Bethany Gayle Chavez-- Sweet, sassy, kikay. Balingkinitan din ang katawan niya at sa kutis niyang mestisa ay sino nga ba ang mag-aakala na papasukin niya ang ganitong trabaho? Isa lang naman siya sa mga magagandang mukha ng university na pinapasukan niya sa Manila. Graduating na nga sana siya ng kursong architecture kung hindi lang umepal ang mommy niya at nanguna sa mga desisyon niya sa buhay ay hindi naman sana siya lalayas at magpapakalayo-layo. Ikaw ba naman ang ipakasal sa isang matandang mayamang Chinese, matutuwa ka ba? E baka nga uugod-ugod na 'yon. Malayo sa pangarap niyang guwapo, mayaman, at syempre, kahit na hindi niya kasing edad basta hindi naman na magse-senior citizen.
Sobrang tahimik ng mga lalaking kasama ni Bethany sa sasakyan. Mapapanis yata ang laway niya. Akala niya ay tatahimik lang ang mga ito hanggang sa makarating sila sa paroroonan nila pero biglang nagsalita ang lalaking katabi niya.
"Ehem." Panimula pa nito kaya naagaw nito ang kanyang atensyon. "Dahil nandito ka na, unang una, hindi ka na pwedeng humindi pa. Nakapasok ka na sa trabahong ito kaya wala ka nang lusot maliban na lang kung si Boss mismo ang magpatalsik sa 'yo. Naiintindihan mo ba 'yon?"
Bahagya siyang natakot sa baritonong boses nito. Bakit parang illegal naman yata tong pinasok niya? Nakakatakot naman tong mga kasama niya! Hindi kaya hindi talaga pagkakatulong ang gagawin niya? Kinakabahan siya kaya hindi siya pwedeng pumikit man lang o kumurap dahil kapag ginawa niya iyon ay baka ibenta siya ng mga ito.
"Miss? Nakikinig ka ba o tutulala ka na lang dyan habang buhay?" Saway sa kanya ng lalaki kaya napabalik siya sa kanyang ulirat.
"Ay, hehe, sorry po! I did not mean to look stupid but yeah. I am listening of course."
Hindi makapaniwala si Bethany na ang mala-fairy tale nyang buhay ay magiging ganito. Never in her life she imagined escaping from her family and applying as a maid! Sa takot niya na maikasal sa matandang intsik ay mas masisikmura niya pang maging katulong na lang. She is graduating real soon at a prestigious university. But she heard from her mom na ipapakasal siya nito sa isang matandang negosyanteng instik para mas lumawak pa ang kuneksyon at ari-arian ng pamilya nila. Bagay na hindi niya pinahintulutan. Kapag hindi naman siya pumayag, she will be forced to. Kaya minabuti niyang tumakas.
Napakunot noo ang isang lalaki na nagmamaneho ng sasakyan. Maya-maya pa ay nakatanggap ang mga ito ng tawag. "Sir, yes? Opo. Kasama namin. . . Uh, hindi ho halata na trabaho ang pinunta. Opo, Sir. Malapit na kami."
Iyon lang ang narinig niya at duda niya ay siya ang tinutukoy nito. Boss kaya nila ang kausap nito sa cell phone? Napatingin naman tuloy siya sa ayos niya. Maganda pa rin naman siya kahit na halatang wala siyang ligo. Saka sa ayos niya kasi ay hindi halatang mangangatulong. Para siyang magpi-pictorial sa beach. Hindi kaya baka hindi maniwala ang mga ito na katulong ang a-apply-an niya? E ano bang pakialam nila. Psh. Aniya sa isipan.
"Is it far pa ba, manong?" conyo niyang tanong sa katabi niyang lalaki.
Kailangan niyang magdahan-dahan at baka masampal siya. Tanggal ang ipin niya kapag nangyari yon dahil sa laki ng katawan nitong mga kasama niya. Kaya kailangan niyang maging mahinahon at hindi niya pwedeng pairalin ang pagiging m*****a niya at spoiled.
