Share

Kabanata 7

Author: Luzzy0317
last update Huling Na-update: 2025-01-26 23:18:57

Ilang minuto siyang tulala bago natauhan at malakas na tinulak ang lalaki.

"Ikaw na naman. Bakit ba palagi ka na lang nasulpot kung saan kami naroon." asik niya rito.

"Wow! Hindi ka ba na inform na yang kinakatayuan mo, roon at doon ay pagmamay-ari ko." aniya.

Nagsalubong ang kilay ni Kattie. "Really? Ikaw ba ang owner ng Mall na ito para masabi mo ang ganyang bagay? At isa pa customers ako dito kaya may karapatan akong magpunta rito sa ayaw at sa gusto mo." bulyaw niya at kanina pa siya napepeste sa kahambugan ng lalaking iyon. Nagpipigil lamang siya dahil kasama niya ang kanyang anak.

"Yes, Miss sa akin tong Mall na to? Kaya kung sino man sa ating dalawa ang bawal hindi ako kundi ikaw." wika ni Jericson na parang batang nakikipag sagutan sa kanya.

Natahimik naman sandali si Kattie at parang may bumara sa lalamunan niya.

Maya maya lang narinig ni Jericson ang boses ni Bryan.

"Mr. Miller, you have an appointment with Mrs. Salcedo today. And she's already there." bulong nito.

As if naman hindi narinig ni Kattie pero dedma lamang siya. Sinamaan lang siya ng tingin nito bago mag walk-out..

Nang mapag isa na lang siya hinila niya ang kamay ng kanyang anak at nakita niyang nakasimangot ito tatanungin pa sana niya ito kaso bigla itong nagsalita.

"Mommy, what happened? Why, daddy is mad?" tanong nito sa kanya. At heto na naman sila sa paulit ulit na sinasabi ng bata sa pag claimed na daddy niya ang hambog na lalaki na iyon. Kung tutuusin hindi niya malaman kung bakit pinipilit ng kanyang anak na daddy niya ang lalaki.

"Son, I already told you about this. He's not your Dad. You're dad is busy making money. He wants to give you the best." pagsisinungaling niya dahil miski siya ay hindi niya alam kung anong itsura ng naka one night stand niya. Kaya halos isumpa niya si Eden sa kabaliwang nagawa nito masira lang ang relasyon nilang dalawa ng kanyang fiancee.

"I don't believed you Mom. I know that Man is my Dad. Why don't you believed in me, Mom? How many times I told you about it." wika ng kanyang anak na halatang magmamaktol na kaya naisip na lang niya na ayain ito sa painting materials para mawala na ang himutok nito.

"Son, let's forget about it. Just enjoy our bonding time, okay? What do you want to buy?" tanong niya sa anak.

"Okay, Mom." tipid na sagot nito at unti-unting nawala ang pagkasimangot nito.

---

Samantalang sa La Cafe Deliciouza naman ay kanina pa naghihintay si Mrs. Salcedo kay Jericson at malapit nang mainis.

Ngunit nang dumating siya tila nawala ang inis ng ginang. At dahil iyon sa taglay nang magnetic charm niya sa mga kababaihan.

"Hello, Mrs. Salcedo. It's my pleasure to finally meet you." aniya.

"My pleasure is mine too." nakangiting wika ng ginang at tila nawala ang inis nito.

"Have a seat ma'am." ngiting sagot ni Jericson.

Nilabas ni Bryan ang laptop nito at nagsimula ng magsalita si Jericson habang nakikinig naman ng mabuti ang ginang. Napapangiti ito sa galing magpaliwanag ni Jericson at ilang minutong pag-uusap nila napagkasunduan nilang dalawa na mag-iinvest ang ginang sa new project nito.

"Okay, thank you Mrs. Salcedo. I'll sent the contract right away after this meeting. Thank you for you precocious time. I hope to see you soon." nakangiting wika ni Jericson.

"Me too. Thank you for that wonderful presentation. I'll wait the contract." wika ng ginang bago nagpaalam sa kanya.

Nang maka alis ito nakahinga ng maluwag ang dalawa. At sabay na rin silang umalis ng coffee shop..

Habang nagmamaneho si Bryan ng sasakyan panay naman muni-muni ni Jericson sa labas ng sumagi na naman sa kanyang isipan ang mag-ina. Ewan ba niya bakit tila pinag tatagpo talaga ang landas nila. At paulit ulit na sinasabi ng batang lalaki na siya ang Daddy nito..

Nang mapansin ni Bryan na parang tulala at malalim ang iniisip ng kanyang amo. Hindi niya maiwasang magtanong. "Mr. Miller, bakit?" tanong niya.

Nang marinig ito ni Jericson nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Anong bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Wala naman Mr. Miller, kanina ka pa kasi tulala dyan mula ng umalis tayo ng Coffe shop. May problema ka ba?" tanong nito.

"Wala naman. May iniisip lang rin ako." sagot ni Jericson at hindi na muling nagtanong pa si Bryan.

