LOGINHindi na niya mabilang kung ilang beses na niya itong sinusundo at binubuhat pauwi..kung minsan ay sinasampasa motor na parang bigas kapag malayo layo ang lugar kung saan ito inabutan ng kalasingan. Pero nitong mga huling buwan ay nagpapakita na ito ng senyales ng depresiyon ayon sa health worker sa baranggay nila .
Dapat daw itong isailalim sa rehabilitaion dahil sa lolong sa alak at mabigyan na din ng pschological treatment.Noon ay hindi makapag desisyun ang binata bukod sa ayaw niyang mawalay ang amain na tangi niyang pamilya hindi niya kaya ang magiging gastos.Pero ang nang yariKanina ay labis na nakapagpabahala sa binata.
Umabot lang sa ikalawang taon si Intoy sa kolehiyo natigil na siya ng mag asawa ng iba ang kanyang ina. Hindi naman na siya maitataguyod ng amain dahil natangal nga ito at hindi naman na nakapagtrabaho pa ulit dahil halos nawalan na ito ng gana at nalulong na sa alak. Napilitng maghanap buhay si Intoy magmula noon. Naranasan niya na ang ibat ibang trabaho.
Sa ngayon ay siya ang sumusuporta sa amain sa araw araw, sarili nila ang bahay kung kayat gastusin na lang sa pagkain , kuyente at tubig ang suliranin niya.Last year ay nakaipon ng malaki ang binata sa pag angkat ng isda sa pantalan ginamit niya iyong puhunan upang makapagtayo ng computer shop sa bayan.
Nagamit niya ang konting natutunan sa kolehiyo sa 2 taon niyang pagaaral ng Computer Enginer at pinalawig niya ang kaalaman sa kakabasa ng libro. Mayroon siyang taong pinagkakatiwalaan mag bantay ng shop, si Pido. Pero siya pa din ang nagmaintain ng mga gamit lalo na sa trouble shoot.Tuloy pa din kase sa pang aangkat ng mga isda ang binata,malaki kase ang kita doon, tiyagaan lang sa puyat at agawan ng magandang klaseng isda .
Madaling isalya sa merkado.Banye banyerang isda ang kinukuha nya tapos ay isasalya niya naman sa mga may puwesto sa palengke .Makakakuha ka ng malaking tubo kapag banye banyera kukinin mo , malakiang puhunan pero doble ang balik.
Pagsapit ng alas 7 ng umaga paldo na ang binata.Mahigit anim na taon na siya sa ganitong gawain at ngayong nga ay nakapag pundar ng ng isa pang negosyo.Hindi maluho si Intoy , bukod sa pminsan minsang pagrerelax at tagayan nila ni Bert at ng ibang kaibigan ay wala na itong bisyo pa hindi ito naninigarilyo.Hindi din maluho sa materyal.Hindi siya maarte at maselan.
May likas na kabaitan ang binata palibhasa parang halos walang magulang.Takbuhan siya ng tulong at utang ng mga kapit bahay tulad na lang ni aling Didith na kalapit bahay niya ,may sakitin itong anak madalas isugod sa hospital.
Bukod sa service na siya at ang motor nya madalas pa ay siya ang nagbabayad sa hospital, tambak na ang utang nito kahit pa nga pa dalawa dalawa o tatlog libo lang iyon at dahil naiipon halos malaki na,Minsan lang ito ngbayad ng cash sa kanya nang manalo sa ending .
Limang libo yun . Kinuha lang ng binata ang tatlong libo at sinabing itabi ang tira for emergency tapos nun ay hindi na yun nasundan pa mag dadalawang taon na. Tanging kunsuwelo na lamang ni Intoy sa mga ito ay naaasaham niya ang asawa ni aling Didith na si Nestor, ito ang taga ayos ng motor niya at hondi siyapinapagbayad ng mga ito. Isa lamang si Aling didith sa kuwentong emergency sa mga kapit bahay niya madami pa sila.Kung iisipin parang palibot na kapit bahay niyamay utang sa kanya .
