Home / Romance / The Heir's Accidental Fiancée / Kabanata 2: The Ten-Million Peso Lie

Share

Kabanata 2: The Ten-Million Peso Lie

Author: Anne_2030
last update publish date: 2026-10-28 00:54:53

Ang numerong iyon ay umalingawngaw sa utak ko na parang sirena ng ambulansya. Sampung milyon. Halagang hindi ko kikitain kahit magtrabaho ako buong buhay ko sa call center. Halagang kayang magpagaling kay Nanay, bumili ng sariling bahay, at magbigay ng kapayapaan na ipinagkait sa amin mula noong bata pa ako.

Pero kapalit nito ang pinakadelikadong kasinungalingan sa buong buhay ko.

"What ridiculous nonsense is this, Rafael?!" sigaw ni Doña Carmela, nanginginig ang mga kamay habang nakaturo sa amin. Ang dalawang lalaking kasama niya ay halatang nabigla rin, hindi malaman kung paano magre-react. "Fiancée? You think the board is stupid? You think I'm blind?! Kagabi lang wala kang girlfriend, tapos ngayon ipapakilala mo 'tong... 'tong dukhang babaeng 'to?!"

Naramdaman ko ang paghigpit ng braso ni Rafael sa bewang ko. His posture was unyielding, completely composed, as if he were holding all the winning cards in a poker game.

"Alyanna and I have been privately seeing each other for over a year," malamig na pagsisinungaling ni Rafael. His English was smooth, steady, and so completely convincing na kung hindi ko lang alam ang totoo, pati ako ay maniniwala. "We met in London during her brief study exchange. Pinili naming ilihim ang relasyon namin dahil alam kong gagawin mo ang lahat para sirain ito at ipilit ang ambisyon mo sa mga Laurel."

"Liar!" humakbang si Carmela, ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa akin. "Ikaw, babae! Do you even know who you're dealing with? Isang salita ko lang sa media, mabubura ka sa lipunang 'to! Magkano ang binayad sa'yo para tumayo diyan?!"

Naramdaman ko ang panlalamig ng mga binti ko. Lahat ng instincts ko bilang ordinaryong tao ay nagsasabing umiwas, humingi ng tawad, at tumakbo palabas ng gusali. But then, the image of my mother flashed in my head—nakaratay sa lumang kutson, hirap huminga, habang ang pulang sobre ng kuryente ay naghihintay sa ibabaw ng mesa.

Ten million.

Huminga ako nang malalim. Kung magpapanggap man akong fiancée ng tagapagmanang ito, hindi ako pwedeng magmukhang talunan.

Inayos ko ang pagkakatayo ko, sumandal nang bahagya sa dibdib ni Rafael, at tiningnan nang diretso ang ginang.

"With all due respect, Ma'am," wika ko, pilit na ginagaya ang pino at edukadong tono ng tatay ko noon. "Hindi po binibili ang pagkatao ko. We kept our relationship quiet because Rafael wanted to protect my privacy. Kung duda po kayo sa desisyon niya, sa kanya po kayo makipag-usap. But please don't insult my dignity in his office."

Saglit na natahimik ang buong boardroom.

Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng dibdib ni Rafael—isang pigil na tawa o pagkamangha sa naging sagot ko.

Namumula ang mukha ni Carmela sa matinding galit. Ang mga ugat sa leeg niya ay halos pumutok. "You insolent little brat! Tingnan natin kung makatayo ka pa kapag nalaman 'to ng pamilya Laurel! The board will not accept this farce, Rafael! I will make sure the Chairman hears about this!"

"Be my guest, Carmela," sagot ni Rafael, walang bahid ng takot. "In fact, tell the board to move the venue to the Grand Ballroom of the Shangri-La tonight. I will officially introduce Alyanna as my fiancée to all the primary stakeholders. You wanted proof of stability? You’ll have it in front of the press."

"You wouldn't dare!"

"Try me."

Padabog na lumingon si Carmela, halos matapilok sa kanyang matulis na takong, at marahas na lumabas ng boardroom kasunod ang kanyang mga tauhan. Ang tunog ng pagsara ng p***o ay muling nag-iwan ng nakakabinging katahimikan sa paligid.

Nang maramdaman kong ligtas na kami, agad akong kumalas mula sa pagkakahawak ni Rafael. Lumayo ako ng tatlong hakbang, nanginginig ang buong katawan habang hawak ang dibdib ko.

"Are you completely out of your mind?!" bulyaw ko sa kanya, wala nang pakialam kung siya ang bilyonaryo at aplikante lang ako. "Fiancée?! London study exchange?! Sir, nag-apply ako dito para maging assistant, hindi para maging accessory sa corporate war ng pamilya niyo!"

