Share

THR 6

Author: Docky
last update Last Updated: 2022-02-18 11:55:10

"Kapag hindi tugma ang sinasabi at kinikilos ng isang tao, mas pinaniniwalaan ko ang nakikita ng mga mata ko kaysa sa naririnig ng mga tenga ko." 

Klea Francine's POV

TWO WEEKS LATER

PALAISIPAN pa rin sa akin kung paano nakilala ni Joanne si Shana at kung paano niya nalaman ang connection namin sa isa't isa. Natanggap ko na rin ang walang kwentang regalong sinasabi niya. She gave me a blank sheet of paper with four dots in every corner. Gusto kong isipina ng meaning no'n pero ayokong sayangin ang oras ko sa mga walang katuturang bagay.

Halos isang linggo ko ring inaliw ang sarili ko sa pagsho-shopping at paglalaro ng table tennis. I need to get rid of Joanne pero hindi ko siya makutaptapan.

Suot ang isang pulang coat at isang fitted, above the knee, white dress ay taas-noo akong naglalakad papunta sa aking opisina. Nahagip ng mga mata ko ang pagbubulungan ng ilang employee. Inappoint lang ako ni Papa nang biglaan bilang CEO ng isa sa mga kompanya niya at ito ay ikinasama ng loob ng kanyang katiwalang si Miyaka Costa.

Pumihit ako at nag-iba ng direksyon. Narinig ko ang pagtatakbuhan ng mga empleyado pabalik sa kani-kanilang cubicle. Hindi napansin ng tatlong chismosa na nasa likuran na nila ako. Tuloy-tuloy pa rin ang kanilang chismisan.

"Alam niyo bang kakakasal lang ni Madam?" chika ng babaeng kulot na matangkad.

"Oh talaga ba? Eh di ba boyish yon? May itinatago rin palang kalandian noh?" tugon naman ni Aling Marites. Hindi ko alam ang names nila since madalang naman akong pumunta rito sa office.

"Eto pinakamatindi sa lahat!" singit no'ng baklang kulay kalawang ang buhok.

"Ano yun bakla? Spluk mo na!" sabay na sabi nung dalawang babae.

"Kinorner lang daw ni Madam yung groom! Hindi talaga siya ang papakasalan girls! Oh di ba! Ahas at desperada rin pala si Madam. Masama talaga ang ugali niya," pasabog no'ng baklang mukhang palaka.

Nanginig ang tuhod nila nang maramdamang may tao sa kanilang likuran. Agad naman silang yumuko at bumati sa akin.

"Na..Nan..dyan po pa..la kayo Ma..Maám. Ma..gan..dang tang..hali po," nauutal na bati nong isang babae.

Lumuhod naman sila agad sa harapan ko para magsorry.

"Maám sorry. Hindi ko po intensyon na siraan kayo sa kanila," pagsusumamo no'ng bakla habang nakayuko.

Nagsorry din 'yong dalawa sa akin at nangakong hindi na muli pagpipyestahan ang buhay ko.

"Get up," mahinahon kong saad.

"Madam salamat po. Hindi na po mauulit," sabay-sabay nilang sabi.

"Talagang hindi na mauulit because YOU'RE FIRED!" nakangiti kong sambit.

"Madam sorry po. Promise po di na po mauulit talagaa. Kailangan po namin ang trabahong ito."

"It's too late to say sorry and to feel sorry. Get your things and leave this place. NOW!" I yelled.

Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. I am doing this for three years already noong nasa kabilang company ako. Siguro nga kaya inilipat ako rito ni Papa eh dahil sa walang tumatagal na empleyado sa akin.

"MAKINIG KAYONG LAHAT! Kung ayaw niyong mapagaya sa kanila, WAG NA WAG NIYONG PAG-UUSAPAN ANG PERSONAL KONG BUHAY DITO SA OPISINA O ANG PESONAL LIFE NI PAPA. You can gossip all you want just make sure na I will not be able to catch you."

