She knocked the door three times pero walang sumasagot. Hmm, pipe ba itong boss nila? bakit naman hindi nagsasalita? Aniya sa isipan. Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano ay dahan-dahan na lang niyang binuksan ang pinto. Creepy pa nga ang tunog niyon na tila ba ilang taong hindi nabuksan. Napapikit siya ng marahan at dahan-dahang binuksan ang mga mata niya nang namalayan niyang nasa loob na siya ng kwarto.
Kumurap-kurap pa siya nang makita ang napakalinis na kwarto. Parang walang taong nakatira. But one man caught her attention. Nakaupo ito sa isang wheeled chair. Nakatalikod sa kanya at nakaharap sa bintana at nakatingin lang sa labas. Loner ba ang taong to? Aniya sa isipan saka siya napa-ubo para kunin ang atensyon ng binata.
"Hel--" Babati pa nga lang naman sana siya nang bigla siyang hindi patapusin ng binata.
"Who told you to enter my room, woman?" tanong nito sa kalmadong boses pero mababakas mo sa tono ng pananalita nito ang pagkairita."A-Ah, si Manang Lucile, Sir. Tinuro niya sa 'kin ang kwarto niyo--"
"Did she tell you to come in?" Pag-uusisa nito and this time, he tried to face Bethany.
Pag-ikot na pag-ikot nito ay tila tumigil ang mundo ng dalaga. Tila nag-slowmotion ang paligid niya dahil para siyang nakakita ng isang anghel na nasa katauhan ng isang supladong lalaki. Kahit nakaupo ito ay alam niyang matangkad ito. His face looks like an angel na pinatapon sa lupa dahil sa attitude nito. His eyebrows are in good shape. Para bang laging tini-trim. Pantay rin ang kulay ng balat nitong maputi. His lips are thin and it looks pinkish. Parang ang sarap halikan. Mamula-mula rin ang balat nito. Hindi napansin ni Bethany na higit na sa pagtitig ang ginagawa niya. Para na niya itong hinuhubaran sa mga titig niya.
Nang mabalik sa ulirat ay hindi na niya alam ang sasabihin. "A-Ano nga ho ulit ang sinabi niyo, Sir?"
"Nevermind. Since nandito ka na rin naman, I am Simon Clarke Silvestre. Owner of Hacienda Aplonia. Lahat nang matatanaw ng mga mata mo sa lugar na to ay amin. Specifically, akin. I don't have much rules here. Pero kailangan ko ng masipag, masinop, at matatag. Iyong magtatagal sa hacienda ko. Hindi tatanga-tanga at lalong-lalo na, dapat marunong sa trabaho."
Siya lang naman ang nag-iisang Simon Clarke na halos ikamatay ng mga babae maka-date lang at mapansin lang niya. He is a heartthrob kahit naman hanggang ngayon. But his condition made him stay home. Hindi na siya lumalabas ng bahay matapos niyang maaksidente from a race. He is still lucky dahil pansamantala lang naman ang pagiging injured niya and he still has chances na makalakad ulit but for now, he really needs someone na makakatulong sa kanya.
Kinabahan naman tuloy si Bethany dahil sa tindi ng mga rules nito. E ni isa yata don wala siyang magagawa ng maayos. Presensya na lang yata ang maaambag niya sa haciendang 'to at sa mansiyon na to. Paktay na.
"O, bakit namumutla ka?" muli pang bato ng tanong ni Simon.
"N-Nothing, S-Sir. J-Just don't mind me. Minsan talaga akong ganito. I really have pale lips, hehe." Pagdadahilan pa ng dalaga.
Napakunot ng noo niya si Simon nang may pagdududa pero hindi na niya iyon inisip pa.
"You're hired but you need to undergo Manang Lucile's training and if you passed--"
Hindi pa natatapos sa sasabihin niya si Simon nang biglang may isang binata na pumasok sa loob ng silid.
"If you passed, you'll be beside him for the rest of his recovery."
Kapwa napalingon sina Bethany saka Simon sa kani-kanilang mga likuran.
"Juancho? What brought you here? You just interrupted my speech. Tsk," banas na wika ni Simon na halata naman na hindi niya inaasahan ang biglang pagdating ng kaibigan niya.
"T-Teka, a-a-akala ko ho ba pagiging housemaid ang pinasok ko dito at hindi caregiver?" naguguluhang tanong niya. Kung tama ang hinala niya na magki-care giver siya, e hala? Hindi niya naman yata kakayanin iyon lalo pa kung itong si Simon ang pagsisilbihan nya? Kahit gaano pa ito kagwapo, mapapa-pass yata siya.
"Hehe, kunwari lang 'yon. But the truth it, you'll be his care giver." Bulong pa ni Juancho.
