THERE was nothing but darkness. Iyon lang ang tanging nakikita ni Eleand—kadiliman. Maybe he died already. Sa lakas ba naman ng impact ng pagbagsak ng sasakyan ay imposibleng mabuhay pa siya.
He was expecting a grim reaper looking at him right now. Malamang naghihintay na ito para sunduin siya. Kaya ilang sandaling nagtalo ang kanyang damdamin kung ibubukas pa niya ang kanyang mata. He wasn’t ready to die, but it seemed that his time has come. May magagawa pa ba siya? Death was inevitable anyway.
Unti-unti niyang iminulat ang mata. At least he had anticipated what was going to happen. Kung susunduin na nga siya ni Kamatayan, hindi na siya tatangging sumama.
Everything will be fine now. Bahagya pa siyang nagulat nang unti-unti siyang sinalubong ng liwanag. Unang tumambad sa kanyang mata ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha.
He heard somebody whispered. “Swasah…”
Sinundan niya ang pinanggalingan ng tinig. His eyes widened when he saw a woman. Nakangiti ito habang matamang nakatitig sa kanyang mukha. Judging by her look, she must be a foreigner. Her hair was brunette, long and soft. May maliit na tirintas na nakatakip sa magkabilang tainga nito. Kayumanggi ang kulay ng balat nito pero sa klase ng tangos ng ilong nito, at sa kulay ng mata—sigurado siyang may dugo itong banyaga.
Her eyes were glimmering when the brightness of the sun touches it—the color of her eyes was gold! Where the hell was he? Isang banyagang babae ba ang tumulong sa kanya matapos niya maaksidente? Thanks to her then. But, how come?
“Where am I?” tanong niya sa magandang babae.
She just stared at him and giggled. The she talked in a language that he could not comprehend. Gusto niyang mainis sa babae dahil parang pinaglalaruan siya nito. Pero kung nagsasalita ito sa lengwaheng hindi niya maintindihan at kakaiba ang itsura nito, nasaan nga ba talaga siya?
Saka niya pinag-aralan ang klase ng pananamit nito. She was wearing a brown pants and a leather brown boots. Kulay berde naman ang damit nitong hapit sa katawan na kinulang yata sa tela dahil nakalabas ang pusod. And wait, she was holding a bow with a bunch of arrows on the quiver on her back!
Lalo lang siyang naguluhan sa nakikita. Gusto niyang bumangon pero nakapagtatakang hindi niya magawa. Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya.
Damn! Am I paralyzed? Lihim siyang napalunok. Ngayong nagising siya sa harap ng wirdong babaeng banyagang ito na hindi niya alam kung saang planeta nanggaling. Siguradong hindi siya namatay sa nangyaring aksidente. Ngayong buhay siya, nasaan si Elida?
Nanlaki ang mata niya nang maalala ang kapatid. Siguradong nandito lang din ito. Pero kahit saan siya tumingin, hindi niya nakita ang nakakatandang kapatid.
“Where is Elida?” muling tanong niya sa babae.
She giggled again. Tila wala itong planong sagutin ang tanong niya. Muli siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa na at mariin itong napailing. Nakita niyang ipinitik nito ang daliri at parang may kung anong puwersang umalis sa loob ng kanyang katawan. Naramdaman niya ang biglang gumaan ang kanyang pakiramdam.
Muli ay narinig niya ang kakaibang salitang namutawi sa bibig nito. Sana ay pinalalaruan lang siya ng imahinasyon nang makita niyang bigla itong naglaho sa paningin niya bago pa man niya naramdaman ang pagbigat ng talukap ng kanyang mata.
MULING iminulat ni Eleand ang mata at tumambad sa kanya ang isang maliit na silid na puno ng mga tuyong dahoon at mahalimuyak na amoy ng bulaklak.
Nakahiga siya sa papag . Halos nanlalabo pa ang mata niya nang madako ang paningin niya sa isang bulto ng lalaking nakamasid sa kanya.
“Who are you?” Kunot-noong tanong niya. Sinikap niyang bumangon at naupo sa higaan. Kinusot din niya ang mata para siguruhing hindi siya dinadaya ng paningin nang muling tingnan niya ang lalaking nakamasid sa kanya.
Nakatayo ito sa may hamba ng pinto at nakahalukipkip. Kakaiba ang pananamit at itsura ng lalaki. Wala itong damit pang-itaas at punit-punit ang suot nitong itim na pantalon. Wala itong suot na sapin sa paa pero may nakasabit na espada sa likuran nito.