Nagsitanguan naman ang mga empleyado at lumakad na ako papasok sa aking opisina. Nasa 50th floor ng gusali ang aking office. Nang makarating ako roon ay nadatnan kong nakasit and pretty sina Matilda at Erin.

"Ang aga mo Klea ha. Kanina ka pa naming inaantay dito," reklamo ni Matilda.

"Ganon talaga kapag anak ng bilyonaryo. Kahit tanghaliin ako ng gising, hindi ako mangangamba na mawawalan ako ng pera o ng kakainin. Hindi ba at iyon din ang rason mo kung bakit mo inakit si Papa? Gusto mo ng limpak-limpak na salapi at time freedom."

"Tama na yan. Katanghaliang tapat nagbabangayan na naman kayo. Hindi na ba kayo nanawa?" inis na tanong ni Papa.

Umupo na ako sa aking Wegner swivel chair. Iniikot ko ang aking paningin sa bago kong opisina. I like how Papa changed its style. The idea of contemporary minimalist style gives its breathaking view. Marami ring napadagdag na furnitures and I can even sleep here if ayaw kong umuwi sa bahay namin ni Xynon. Naawat ang pagrerelax ko nang muling magsalita si Papa.

"Wade is coming here today. You need to sign an agreement," Papa Lenel said in a guttural voice.

“Agreement? Eto ba yung ginawa ko Papa?” I asked impatiently.

“Oo Klea pero I have added some clauses too,” his voice became hoarse.

“Papa, are you sick?”

Umiling lang siya pero kasunod ng kanyang pagtanggi ay ang ebidensyang nagsisinungaling siya.

“You should go to your doctor Papa before it gets worse.”

“Don’t worry Klea. Erin will accompany him in the hospital. Aalagaan namin si Lenel. Magfocus ka na lang sa asawa mong si Wade at bigyan mo na kami ng apo pero sana hindi kasing ugali mo.” 

“You don’t need to exhaust yourself. Kaya nga may personal nurse si Papa eh. Wag na kayong magpalapad ng papel. Regarding my personal life, HINDI KO KAILANGAN NG OPINYON MO.”

I rolled my eyes and smirked. Umubo na naman si Papa.

“HINDI BA KAYO TITIGIL SA BANGAYAN NYO? GUSTO NYO BANG MAMATAY MUNA AKO BAGO KAYO MAGKAROON NG BAIT?” sermon ni Papa.

Iniiwas ko lang ang tingin ko sa mag-ina. Kahit kailan hindi ko sila mapapatawad at hindi ko sila irerespeto.

“Sorry I’m late,” paumanhin ni Xynon habang hinihingal.

Pinagmasdan ko ang lalaking nakasama ko na sa iisang bubong. Malaki ang kanyang ipinagbago simula noong araw na yon.

**FLASHBACK**

“Xynon, gumising ka! Anong ginawa saýo ni Joanne?”

Hindi ako mapakali nang madatnan kong walang malay si Xynon. Sinagip siya ni Axie mula sa pagkakalunod. Nandito kami ngayon sa isa sa mga resort nina Tito Wensley. On my way here ay nakasalubong ko ang sasakyan ni Joanne. Alam kong kanya yon dahil kumaway pa siya sa akin at ngumiti. Mabuti na lang at pinasundan ko si Xynon kay Axie.

“Axie buhatin mo siya sa sasakyan. Dadalhin natin siya sa hospital,” taranta kong saad.

“I resuscitate ko muna siya Klea baka magkaka-igi pa kasi nasagip ko naman siya agad eh,” suhestiyon ni Axie.

Nag-alangan ako sa sinabi niya.

“Let me do it,” matapang kong sabi. “He can’t die like this. Maghihiganti pa ako sa kanya. Hindi ko pa siya nakikitang nahihirapan ng sobra. Ako ang magdedecide kung kelan kita papatayin Xynon,” bulong ko.