"Malayo pa, Miss. Sigurado ka bang magkakatulong ka o mag-a-apply ka bilang boss?" Natatawa pang wika ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan.
Nagsitawanan naman silang tatlo.
"Ang corny ng joke mo, manong. But yes, ayaw niyo ba? Nag-a-apply na nga 'yung tao e. Huwag na kayong choosy." She murmured.
Napailing-iling na lamang silang tatlo. Iniisip nila na hindi na nila ito dapat kausapin pa dahil mukhang may attitude ang dalaga.
Pagdating nila sa hacienda ay nalula si Bethany. Akala niya, pagpasok ng gate ay bubungad na agad sa kanya ang mansiyon pero hindi pala. Papasok pa lang iyon sa loob. Ang daming pananim at mga puno ang dinaanan nila. Sobrang laki at lawak na lupain naman nito. Hindi siya makapaniwala na isang pamilya lang ay may-ari nito. Well, they have a lot of properties too. Iyon lang ay hindi niya iyon masyadong napupuntahan kaya hindi niya rin alam kung anong itsura. Masyado kasi siyang tutok sa pagiging studyante niya. Hindi naman kasi siya katalinuhan kaya ganon na lang kung magpursige siya.
"We 're here," wila ng lalaking katabi niya saka siya pinagbuksan ng pinto.
"Welcome to Hacienda Apolonia. Ito ang isa sa pinakamalawak at pinakakilalang hacienda sa probinsiyang ito. Minana na ng boss namin ang lahat nang naabot ng mga mata mo. Magiging boss mo na rin siya kaya pag-igihan mo." Wika naman ng isa na may moustache.
Inilibot nga ni Bethany ang kanyang paningin. Sobrang laki! Nakakalula! Pero gandang ganda siya sa lugar. Nakakabighani. What a nice place to live and start a new life!
"Ang dami niyo pang sinasabi ano ho? Hindi naman ako nandito para kumalap ng datus tungkol sa hacienda ng boss niyo. I am here as a maid. So, tara na ho ano po?" sarkastiko pang sagot ni Bethany habang nakapamewang.
Parang nananaginip pa rin kasi siya hanggang ngayon. Nasanay kasi siya na siya ang pinagsisilbihan. Pero ngayon siya naman ang maninilbihan. Hindi niya tuloy alam kung kakayanin niya ba ito?
"Okay, dalhin niyo na 'yan. Nagmamadali yata na masesante."
Nagpantig agad ang tenga ni Bethany sa mga sinabi nito. Hindi pa nga siya naha-hire completely, sesante agad ang maririnig niya?
"Excuse me, Sir? Paano niyo naman nasabi na masesesante agad ako? Masipag kaya ako." Confident niyang sagot. Masipag naman talaga siya. Natulong pa nga siya minsan sa mga kasambahay nila sa mansiyon. Kaso, wala lang talaga siyang alam sa pagluluto. Cooking is hell for her. Saka, marunong lang siya pero hindi magaling. Natulong nga siya sa bahay pero madalas palpak. E syempre, kapag sinabi niya iyon, e di baka hindi na sa kanya ibigay ang trabaho. Kaya kailangan niyang magpa-impress muna.
"Wala 'yon sa sipag sipag lang kundi sa tatag, Miss. Sa ingay mo pang 'yan at pagiging masyadong demanding, hindi ko na lang alam. Tara na para wala ka nang masabi." Inis na sagot naman pabalik nung lalaki.
Sinamahan siya ng tatlo sa mayordoma ng mansiyon. Nakataas pa nga ng kilay ang matandang mayordoma na may hawak na pamaypay. May aircon naman pero bakit may paypay pa ito? Kunot noong tanong ni Bethany sa kanyang isipan.
"Ito si Manang Lucile. Siya ang mayordoma ng mga kasambahay dito. Kailangan mo siyang pakisamahang mabuti at sundin. Naiintindihan mo ba?"
Tumango-tango lang ang dalaga. "Yes, I do. Uh, but excuse me, Manang Lucile? Bakit ho kayo nagpapaypay e may aircon naman ho dito sa loob ng bahay?" Pag-uusisa niya pa.
