NANG maayos ni Bethany ang lahat ng mga kagamitan niya sa kanyang kwarto ay pinatawag agad siya ng mayordoma para sa hapunan. Syempre, nakahain na ang lahat. Kakain na lang siya.
"Miss Bethany, Pinatatawag ka na ng mayordoma," tawag ng isa sa mga utusan din dito sa mansiyon.
"Sige ho. I'll follow. Thanks!"
Tiniklop niya na lang muna ang pamalit niya para mamaya para ready na ang isusuot niya matapos niyang maligo. Hanggang ngayon kasi ay ang suot niya pa ring damit kagabi ang suot suot niya.
Pagdating niya sa kusina, nakahain na ang lahat. Para tuloy siyang prinsesa just for tonight dahil kakain na lang siya.
"Uh, hindi niyo ho ako tinawag to help everyone cook dinner," wika ni Rebecca habang takam na takam sa mga pagkain. E sa magdamag ba naman siyang walang kain.
"Ngayon lang 'yan. Kailangan mo ng lakas para sa training mo bukas, Miss English speaking." Tila sarkastiko namang sagot ni Manang Lucile.
Hmm, bigla tuloy kinabahan si Bethany. Para namang hindi na siya sisikatan ng araw sa gagawin niya. Hindi naman siguro siya bubugbugin sa training di ba? Kakayanin niya kaya? Paano kapag pumalya siya agad sa training?
Mukha namang mabait si Manang Lucile pero nararamdaman ng dalaga ang pagiging istrikta nito which is good naman para sa kanya para matuto siya ng mga gawain dito sa mansiyon.
Bukod sa kanya na bago ay may apat nang katulong rito. Pang lima na siya. At mukhang hindi lang pagkakatulong ang haharapin niya. Bakit parang ang unfair naman yata?
"Hehe, salamat po sa dinner. Nabusog po ako," ani Bethany nang matapos siya sa pagkain.
"Sige, magpahinga ka muna at matulog. Pero bago 'yon, maligo ka muna at magpalit ng damit. Ikondisyon mo na ang sarili mo para bukas dahil hindi magiging madali ang unang araw mo sa training. Maliwanag ba?"
Tumango-tango na lamang siya na parang nauunawaan niya ang lahat pero hindi. Parang gugustohin niya na lang yata gumawa ng plates kaysa ang ganito. Bakit parang nanganganib yata ang buhay niya sa haciendang ito?
Nagtatatakbo siya sa hall papuntang kwarto niya habang amoy-amoy ang bistida niyang suot. Hindi na nga yata kaaya-aya ang amoy niya. Nakakahiya. Humarap pa naman siya kanina sa boss niya saka sa kaibigan nito. Buti na lang talaga wala siyang putok. Hmp! E di nangamoy bayabas siya kapag nagkataon.
"Running in the hallway is not allowed, Miss." Sita sa kanya ni Juancho habang nakapamulsa ito at nagbabasa ng libro na nakasandal sa dingding. Nandito pa pala to?
"Ops, sorry, Sir!"
"Apology accepted dahil maganda ka."
Napangiwi na lang si Bethany sabay talikod at taas ng kilay niya. Mukhang chickboy, gwapo sana kaya lang ekis na agad sa kanya.
"What's your name again?" tanong pa nito bago siya tuluyang pumasok sa kwarto niya.
"Hmm, kailangan niyo rin ho bang malaman? Hindi naman ho ikaw ang amo ko di ba? So, pwede naman ho siguro na hindi na ako magpakilala sa iyo?"
Napahimas tuloy bigla si Juancho sa baba niya. He took his hands out of his pocket saka dahan-dahang naglakad papalapit kay Bethany. "Oh, I like girls like you, Matapang. Tamang-tama lang."
Napataas ng kilay niya si Bethany. "Excuse me lang po. Kailangan ko nang magpahinga e." Sabay tulak nito ng mahina sa binata dahilan para mapaatras ito.
Hindi na niya ito nilingon pa nang pumasok siya sa silid niya. That guy is weird. Feeling niya naman close kami? Akala niya naman magiging mabait ako sa kanya dahil dito ako nagtatrabaho? E isa lang naman ang amo ko. Si Simon Clarke Silvestre lang. Wala nang iba.
She just took a quick bath saka siya nagsuot ng damit na pantulog na hinanda niya kanina. Sayang, hindi niya nabitbit ang mga pang skin care niya. Wala tuloy siyang ilalagay na kahit ano sa mukha niya ngayong gabi. Hindi iyon pwedeng mangyari. Mababaliw na yata siya. She takes care of her skin so much.