“Klea no. Hindi ako papayag na halikan mo yang lalaking 'yan. Ako na ang-”

Hindi na naituloy ni Axie ang sasabihin niya nang makita niyang sini CPR ko na si Xynon.

“What the f*ck.”

Hindi ko na pinansin ang pagmumura ni Axie at itinuloy ko ang pagsi CPR kay Xynon hanggang sa magkaroon na siya ng malay.

“Francine..”

Niyakap niya akong bigla na siyang ikinagulat ko.

“Turuan mo akong mahalin ka. Handa na akong kalimutan si Joanne.”

***END OF FLASHBACK***

Tiningnan ko si Xynon at tinaasan ng kilay. Napatayo naman ako nang bigla niya akong kinindatan. ANONG NAKAIN NG LALAKING TO?

“Basahin ninyong maigi ang nilalaman ng kasunduan bago kayo pumirma lalo ka na Wade. Siya nga pala Klea, this marriage will last until your last breath.”

“WHAT?” sabay naming angal ni Xynon. Nagkatitigan na naman kaming dalawa. This time, parehong hindi maipinta ang mga pagmumukha namin.

“PAPA SABI KO SAÝO THREE YEARS LANG DI BA? AYOKONG MATALI SA KANYA HABANGBUHAY!” my voice became penetrating.

“Wag mo akong mataas-taasan ng boses KLEA FRANCINCE! IKAW ITONG NAGMAKAAWA SA AKIN NA IPAKASAL KITA RITO KAY WADE TAPOS MAGREREKLAMO KA? AKALA MO BA ANG PAG-AASAWA EH BASTA-BASTA LANG? Marriage is not just for three years. It is a lifetime commitment,” pagpapaliwanag ni Papa.

"Look who's talking about commitment," bulong ko.

Nagulantang ako nang makita kong pumipirma na si Xynon sa kasunduan at sa marriage contract. I am doomed. I thought aalma siya pero he just put his signature on the documents. Lalo akong nagulat nang ngumiti siya sa akin ng nakakaloko.

“Klea, you is lucky for having Wade. She’s handsome.”

I bet you already know who said it. Napahagalpak ng tawa si Xynon sa sinabi ni Erin.

“Thank you Erin for changing the mood today,” Xynon sarcastically remarked.

Narinig ko si Matilda nang pinayuhan ang anak niyang magtagalog na lang.

“Walang anuman Wade. Ang gwapo mo talaga. Sana kasing gwapo mo ang mapangasawa ko,” nahihiyang sabi ni Erin.

Ngumiti lang si Xynon at ibinaling ang tingin sa akin.

“You look glamorous today, Francine.”

Biglang nag-init ang mga pisngi ko sa di ko mawaring dahilan. Binanas ako bigla.

“Hey! Erin pakilakasan mo nga ang aircon.”

“Ano ka ba naman Klea ang lamig-lamig na nga eh. May sa kalabaw ba yang balat mo?” pilosopong tugon ni Erin.

Malamig ba? Bakit nag-iinit ang buong katawan ko lalo na ang mga pisngi ko?

“ Ang cute mo mag blush Francine,” Xynon said out of nowhere.

Wait. WHAT?

“Naiinitan lang ako Xynon. Wag kang magulo diyan.”

Tumawa muna ng malakas si Papa bago nagsalita.

"Bigla kong naalala ang Mama mo Klea noong nililigawan ko pa lamang siya,” singit ni Papa.

“I don’t know that you still have the audacity to mention my Mom.”

Sinamaan ako ng tingin ni Papa.

“Anyway, I booked a flight para sa inyong dalawa. You need to take a break from work and business things. Bigyan nyo na kami ng apo ni Pareng Wensley.”

“Papa masyadong maaga para ro'n,” tugon ni Xynon na sinang-ayunan ko naman.

“Di ba sabi mo mahal mo na ang anak ko? Then prove it to me. Give me a grandson or a granddaughter.”