Ang kapitan naman ng Lugar niya ay nailigtas niya sa sunogang magiina nito kayaganun na lang sin siya nito pagbigyan.Payak lang ang kanilangLugar ngunit masaya ang magkakapit bahay.
Samantala....Galing sa isang bar sa Quezon City si Yvone, mag isang naglalakad ang dalaga.Iniwan na nito ang mga kaibigan dahil ewan ba niya pero kanina pa makirot ang ulo niya at saka hindi niya masyadong kursunada ang ilan sa mga kasama ng kaibigan.
Hindi pa naman siya nakakarami ng inom kaya alam niyang kaya pa niya ang magmaneho at ang sakit ng ulo niya na yun ay hindi dahil sa Tequila na ininom nila ng mga kaibigan. Alas dos na iyon ng madaling araw,medyo sa bandang dulo ng hall way naka park ang kotse ng dalaga kaya medyo malayo ang lanyang lalakarin.Halos toxic kase sa sasakyan ang parking sa lugar na yun lalo na kapag Sabado.
Habang medyo susuray suray sa paglalakad si Yvone at hinihilot hilot pa ang masalit na ulo, pakiramdam ni Yvone ay may sumusunod sa kanya.Inalihan ng takot ang dalaga, madalas na itong mangyari sa kanya ng mga nakaraang buwan.
Pero bumilis din ang mga yabag na nararamdaman niya.Totoong may sumusunod sa kanya. Plinano ng dalagang bigla ang lumingon nang makita at mahuli niya kung sino man ang mga ito.
Kunwari ay umakma siyang tatakbo pero bigla siyang lumingon at yun saktong nakita niyang lumabas at akmang hahabol sa kanya ang tatlong malalaking lalaki mga nakasuot ito ng itim na jacket at may takip ang mga mukha na akala mo eh mga ninja.Hindi nagdalawang isip ang dalaga, tumalikod si Yvone at tumakbo patungo sa kinapaparkingan ng kanyang kotse.
Mabilis na pumasok si Yvone sa sasakyan at inilock lahat lahat ng pinto .Automatic ang sasakyan niya kaya mabilis iyon. Naabutan pa siya ng tatlong lalaki habang nanginginig ang mga kamay na isinusuksok ang susi ng kotse sa sasakyan. Nagpipilit ang mga itong buksan ang pinto niya sa driver set at kinakalampag ang kanyang hood.
binigay lahat ng effort ni Yvone para maisusi ang kotse , di lumaon ay nagtagumpay siya lintek kaseng sakit ng ulo niya ngayon pa sumumpong.Pinaharorot agad ni Yvone ang kotse halos nasagasaan na niya ang lalaki na kumakalampag ng hood ng sasakyan niya. Bahala na sabi niya. Nakita niya sa rear mirror na Dali daling sumakay ng motorsiklo ang mga taong nakamaskara.
Nahintakutan ang dalaga.. malinis ang kalsada dahil alas dos ng madaling araw, Nakakapagmaneho si Yvone ng mabilis , madalas kapag ng ra ride trip silang magtotropa sa sky wag ay pinahaharurot niya ang sasakyan ksya alam niya ang kanyang speed limit.
Inapakan ng dalaga ang silinyador at pinaharurot ang kanyang bagong bagong Vios.Subalit mabilis din ang mga humahabol na motor sa dalaga racer bike ata ang iyon di niya tiyak at uljsng mga expert ang mga ito.
"Oh My, anong gagawin ko , God pls help me help me" muling hinarurut ng dalaga ang kanyang kotse , malayo na ang dalaga. Dahil sa taranta at takot hindi nagawa ni Yvone na mag u turn papunta sana sa subdivision na tinitirhan ng dalaga.
Huli na para bumuwelta pa.Kaya mas lalo niyang pinaharurut ang sasakyan .Habang abala sa manibela ay tumitingin tingin sya ng pwedeng ikutan subalit hindi na niya kabisado ang lugar ang alam lang niya ay lagpas na siya ng Ortigas.