Napabuntong-hininga siya saka napatayo. "Uh, hindi ako makakatulog nang ganito lang."
Tumayo siya. Kahit na alanganin pa siya ay nilakasan niya ang loob nya na katukin si Manang Lucile sa kwarto nito. "Manang Lucile?" tanong niya pa mula sa labas.
Ilang saglit pa ay agad siyang nakarinig ng mga yabag ng paa na papalapit sa pintuan.
Bumukas ang pinto at iniluwa non si Manang Lucile na mukhang antok na antok na pero naistorbo pa.
"Anong kailangan mo? Patulog na ako, e."
Napakamot na lang tuloy si Bethany ng kanyang ulo sa hiya. "Sorry po! Gusto ko lang ho sanang itanong kung may facial mask ho ba kayo dito? I need it for my beauty sleep sana."
"Sus, maryosep! Sa tanda kong to? Iniisip mo pa rin na naggaganyan pa ako, hija? Matulog ka na at pahiran mo na lang ng lotion 'yang mukha mo. Isa pa, nandito ka para magkasambahay. Hindi para magpaganda."
"P-Pero--"
Hindi pa man siya natatapos sa sasabihin niya nang padabog nang sinaraduhan ng matanda ang pintuan.
Ano ba naman yan. Saan naman kaya ako hahagilap ngayon ng facial mask? Paano na ang skin care ko? Paano na ang skin ko?
Seryoso siya na hindi siya makakatulog nang hindi nakakalagay non. Lalo pa ngayon na namamahay pa ang katawan niya. Kailangan niyang maramdaman ang comfort na tulad ng sa mansiyon nila. Bahala na nga. Baka isipin naman kasi ni Simon na wala na talaga siyang hiya kapag sa kanya pa ito naghanap. Hindi bale, bukas na bukas rin ay magpupunta siya sa pinakamalapit na mall para makapamili ng mga pangangailangan niya. Mabuti na lang at hawak niya ang bank account niya.
Nahiga siya sa malambot na kama. In fairness, kahit katulong ang pinasok niya dito, hindi naman niya iyon feel sa lambot ng higaan at ganda ng kwarto niya. She is sleeping in a nice bed. Yun nga lang, hindi ganon kaganda tulad ng kanya. Miss na niya ang kwarto niya.
Napatingin siya sa phone niya na kanina pa vibrate nang vibrate. Binabaha na siya ng calls and texts ng mommy niya pero hindi niya ito sinasagot. She turned her phone off saka niya tinanggal ang sim card niya at tinapon iyon.
"Sorry, Mom. But you also need to understand why I did this." Bulong niya sa hangin habang nakatingala sa kisame.
Panahon na para magpalit siya ng number para hindi na siya ma-reach ng mommy niya. Kailangan na rin niyang magtago sa mga kaibigan niya dahil panigurado, kapag nagsabi siya sa mga ito, pipilitin sila ng mommy niya na sabihin kung nasaan siya. Hindi iyon pwedeng mangyari. Mabuti na lang kabisado niya ang phhone number ni Felicy-- best friend niya. Tatawagan niya na lang ito once makabili siya ng bagong sim- ayun ay sigurado niyang maaasahan. But she'll never tell where she is.
MAAGA pa lang ay napabangon siya agad agad kahit na antok na antok pa siya pero dahil sa ingay ng bell ay napabangon siya ng di oras. May klase ba? Bakit may pa-bell naman ang bahay na to?
"Gising na!" sigaw ni Manang Lucing sa labas.
Sunod-sunod ang pagkatok nito sa kanyang kwarto para gisingin siya. Natataranta pa siya napaharap sa salamin. Do I look good? Wala ba akong laway sa mukha? Aniya sa isipan.
"Opo, susunod na! Sandali!" sagot niya saka natatarantang napaayos ng kanyang buhok.
"Aba hija, bilisan mo na dyan! Nga-apply ka ditong katulong at hindi prinsesa! Buksan mo ang pintong to at ibibigay ko sa 'yo ang uniporme mo."
Ito namang si manang masyadong hot. Teka, anong oras na ba? Aniya sa isipan saka napatingin sa kanyang relos. Alas kwatro pa lang ng umaga ! My gosh! Tapos hindi pa siya nakatulog kagabi ng nasa tamang oras dahil wala siyang skin care. Ni hindi man lang siya nakapag-facial mask. Masi-stress na talaga siya ng bongga.
