Share

Chapter 4 – MIRASAEN

“WINZI, where have you been?” naiinis na tanong ni Ahldrin sa babaeng bagong dating.

“May nakawalang Alundra, kailangan siyang mahuli bago pa man ito makapaminsala,” wika ni Winzi.

“I can handle that.” ani Ahldrin, “Nahil, samahan mo ako.” Walang pasabing lumabas ang itim na pakpak mula sa likuran ng lalaki. Natutulalang tumitingin si Eleand sa dalawang kapwa binalot ng itim at berdeng liwanag sabay biglang nawala sa paningin niya.

They are scaring me like hell! Ilang ulit siyang lihim na napalunok dahil pakiramdam niya ay nanunuyo na ang lalamunan niya sa sobrang takot. Gusto niyang biruin ang sarili na baka nasa shooting lang siya ng isang Hollywood movie na fantasy ang genre. Why those creatures had wings? Kung wala siya sa langit at hindi rin siya nasa Pilipinas, saang parte siya ng mundo napadpad?

He flinched a bit when Winzi scrutinized him. Seryoso ang mukha nito at marahang napailing nang makita ang kanyang kabuuan.

“Eleand Altierra…” napatango-tango ang babae.

Nanlaki ang mata niya sa narinig. “How did you know my name?”

“Well, I can easily read your mind.” Nagkibit ito ng balikat.

Muli siyang kinilabutan sa sinabi ng babae. Kanina ang dalawang nilalang ay may pakpak, ngayon naman ang babaeng ito ay nababasa ang iniisip niya!

“Don’t hurt me, please.” He pleaded again. She may look fragile because she was petite, but he could feel that the woman was dangerous enough to harm him. Kailangan niyang makabalik nang buhay at hanapin kung nasaan ang kanyang kapatid. Naidalangin an lang niya na sana ay walang masamang nangyari kay Elida. It was his fault. Kung hindi lang sana siya nagpadala sa bugso ng emosyon, hindi sana sila maaaksidente.

“Hurt you? I would love to. Pero nindi ko gagawin ‘yon. Dito ka lang, nakalimutan kong dalhin ang damit at pagkain mo. I was chasing the Alundra. That beast is getting to my nerves.”

Bigla itong naglaho sa harapan niya bago pa man siya magsalita. “Wait—”

 This is really insane! Kailangan niyang malaman kung nasaan siya. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang isipin ang mga nangyayari sa kanya. Ang mga kakaibang nilalang na kanyang nakita. Kailangan niyang planuhin kung paano makakawala sa lugar na ito.

Lumabas siya mula sa maliit na kubo. Nahigit niya ang paghinga nang makita ang kanyang kinaroroonan. Nasa pinakamataas na bahagi siya ng isang bundok at kitang-kita nita ang napakalawak na kagubatan sa paanan. The forest was really thick and there was a blue lake stretching to the other side.

Napapalibutan din ang kagubatan ng mga bundok na iba-iba ang taas. It was so fascinating to look as the sea of clouds seemed dancing in the wind. Napasinghap din siya nang pumihit siya patalikod dahil tumambad sa kanyang mata ang mataas na talon habang may iba-ibang makukulay na bulalak na nagsisiksikan sa magkabilang gilid na dinadaanan ng tubig. Kulay ginto naman ang mga batong nagkalat sa ibaba ng talon at maraming kabuteng kulay pula at asul.

The place was so magical that he had to close his eyes for a moment and open it again to see if it was not just his imaginations.

What is this place? Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Halos hindi niya makuha ang tamang salita para ilarawan ang ganda ng paligid. Lalo lang siyang naguluhan dahil lalong dumadami ang tanong niya na hindi niya mahanap ang kasagutan. Nasa isang paraiso siya, nakapatahimik at ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na para bang nakikiusap sa kanya.

“I’m back.”

Napapitlag siya nang marinig ang boses mula sa kanyang likuran. Tumambad sa kanya ang seryosong mukha ni Winzi na may dalang tray. Nakalagay doon ang iba-ibang uri ng prutas. She was carrying a satchel as well.