Naningkit ang mga mata ng matanda. "E bakit ka ba nag-uusisa?" pasuplada nitong sagot.
Napatakip si Bethany sa bibig niya dahil nasa isip niya lang naman iyon kanina. Hindi niya namalayan na nasabi na pala niya.
Maya-maya ay bigla na lang ngumiti si Manang Lucile. "Biro lang! E kasi nag-iihaw ihaw kami sa labas. Kaya may dala akong abaniko. O siya, dito ka na muna. Ayun ang kwarto ni Sir sa ikatlong kwarto. Knock before you open para hindi ka mabugahan ng apoy ha?" Bilin pa nito.
Nambubuga pala ng apoy ang amo nila? Oh, can't wait to wake the sleeping dragon. . .teka parang iba yata iyon. Well. . . Aniya sa isipan. This seem challenging to her kaya naman she is ready to bring it on. Huwag lang siyang mapunta sa matandang intsik na iyon na parang masamang damo na matagal mamatay.
HINDI pinabayaan ni Juancho si Bethany hanggang sa pagpasok nito sa unang araw niya sa University. Syempre, hindi naman niya iyon gagawin kung walang utos mula kay Simon. May iniingatan silang sikreto na hindi maaring mabunyag kaya naman hanggang sa school ay bantay-sarado si Bethany ng mga body guards mula sa malayo.Pag-apak na pag-apak niya pa lang sa university ay ramdam na niya ang mapanuksong titig sa kanya ng mga studyante doon. Alam niyang sa mga titig ng mga ito ay kinukutya na siya at pinagtatawanan. Not the life that she has before. Sa dati niya kasing school ay isa siya sa campus crush. Tila bumaliktad tuloy ang mundo niya rito. Pero hindi na naman iyon bale. Ang mahalaga sa kanya ay matuloy niya ang pag-aaral niya. "I heard she's the transfer student. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng karibal dito. E mukhang kuko ko lang 'yan, e." Wika ni Ericka. Anak ng mayor ng lugar nila. Napakaganda rin naman nito pero hindi maganda ang ugali. Isama mo na ang mga minion niya na
UNANG araw ni Bethany bilang isang studyante sa isang unibersidad sa probinsya. Graduating na siya at huling taon na lang niya ito pero pakiramdam niya ay first time pa rin siyang tutungtong ng kolehiyo. Siguro dahil first time niyang maging transfery at magpanggap na nobody para pagtaguan ang pamilya niya na hanggang ngayon ay wina-wanted siya. Mangiyak-ngiyak siya ngayon sa harapan ng salamin. Tila ba kinakausap ang sarili. "Do I really need to make myself ugly? Mukhang mahirap iyon ha," aniya pa sa sarili. "You have to. Kung gusto mong mag-aral nang normal at hindi kinukuyog ng mga studyante." Halos maitapon niya ang brush na hawak niya nang biglang magsalita si Simon mula sa kanyang likuran. "Can't you knock bago ka pumasok ng room ko, Sir? Aatakihin ako sa 'yo sa heart, e." Maarte nitong sagot. "Isa pa, it's just 5AM oh. Why are you gising na ba?" she added. "I forgot to tell you that you still need to wake up early and help the maids before you go to school. It would help if
MUKHANG kakaiba ang kinikilos ngayon ni Juancho kung kay Bethany pa. Mukhang mas mabait yata ito ngayon? E, the last time she checked, wala naman itong ambag sa buhay niya kundi ang asarin siya at sabihang baliw.“And what is this?” tila disappointed na sagot ng dalaga habang inaabot sa kanya ni Juancho ang pang-disguise niya.“Syempre kailangan mong mag-disguise.”Kibit-balikat na lang na tinanggap iyon ni Bethany. Sinuot niya ang cap, glasses, at mask. Hindi na siya nag-jacket pa dahil mas magmumukha siyang hold-upper kapag nagkataon.“In fairness, maganda ka pa rin kahit na balot na balot ang mukha mo.”She smiled. “Well, thanks. Ako lang ‘to.“Ayan, ngumiti ka nang gumanda ka lalo. We will go to a university in the nearby town.” Prangkang wika ni Juancho.Tila namilog naman ang mga mat ani Bethany sa mga sinabi nito. They’re going to school? Ibig ba nitong sabihin, she’s going back to school? For real?“W-Wait, anong g-gagawin natin don?” nagtataka niyang tanong na tila may kasaman