"Stop it, Juancho. Nilalaglag mo naman ako, e." Saway ni Simon sabay baling ng kanyang tingin kay Bethany. "Bakit? Aayaw ka na ba agad? Judging by the looks of you, you don't look like you need a job. But I believe there's a reason why you're here."
Naghinala naman agad si Bethany. Mind reader ba ang isang to? Or masyado na siyang expert sa mga nag-a-apply dito? Mukhang hindi na nga ako pwedeng umatras. Bahala na. Aniya sa kanyang isipan habang kagat-kagat pa ang mga labi niya.
Napaubo kunwari ang dalaga. "W-Well, Sir. Tama ka, I am here for a reason at hindi mo na naman iyon siguro kailangan pang malaman. Isa pa, hired na naman ako 'di ba? I believe there's no turning back," saad niya pa sabay kindat.
Napangisi naman si Juancho. "Too pretty to be your maid. Papasa kang girlfriend ko, Miss." Hirit pa nito sabay kaway ng kamay.
Sakrastiko naman na napangiti si Bethany. "Thanks, I know that." Sabay sipit ng buhok niya sa kanyang tenga.
"I'll be needing your papers by tomorrow. We need your resume, application letter, and even your ID."
Napaatras agad ang dalaga at pinagpawisan. ID? E wala naman siyang ibang valid ID bukod sa student ID niya. "Uh, do you accept student ID? Hehe." Alanganin niyang sagot.
Hindi makapaniwala sina Juancho saka Simon sa mga sinabi nito. "You're a student?" hsiterikal na reaksyon ni Juancho.
"Y-Yes. I-I just stopped going to school. J-Just this week."
Hindi napigilan ni Juancho na lumapit kay Simon saka bumulong. "Bro, you must have this girl background checked."
Pero narinig iyon agad ng dalaga. "Hindi! Don't do that, please. Hindi naman ako kriminal. I have good records. J-Just accept me here and I will do my best to work."
"Miss, sa ginagawa mong 'yan ay mas lalo lang kaming nagkakaroon ng interes para alamin ang lahat tungkol sa 'yo--"
"It's alright, Juancho." Awat nito sabay lapit kay Bethany gamit ang wheeled chair niya. "Hindi na kami uungkat ng kahit na ano tungkol sa buhay mo. But you need to assure na kakayanin mo ang pagtatrabaho dito, including serving me until I can walk again and after that, you're free to leave." Pagpapakondisyon pa nito.
Hanggang sa malakakad siya ulit? Hanggang doon lang? Basic lang pala, e. Wika pa ni Bethany sa isipan niya.
"It's way better nga na wala akong alam tungkol sa 'yo. Kapag umalis ka, there will be no traces. Isa pa, you will remain nothing but a mere housemaid." dagdag pa ni Simon.
HINDI pinabayaan ni Juancho si Bethany hanggang sa pagpasok nito sa unang araw niya sa University. Syempre, hindi naman niya iyon gagawin kung walang utos mula kay Simon. May iniingatan silang sikreto na hindi maaring mabunyag kaya naman hanggang sa school ay bantay-sarado si Bethany ng mga body guards mula sa malayo.Pag-apak na pag-apak niya pa lang sa university ay ramdam na niya ang mapanuksong titig sa kanya ng mga studyante doon. Alam niyang sa mga titig ng mga ito ay kinukutya na siya at pinagtatawanan. Not the life that she has before. Sa dati niya kasing school ay isa siya sa campus crush. Tila bumaliktad tuloy ang mundo niya rito. Pero hindi na naman iyon bale. Ang mahalaga sa kanya ay matuloy niya ang pag-aaral niya. "I heard she's the transfer student. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng karibal dito. E mukhang kuko ko lang 'yan, e." Wika ni Ericka. Anak ng mayor ng lugar nila. Napakaganda rin naman nito pero hindi maganda ang ugali. Isama mo na ang mga minion niya na
UNANG araw ni Bethany bilang isang studyante sa isang unibersidad sa probinsya. Graduating na siya at huling taon na lang niya ito pero pakiramdam niya ay first time pa rin siyang tutungtong ng kolehiyo. Siguro dahil first time niyang maging transfery at magpanggap na nobody para pagtaguan ang pamilya niya na hanggang ngayon ay wina-wanted siya. Mangiyak-ngiyak siya ngayon sa harapan ng salamin. Tila ba kinakausap ang sarili. "Do I really need to make myself ugly? Mukhang mahirap iyon ha," aniya pa sa sarili. "You have to. Kung gusto mong mag-aral nang normal at hindi kinukuyog ng mga studyante." Halos maitapon niya ang brush na hawak niya nang biglang magsalita si Simon mula sa kanyang likuran. "Can't you knock bago ka pumasok ng room ko, Sir? Aatakihin ako sa 'yo sa heart, e." Maarte nitong sagot. "Isa pa, it's just 5AM oh. Why are you gising na ba?" she added. "I forgot to tell you that you still need to wake up early and help the maids before you go to school. It would help if