Nananaginip na naman ba siya? Because when he took a closer to look, he noticed his distinct eyes, teal on his right and green on his left—his ears were pointed!
Bago pa man siya makapa-react at pumasok ang isang magandang babaeng nababalot ng luntiang liwanag. And by the mercy of heavens, she had wings!
“What the fuck?!” Napaatras siya sa nakita kasabay ng panlalaki ng kanyang mata. Parang gusto niyang himatayin. Mukhang pinaglalaruan na naman siya ng sariling imahinasyon. Hindi kaya naalog nang malakas ang utak niya sa aksidente? Dahil kung anu-ano na ang nakikita niya. O baka naman ay patay na talaga siya at ngayon ay nasa langit na. Maybe those creatures were angels, and they were about to condemn him for his sins.
This is crazy. Nababaliw na nga talaga siya! Binalot ng takot ang katawan niya nang muli niyang tingnan ang dalawang kakaibang nilalang na nagtatawanan.
“Swasah...” Nakangiting wika ng babaeng may pakpak. It was like butterfly wings, yellow and green accented with black edges.
“What are you talking about? Nasaan ako?” Muli ay napaatras siya lalo na nang humakbang papalapit sa kanya ang babae. Ilang ulit pa siyang napalunok para labanan ang matinding takot na nararamdaman. Were they going to eat him? Huwag naman sana.
“Maligayang pagdating,” ngumiti ang magandang mukha ng babae. Sa isang iglap ay biglang naglaho ang pakpak at liwanag na bumabalot sa katawan nito nang makalapit sa kanya. Anong klaseng nilalang ba ang mga ito? God help him!
“You’re talking my language. Where the hell am I? And who are you?” Lalong lumakas ang kanyang kaba. Halos sasabog na ang utak niya sa matinding pag-iisip kung saang lupalop siya ng mundo napadpad.
He clenched his fists, hard. Kung sakaling sasaktan siya ng mga ito, lalaban siya. They could not bring him down without a fight. Marami siyang alam sa martial arts kaya maipagtatanggol niya ang sarili kahit paano.
Hindi siya sinagot ng babae pero ngumiti ito. “Siguradong nagugutom ka na dahil sa mahabang paglalakbay. Padadalhan kita ng pagkain dito sa silid mo, pati damit. Hindi ka puwedeng humarap kay Aserah sa ganyang ayos.”
Nahilot niya ang sentido. He was definitely dreaming! Pasimple niyang kinurot ang sarili para magising siya sa kung anong bangungot na kinaroroonan niya. But surprisingly, he felt the pain of his pinch. Totoo ang mga nangyayari at nasisiraan na siya ng bait!
“Please, where the hell am I?” kailangan niyang panghawakan ang ilang hibla ng kanyang katinuan.
Lumapit sa kanila ang lalaking nakatayo sa may pintuan. “Nandito ka sa Erganiv.”
“Erga—what?”
Binalingan ng lalaki ang babaeng kasama nito. “Ipaubaya mo na kay Winzi ang mortal na ‘yan.” He looked bored. Parang malapit nang mawalan nang pasensya ang paraan nang pagtingin nito sa kanya.
“But he looks wasted. He needed to suit himself more decent at least.” Natatawang wika ng babae na sinabayan ng marahang pag-iling.
“You can talk in English as well?” Nanlalaki ang matang bulalas ni Eleand. Sa hitsura ng dalawa niyang kasama, sigurado siyang hindi ito katulad niya. Their ears were pointed, and their looks were ethereal—heavenly but dangerous.
“We can talk thousands of languages.” Nakangiting sagot ng babae, “Ako nga pala si Nahil. At siya naman si Ahldrin. Kami ang nagdala sa’yo dito sa bahay kubong ito. Natagpuan ka namin sa madilim na gubat ng Noyuh, sa pagitan ng Rehiyon ng Tag-init at Taglagas.”
Not again. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito kahit anong pilit niya. Saka lang niya pinag-aralan ang ayos niya. Punit-punit ang kanyang itim na leather jacket at iisang sapatos na lang ang suot niya. Pero nakapagtatakang wala siyang kahit anong gasgas sa katawan.
“I don’t understand. The last time I remember, we had a vehicular accident. Nahulog sa bangin ang sasakyang minamaneho ko. Paano nangyaring wala man lang akong nakuhang galos sa katawan? I was with my sister. Bakit wala siya rito?”
Napalis ang ngiti sa labi ng babaeng nagpakilalang si Nahil. Nagbuntong-hininga ito at umiling. Tumingin ito kay Ahldrin bago siya binalingan.
