News Report 211
Kasalukuyang ibinabalita ng reporter ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawang pamilyang kilala sa lipunan. Ang pamilya Johnson at Bueneventura. Kalat na kalat sa lahat ang engrandeng kasalang magaganap. Hindi na rin naman nagulat si Kattie ng mapanuod ang balita. Hinawakan ng Tita Ellie niya ang kamay niya, kasalukuyang kumakain kasi sila ng tanghalian. "Okay ka lang ba hija? Kung hindi ka kumportable sa balita pwede mo naman hwag panuorin." wika nito. Napatingin siya rito. "Tita Ellie, okay lang po ako. Wala na sa akin ang ginawang pagtataksil ng dalawang yan. Ang gusto ko na lang ay ipaglaban kung anong karapatang meron ako bilang isang Johnson." sagot niya habang nakatingin sa mga mata nito. "Sigurado ka ba dyan? Mahirap kalaban ang bruhang evil step-mother mo gayong sunod sunuran ang daddy mo sa gusto nito." saad ni Ellie. "Sigurado na po ako Tita Ellie, hindi ako papayag na habang kami ng anak ko ay nagdudusa at sila ay nagpapakasaya." ani niya. Totoo naman iyon imbes na sa Mansyon sila nakatira nasa poder siya ng Tita Ellie niya. Hindi niya alam kung anong ginawa ng step-mother niya para tuluyang magalit ang Daddy niya sa kanya at yon ang aalamin niya. Marami na siyang pinagdaanang hirap ng mapalayas siya sa Mansyon kaya ngayon kailangan niya ng ipaglaban ang kung anong meron siya. "Ikaw ang bahala basta pinapaalalahanan lang kita hija, hindi ganon kadali maging kaaway ang step-mother mo. Ayoko lang na mapahamak ka sa gagawin mo. Alam mo naman na ikaw na lang ang kaisa isang kamag anak na meron ako." nag-aalalang wika ng Tita Ellie niya at bakas sa mukha nito ang pagkatakot. "Tita Ellie, mag-iingat naman po ako. Hwag ho kayong mag-alala pinaghandaan ko na ang lahat ng ito. At sisiguraduhin ko na this time hindi na ako uuwing luhaan." mariing wika niya. At totoo naman iyon hindi na siya magpapa api ngayon. Niyakap lang siya ng Tita Ellie niya at nagpaalam na rin ito sa kanya na papanhik sa itaas. Naiwan naman siyang nag-iisip. Gusto niyang maging maayos ang paghihiganti niya. At sisimulan niya ito sa paninira ng kasal ng evil step-sister niya na si Eden. Hindi siya papayag na makasal ito at maging masaya. Habang nag-iisip siya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. "Yes! Larry, nagawa mo na ba ang inuutos ko?" tanong niya sa katiwalan niya. "Yes! Ma'am, nagawa na namin ang inuutos niyo. Tiyak kung uusok ang ilong niya kapag malaman niyang sira na ang wedding gown niya. Hahaha." sagot ni Larry kasabay nang halakhak nito. "Good. Ayan ang gusto ko sayo, Larry maayos kang mag trabaho. Sige, ita transfer ko na lang sa bank account mo ang bayad." wika niya sabay baba ng tawag. Napangisi siya ng matapos ang usapan nila ni Larry. "Eden, umpisa pa lang ito ng masamang kalbaryo ng buhay mo. Sinasabi ko sayo na dudurugin kita hanggang sa magmaka awa ka sa akin. Ipaparanas ko sayo kung anong mga pinagdaanan ko ng sirain mo ang buhay ko." mariing wika niya habang kinukuyom ang kanyang kamao. Sa lalim ng kanyang iniisip hindi niya namalayan ang pagdating ng kanyang anak. Gising na pala ito kaya napatayo siya para ipaghanda ito ng lunch. "Son, are you hungry?" tanong niya rito. "Yeah! Mom!" tipid na sagot ng kanyang anak. "Okay, just sit there and wait for me. I'll prepare your lunch." ani niya. "Okay, thanks Mom." sagot ng kanyang anak. Naglakad na siya at nagtungo sa kusina para ipaghanda ng lunch ang kanyang anak. Pagbalik niya dala na niya ang lunch nito at nilapag sa lamesa. "Enjoy yor lunch, son." nakangiting wika niya. Habang pinapanuod ang maganang pagkain ng kanyang anak. "Mom, how about you? Do you want to eat with me?" tanong nito. "No, thank son. Mommy is already done. Don't worry about me, just finish it. Then we're going to the Mall later to buy you some stuff." wika niya. Biglang namilog ang mga mata ng anak niya ng marinig ang sinabi niya. "Really, Mom. I can't wait to buy my stuff. I just