Pinagmasdan ko ang mga mata ni Xynon. He’s serious. Ayaw niyang magka-anak. He’s been saying “I LOVE YOU” lately but I'm not believing it. Hindi tugma ang kinikilos niya sa sinasabi niya.

Habang busy sa pakikipag-usap kay Papa si Xynon ay tumabi ako sa kanya. Nakita kong may nagtext sa phone niya at napangiti ako nang mabasa ko ang pangalang JOANNE. So it means they still have communication at kasinungalingan ang sinabi ni Xynon na pinutol na niya ang anumang ugnayan niya kay Joanne. They want to play a game. Pwes, makikipaglaro ako sa kanila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
hahaha sino Kaya Ang maging kawawa dito sa huli,,pahighiganti, Ang Kay klea,at iba naman Ang Kay wade pagtataksil at Galit Kay klea hayssss sana happy Ang ending niyo
goodnovel comment avatar
Salto
Wade balahura ka!
goodnovel comment avatar
Carla Villalobos
Wade nakakainis ka!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR THE END

    Iniwan ko muna sa loob ng penthouse si Xynon at si Tito Wensley. Yes, my father-in-law is my biggest surprise to my husband. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang papa. He even paid a fortune para lang ipahanap ito pero nabigo ang mga tao niya."My husband is crying because of joy. I loved seeing him genuinely happy," I murmured."Ma'am Klea, paano niyo po nahanap si Sir Wensley?" usisa ng sekretarya ko.Nginitian ko siya. "It's a secret."Bumalik sa isip ko ang nangyari. Isang araw, nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Tito Wensley. Akala ko minumulto niya ako dahil sa pagsusungit ko nang sunod-sunod na araw sa anak niya! Buong akala namin ay napaslang na siya nina Emil! He fought my securities to penetrate my place dahil ayaw siyang papasukin ng mga tauhan ko. Hindi ko naman siya nakilala agad dahil sa hitsura niya. Sobrang dungis niya tapos sobrang lago na ng mga buhok, bigote at balbas niya! Nangangamoy kanal rin siya noon. Natakot pa nga ako pero noong

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 55

    "Lahat nang ginawa mong masama, babalik at babalik sa iyo. Hindi man agad-agad pero sigurado."KLEA FRANCINE'S POVShocked. Disappointed. Dismayed. Irked. Those emotions were clearly painted on their faces while here I am, raising my chin while slowly putting a beautiful smile on my fúcking pretty face."Aren't you going to kneel before me? Joanne?" I averted my gaze to that bítch and then to her husband. "Ricci?"I clearly saw how Joanne smirked at me. She still has the audacity to do it despite their current situation."Diyos ka ba para luhuran?" sambit ni Joanne."Hindi ka pa rin nagbabago," bulong ko sabay tawa."How did you do it?" Joanne asked."Did what?" I want to provoke her even more."Huwag na tayong maglokohan dito, Klea. Sinadya mo ang lahat, 'di ba? You hid yourself at the back of other people. Gano'n ka ba kaduwag?" ani Joanne."Ako? Duwag? Ha! Alam mo ba ang salitang STRATEGY, JOANNE? Kung nagpakilala ako bilang Miss KF sa inyo, sa tingin mo ba papayag kayong tulungan

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 54

    "The greatest revenge is to become successful than your foes."THIRD PERSON'S POVSLAP!Napahawak si Ricci sa kaniyang magkabilang pisngi nang bigla na lamang siyang salubungin ng sampal ng isang matandang lalaki."You're a disgrace to this family! How could you enter such dirtiest businesses? You and your father are the same! Mga inútil!" sigaw ng matandang lalaki."L-lolo? B-buhay pa po kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Ricci. Kung may kinatatakutan man siya, iyon ay walang iba kung hindi si Rivero Costa…ang kaniyang lolo."Tarantàdo! Anong gusto mo? Mamatay na ako? Malamang buhay na buhay pa ako. Kung hindi dahil kay Xenon ay hindi ko pa malalaman ang mga kagaguhan mo! Hindi pa sana ako uuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa'yo!" Kitang-kita ang galit sa mukha ni Rivero habang titig na titig ito kay Ricci."Sino pong Xenon?""Hindi na iyon mahalaga. Ang importante sa ngayon ay kailangan mong bumaba sa lahat ng posisyon mo." Nanigarilyo si Rivero.Walang imik na nakikinig sa k