“Nag-iisa ka lang sa gubat nang matagpuan ka namin.” Muli ay ngumiti ang babae.
“What is going on here? Paano ako napunta rito? Am I dead already? Kasi tingin ko sainyo hindi kayo mukhang tao.”
Ahldrin chuckled. “You’re wasting our time. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Aserah sa’yo. Humans are forbidden to enter Erganiv ten thousand years ago. So, why the hell are you here?”
He swallowed hard. “Please, I need to go home. Kailangan kong mahanap ang kapatid ko, I need to see my father too. He is dying!” pakiusap niya sa dalawa.
“I’m afraid that is impossible. Hindi ka—” Natigilan sa pagsasalita si Nahil dahil may biglang pumasok sa babae. Kulay puti ang mahabang buhok nito at nakasuot ng asul na roba. Napakaganda ng mukha nito, her skin was fair, and her eyes were silver. Mayroong marka ng crescent moon sa noo nito. Maliit lang ito pero mukhang mapanganib.
“WINZI, where have you been?” naiinis na tanong ni Ahldrin sa babaeng bagong dating.“May nakawalang Alundra, kailangan siyang mahuli bago pa man ito makapaminsala,” wika ni Winzi.“I can handle that.” ani Ahldrin, “Nahil, samahan mo ako.” Walang pasabing lumabas ang itim na pakpak mula sa likuran ng lalaki. Natutulalang tumitingin si Eleand sa dalawang kapwa binalot ng itim at berdeng liwanag sabay biglang nawala sa paningin niya.They are scaring me like hell! Ilang ulit siyang lihim na napalunok dahil pakiramdam niya ay nanunuyo na ang lalamunan niya sa sobrang takot. Gusto niyang biruin ang sarili na baka nasa shooting lang siya ng isang Hollywood movie na fantasy ang genre. Why those creatures had wings? Kung wala siya sa langit at hindi rin siya nasa Pilipinas, saang parte siya ng mundo napadpad?He flinched a bit when Winzi scrutinized him. Seryoso ang mukha nito a
MABILIS na sumusunod si Nahil sa himpapawid kasama si Ahldrin. Both of them were chasing the Alundra. Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa seryosong mukha ng kasama. He was tracking the scent of the beast.Hindi na siya nagtaka dahil alam naman nilang lahat na ang lalaki ang pinakamagaling na tracker sa buong Erganiv. He was the General of the Land and Aerial Army of Noyuh. Sanay na sanay itong makipaglaban maging sa lupa man o sa himpapawid.“Hurry!” Ahldrin shouted.“All right,” bulong ni Nahil na nakangiti.Erganiv was magically created ten thousand years ago using ancient spells that caused a continental drift. Sinadya itong buuin para sa katahimikang inaasam ng mga diwata kaya hiniwalay ang Erganiv sa kontinenteng nasasakupan ng Alegerio. Ito ang napagdesisyonan ng mga malalakas na diwatang dugong bughaw na nagtataglay ng kapangyarihang lumikha. Dahil napakalaking pinsala ang nilik
AGAD na yumuko si Ahldrin nang madatnan nila ni Nahil si Aserah na nakaupo sa trono. She wore her green off-shoulder gown embroidered with gold. Suot nito ang gintong korona na may malaking ruby sa harapan. Aserah was the Lady of Noyuh. Ito ang may pinakamataas na katungkulan sa buong Noyuh na siyang namamahala sa buong kaharian.“Naidispatsa na namin ang Alundra,” wika ni Ahldrin matapos magbigay galang.Tumayo si Aserah mula sa trono. “Mabuti.”“Nakapagtataka lang kung paano nakatakas ang halimaw mula sa kulungan,” sabat ni Nahil. She was her second in command and he was third. Wala naman sa kanyang problema kung anong posisyon ang ibigay sa kanya. Malaki ang utang na loob niya kay Aserah dahil sa pagtanggap nito sa kanya sa nasasakupan nito.He originally came from Gwiazda. Siya ang bunsong anak ni Lord Lavino, na siyang namamahala sa kaharian ng gabi at bituin. Pero pinili niyang iwan ang
RAMDAM ni Eleand ang panginginig ng kanyang kalamnan nang magsalubong ang mata nila ni Aserah. There was something about her, something ancient. A goddess. Iyon ang tamang description sa itsura nito. Her golden hair was swirling in curls. Bagay na bagay dito ang suot na korona. Her eyes were emerald green with a ring of gold!Napapalibutan siya ng mga nilalang na wala siyang itulak kabigin pagdating sa kagandahan ng hitsura. Their curved and pointed ears, glowing skin, and colourful bright eyes were impeccable. But no matter how perfect they look; he knew that they were also deadly. Isang pagkakamali niya lang, tiyak na sa kabilang buhay siya pupulutin.“T-Thank you,” sinikap niyang huwag mabulol nang marinig ang sinabi ni Aserah.Hindi na niya muling sinalubong ang mata nito dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Itinutok na lang niya ang mata sa gintong chandelier na nakasabit sa kisame. He noticed that the room h