Mabagal na inayos ni Rafael ang sleeves ng kanyang puting polo. Kalmado siyang lumakad pabalik sa kanyang executive chair at naupo na parang walang anumang kaguluhang nangyari.

"You performed better than I expected, Ms. Cruz," he said coolly, tapping his fingers on the mahogany wood. "Your British accent slipped through nicely when you confronted Carmela. It gave the lie some credibility."

"Hindi 'yon ang point ko!" Lumapit ako sa tapat ng mesa, nanggagalaiti. "Pinasok mo ako sa gulo! Did you see her face? That woman looks like she could hire hitmen to throw me in the Pasig River! At anong gala sa Shangri-La mamayang gabi?! Wala akong maisusuot, wala akong alam sa mundo niyo, at mas lalong hindi kita kilala!"

Tinitigan ako ni Rafael nang matagal. Walang emosyon ang kanyang mukha, pero may talas ang bawat titig niya na tila sinusukat ang bawat kahinaan ko.

"Sit down, Alyanna."

"Ayoko—"

"I said, sit down."

Mababa ang boses niya, pero may bigat na nagpabagsak sa akin pabalik sa upuan.

Binuksan niya ang top drawer ng mesa at naglabas ng isang blangkong kontrata kasama ang isang fountain pen.

"Here are the facts," panimula niya, ang kanyang mga mata ay nakapako sa akin. "My stepmother is attempting a hostile takeover of Valderama Holdings by forcing me into an arranged marriage with Beatrice Laurel. Kapag nangyari 'yon, Carmela will control forty percent of the voting shares through proxies. Ang tanging paraan para pigilan 'yon ay ang probisyon sa will ng lolo ko: if I announce an independent engagement before the end of this fiscal quarter, I retain sole executive authority."

"So ginamit mo ako dahil ako lang ang nasa kwarto?" sumbat ko.

"Ginamit kita dahil wala kang koneksyon kahit kanino," pagwawasto niya. "You have no corporate alliances, no socialite friends who will leak information to the press, and your financial situation makes you controllable. You need money. I need a shield. It’s a clean business transaction."

"Controllable? Tingin mo sa akin, sunud-sunuran?"

"Tingin ko sa'yo, matalinong tao," mabilis niyang sagot, sumandal sa upuan at pinagkrus ang kanyang mahahabang binti. "Your mother is admitted at Quirino Memorial, isn't she? She’s waiting for a specialized pulmonary procedure that costs around 1.8 million pesos. Ang electric bill niyo, due kahapon pa. Ang paupahan niyo, tatlong buwan nang delayed."

Nanlamig ang buong katawan ko. Nanliit ang mga mata ko sa takot at galit. "Pinaimbestigahan mo ako?!"

"It took my private security team four minutes to pull up your background while you were riding the elevator up," aniya nang walang bahid ng hiya. "I don't hire people blindly. Now, here is my offer, Ms. Cruz. We sign a six-month non-disclosure and personal services contract. For six months, you will live in my penthouse at Bonifacio Ridge. You will play the role of my devoted, fiercely loyal fiancée in front of the board, my family, and the media. After six months, we will stage an amicable breakup due to irreconcilable differences."

Huminto siya, kinuha ang pen, at inilapag ito sa tapat ko.

"In exchange, babayaran ko lahat ng hospital bills ng nanay mo simula ngayong araw. Ililipat ko siya sa St. Luke's Global City sa ilalim ng pangangalaga ng pinakamahusay na pulmonary specialists. Bibigyan kita ng monthly allowance na two hundred thousand pesos. And on the 180th day, the moment the contract expires, I will transfer ten million pesos tax-free into your personal bank account."

Napatitig ako sa fountain pen.

Ang bawat salita niya ay parang gintong lubid na dahan-dahang sumasakal sa akin. Ito ang sagot sa lahat ng dasal ko—pero alam kong may kapalit itong impyerno.

"Bakit ako?" mahina kong tanong, halos pabulong na lang. "Maraming magagandang babae sa circle mo na mas bagay sa posisyong 'to."

"Dahil ang mga babae sa circle ko, may mga pamilyang may sariling interes," malamig niyang tugon. "They would want a real wedding. They would want my assets. Ikaw? All you want is to save your mother and survive. You have no reason to betray me because if this falls apart, you go back to having nothing."

Masakit ang mga salita niya, pero totoo.

"May mga patakaran ako," matigas kong sabi, pilit na pinapanatili ang natitirang pride ko.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Enlighten me."

