Share

THR 5

"No one can escape the cage that I have made. Your soul can break free but your entire body will be buried six feet below the surface."

Klea Francine's POV

NAKATULUGAN ko na kagabi si Xynon na kausap si Joanne. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay malulutong na mura agad ang ibinungad niya sa akin. Halos basag lahat ng mga gamit namin sa loob ng kwarto. Ang mamahal pa naman ng bili ko sa mga iyon!

"Natulog ka ba? Parang puyat na unggoy ang hitsura mo ah," bati ko habang nag-iinat at nag-aayos ng aking buhok.

"Anong sinabi mo kay Joanne? Bakit siya umalis sa mismong araw ng kasal namin? SABIHIN MO ANG TOTOO FRANCINE! I have treated you well since yesterday dahil akala ko, sinalo mo ako pero mukhang ikaw ang dahilan ng pagkawasak ko." Halos lamunin na niya ako sa pagkakatitig sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kanyang galit.

Hindi ko alam na mas pinaniniwalaan pala talaga niya si Joanne kaysa kay Tito Wensley.

"Hey! You should relax yourself first. Sa sobrang dami mong tanong eh hindi ko na alam ang uunahin kong sagutin. Teka, di ba kausap mo kagabi yung ex fiancé mo? Bakit di mo pa itinanong yang mga yan sa kanya?" mahinahon kong tugon habang nakatingin sa mga daliri ko sa kamay.

"Umiyak lang siya ng umiyak kagabi at tanong ng tanong kung anong mali sa kanya..kung anong kulang sa kanya. She's not with Ricci. Mali ang sinabi sa akin ni Papa. All I know now is that wala siyang kasalanan. Hindi niya ako iniwan ng walang dahilan kaya SABIHIN MO SA AKIN KUNG ANO ANG SINABI MO SA KANYA PARA MAGKAGANON SIYA!" Nakayuko siya at nakatingin sa sahig. Nakita ko ang pagpatak ng luha niya. Agad din naman niyang napigilan ang pagpatak pa muli ng kanyang mga luha. Tumunghay siya sa akin nang marinig niya ang sinabi ko.

"Ang ganda ng singsing," ani ko habang pinagmamasdan ang wedding ring sa daliri ko.

Mabilis siyang humakbang patungo sa kinatatayuan ko. Agresibo niyang hinawakan ang mga kamay ko at saka hinugot ang wedding ring sa palasingsingan ko.

"THIS IS NOT YOURS. I AM NOT YOURS AND I WILL NEVER BE." His voice is firm and authoritative. Nanlisik ang kanyang mga mata at biglang hinawakan ng mahigpit ang aking mga balikat.

"Xynon nasasaktan ako. Bitawan mo ko," matapang kong sambit pero hindi siya nagpatinag at hinawakan pa nang maigting ang aking panga.

"YOU RUINED MY WEDDING AND I WILL NEVER FORGIVE YOU FOR THAT!" He fired back but I just gave him a smile after rolling my eyes.

"Wag mong isisi sa akin ang lahat Xynon dahil biktima lang din ako rito," pagsisinungaling ko.

"What do you mean?" kunot noo niyang tanong.

"Our parents made a shady agreement. They want us to marry for business. Binayaran na ni Papa ang pagkakautang niyo kay Emil at ikaw lang naman ang ginawang collateral ng Papa mo." I continued as I removed his dirty hands on my face.

"What did you say?" His black eyebrows shot up.

I pursed my lips and reasoned out, "Alam niyang hindi ka papayag kaya itinago niya saýo. 'Di ba may sakit si Waine and his medications are costly? Don't you think it is enough reason para magdesisyon ng ganon ang Papa mo? Don't be selfish Xynon. Joanne is a nurse who is earning below twenty thousand and your business is plummeting. Love is not enough Xynon. You need money to survive."  I comb my hair using my fingers as I look into his eyes. What I have said made him think.

"Ito ba ang gusto ni Papa? P'wes pagbibigyan ko siya for Waine's sake. We can act as a couple in front of the crowd and cameras but you can't dictate kung anong dapat kong gawin. I will be free to do whatever I want," saad niya na tila ba humihingi na ng pahintulot na magloko kahit na kakakasal lang namin.

"That's bad for you. Hindi mo pwedeng gawin na lang ang gusto mong gawin, Xynon. I am in control of this relationship. You are now my husband. No I mean, you are now a person who stands surety for a bond. I will make a contract and you have no choice but to follow it UNLESS babayaran mo LAHAT ng perang kinuha ng Papa mo sa akin at sa Papa ko."

"Contract? Anong feeling mo nasa pelikula tayo? Nasa teleserye? O nasa novel?" He laughed devilishly. "I don't involved myself sa mga ganyang bagay Francine. Ginusto mong matali sa akin eh 'di panindigan mo! Wag mo akong pipiliting pumirma sa kontratang sinasabi mo at wag mo rin akong sisisihin kung sa panahon ng pagsasama natin ay puro pasakit at sama ng loob ang ibibigay ko sa'yo. You know that I DON'T LOVE YOU," he continued.

Well, hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil alam kong ganon ang magiging reaksyon niya. Tingnan lang natin Xynon kung hindi ka mahulog sa kamandag ko sa mga susunod na araw.

"Oo nga pala regarding don sa tanong mo kanina, sinabi ko kay Joanne na buntis ako at ikaw ang ama."  I chuckled before I sat on his lap.

