko ay pinahiran ng muted rose lipstick, at ang mga mata ko ay binigyan ng soft smoky accent na nagpalitaw lalo sa kakaibang kulay nito.
Nang ilabas ni Pierre ang gown na napili para sa akin, halos mapatigil ang paghinga ko.
It was an emerald-green silk-crepe gown. Simple ang harap—isang eleganteng boat neckline na bumagay sa aking collarbones—pero ang likod ay bumabagsak sa isang dangerously low drape na nagpapakita ng makinis kong balat hanggang sa may bewang. May slit ito sa kaliwang bahagi na sapat lang para makita ang mamahaling emerald-studded strappy heels na ipinasuot sa akin.
"Magnifique," Pierre gasped, clapping his hands together. "Now, the final piece."
Binuksan niya ang isang black velvet box. Sa loob nito ay nakahimlay ang isang vintage diamond and emerald pendant na nakakabit sa manipis na platinum chain, kasama ang isang pares ng matching drop earrings.
"Isuot mo," ani Pierre. "Property 'yan ng yumaong ina ni Mr. Valderama. He rarely takes that out of the bank vault. It sends a message."
Nang mailagay ang kwintas sa leeg ko, parang bumaon ang bigat ng bawat karat nito. Hindi lang ito alahas; sandata ito sa gaganaping giyera mamaya.
Bumukas ang p***o ng kwarto.
Natigil kaming lahat.
Pumasok si Rafael. Nakasuot na siya ng kanyang bespoke black tuxedo mula sa Savile Row. The fit was immaculate—broad shoulders, tapered waist, at ang kanyang buhok ay maayos na naka-brush back, revealing the sharp, ruthless angles of his face.
He froze the moment his eyes landed on me.
For the first time since I met him this morning, the cold, calculating mask on Rafael’s face slipped. His obsidian eyes widened slightly as they scanned me from my hair, down the curve of the emerald silk dress, to the slit showing my leg, and finally settling on the pendant resting against my chest.
Katahimikan ang bumalot sa kwarto. Walang sinuman sa mga stylist ang nangahas na magsalita.
Mabagal na lumakad si Rafael palapit sa akin. Ang tunog ng kanyang leather shoes sa kahoy na sahig ay parang mabagal na countdown. Huminto siya sa mismong harap ko, ang tingin ay nanatiling nakapako sa aking mukha.
"Leave us," utos niya, hindi inaalis ang tingin sa akin.
Mabilis na nagligpit sina Pierre at ang kanyang team, nagbulungan bago tahimik na lumabas at isinara ang p***o.
Naiwan kaming dalawa sa loob ng malaking kwarto. Ramdam na ramdam ko ang init ng presensya niya.
"Tititigan mo na lang ba ako?" lakas-loob kong tanong, pinipigilan ang pamumula ng pisngi ko. "O sasabihin mo kung mukha ba akong katawa-tawa?"
Isang banayad na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago bahagyang ngumiti—hindi ang ngising nang-iinsulto, kundi isang totoo at hindi sinasadyang reaksyon.
"You look..." huminto siya, tila naghahanap ng tamang salita sa English o Tagalog. "...perfection, Alyanna. You don't look like an applicant from Anonas anymore."
"Dapat ba akong magpasalamat sa backhanded compliment na 'yon?"
"Take it as pure fact," sagot niya. Lumapit pa siya nang kaunti at iniabot ang kanyang kamay.
Sa kanyang palad ay may isa pang kahon. Nang buksan niya ito, kumislap ang isang six-carat emerald-cut diamond ring na napapalibutan ng maliliit na platinum baguettes. Ang laki ng bato ay halos kasinglaki ng thumbnail ko.
Kinuha niya ang kaliwang kamay ko. Malamig ang kanyang mga daliri, pero may kuryenteng gumapang sa balat ko nang dahan-dahan niyang isuot ang singsing sa palasinsingan ko.
It fit perfectly.
"That ring belonged to my mother," Rafael whispered, his voice deep and surprisingly gentle for a split second. "She wore it when my father still knew how to love someone. Carmela has been trying to get her hands on it for twelve years. Seeing it on your finger tonight will drive her insane."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit mo ipinagkakatiwala sa akin 'to? Pwede ko 'tong takasan at ibenta."
Tinitigan niya ako sa mga mata ko, bumalik ang pamilyar na talas at kumpiyansa sa kanyang ekspresyon. "Dahil alam kong hindi mo gagawin 'yon. You have honor, Alyanna. That’s the only thing people in my world don't possess."
Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang puso kong nagwawala. "Sino ang makakaharap natin mamaya?"
"Everyone," diretso niyang sagot habang inilalagay ang cufflink sa kanyang pulso. "The board of directors, major institutional investors, Carmela’s allies, the press, and Beatrice Laurel."
"Si Beatrice... ang babaeng dapat mong pakasalan?"
"Yes. She’s the daughter of Senator Laurel. Spoiled, vindictive, and used to getting everything she wants. She will try to dissect you the moment you step foot inside that ballroom. She will look for any crack in your story, any flaw in your etiquette."
Humakbang siya patungo sa p***o at lumingon sa akin, inilalahad ang kanyang braso para kapitan ko.
"Remember the rules, Alyanna. You are madly in love with me. Every time I look at you, you look back like I am the only man in the room. And whatever insult they throw at your face, you let me handle the blood."
