Ang loob ng penthouse ni Rafael sa Bonifacio Ridge ay parang isang museum of minimalist wealth. Mataas ang kisame, puro shades ng charcoal, white, at deep bronze ang interior. Walang kalat. Walang bakas ng init ng isang totoong tahanan.Pero sa mga sandaling iyon, ang master bedroom ay naging parang backstage ng isang international fashion show."Turn around, please, darling," utos ni Pierre, isang kilalang celebrity stylist na personal na pinapunta ni Rafael gamit ang isang tawag lang.Kasunod niya ang apat na assistants na may bitbit na racks ng mga mamahaling gown mula sa mga international designers. Sa ibabaw ng vanity table, nagkalat ang mga mamahaling cosmetics, hair products, at mga kahon ng alahas na may tatak ng Cartier at Harry Winston."The bone structure is divine, Pierre, look at that," bulong ng makeup artist habang marahang nilalagyan ng light foundation ang pisngi ko. "Half-European?""British-Filipina," sagot ko nang mahina."Explains the jawline and those hazel eyes,
최신 업데이트 : 2026-10-28 더 보기