“Kumain ka at magbihis. Kailangan nating makabalik sa palasyo ng Noyuh bago ka pa mapahamak.” Ibinigay nito sa kanya ang tray pati na rin ang katamtamang laking bag na nakasukbit sa balikat nito.

“I’m not hungry.” Tipid na sagot niya habang nakatingin sa mga prutas na nasa tray na napitilan siyang tanggapin. Sa dami ba naman ang kakaibang nagyayari sa kanya mula pagkagising, hindi pumasok sa isip niya ang pagkalam ng sikmura.

Napaangat ang kilay ni Winzi. “Kailangan mo ng lakas kaya kumain ka. Huwag kang mag-alalala dahil wala namang lason ang mga ‘yan.”

“I just want to know where I really am. Kanina pa ako naguguluhan—why you guys look so… different?”

Ipinitik nito ang daliri at sa isang iglap ay naglaho ang tray na may mga prutas sa kamay niya. Nanlalaki ang matang napatitig siya sa babae.

“Hindi ba nila nabanggit sa’yo na nandito ka sa Erganiv? Well, in the land of Noyuh, the Summer Region to be precise. The portals were open during the night of Lunar Trifecta and you accidentally entered here.”

“I’m sorry, what?” Lumalim ang gatla sa kanyang noo. Wala pa rin siyang maintindihan. Anong portal ba ang sinasabi nito?

Namilog ang mata ng babae. “Erganiv is a hidden realm. Hindi ito nakikita ng mga mortal na kagaya mo. Nahahati ang Erganiv sa apat na bahagi—ang Argia, Alsache, Gwiazda, at Noyuh. Ito ay pinamumunuan ng iba-ibang diwatang dugong bughaw,” marahas na nagbuntong-hininga si Winzi bago muling nagsalita, “I’m not in the mood to discuss history. Malalaman mo din naman ang lahat dahil siguradong magtatagal ka rito.”

“Hidden realm—diwata? You mean, faeries?” Muling bumuka ang bibig niya pero walang katagang lumabas. Goodness gracious, nasa mundo siya ng mga diwata! Ngayon ay lumilinaw na ang lahat sa kanya. Mukhang na-engkanto siya!

“Yes, that’s correct. Now, suit yourself. Bago pa may maligaw na halimaw dito.”

“I need to go home. Paano ba ako makakabalik? Kailangan ako ng pamilya ko. Hindi ko rin alam kung saan napadpad ang kapatid ko.”

“Matatagalan bago ka makabalik sa mundo ng mga mortal. Kailangan nating hintayin ang paglabas ng asul na buwan bago mabuksan ang lagusan mula sa kagubatan ng Noyuh.”

“You mean, blue moon? Kailan naman mangyayari ‘yon? I’m in a hurry, mahalaga sa akin bawat segundo. At saka malay ko ba naman na magkaiba ng takbo ng oras dito at sa mundong pinanggalingan ko.”

“Don’t worry, tingin ko magkapareho naman ang takbo ng oras dito sa Erganiv at sa mundo ng mga mortal.  As for the blue moon, you’re gonna wait at least two and a half years for that. Iyon ay kung makakayanan mong mabuhay dito sa loob ng mga panahong ‘yan. Because with that weak body of yours, I don’t think so. Even the weakest faerie can kill you in just a snap.”

Lalong pinaghinaan ng loob si Eleand sa narinig. Halos hindi pa nga siya nagtatagal ng ilang oras  sa lugar na ito ay parang malalagutan na siya ng hininga dahil sa takot at pagkagulat sa mga kakaibang nakikita niya. Paano na lang ang dalawa at kalahating taon? Buhay pa ba siya pagdating ng araw na iyon?

“Wala bang ibang paraan para makabalik ako? Hindi ko kakayanin na magtagal dito.” Napahilamos siya sa mukha. Sana pala ay hindi na lang siya nagising. Natapos na sana ang paghihirap niya. Thanks to his parents that he was not born a loser. Hindi siya ang tipo ng taong basta na lang susuko. Kaya kakayanin niya ang problemang ito.

“I’m afraid there’s no other way.” Nagkibit ng balikat si Winzi.

Damn! Kaya ba niyang manatili dito?

“Then what I’m gonna do?” Wala sa loob na napasabunot siya sa sariling buhok na wala na sa ayos ang pagkakapusod.