"Sorry po!" tanging sagot na lang niya saka niya kinuha ang uniporme niya. Unang araw, malas agad. Hayy, sa kanila, gigising na lang siya ng alas sais, nakahanda na ang lahat. Wala na siyang poproblemahin pa. Pero iba na ang buhay niya ngayon. This is not her fairy tale life anymore.
"Tsk. Bagal kumilos. Hindi mo madadala sa hinhin dito ang mga tao kaya kung ako sa 'yo, pag-aralan mo nang kumilos ng mabilis nang hindi ka napapagalitan. Maliwanag ba?"
Tumango-tango siya. "Opo. Pasensya na po ulit," mahinahong sagot niya na lang saka niya na sinuot ang uniporme niya. Maganda at maayos naman ang uniporme. Pang maid talaga ang dating niya. Iyon nga lang ay mas maganda ang style nito kaysa doon sa mga suot ng mga maids sa bahay nila. This looks classy and it's more like a vintage style kaya nagustohan niya. Kahit naman may pagka-spoiled brat siya ay hindi naman siya ganon kaarte pagdating sa damit.
"Ayos na ho ako!" aniya nang makalabas ng kwarto.
"Sumunod ka sa 'kin." Utos sa kanya ng matanda.
Hindi siya nag-atubili na sumunod dahil ayaw niyang makarinig na naman ng sermon.
"Ipapaliwanag ko muna sa 'yo ang lahat sa bahay na 'to."
Tumango lang si Bethany.
"Una, ang gising natin ay alas kwatro ng umaga. Hindi ka pwedeng kukupad-kupad. Kapag nag-ring na ang bell ay hudyat na 'yon na magsi-gising na ang mga kasambahay. Ang bell na iyan ay designed lang sa mga kwarto natin nang hindi makabulabog sa mga amo. Nauunawaan mo? Kaya ikaw lang ang gigisingin niyan."
"Kaya pala," bulong ng dalaga.
"Kaya pala ano?"
"Hehe, wala po," kamot ulong sagot ni Bethany.
"Alas kwatro, wake up time. Alas kwatro y medya ay call time natin sa kusina. Nakahilera na dapat ang lahat pagpatak ng alas kwatro y medya at kapag nahuli ka ay mag-isa kang magluluto. Hindi mo naman siguro 'yon gugustohin 'di ba?"
Paktay na. Ang hirap naman! Aniya sa isipan habang kagat-kagat ang mga labi niya.
"O-Okay po, Manang Lucile."
"Good. Pero dahil isang linggo ka pang trainee, ang kailangan mo lang gawin ay ang magsanay muna sa mga gawain at nandito ako para isupervise ka. Kaya kapag pumalpak ka, hindi lang ikaw ang mapapagalitan kundi pati na rin ako. Naiintindihan mo ba 'yon?"
Napanguso ang dalaga. "Y-Yes, I understand."
"Bakit ka ba ume-English? Akin na nga ang mga kamay mo." Utos sa kanya ng matanda saka ito sumenyas na ilahad ng dalaga ang mga kamay niya.
Bethany did so. Nang gawin niya iyon ay agad na hinawakan ni Manang Lucile ang mga kamay niya. Nanlaki agad ang mga mata nito nang maramdaman ang lambot ng palad ni Bethany. "Hindi ka nagtatrabaho! Ang lakas naman ng loob mo na mag-apply bilang kasambahay? Sa nakikita ko, ni hindi ka nga naghuhugas ng pinggan!"
Napaiwas ng tingin niya si Bethany. Paano ba nalaman ng matandang to? Por que walang kalyo ang kamay? Aniya sa isipan. Mukhang dito pa lang ay mahihirapan na agad siya ah?