"ARE YOU INSANE? BAKIT MO SINABI YON?" galit na galit na sigaw ni Xynon.

Nahulog ako sa sahig dahil sa pagkakatulak niya sa akin. Sasampalin pa niya sana ako pero nasangga ko ang kanyang kamay.

"YOU HAVE NO RIGHT TO HURT ME. I JUST DID WHAT I WAS TAUGHT." I rolled my eyes before giving him a slap.

"WHAT WAS THAT FOR?" pagalit niyang tanong habang hawak-hawak ang namumula niyang pisngi.

"Para sa pagtatangkang saktan ako. Ipapaalala ko lang saýo na hindi ako katulad ng ibang babae. Ayoko sa lahat yung binabastos ako at ginagago. Hindi na ako yung Klea Francine na iyakin noon. I am warning you Xynon. Don't ever lie to me. Don't cheat on me dahil ayokong maging laman ng mga tabloids at balita. Ayoko sa lahat yung pinagmumukha akong kawawa."

Xynon gazed at me for about two minutes bago siya lumabas ng kwarto.

"SAN KA PUPUNTA?" sigaw ko.

"Hahanapin ang babaeng mahal ko."

Hindi ko na siya hinabol pa dahil hindi bagay sa beauty ko ang maghabol sa lalaki. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at tumingin sa kisame.

"Shana, sana masaya ka kung nasaan ka man," bulong ko.

Pumatak na naman ang mga luha sa mata ko. I can't still accept na iniwan ako ng bff ko. Sa tuwing nagpe-play sa utak ko ang araw na iyon, paulit-ulit na nadudurog ang puso ko. Kung napaaga lang sana ako, buhay pa sana siya. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Axie at as usual, agad niyang sinagot ang tawag ko.

"Congratulations nga pala sa kasal mo Klea."

"You know there's nothing to be happy about that Axie. Anyway, sundan mo si Xynon. Ireport mo sa akin lahat. Sinong kasama niya, saan siya nagpunta at anong ginawa niya," utos ko sa personal bodyguard ko na itinuturing ko na ring Kuya.

"Bakit ba sobrang curious mo sa taong 'yon? 'Di ba ayaw mo sa kanya? 'Di ba siya yung binasted mo noon?" sunod-sunod na tanong ni Axie.

"Hey! I don't need to explain my actions to you. I know na concern ka sa akin but you have nothing to worry about. He's just a toy that I am playing with and later on, I will dump him when I get what I want. Just follow my order."

"I'm sorry Klea. I have crossed the line," he pleaded.

"Wala 'yon. Sige na sundan mo na siya and make sure to take some photos as proof okay?" Nagbalot ako ng kumot habang naghihintay ng email ng aking secretary. Tinatamad akong pumunta sa office.

"Copy! Pinapapunta ka nga pala ng Papa mo sa opisina."

"Wala ako sa mood pumuntang office. Sige na Axie matutulog muna ako. Pakisabi na rin kay Papa na mamayang after lunch na ko pupunta. Thank you!"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Axie at pinatay ko na ang tawag. Ipinikit ko na ulit ang aking mga mata. Palagi kong pinagdadasal na sana kahit isang beses ay dalawin ako nina Mama at Shana sa panaginip.

I am tough but I am broken inside.

KRING! KRINGGGGG!

Napabalikwas ako sa higaan nang tumunog ang telepono. Tumawag pa talaga ang secretary ko eh nakapagreply na ako sa kanya via email.

"ANO BA? HINDI MO BA NARECEIVED YUNG INI-EMAIL KO? MATUTULOG AKO WAG KANG ABALA!"

Hinihintay ko ang pagsosorry ng sekretarya ko ngunit ibang boses ang tumambad sa akin.

"You played it well Klea."

Her voice sounds familiar.

"Natanggap mo na ba ang regalo ko?" she continued.

"Sino ka? Paano mo nalaman ang landline number namin?" nagtataka kong tanong.

"I'm the runaway bride."

Tumindig ang balahibo ko. Paano niya...

"I just called to warn you. Xynon is not an ordinary man. Mag-iingat ka sa kanya Klea. He's greedy and self-centered. Don't fall for his charms."

Tinatakot ba ako ng impaktang to? Sabagay, hindi rin naman niya ako kilala ng lubusan.

"Joanne. It's nice hearing your voice after THAT day," I giggled.

"Bantayan mo ang asawa mo. Babalik ako at kukunin ko ang pagmamay-ari ko."

"Hindi mo ako masisindak Joanne. Sa mata ng batas, sa akin si Xynon."

"Asawa ka lang sa papel Klea. Maaaring nasa iyo ang katawan niya pero hindi mo hawak ang puso at isip niya. Nagsisisi akong nagpadala ako sa galit ko noon at iniwan ang lalaking mahal na mahal ko. Hindi ko naman akalaing SINUNGALING ka pala."

Narinig ko ang malakas niyang tawa.

"Inaabala mo na ako Joanne. Enough of your words. Kung gusto mong kunin si Xynon, gawin mo! Huwag yung puro ka lang ngawa!"

"SHANA," Joanne said out of the blue.

Nanlaki ang mga mata ko.

"You know her right?"

Namula ang mukha ko sa galit. Paano niya nakilala ang best friend ko?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Salto
hala bakit nya kilalaaa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status