“Nothing. You just need to stay alive until the Blue Moon. Best of luck.” Her lips formed a wicked smile. Na para bang ipinapahiwatig nito na mamamatay siya sa ayaw at sa gusto niya.

“I am just dreaming, right? This can’t be true.” Mariin siyang pumikit. Umaasa pa rin siyang hanggang ngayon ay nagkakaroon lang siya ng napakasamang bangungot. Hidden realm? Faeries? Damn it! Those things did not exist. He needed to wake up from this nightmare.

Nang muli siyang magmulat ng mata. Napaatras lang siya nang makita ang iritadong mukha ni Winzi. Her silver eyes were shining.

“Shit! Shit!” Ilang ulit pa siyang napamura. Gusto niyang sumigaw nang malakas dahil sa sari-saring emosyong namumuo sa kanyang dibdib.

“You’re not dreaming. Gusto mong ihulog kita sa bangin at nang maramdaman mong hindi ka nananaginip?” Lumapit ito sa kanya at akmang itutulak siya, “Might as well you rest in peace for eternity.”

“Huwag!” Nanlaki ang mata niyang umiwas sa babae.

Tipid na ngumiti ang babae. “Magbihis ka na. Pupunta tayo sa palasyo at doon ka mananatili para makapagpahinga.”

Nag-aalinlangan siyang tumingin sa bag na hawak niya. Nagtatalo ang isip niya kung susunod sa babae o tatakbuhan na lang ito.

“Malapit na akong maubusan ng pasensya sa’yo. Do you want me to you use magic for you to change clothes?” may bahid ng pananakot ang timbre ng boses nito.

“Magbibihis na.” Mabilis siyang tumalikod at tinungo ang bahay kubo. Tahimik siyang nagbihis kahit labag sa loob niya ang klase ng damit na ipinalit niya. Mukha siyang dadalo sa isang costume party. He was wearing a brown pants paired with black leather boots. Kulay puti at ginto naman ang damit niyang pang-itaas—a white tunic and gold waistcoat adorned with small white diamonds. Ilang sandali pang nagtalo ang kanyang isip kung isusuot ba niya ang kulang pulang kapa na mayroong gintong marka.

Nagulat pa siya nang makita ang puting liwanag na tila mga alitaptap ang bumalot sa katawan niya. Namalayan na lang niya na suot na niya ang kapa.

“Now you look like a native Noyuhian from the Autumn Region.”

Napapitlag si Eleand sa boses ni Winzi. Hindi ba ito marunong ng salitang ‘privacy’? Bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya kahit mahigpit niyang isinara ang pintuan ng bahay kubo. She even used her magic!

“Darn! Wala ba kayong privacy sa mundong ito?” Nagbuga siya ng hangin.

“Ayaw ko lang ng naghihintay. Tara na!” Walang pasabing hinablot siya ng babae sa braso. Binalot sila ng puting liwanag at pakiramdam niya ay umikot-ikot sila dahilan para mahilo siya. Ilang sandali pa ay tumambad sila sa harap ng isang malaking palasyo sa gitna ng kagubatan.

Pigil ang kanyang hiningang pinagmasdan ang paligid. The palace was gold—high and enormous. Its architectural designs seem to be a combination of Gothic and Romanesque. Nakakamangha ang malilit na detayleng disenyo ng palasyo. Malawak ang hagdan sa harapan ng malaking pintuan at tiyak na hihingalin doon ang simumang mortal na aakyat lalo kung kulang sa ehersisyo. There was river on the right side of the palace. Ang tubig na dumadaloy ay patungo sa isang malaking talon na hindi niya matantiya kung gaano kataas.

The trees around were gigantic and colourful flowers were sprawling everywhere. Napansin din niya ang iba-ibang klase ng malalaking ibon na tila naglalaro sa himpapawid. They were Peregrines, Ravens, and Owls. Pero nakapagtatakang walang ibang nilalang na nandoon. Wala siyang makita pero nananayo ang mga balahibo niya sa katawan. Parang may kung anong puwersang naglalaro sa katawan niya at naidalangin niya na sana hindi dito magtatapos ang buhay niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status