"SLOW DOWN!" Elida was reaching for the seat belt. Kitang-kita ni Eleand ang pagkataranta sa mukha ng kapatid. Pero nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Then there was a loud thud! Nakita niya ang duguang katawan ng kapatid. He saw the tears from her eyes; it was red because of blood dripping from her injured head. Paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan niya bago ito tuluyang pumikit. “Elida!” he screamed. Panaginip lang ang lahat pero bakit parang totoo? Humihingi ng tulong sa kanya ang kapatid. Shit. Ramdam niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang bintana. Madilim na. Nagkalat ang mga bituin sa langit at nakasilip na ang bilog na buwan. Mukhang mahabang oras siyang nakatulog mula kanina. I need to find Elida. Hindi siya nagdalawang isip na lumabas sa kuwarto. Mabuti na lang at walang ibang nilalang siyang nakita habang pababa sa grand stair
NAGISING si Eleand kinabukasan dahil sa kaluskos ni Lifa. Nakita niyang galing ito sa loob ng banyo. Nagsalita ang babae nang makita nitong gising na siya.“Inihanda ko na ang pampaligo mo. Kailangan mo nang mag-ayos ng sarili dahil sasabay ka sa almusal ng pinuno.”Hindi siya nagdalawang isip na bumangon nang marinig ang sinabi ni Lifa. Minsan pa siyang nagulat nang makita ang loob ng banyo. The bathroom was spacious enough to be his bedroom. Mayroon itong pool size na Jacuzzi! Wala siyang ideya kung anong uri ng mahika ang ginamit dito pero kailangan na niyang maligo para makasabay sa almusal.Mabilis siyang nagbihis matapos maligo. Ilang sandali pang nagtalo ang kanyang isip kung ano ang isusuot. He chose the light blue tunic and black pants. Napangiti din siya nang makita ang mga nakahilerang sapin sa paa. Pinili niyang isuot ang itim na boots. He did not wear cloak because the morning temperature was
HINDI itinago ni Eleand ang pagkamangha nang marating nila ang kabundukan ng Autumn Region. Mahigit isang oras na silang naglalakad pero hindi naman niya alam kung ano ang hinahanap nila. Kahit saan siya tumingin lahat ng halaman at puno ay taglagas. The leaves were red and yellow while the other trees were bald. Nagkalat sa lupa ang makukulay na dahon ng mga punong kahoy.“Anong klaseng hayop ba ang huhulihin natin?” Hindi siya nakatiis na magtanong. Mabuti na ang alam niya para hindi siya magulat kung kakaiba ito.“We are not hunting animals. Manghuhuli tayo ng Migus para mas challenging.” Nakangiting wika ni Zanti.“What is that?” kunot-noong tanong niya. Pangalan pa lang nagdududa na siya. Sa klase ng ngiti ni Zanti parang gusto niyang kabahan.“That is a lesser faery living in shadow. You’ll see, mabibilis sila kaya masusubukan ang galing natin sa pangangaso. We just need to
NAPATAYO si Aserah mula sa pagkakaupo sa trono dahil sa pagdating ni Zanti kasama si Eleand. Ilang sandali pa ay tumambad sa kanyang paningin ang humahangos na mukha ni Winzi at si Ahldrin na duguan ang braso.“Ano ang nangyari sainyo?” tanong ni Aserah na hindi itinago ang pagkunot ng noo.“Naglilibot ako sa Rehiyon ng Tagsibol at may nakita akong nakakatakot na pangitain,” wika ni Winzi na hindi kumukurap.“Anong pangitain?” tanong ni Ahldrin. Binitawan na nito ang nagdurugong braso at nakita niyang unti-unti nang naghilom ang mga sugat nito. Ang mga diwatang dugong bughaw ay may kakayahang pagalingin ang sarili. Except when they were heavily wounded. Natatagalan bago makabawi ng lakas kapag grabe ang tama sa katawan.“Nakita ko ang Sinaunang Reyna kasama ang isang lalaking alagad niya dito sa loob ng palasyo.”Tumango si Aserah sa narinig. Lihim siyang nagtangis ng bagan