Hindi masyadong kabisado ni Yvone ang mga pasikot sikotng kalsada, nabuhay siyang hatid sundo ng driver, nang mag edad siyang 22 ay saka lamang siya pinayagang magmaneho.Pero dapat ay hindi lañabas ng Metro Manila Halos palabas na ng alabang si Yvone ng may bumanggang kotse sa likoran niya napatili ang dalaga , muntikan na niyang mabitawan ang manibela.
Magyayabang na sana ang matandang miyonaryo sa kumpareng si Major Arcilla dahil siya ang naka spot ng salarin at sabihing hindi pa rin kumukupas ang paggiging shooter niya ng biglang sumigaw si Yvonne. "Intoy...!!Intoy..tulungan mo ako..!! Ang anak natin... ang anak natin.." maging ang dalawang opisyal ay napalingon kay Yvonne na nakatayo na habang umaagos ang dugo sa mga hita nito. "Diyos ko po ang anak ko..."sabi ng matanda. "Edward si Yvone....si Yvone at ang apo ko baka mapano ang apo ko.."nagaalalang sabi ni Don Renato. Agad namang tinakbo n iIntoy si Yvonne, bumuhat at ipinasok sa mobile car saka sinigawan ang driver na pulis na umalis na. Agad namang pinaandar ng pulis ang sasakyan at binuksan ang wang-wang. Nakaligtas ang anak nina Yvonne, mabuti na lang at naagapan ang pagdurugo dahil sa parang kidlat na pagmamaneho ng pulis sa mobile car. Sumunod agad ang kanyang ama st si Major Arcilla sa hospital habang si Tenyente naman ang umasikaso sa lahat ng naiwan. Eto na rin an
Naglakad na si Intoy palapit sa mansion at nakita niyang napapaligiran na nga ng mga operatiba ang kanilang mansion. Gabi na iyon at mga nakasuot ang mga ito ng all black kaya hind ito tumatawag ng attention. Mukhang walang alam ang mga security guard sa nangyayari.Pasimple rin lumapit si Intoy sa mansion at pasimpleng tumalilis papasok ng gate habang abalang ang mga look out. Mabuti na lang at itim ang suot niyang jacket at dark ang kanyang maong. Alam ni Intyo na magiging tago at sekreto ang operasyung ito katulad din ng nakidnap si Yvone ayaw na ayaw ng kanyang ama ang nadidiyaryo. Sa gilid muna dumeretso si Intoy at nangkubli pagkatapos ay saka gumawi sa bintana. Sumilip ng bahagya si Intoy para sana alamin ang sitwasyun sa loob. Nakita niyang nakaipon sa sala ang mga kasama niya sa bahay. Nahintakutan siya ng makitang sugatan si Mabel at umaagos pa ang dugo sa hita nito. Putlang putla sa takot si Aling Mila habang nakatakilod naman ang isang lalaki at nakatotok ang baril sa
Parang binayo ang dibdib ni Yvone ng makita ang sasakyan lalo na ng sabihin ng reporter ang model ng sasakyang natupok daw. Parang biglang lumabo ang umiikot ang panignin ni Yvone. Mas lalong umagos ang luha niya at halos naninikip na ang dibdib."Susan naidentify na ba kahit sunog ang katawan ng driver may mapagkakakilanlan ba? tanong ng host."Ahh yes naidentify na ang natupok na driver ayon sa pangalang nakarehistro sa sasakyan at sinabi na rin ng lalaking survival kong sino ang kasama niya. Karen ang driver ng sasakyang forna pick up na red ay si Edward Samonte Gathalian. Ayon sa source si Mr. Edward Gatchalian ang nagiisang anak at tagapagmanan ng Gatchalina Relaie ang Gatchalian Group of Companies"Humalakhak ang babae sa kabilang linya matapos ang balita. Samantalang pagkarinig naman ni Yvone sa pangalan ni Intoy na siyang natupok sa sasakyan nito ay nag hystetikal si Yvone at nahablot ang hawak na cellphone ng lalaki."Hayop ka..! hayop ka...... Belinda mamamatay ka din.