"Coffee?" Bethany offered. Napaangat ng tingin niya si Simon para salubungin ang magagandang mga mata ni Bethany. Kanina lang ay halos malunod na siya sa iniisip niya dahil sa sobrang lalim niyon. Buti na lang, dumating si Bethany."You're late, Betty. I just had mine." Puna pa nito sabay balik ulit ng kanyang tingin sa kawalan. Pagkatapos non ay tahimik na ulit siya at hindi na muli pang nagsalita.Paalis na sana ang dalaga nang magsalita si Simon. "Leave the coffee."Natigilan si Bethany. Kahit na anong bantot ng dating ng "Betty" sa kanya, kapag si Simon na ang bumibigkas non ay tila nagiging sosyal bigla sa pandinig niya. Ang lamig ng boses ni Simon. Tila ba nanuot iyon sa buong katawan niya. Well, lagi naman siyang ganyan. But it's way different today. Para bang sobrang seryoso nito. E parang kagabi lang ay medyo ayos naman siya na nakikipag-usap kay Darryl. Nagtataka tuloy si Bethany kung anong nangyari. Bigla na lang itong nanlamig. E madalas, ito pa nga ang mas malakas na mang
It's half past eight when the doctor came to check on Simon. Kagat labi pa si Bethany nang pumasok ang doktor dahil tulad nang ini-imagine niya ay hindi siya nagkakamali na guwapo ito. Maputi, mabango, at halatang malinis. Matangkad rin ito at napakaprominente ng jaw line kaya naman hindi niya maiwasang hindi ito titigan ng matagal na kulang na lang ay tunawin niya ito. "Ehem." Simon interrupted. Agad na napaayos ng tayo niya ang dalaga sabay sipit ng buhok niya sa kanyang tenga. "I assume you are Simon's--" "Ah, oo. Ako ang bago niyang Yaya." Pagdidiin pa ni Bethany habang natatawa. Napatakip ng bibig niya ang doctor na tila ba pinipigilan ang matawa. Paano ba naman, pinagdiinan kasi talaga ni Bethany ang salitang Yaya na para lang naman sana sa mga bata. "Tsk. Stop laughing, Darryl!" Saway nito sa doctor. Napatango-tango ang dalaga. Ohh, so si Darryl pala siya? Cool name. Bagay sa kanya. Anito sa kanyang isipan habang simpleng nakatitig sa doctor. Bata pa nga ito. Napaisip tul
KINIKILIG? ME? NEVER. Ani Bethany sa isipan habang sinasariwa ang mga binitawang salita ni Simon sa kanya. Alam naman niya na inaasar lang siya nito ng bongga. Akala naman niya madadala nito si Bethany sa charm niya? After so many months ay nakahanap ng tyempo si Bethany na ma-contact ang kaibigan niya. Ilang beses na siyang nag-attempt na makipag-communicate rito pero hindi siya makakuha ng timing. Now is the time. Alam niyang sasabog sa galit ang best friend niya pero kailangan niya itong tanggapin. She dialed her best friend's number. Nakailang ring pa lang siya nang agad na sagutin ng kaibigan niya ang tawag. "A-Antonette." Bulong niya sa kabilang linya. Napasinghap si Antonette nang marinig pa lamang ang boses nito. "T-Tangina mo, Bethany!! Bwiset ka! Bakit ngayon ka lang tumawag?" halos bulong nitong sagot. Pilit na hinihinaan ang boses niya. Pero halata ang panggigigil nito sa tono ng kanyang pananalita. Nanginig agad ang mga kamay ni Bethany. Finally. Ito na iyon. Ang araw