Napanguso si Bethany ng kanyang mga labi nang una siyang dalhin ni Manang Lucile sa banyo. Napalunok agad siya ng laway. Kahit na malinis naman ang banyo, hindi pa rin siya ganoon kakomportable dahil ni sa bahay nila ay hindi nga siya humahawak kahit ng pangkuskos niyon. "Ito ang pinakamahalagang parte sa lahat. Nakikita mo ba 'yang bowl na yan? Ang toilet bowl na 'yan ay kailangang puting-puti at makintab sa linis. Dapat lagi rin iyang tuyo. Naiintindihan mo?" "E malinis naman ho ang nakikita ko e." Napailing-iling ang matanda. "Oo nga, malinis. Pero araw-araw ay kailangan mo pa rin iyang linisan para mapanatili ang linis nitong comfort room. Yung tipong pwede ka ditong mahiga at matulog. Ganoon kalinis." Napangiwi agad si Bethany saka napaatras. "That's so gross, Manang Lucile." Bulong niya. "May sinasabi ka pa ba dyan? Ineng, nandito ka para magtrabaho. Ipapaalala ko lang sa 'yo, okay?" Bethany cleared her throat. "Yes po. Hindi ko naman ho nakakalimutan 'yon. Madalas ko l
"PINATATAWAG ka ni Mr. Silvestre." Iyon ang mga katagang bumungad kay Bethany sa kalagitnaan niya ng pagkain ng tanghalian kaya agad na nagsitinginan ang iba pang mga kasambahay. Nagtaka naman si Bethany kaya agad siyang naapturo sa kanyang sarili. "Ako? Ako talaga? Are you sure about that, Manong?" tanong niya pa doon sa matandang lalaking katiwala sa mansiyon. "Oo. Ikaw si Betty 'di ba?" Agad na nalaglag ang panga ng dalaga. "Betty? Excuse me? Sabi ko na nga ba hindi ako e."Napaisip naman ang matanda para alalahanin kung sino nga ba ang pinatatawag ni Simon. "Ikaw iyong bago 'di ba?" tanong pa nito para kumpirmahin."Yes, ako nga." Confident pang sagot ng dalaga habang hinihipan ang kuko niya. "O e 'di ikaw nga ang pinatatawag niya. Tara na, Miss Betty. Baka mainip iyon at mabugahan tayo ng apoy." Bahagyang nakaramdam ng pagkairita si Bethany pero may respeto pa rin naman siya sa matatanda kaya tinikom niya na lang ang bibig niya. "Fine, manong. I will go. Tara na." Sumuno
KANINA pa iritable si Bethany dahil panay ang pagngisi ni Juancho sa kanya. May pa-kindat kindat pa nga ito na para bang gusto niya lang talagang inisin ang dalaga. Nasa kotse na nga sila ngayon at bumabyahe na papuntang bayan dahil doon ang mall dito na dinarayo ng lahat. Balot na balot si Bethany sa takot niya na makilala siya ng mga tao. So far, hindi pa naman siya hinahanap ng mommy niya through local TV. Iniisip niya na kinakalma siguro ng mom niya ang sarili nito at ayaw niyang mapahiya ang angkan nila kung sakali mang malaman ng lahat na nawawala siyaa. Kilala niya ang mommy niya. Hindi iyon gagawa ng kahit na anong ikakapahiya ng pangalan ng mga Chavez. “Alam mo, kahit na mag-cap ka pa, mag-jacket ng ilang layer at magsuot ng mask, wala namang magiging pakialam sa ‘yo ang mga tao rito. Hindi lang nila makikita ang maganda mong mukha. Ganon lang. Hindi ka ba naiinitan?” ani Juancho dahil ito pa yata ang nanlalagkit sa sobrang init ng suot ni Bethany. “What do you mean wala si
Naabutan ni Bethany ang mga kasambahay sa kitchen na nagbubulong-bulungan habang naghahanda ng ng tanghalian kaya dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa mga ito para makinig sa usapan nila.“Alam niyo, por que maganda siya feeling na niya ay magkakaroon siya ng special treatment dito. Ano siya, sinuswerte? Akala niya ba prinsesa siya dito?” wika ng isang katulong.Ito iyong katulong na panay ang ngiti sa kanya ah? Aba, now alam na niya na pinaplastic lang siya nito.“At rinig ko rin girl na pinag-shopping siya ni Mr. Silvestre. Hindi ba nakakaintriga ‘yon? E wala naman silang special relationship. Ke bago bago pero sipsip na agad? E paano naman tayo na ilang taon nang naninilbihan rito?”“Oh e paano kung may relasyon pala sila? Ang landi na niya kapag ganon!”Naningkit ang mga mata n Bethany sa usapang naririnig niya. Mga bruhang to? They’re talking behind my back?“Hello! Pasensya na kayo if I was late. E kasi, ang dami kong bilini e. ano pa bang ibang gawain sa kusina?” patay mali