"Una, strictly professional ito. No physical intimacy beyond what is strictly necessary in public. Walang hawakan kapag walang nanonood."

"Agreed," sagot niya nang walang pag-aalinlangan. "I don't mix business with pleasure."

"Pangalawa, hindi mo pwedeng insultuhin ang nanay ko o ang pinanggalingan ko. Mahirap kami, pero marangal kaming nabubuhay."

Tinitigan niya ako, mas malalim, mas seryoso. "Agreed."

"At pangatlo... kailangan ko ng advance. Ngayon din. Kailangang mabayaran ang kuryente at ang gamot ni Nanay bago magtanghali."

Walang imik na kinuha ni Rafael ang kanyang cellphone. Nag-dial siya ng tatlong numero.

"Monica," utos niya sa linya. "Wire five hundred thousand pesos immediately to Ms. Alyanna Cruz’s account. Details are in her HR folder. And call our styling team. She needs to be completely prepared for the Shangri-La gala by six tonight."

Ibinaba niya ang phone at tumingin sa akin.

"Your advance is being processed, Ms. Cruz. Sign the paper."

Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang mabigat na fountain pen. Tiningnan ko ang blangkong linya sa ibaba ng dokumento. Isang pirma lang, at magbabago na ang buong takbo ng buhay ko. Hindi na ako simpleng Alyanna na naghahanap ng trabaho.

Ako na ang pekeng mapapangasawa ng pinakamapanganib na tagapagmana sa Maynila.

Pinirmahan ko ang kontrata.

Ibinaba ko ang pluma at tumingin sa kanya. "Anong mangyayari mamayang gabi?"

Tumayo si Rafael, lumapit sa akin, at yumuko nang kaunti hanggang sa magkapantay ang aming mga mata. Ang distansya sa pagitan namin ay halos ilang pulgada na lang, sapat para maamoy ko ang panlalaki niyang pabango at makita ang maliliit na gold specks sa loob ng madidilim niyang mga mata.

"Mamayang gabi, Alyanna," aniya sa mababang boses, "ipapakita natin sa buong alta-sosyedad kung paano magmahal ang isang bilyonaryo. Make sure you don't choke."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heir's Accidental Fiancée   Kabanata 6:His Family

    Habang marahang dumadausdos ang matte-black Maybach ni Rafael papasok sa wrought-iron gates ng Valderama ancestral compound, lalong nanlamig ang mga kamay ko. Sa tabi ko, tahimik lang si Rafael. He was wearing a charcoal tailored suit, crisp and unwrinkled, holding his iPad with one hand habang ang kabilang kamay naman ay nakapatong sa leather seat."Stop trembling, Alyanna," basag niya sa katahimikan, hindi man lang nag-aangat ng tingin. "You're vibrating the entire car.""Madali para sa'yo sabihin 'yan," asik ko, pilit na hinahatak pababa ang laylayan ng beige tweed blazer ko. "Ikaw ang may-ari ng apelyido. Ako? I'm walking into a house full of people who think I belong in the garbage chute."Mabagal na ibinaba ni Rafael ang iPad. Tumingin siya sa akin—malamig, diretso, ngunit may kakaibang bigat ang kanyang mga mata."My father is cynical, bedridden, and expects me to fail," aniya sa mababang baritone voice. "Carmela will try to bait you into crying or shouting. Kapag nagpadala ka

  • The Heir's Accidental Fiancée   Kabanata 5 :Breakfast with the devil 👿

    Paggising ko kinabukasan, hindi ang pamilyar na tilaok ng manok ng kapitbahay o ang tunog ng busina ng jeep sa kanto ang sumalubong sa akin.Katahimikan. Absolute, deafening silence.Dumilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang napakataas na ceiling na may recessed warm lighting. Nakahiga ako sa isang California king bed na may 1,000-thread-count Egyptian cotton sheets na sobrang lambot na parang lumulutang ako sa ulap.Biglang bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari kagabi.Ang interview. Si Carmela. Ang contract. Ang Shangri-La gala. Si Beatrice Laurel.Napabalikwas ako ng bangon at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Nandoon pa rin ang six-carat emerald-cut diamond ring, kumikinang sa ilalim ng liwanag ng araw na tumatagos sa sheer curtains ng penthouse.Hindi ito panaginip. Totoo ang lahat ng 'to.Bumaba ako sa kama at maingat na naglakad patungo sa adjoining walk-in closet. Pagbukas ko ng pinto, halos malaglag ang panga ko.Naka-hang doon ang dalawampu't limang iba't ibang des