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 53

    "You can't escape your conscience. Hindi lahat nang ibinaon mo sa limot ay mababaon nang tuluyan. Sisingaw at sisingaw pa rin ang baho kahit na tabunan pa ito ng sangkatutak na pabango."THIRD PERSON POV“Yaya, bantayan mo nang maayos si Rianne ha. Don’t let her eat junk foods and chocolates. Also, please stop hugging and kissing her, okay? Kapag nagkasakit ‘ang anak kong ‘yan, ikakaltas ko sa sahod mo ang lahat ng magagastos niya sa pagpapagamot. Maliwanag ba?” mataray na sabi ni Joanne sa kanilang katulong.“Masusunod po, madam,” nakayukong sagot ng katulong.“Honey, masyado ka namang harsh kay manang. Siya ang nagpalaki sa akin kaya sigurado akong hindi niya pababayaan ang anak natin. Stop stressing yourself too much. Tingnan mo, nagkaroon ka na ng wrinkles. Ikaw rin, mababawasan ang ganda mo,” pabirong sabi ni Ricci.“Ah basta! Ayokong makikitang kumakain ng hindi masustansyang pagkain si Rianne,” giit ni Joanne bago siya tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.Ngayong araw ay may

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 52

    "Sometimes, someone who survived the strongest storm in his life became merciless and cold-hearted."KLEA FRANCINE POVI removed my sunglasses as I stared at an ideal family. It’s been five years since they killed my loved ones.“Ma’am Klea, tumatawag po si sir,” ani ng katulong kong si Aling Rosa.Kamukhang-kamukha talaga siya ng dati kong katulong…I mean, ng lola ko. Bumuntong hininga ako at nginitian siya.“Tell him that I will call back later,” utos ko kay Aling Rosa.“Sige po ma’am, masusunod po,” tugon niya sabay labas ng aking kwarto.Ibinalik ko ang tingin ko sa magandang tanawin. Kinuha ko ang kopita sa may mesa at nilagyan iyon ng red wine. I swayed the goblet before I took a sip. Tingnan mo nga naman, ikinasal na pala si Joanne kay Ricci at ngayon ay may isa na silang anak na babae. They looked perfectly fine and happy. I smirked. Now, I have something to ruin.Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko na kasi naalis ang paningin ko sa mag-anak na Costa habang nakaupo ako sa

  • The Heiress Revenge (TAGALOG)   THR 51

    "Living without your loved ones is more painful than death itself."KLEA FRANCINE'S POVDahil sa pagsabog na iyon ay nagkagulo sa hospital. Kaniya-kaniyang dampot ng kanilang mga gamit. Kaniya-kaniyang hakot ng mga pasyente. Hindi sila magkamayaw sa gagawin samantalang ako ay nakatayo lang sa tabi ni Xynon habang nakatulala."Francine, kailangan na nating lumabas dito. Hindi na ligtas na manatili pa rito," narinig kong sabi ni Xynon.Habang hinahanap ko ang sarili ay napaupo ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Nakayuko ako habang hawak-hawak ko ang aking dalawang tainga. Napatunghay lang ako nang marinig ko ang aking pangalan."Long time no see, Klea Francine!"Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon. "R-Ricci?" bulong ko.Isa pang putok ng baril ang aking narinig. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng ugat sa aking posisyon. Naalala ko si Axie. Umagos mula sa aking mga mata ang mga luhang pilit kong itinatago buhat nang bumalik ang akin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status