Sunod-sunod ang pagtunog ng hugis bilog na hawak ni Bethany. Nagva-vibrate kasi iyon at tumutunog tuwing may iuutos sa kanya ang amo niya kaya lagi itong nasa bulsa ng uniporme niya. Iba na rin ang uniporme niya sa ibang mga kasambahay. May pormal ito. Mahaba ang manggas. Init na init na nga siya sa haba niyon at hindi siya sanay. Nang muling tumunog iyon ang nag-vibrate ay natataranta na naman siyang pumasok sa silid ng binata. Sumilip nga siya muna sa pintuan bago tuluyang pumasok. Malay niya ba e baka may kung ano siyang makita kapag bigla-bigla niya itong pasukin. Nang mapagtantong tila safe naman ang mga mata niya sa kung anong makikita niya ay tuluyan na nga siyang pumasok. "Ehem, ano hong gusto niyong iutos, Sir?" ani Bethany pa sa mahinang boses. Sobrang tahimik ng buong kwarto. Tila nakakabingi. Lalo pa at si Simon, nakatalikod sa kanya, nakatanaw na naman sa bintana at tahimik. "I need a bath, Betty. You need to undress me." Pagkasabing-pagkasabi niyon ni Simon ay
UMAGANG-UMAGA ay tsismis na naman ang almusal ng mga marites na mga kasambahay sa kusina. Habang nagluluto ay sinasahugan yata nila ng paninira sa buhay ng iba ang mga niluluto nilang agahan. Gusto lang sanang magkape ni Bethany pero mukhang siya na naman ang pinagpipiyestahan ng mga ito. Sinadya na nga lang niya na kumanta-kanta na may pa-humming humming pa para makuha ang atensyon ng mga ito. "Lalalala, hmmmm. Uy anong meron? Baka may gusto kayong ikwento, share niyo naman sa 'kin. Para namang hindi tayo magkakasama e." Nakanguso pa niyang sabi na halata naman na pina-plastik niya ang mga ito. Pero syempre, todo ngiti pa rin siya para hindi ipahalata sa mga kasama. "Ay beh. Tapos na kwento namin e. Nahuli ka nang dating. Next timek, agahan mo naman para makasali ka sa usapan." "Oo nga, para hindi ako mapag-usapan, ano. . ." Bulong niya sabay kagat ng saging na hawak niya. "May binubulong ka ba, Miss?" tanong pa ng isang atribidang kasambahay na nakatirintas pa ang buhok. Ito
HINDI masydadong kumportable si Bethany na kasama nila sina Juancho at si Cheina. Hindi tuloy siya makagalaw ng maayos sa harap ng mga ito. Nasa farm na nga sila at minamasdan pa lamang niya ang plantasyon ng mga prutas at gulay ay amazed na amazed na siya. "So, Clarke, what keeps you busy these days? Since, hindi ka naman na nakakalabas ng mansiyon," tanong ni Cheina habang nakangiti ng matamis sa binata. Halata mo ang kuneksyon sa kanilang dalawa. Which is acceptable dahil matagal na silang magkakilala. Pero ang mga titig ni Cheina, hindi man nito sabihin pero halata naman na may pagtingin ito sa binata. Napatanaw si Simon sa malayo. "Well, uh, nothing really. I do check everything here in the plantation. Lahat ng mga iniwang trabaho sa 'kin ng mga magulang ko. I managed those well despite my condition. Saka, hindi naman to permanente. Once I get well, I can do everything that I wanted." "That's good. Your condition did not hinder your responsibilities. Mas lalo mo akong napapa
CHAPTER 11 Hindi rin sukat akalain ni Bethany na si Simon pa mismo ang mag-aaya sa kanya na magpunta sila sa plantasyon. Ang sabi ba naman sa kanya ni Manang Lucile ay tila nawalan na si Simon ng gana pa na magpupunta doon simula noong naaksidente siya. Habang tulak-tulak niya ang wheeled chair ng binata ay sinasalubong rin sila ng malakas at preskong hangin.Bagay na gustong gusto ng dalaga dahil hindi ganito kasarap ang simoy ng hangin sa syudad. Bigla na lamang nga sumagi sa isip niya ang napabayaan niyang jowa at matalik na kaibigan. Sa takot niya na mahanap ng magulang niya, imbes sana na ko-contact-in niya pa ang mga ito ay umatras na lamang siyang bigla dahil baka madamay pa ang dalawa. Kumusta na kaya sila? Nami-miss rin ba nila ako? “Kaysa mag-isip ka dyan ng kung anu-ano, why not pick me a fresh mango.” Walang anu-anong wika ni Simon. Napabalik sa ulirat niya si Bethany. “H-Ha? E puno ng mangoes yung basket natin kanina ah? Bakit mo paako pagpipitasin ngayon? Okay ka lang