  • The Heir's Accidental Fiancée   Kabanata 4: The Aftermath

    Hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng mga tuhod ko kahit nakapasok na kami sa loob ng private elevator pababa sa basement parking ng Shangri-La.Nang sumara ang metal na pinto at nawala ang ingay ng ballroom, parang biglang naubos ang lahat ng hangin sa baga ko. Humilig ako sa malamig na salamin ng elevator, sapo ang dibdib, habang pilit na kinakalma ang nagwawalang pulso."Breathe, Alyanna," malamig ngunit may diin na sabi ni Rafael mula sa tabi ko."Breathe?!" Napalingon ako sa kanya nang may nanlalaking mga mata. "Breathe mo 'yang mukha mo! Did you see Beatrice Laurel's face?! She looked like she wanted to murder me with that butter knife! At si Doña Carmela—she literally looked at me like I was something she stepped on sa kalye!"Hindi man lang natinag si Rafael. Kalmado niyang inayos ang cuffs ng kanyang tuxedo jacket, his posture straight and regal as if we had just come from an ordinary casual lunch instead of a social battlefield."She can look all she wants," Rafael replie

  • The Heir's Accidental Fiancée   Kabanata 3: The Metamorphosis

    Ang loob ng penthouse ni Rafael sa Bonifacio Ridge ay parang isang museum of minimalist wealth. Mataas ang kisame, puro shades ng charcoal, white, at deep bronze ang interior. Walang kalat. Walang bakas ng init ng isang totoong tahanan.Pero sa mga sandaling iyon, ang master bedroom ay naging parang backstage ng isang international fashion show."Turn around, please, darling," utos ni Pierre, isang kilalang celebrity stylist na personal na pinapunta ni Rafael gamit ang isang tawag lang.Kasunod niya ang apat na assistants na may bitbit na racks ng mga mamahaling gown mula sa mga international designers. Sa ibabaw ng vanity table, nagkalat ang mga mamahaling cosmetics, hair products, at mga kahon ng alahas na may tatak ng Cartier at Harry Winston."The bone structure is divine, Pierre, look at that," bulong ng makeup artist habang marahang nilalagyan ng light foundation ang pisngi ko. "Half-European?""British-Filipina," sagot ko nang mahina."Explains the jawline and those hazel eyes,

  • The Heir's Accidental Fiancée   Kabanata 2: The Ten-Million Peso Lie

    Ang numerong iyon ay umalingawngaw sa utak ko na parang sirena ng ambulansya. Sampung milyon. Halagang hindi ko kikitain kahit magtrabaho ako buong buhay ko sa call center. Halagang kayang magpagaling kay Nanay, bumili ng sariling bahay, at magbigay ng kapayapaan na ipinagkait sa amin mula noong bata pa ako.Pero kapalit nito ang pinakadelikadong kasinungalingan sa buong buhay ko."What ridiculous nonsense is this, Rafael?!" sigaw ni Doña Carmela, nanginginig ang mga kamay habang nakaturo sa amin. Ang dalawang lalaking kasama niya ay halatang nabigla rin, hindi malaman kung paano magre-react. "Fiancée? You think the board is stupid? You think I'm blind?! Kagabi lang wala kang girlfriend, tapos ngayon ipapakilala mo 'tong... 'tong dukhang babaeng 'to?!"Naramdaman ko ang paghigpit ng braso ni Rafael sa bewang ko. His posture was unyielding, completely composed, as if he were holding all the winning cards in a poker game."Alyanna and I have been privately seeing each other for over a y

  • The Heir's Accidental Fiancée   Kabantay 1: The Trap

    Ang pulang sobre mula sa Meralco ay halos magpunit-punit na sa loob ng bulsa ng blazer ko sa dalas kong pisilin.Hindi ko pwedeng hayaang maputulan kami ng kuryente ngayong linggo. Hindi pwedeng mastroke si Nanay sa init sa loob ng maliit naming inuupahang kwarto sa may Project 4, at higit sa lahat, hindi pwedeng mamatay ang oxygen concentrator niya. Ang machine na iyon ang nag-iisang bagay na nagpapanatiling humihinga ang nanay ko matapos siyang tamaan ng severe pulmonary complication dalawang buwan na ang nakalilipas."Kaya mo 'to, Alyanna," bulong ko sa sarili habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa pampublikong banyo ng gasolinahan sa tapat ng BGC.Pinagmasdan ko ang reflection ko. Sa totoo lang, laging may split-second dissociation tuwing tinitingnan ko ang sarili ko. Nakuha ko ang matangos na ilong, medyo deep-set hazel-brown eyes, at matalas na cheekbones ng yumao kong tatay na taga-Manchester. Pero ang kulay ng balat ko, ang wavy na itim na buhok, at ang hugis ng labi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status