want to buy some painting materials. I miss to paint, Mom." wika ng kanyang anak. Napangiti siya ng maalala na nagpipaint nga pala sa states ang kanyang anak. Hindi lang nila nadala ang mga ito dahil marami na silang gamit at ayaw niyang magbitbit pa. "Sure son," tipid na sagot niya. At hinayaan na lang na kumain ang anak at tumayo na siya ng upuan pra makapag asikaso na rin. Two hours Later... Naka alis na sila ng bahay ng Tita Ellie niya at patungo na sila sa Mall. Nang makarating sila sa Mall excited ang kanyang anak at nagtatakbo ito. Hanggang sa hindi sinasadyang may mabangga ito. "Holy sh*t!" wika ng isang lalaki na may dalang inumin at tumilapon sa suot nitong suit. Habang ang kanyang anak ay napatulala ng makita kung sino ang kanyang nabangga. "D-Daddy, you're here!" masayang wika ng kanyang anak sabay yakap sa lalaking napagkamalan rin nito noon na Daddy niya. Agad niyang hinila ang kanyang anak ng makita ang pag simangot ng lalaki. "Son, shall we go. He's not your Daddy." saway niya rito. Habang pinapangaralan niya ang kanyang anak saka naman niya narinig ang pasaring ng lalaki. "Miss kayo na naman. Ang sabi ko sayo hanapan mo na ng Daddy yang anak mo. Nang hindi niya laging napagkakamalan akong Daddy. O baka naman tactics mo lang ito. Isa ka rin ba sa mga babaeng handang ibuka ang legs sa harapan ko tanggapin ko lang ang anak mo sa iba--" hindi na natapos ni Jericson ang sasabihin ng may palad na dumampi sa kanyang pisngi. Pak! "Bastos ka, anong feeling mo gwapo ka. For your information walang wala ka sa kalingkingan ng Daddy ng anak ko. At pwede ba hwag kang feeling na pagmamay-ari mo ang Mall--" Natameme si Kattie ng dumampi ang daliri nito sa labi niya. Para siyang natuod sa boltaboltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya. Daliri lang nito ang dumampi sa labi niya pero, para siyang nanghina na hindi niya malaman kung anong dahilan...Masaya si Jericson na muling nagkasama silang dalawang mag-asawa. Sa palagay niya naman wala na siyang hihilingin pa. Magkatabi silang mag-asawa sa kama. Kasalukuyang tulog pa si Kattie sa tabi niya habang hinahaplos niya ang buhok nito. Buong akala niya hindi na darating pa ang araw na ito sa kanilang dalawang mag-asawa. Pero masaya siya na dumating pa. Nang nalaman niya na may kinakasamang iba ang kanyang asawa sobra siyang nasaktan at akala niya ay wala na siyang pag-asa rito pero ng dumating ito sa kumpanya niya nabuhayan siya ng pag-asa at ng malaman niya ang totoo sobra niyang saya. Nang magmulat ng mata si Kattie ngumiti siya sa kanyang asawa. "Love, bakit?" tanong ni Kattie. "Wala lang love, naalala mo na pala ang tawagan natin." ani ni Jericson. "Medyo lang love pero hindi pa lahat malinaw sa akin." sagot niya. "Ok lang yan love ang mahalaga kahit paano may naalala ka na sa nakaraan mo." sagot nito. "Wait kailan ba tayo uuwi love at namimiss ko na rin ang mg
Matapos ang yakapan ng dalawa dinala ni Jericson si Kattie sa labas ng building at pinasakay ng kotse. Nag drive siya papalayo hanggang sa dinala niya ito sa tahimik na lugar kung saan sila makakapag usap ng maayos na dalawa. Medyo naguguluhan talaga siya sa mga nangyayari. Umiiyak pa rin si Kattie ng makarating sila sa Baguio.. Dito niya dinala ito para malamig at tahimik naman ang lugar. Nag check-in sila dito para mas makapag usap sila ng masinsinan. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ba hinayaan na kitang magsama kayong dalawa.. Pumayag na akong kalimutan mo kami..Tapos ngayon gumaganyan ka. Ano ba talagang nangyayari sayo?" tanong ni Jericson kasi miski siya ay hindi niya talaga naiintindihan ito. "Alam ko na ang lahat ng totoo. Hindi pa man nabalik ang alaala ko pero nakita ko na kung ano ang totoo." naiiyak na sagot ni Kattie. Pautal utal pa siya dahil umiiyak siya. Nasayang ang mga araw na sana ay kasama ko kayo ng mga anak natin. Sorry, hindi ko talaga alam." sagot ni K