Kasalukuyan siyang nagmamaneho patungo sa mansion ng mag mag ang pulis at sinabing nagawa na nito ang misyon. Nagawa na daw nitong sabihin na si Edward Gatchalian ang kasama niya sa sasakyan. Kaya ang alam ng media ngayon ay patay na ang tagapagmana ng mga Gatchalian. At dahil may Media kanina, ay makakaarating sa mga tv, diyaryo at Radio ang balita at makakarating sa mga stockholder at investor at yun ang gustong mangyarari ng taong nasa likod ng lahat ng ito.Ang agenda ng taong nasa likod ng lahat ng kaguluhang ito ay ang makapaghiganti sa kahit anong paraan. Kung hindi niya maaagaw ang kapangyarihan at salapi sa maayos na paraan ay dadaanin niya ito sa garapalan at kung hindi pa rin ay marahil mas nais na lang ng salarin ang ipahamak ang kahit sino sa pamilya ng mga Gatchalian para lamang ma satisfied sa paghihiganti. Nais ng salarin na lumubog ng sabay sabay ang mga Gatchalian at hindi lang siya ang sawi. Ang balitang patay na ang nagiisang tagapag mana will shake the business wor
Nanlaki ang mga mata ni Yvonne at napakapit sa ama. Bumulong si Don Renato kay Yvonne at nagbilin sabay isinuksok sa harapan ng pajama niya ang baril."Pero ilang ulit na nating hinalungkat ang Cabinet na yan at walang tao sa loob diba? Baka multo ang naririnig natin hindi kaya?" sabi ng lalaki pero sumunod din naman sa paghahalungkat sa Cabinet."Tang'na, ang sarap mong toktokan talaga. Anong multo? Sa araw may multo? Tumira ka na naman ba?" sita ng lalaking kasama. Wala ngang silang nakita ulit kahit hibla ng buhok. Tinanggal na nila at binaklas kahit mga drawer ng malaking built in cabinet pero walang tao doon. Pero malakas ang kutob ng lalaking malaki ang boses. Idinikit nito ang tenga sa mga dingding hanggang sa dumako sa dingding ng mismong built in cabinet."P*tcha kayo nariyan lang pala kayo ha." bulong ng lalaki sabay lumayo sa cabinet at kinuha ang palakol na ginamit sa pinto saka pinalakol ang mismong built in Cabinet. Hanggang sa kakagiba nila ay nadiskubre nila na naitutul
Narinig ni Don Renato na nagkalampangan ang pinto ng banyo at mga aparador. Tila pati ang mga damit at mga lumang gamit sa aparador ay inalis ng mga ito para lamang hanapin sila. Nanahimik bigla sa labas, walang narinig na ingay matapos ang malalakas na kalampag. Naging nakakakilabot ang katahimikan.Naririnig pa ni Yvone na nagtatalo ang mga lalaki sa labas ng pintuan.Malakas ang boses ng mga eto kaya dinig pa rin niya kahit nasa secret closet sila. Ang kaso sa sobrang liit ng silid ay halos walang siwang para sa hangin magiging mahirap para kay Yvone na buntis ang paghinga. Hindi rin alam ni Yvone ang pakiramdam ng ama. kung hinsi ba ito nahihirapan.Pero kita niya ang takot at pagaalala sa mga mata nito. "Sira ulo ka! Ang utos sa atin ni Amo ay takutin lamang sila at bihagin .Tapos dalhin sa sala ang mga iyan pati ang anak na babae at ang ama at papanuoring ng tv new update bandang alas 7 ng gabi. Hindi ko alam kung anong meron basta yun ang utos" sabi ng isang lalaki. "Yun lang an