Matagal ng katiwala ni Jericson ito simula pagkabata ito na ang kasa kasama niya. Nasa trenta pa lang ata si Bryan nanilbahan na ito sa kanilang pamilya. Kaya nga kahit malaki na siya ito pa rin ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan niya lalo ng buhay niya. Hindi lang kasi ito personal driver niya kundi body guard na rin. Natatandaan niya kasi na dating security guard ito ng pamilya nila kaso sa nangyari sa kanya ng bata pa siya. Napag desisyunan ng kanyang mga magulang na ihired ito na maging personal bodyguard niya.

Nang makarating sila ng Mansyon agad lumabas si Bryan para pag buksa siya ng pintuan. Dire diretso siya sa loob ng Mansyon. Naupo siya sa malawak na sofa at nahiga maya maya. Nakatulala na naman siya at nag-iisip. Mag-isa lang siyang nakatira rito sa loob ng Mansyon maliban sa mga kasambahay niya na si Nay Yola at ang ilan pa. Nasanay na rin siya at mukhang tatanda na rin naman siyang binata. Single for life, ewan ba niya bakit ang malas malas niya sa pakikipag relasyon. Kaya nga after Desiree, who cheated him. Then, Callista, choose her Modelling career and left him after. At last Minerva who died four years ago. Kaya feeling niya wala talaga siyang swerte kaya hindi na siya pumasok pa sa seryosohan. Palagi na lang siyang gumagamit ng mga babae na nagbibigay aliw sa kanya at nagpapawi ng init niya. Nasanay na rin siya sa ganitong sistema. Malilinis naman ang mag babaeng gabi gabi niyang naikakama kaso lang simula ng naka one night stand niya ang babaeng iyon hindi na niya ito mawaglit sa isipan niya. Although hindi niya man lang nasilayan ang mukha nito pero, ang aroma ng katawan nito ay hanggang ngayon ay nanunuot sa ilong niya. Kaya kung minsan nawawalan na siya ng gana sa mga babae at tanging hinahanap niya ay ang bangong mala rosas ng babaeng iyon. Gusto sana niyang hanapin ito kaso lang hindi niya alam kung paano gayong ni pangalan nga nito ay hindi niya nakuha.

Hanggang sa may pumasok sa isipan niya. "Gotcha! Ang babaeng nakausap niya sa hotel ng gabing iyon. Baka alam niya kung sino ang babaeng nakaniig niya ng gabing iyon.."

Agad niyang dinilan ang numero ng investigator niya at sumagot naman kaagad ito.

"Yes, Mr. Miller." bungad na wika nito.

"I have something important to tell you. When is your free time Baron?" tanong ni Jericson.

"Anytime for you Mr. Miller." mabilis na sagot nito.

"Alright, I'll send you the details." ani niya.

"Thank you, Mr. Miller." sagot naman nito. At binaba na rin ni Jericson ang tawag pagkatapos nilang mag-usap.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bratinela17
ahahaahahha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 149

    Masaya si Jericson na muling nagkasama silang dalawang mag-asawa. Sa palagay niya naman wala na siyang hihilingin pa. Magkatabi silang mag-asawa sa kama. Kasalukuyang tulog pa si Kattie sa tabi niya habang hinahaplos niya ang buhok nito. Buong akala niya hindi na darating pa ang araw na ito sa kanilang dalawang mag-asawa. Pero masaya siya na dumating pa. Nang nalaman niya na may kinakasamang iba ang kanyang asawa sobra siyang nasaktan at akala niya ay wala na siyang pag-asa rito pero ng dumating ito sa kumpanya niya nabuhayan siya ng pag-asa at ng malaman niya ang totoo sobra niyang saya. Nang magmulat ng mata si Kattie ngumiti siya sa kanyang asawa. "Love, bakit?" tanong ni Kattie. "Wala lang love, naalala mo na pala ang tawagan natin." ani ni Jericson. "Medyo lang love pero hindi pa lahat malinaw sa akin." sagot niya. "Ok lang yan love ang mahalaga kahit paano may naalala ka na sa nakaraan mo." sagot nito. "Wait kailan ba tayo uuwi love at namimiss ko na rin ang mg

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 148

    Matapos ang yakapan ng dalawa dinala ni Jericson si Kattie sa labas ng building at pinasakay ng kotse. Nag drive siya papalayo hanggang sa dinala niya ito sa tahimik na lugar kung saan sila makakapag usap ng maayos na dalawa. Medyo naguguluhan talaga siya sa mga nangyayari. Umiiyak pa rin si Kattie ng makarating sila sa Baguio.. Dito niya dinala ito para malamig at tahimik naman ang lugar. Nag check-in sila dito para mas makapag usap sila ng masinsinan. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ba hinayaan na kitang magsama kayong dalawa.. Pumayag na akong kalimutan mo kami..Tapos ngayon gumaganyan ka. Ano ba talagang nangyayari sayo?" tanong ni Jericson kasi miski siya ay hindi niya talaga naiintindihan ito. "Alam ko na ang lahat ng totoo. Hindi pa man nabalik ang alaala ko pero nakita ko na kung ano ang totoo." naiiyak na sagot ni Kattie. Pautal utal pa siya dahil umiiyak siya. Nasayang ang mga araw na sana ay kasama ko kayo ng mga anak natin. Sorry, hindi ko talaga alam." sagot ni K