Lumapit ako sa kanya, dahan-dahang ipinulupot ang braso ko sa matipuno niyang braso. The fabric of his tuxedo was smooth under my fingertips.
"Don't worry, Mr. Valderama," bulong ko habang itinataas ang aking baba. "Hindi ako papayag na masayang ang sampung milyon ko."
The Grand Ballroom of the Shangri-La at the Fort was blinding.
Nang bumukas ang naglalakihang double doors, ang tunog ng classical string quartet ay agad na nasapawan ng sunod-sunod na pagkislap ng mga camera ng media.
FLASH! FLASH! FLASH!
Halos mabulag ako sa dami ng photographers na nakatambay sa red carpet entrance. Naramdaman ko ang paninigas ng mga kalamnan ko, pero bago pa ako umatras, marahang pinisil ni Rafael ang kamay ko na nakapulupot sa braso niya.
"Smile, darling," bulong niya sa tabi ng tainga ko, his voice warm and convincing. "The vultures are watching."
Ngumiti ako. Isang banayad, eleganteng ngiti na paulit-ulit kong prinaktis sa salamin kanina.
Sabay kaming humakbang papasok sa ballroom. Sa bawat hakbang namin, unt-unting humihina ang mga usapan sa paligid. Ang mga mayayamang negosyante, mga pulitiko, at mga prominenteng ginang ng alta-sosyedad ay sabay-sabay na napalingon sa aming direksyon. Ang mga bulungan ay kumalat na parang apoy sa tuyong damo.
"Is that Rafael Valderama?"
"Who is the girl beside him?"
"My god, look at that emerald necklace... isn't that Helena Valderama's heirloom?"
"Where is Beatrice Laurel?"
Sa gitna ng bulwagan, nakatayo si Doña Carmela. Kasama niya ang isang matangkad, maputing babae na nakasuot ng plunging red designer gown—si Beatrice Laurel. Mukhang handang-handa na itong ipagdiwang ang kanilang tagumpay ilang minuto lang ang nakalipas, ngunit nang makita nila kaming magkasama ni Rafael, naglaho ang ngiti sa kanilang mga labi.
Namumutla si Carmela. Si Beatrice naman ay halos madurog ang hawak na champagne flute sa tindi ng panlilisik ng kanyang mga mata.
"Rafael," bati ng isang matandang lalaking may hawak na tungkod na lumapit sa amin. Si Don Alfonso, ang pinakamatandang miyembro ng board. "We were told there would be an urgent announcement regarding your personal life and the company's succession."
Bahagyang yumukod si Rafael bilang paggalang, pero hindi bumitaw sa akin. Sa halip, hinawakan niya ang baywang ko at marahang inilapit sa kanyang tabi sa harap ng lahat.
"Good evening, Don Alfonso," anunsyo ni Rafael sa malakas at matatag na boses na narinig ng buong VIP section. "I called this gathering to introduce the woman who holds my future. This is Alyanna Marie Cruz. My fiancée."
Isang collective gasp ang sumabog sa paligid. Ang mga reporters sa gilid ay nagsimulang mag-type nang mabilis sa kanilang mga phones, habang ang mga camera flashes ay lalong dumalas.
Bago pa makapagsalita si Don Alfonso, humawi ang mga tao at lumapit si Beatrice Laurel. Ang bawat hakbang niya ay puno ng poot, ang kanyang pulang gown ay humahawi sa daan na parang dugong tumatagas.
"Fiancée?" tumawa si Beatrice, isang mapait at mapanghusgang tawa habang sinusipat ako mula ulo hanggang paa. "What kind of sick joke is this, Rafael? Saan mo napulot ang babaeng 'to? What family does she belong to? Never ko siyang nakita sa kahit anong charity gala, polo club, o debut sa Forbes Park!"
Bumigat ang hangin sa paligid. Lahat ng mata ay nakatutok sa akin, naghihintay kung paano ako mapapahiya.
Bago pa makapagsalita si Rafael para depensahan ako, humakbang ako nang bahagya paharap. Tiningnan ko si Beatrice nang diretso sa kanyang mga mata, walang kurap, walang takot.
"Hindi po ako miyembro ng polo club niyo, Ms. Laurel," kalmado kong sagot sa aking pino at malinaw na tono, nag-e-echo ang bawat salita ko sa gitna ng tensyon. "Because unlike people who spend their days looking for titles and social validation, I was busy building an actual career. Rafael fell in love with a woman who values work and substance, not a family surname."
Napaawang ang bibig ni Beatrice. Hindi siya makapaniwala na may isang taong nangahas na sumagot sa kanya nang ganoon sa harap ng buong alta-sosyedad.
Isang matunog na halakhak ang pinakawalan ni Don Alfonso mula sa likod. "Well said, young lady! Well said!"
Naramdaman ko ang kamay ni Rafael sa aking likod. Dahan-dahan itong dumausdos pababa, pumupulupot nang mahigpit sa aking bewang. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya, nakita ko ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata—isang halo ng pagkamangha, matinding interes, at isang bagay na hindi kasama sa kontrata.
Yumuko siya, ang kanyang labi ay halos dumampi sa aking noo habang nakatitig sa akin sa harap ng daan-daang bisita.
"You're playing with fire, Alyanna," bulong niya sa isang boses na para sa akin lang.
Tumingin ako sa kanya, hindi umaatras. "Ikaw ang nagdala sa akin sa impyerno, Mr. Valderama. Make sure you don't burn first."