MUKHANG kakaiba ang kinikilos ngayon ni Juancho kung kay Bethany pa. Mukhang mas mabait yata ito ngayon? E, the last time she checked, wala naman itong ambag sa buhay niya kundi ang asarin siya at sabihang baliw.“And what is this?” tila disappointed na sagot ng dalaga habang inaabot sa kanya ni Juancho ang pang-disguise niya.“Syempre kailangan mong mag-disguise.”Kibit-balikat na lang na tinanggap iyon ni Bethany. Sinuot niya ang cap, glasses, at mask. Hindi na siya nag-jacket pa dahil mas magmumukha siyang hold-upper kapag nagkataon.“In fairness, maganda ka pa rin kahit na balot na balot ang mukha mo.”She smiled. “Well, thanks. Ako lang ‘to.“Ayan, ngumiti ka nang gumanda ka lalo. We will go to a university in the nearby town.” Prangkang wika ni Juancho.Tila namilog naman ang mga mat ani Bethany sa mga sinabi nito. They’re going to school? Ibig ba nitong sabihin, she’s going back to school? For real?“W-Wait, anong g-gagawin natin don?” nagtataka niyang tanong na tila may kasaman
"Coffee?" Bethany offered. Napaangat ng tingin niya si Simon para salubungin ang magagandang mga mata ni Bethany. Kanina lang ay halos malunod na siya sa iniisip niya dahil sa sobrang lalim niyon. Buti na lang, dumating si Bethany."You're late, Betty. I just had mine." Puna pa nito sabay balik ulit ng kanyang tingin sa kawalan. Pagkatapos non ay tahimik na ulit siya at hindi na muli pang nagsalita.Paalis na sana ang dalaga nang magsalita si Simon. "Leave the coffee."Natigilan si Bethany. Kahit na anong bantot ng dating ng "Betty" sa kanya, kapag si Simon na ang bumibigkas non ay tila nagiging sosyal bigla sa pandinig niya. Ang lamig ng boses ni Simon. Tila ba nanuot iyon sa buong katawan niya. Well, lagi naman siyang ganyan. But it's way different today. Para bang sobrang seryoso nito. E parang kagabi lang ay medyo ayos naman siya na nakikipag-usap kay Darryl. Nagtataka tuloy si Bethany kung anong nangyari. Bigla na lang itong nanlamig. E madalas, ito pa nga ang mas malakas na mang
It's half past eight when the doctor came to check on Simon. Kagat labi pa si Bethany nang pumasok ang doktor dahil tulad nang ini-imagine niya ay hindi siya nagkakamali na guwapo ito. Maputi, mabango, at halatang malinis. Matangkad rin ito at napakaprominente ng jaw line kaya naman hindi niya maiwasang hindi ito titigan ng matagal na kulang na lang ay tunawin niya ito. "Ehem." Simon interrupted. Agad na napaayos ng tayo niya ang dalaga sabay sipit ng buhok niya sa kanyang tenga. "I assume you are Simon's--" "Ah, oo. Ako ang bago niyang Yaya." Pagdidiin pa ni Bethany habang natatawa. Napatakip ng bibig niya ang doctor na tila ba pinipigilan ang matawa. Paano ba naman, pinagdiinan kasi talaga ni Bethany ang salitang Yaya na para lang naman sana sa mga bata. "Tsk. Stop laughing, Darryl!" Saway nito sa doctor. Napatango-tango ang dalaga. Ohh, so si Darryl pala siya? Cool name. Bagay sa kanya. Anito sa kanyang isipan habang simpleng nakatitig sa doctor. Bata pa nga ito. Napaisip tul
KINIKILIG? ME? NEVER. Ani Bethany sa isipan habang sinasariwa ang mga binitawang salita ni Simon sa kanya. Alam naman niya na inaasar lang siya nito ng bongga. Akala naman niya madadala nito si Bethany sa charm niya? After so many months ay nakahanap ng tyempo si Bethany na ma-contact ang kaibigan niya. Ilang beses na siyang nag-attempt na makipag-communicate rito pero hindi siya makakuha ng timing. Now is the time. Alam niyang sasabog sa galit ang best friend niya pero kailangan niya itong tanggapin. She dialed her best friend's number. Nakailang ring pa lang siya nang agad na sagutin ng kaibigan niya ang tawag. "A-Antonette." Bulong niya sa kabilang linya. Napasinghap si Antonette nang marinig pa lamang ang boses nito. "T-Tangina mo, Bethany!! Bwiset ka! Bakit ngayon ka lang tumawag?" halos bulong nitong sagot. Pilit na hinihinaan ang boses niya. Pero halata ang panggigigil nito sa tono ng kanyang pananalita. Nanginig agad ang mga kamay ni Bethany. Finally. Ito na iyon. Ang araw