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 147

    Kinagabihan habang nakain ng dinner hindi maiwasang mag open ni Kattie kay Denver tungkol kanina sa naging bisita nito ng wala pa ang kanyang asawa at bago sila mag pang-abot na dalawa. "Honey, siya nga pala kanina may nag punta dito na mga lalaki hinahanap ka at isa parang galit siya ng nakita ako." panimulang kwento ni Kattie sa kanyang asawa. "Oh! Tapos, may sinabi ba siya honey o ibinilin sa akin?" tanong ni Denver sa pag-aakalang kakilala niya lang ito. "Wala naman honey, pero nagtataka ako sa isang lalaking galit na galit sa akin. Sinumbatan pa nga niya ako na iniwan ko raw sila ng mga anak namin." sagot ni Kattie. Bigla naman natigilan si Denver sa pagkain ng marinig ang huling sinabi ni Kattie sa kanya. "Sinong lalaki? Nabanggit ba nito ang pangalan niya sayo?" tanong ni Denver dahil malakas ang kutob niya na natunton na ni Jericson kung nasaan silang dalawa ni Kattie at tiyak siyang babalik ito para guluhin silang dalawa kaya hindi siya papayag. "Hindi e, ang weir

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 146

    Patuloy ang buhay ni Jericson kahit wala pa rin ang kanyang asawa hanggang sa muli siyang naktanggap ng tawag mula kay Peter sa kanyang private investigator. Sinagot niya agad ito at sinabi sa kanya na magkita sila mamaya at may mahalaga itong sasabihin sa kanya. Pumayag siya at nakipag kita siya dito. Nagkita sila sa bandang Laguna medyo malayo ito sa kanyang lokasyon ngayon pero handa siyang dumayo malaman niya lang ang katotohanan sa pagkawala ng kanyang asawa. Tinatahak niya na ang daan patungong SLEX dahil ito lang naman ang alam niyang mabilis na way para makarating siya ng Laguna. Pagpasok niya ng SLEX tuloy tuloy ang kanyang byahe hanggang nakarating siya ng Nuvali. Dito kasi sila magkikita ni Peter naghanap lang siya ng mapapark-an na maayos at tinawagan na niya ito. "Nandito na ako, nasaan ka?" tanong niya. "Nandito na rin ako Mr. Miller." sagot naman nito. "Ok. Hanapin mo lang ang land cruiser na sasakyan ko." bilin niya bago i-off ang tawag. Maya maya lang naki

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 145

    Kanina pa bored si Kattie sa rest house kung saan sila naka stay ni Denver. Hindi pa rin siya nakaka alala at hinayaan niya na lang na gumawa sila ng bagong memories. Ngayon nga naghahanda siya sa pag uwi nito. Pinagluto niya ulit ng hapunan. Nag prepared rin siya ng something extra special para rito. Alam naman niyang pagod ang kanyang asawa sa mga inaasikaso nito. Kahit ganon na nasa rest house lang siya masaya naman siya. Nang sumapit ang hapon at naghahanda na nga siya sa pagdating nito. Nakapag luto na siya at nakapag handa ng biglang tumawag ito. "Honey, hindi ako makakauwi ng maaga. Kumain ka na at hwag muna akong hintayin pa." wika nito. Hindi na siya nakasagot lalo nag baba na rin ito ng tawag.. Inis na inis siya sa kanyang asawa pero gayunpaman iniintindi na lang niya rin ito. --- Habang nasa office si Denver sarap na sarap siya sa pag kain ng kanyang secretary sa kanya.. Ilang linggo na siyang nagtitiis na walang sex life dahil umasa siyang ibibigay ito ng k

  • The Heiress Reborn: Revenged For Legacy   Kabanata 144

    Nang magsimula ang palabas kitang kita niya ang pagtutok ng mga mata ng kanyang anak sa screen. Tahimik at ayaw man lang magpaistorbo nito kaya hinayaan niya na lang ang mga ito sa gustong gawin. Habang siya naman ay masayang nakatunghay sa mga ito. At natutuwa siyang nag e-enjoy ang kanyang mga anak. Maganda ang movie na kanyang napili. May mapupulutang aral talaga kahit na cartoon character. Nang matapos ang isang palabas nakatulog na ang kanyang prinsesa kaya naman si Mila na ang nag akyat rito para magpatuloy sa panunuod ang mag-amang si Jericson at Ken. Habang nanunuod sila biglang nagring ang cellphone ni Jericson kaya napalabas ito ng tent para alamin kung sino nga ba ang natawag sa kanya dis oras na ng gabi. Nang ma-i-check niya ito si Peter pala kaya agad niya itong kinausap. "Boss, kanina habang hinihintay ko lumabas sa airport si Mr. Denver Monasterio, biglang may kasunod itong babae pagkatapos inakbayan niya pa." panimula nito. "Babae? Nakilala mo ba kung sino ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status