Kinagabihan habang nakain ng dinner hindi maiwasang mag open ni Kattie kay Denver tungkol kanina sa naging bisita nito ng wala pa ang kanyang asawa at bago sila mag pang-abot na dalawa. "Honey, siya nga pala kanina may nag punta dito na mga lalaki hinahanap ka at isa parang galit siya ng nakita ako." panimulang kwento ni Kattie sa kanyang asawa. "Oh! Tapos, may sinabi ba siya honey o ibinilin sa akin?" tanong ni Denver sa pag-aakalang kakilala niya lang ito. "Wala naman honey, pero nagtataka ako sa isang lalaking galit na galit sa akin. Sinumbatan pa nga niya ako na iniwan ko raw sila ng mga anak namin." sagot ni Kattie. Bigla naman natigilan si Denver sa pagkain ng marinig ang huling sinabi ni Kattie sa kanya. "Sinong lalaki? Nabanggit ba nito ang pangalan niya sayo?" tanong ni Denver dahil malakas ang kutob niya na natunton na ni Jericson kung nasaan silang dalawa ni Kattie at tiyak siyang babalik ito para guluhin silang dalawa kaya hindi siya papayag. "Hindi e, ang weir
Patuloy ang buhay ni Jericson kahit wala pa rin ang kanyang asawa hanggang sa muli siyang naktanggap ng tawag mula kay Peter sa kanyang private investigator. Sinagot niya agad ito at sinabi sa kanya na magkita sila mamaya at may mahalaga itong sasabihin sa kanya. Pumayag siya at nakipag kita siya dito. Nagkita sila sa bandang Laguna medyo malayo ito sa kanyang lokasyon ngayon pero handa siyang dumayo malaman niya lang ang katotohanan sa pagkawala ng kanyang asawa. Tinatahak niya na ang daan patungong SLEX dahil ito lang naman ang alam niyang mabilis na way para makarating siya ng Laguna. Pagpasok niya ng SLEX tuloy tuloy ang kanyang byahe hanggang nakarating siya ng Nuvali. Dito kasi sila magkikita ni Peter naghanap lang siya ng mapapark-an na maayos at tinawagan na niya ito. "Nandito na ako, nasaan ka?" tanong niya. "Nandito na rin ako Mr. Miller." sagot naman nito. "Ok. Hanapin mo lang ang land cruiser na sasakyan ko." bilin niya bago i-off ang tawag. Maya maya lang naki
Kanina pa bored si Kattie sa rest house kung saan sila naka stay ni Denver. Hindi pa rin siya nakaka alala at hinayaan niya na lang na gumawa sila ng bagong memories. Ngayon nga naghahanda siya sa pag uwi nito. Pinagluto niya ulit ng hapunan. Nag prepared rin siya ng something extra special para rito. Alam naman niyang pagod ang kanyang asawa sa mga inaasikaso nito. Kahit ganon na nasa rest house lang siya masaya naman siya. Nang sumapit ang hapon at naghahanda na nga siya sa pagdating nito. Nakapag luto na siya at nakapag handa ng biglang tumawag ito. "Honey, hindi ako makakauwi ng maaga. Kumain ka na at hwag muna akong hintayin pa." wika nito. Hindi na siya nakasagot lalo nag baba na rin ito ng tawag.. Inis na inis siya sa kanyang asawa pero gayunpaman iniintindi na lang niya rin ito. --- Habang nasa office si Denver sarap na sarap siya sa pag kain ng kanyang secretary sa kanya.. Ilang linggo na siyang nagtitiis na walang sex life dahil umasa siyang ibibigay ito ng k
Nang magsimula ang palabas kitang kita niya ang pagtutok ng mga mata ng kanyang anak sa screen. Tahimik at ayaw man lang magpaistorbo nito kaya hinayaan niya na lang ang mga ito sa gustong gawin. Habang siya naman ay masayang nakatunghay sa mga ito. At natutuwa siyang nag e-enjoy ang kanyang mga anak. Maganda ang movie na kanyang napili. May mapupulutang aral talaga kahit na cartoon character. Nang matapos ang isang palabas nakatulog na ang kanyang prinsesa kaya naman si Mila na ang nag akyat rito para magpatuloy sa panunuod ang mag-amang si Jericson at Ken. Habang nanunuod sila biglang nagring ang cellphone ni Jericson kaya napalabas ito ng tent para alamin kung sino nga ba ang natawag sa kanya dis oras na ng gabi. Nang ma-i-check niya ito si Peter pala kaya agad niya itong kinausap. "Boss, kanina habang hinihintay ko lumabas sa airport si Mr. Denver Monasterio, biglang may kasunod itong babae pagkatapos inakbayan niya pa." panimula nito. "Babae? Nakilala mo ba kung sino ang