Share

Kamatayan sa Kaarawan

Byernes na, araw ng kaarawan  ni Julian kaya naman nakapag-leave siya para sa importanteng araw na ito. Maagap na kumilos ang lalaki, lalo pa’t mayroon siya nakahandang sorpreso sa asawa’t anak. Madali niyang pinuntahan ang bahay na pinag-ipunan niyang mabili sa loob ng limang taon. At ngayon ay handa na ito para malipatan nila, bahay na gusto niyang maging parte ng kanilang pagsasama ng asawa.

Nang matapos ang mga kailangang asikasuhin ay nagtungo siya sa grocery store upang bumili ng cake, pinili niya ang caramel flavor na paborito nila pinalagyan ‘yon ng lettering para sa pagwelcome sa kanilang bagong bahay. 

Kailangang magmadali ni Julian dahil ang paalam niya sa kaniyang asawa’y may importante lang siyang kailangang asikasuhin patungkol sa kanilang bank account, kaya ng makuha ang cake ay binalak na niyang dumiretso pauwi. 

“Sana’y magustuhan ito nila,” masaya niyang sabi sa sarili.

Bitbit ang cake ay tinungo na nga ni Julian ang sasakyan, maaliwalas ang panahon kahit magta-tanghali na, walang bahid ng ulan o ano pa man. Ngunit ng akmang papaandarin na ni Julian ay sasakyan ay para bang nakita niya ang asawang si Alice sa di kalayuan. Hindi siya nagkamali nang mas namataan ng maayos ang nakita. 

“Alice? Ano’ng ginagawa niya rito?” pagtatanog nI Julian. Kinutuban siya sa kilos na iyon ng asawa lalo pa’t wala man lang itong pasabi sa kaniya na may balak siyang umalis. Ngunt mas pinili niyang maging positibo, sinabi niya sa sarili na baka may sorpresa na ginagawa ang asawa niya para sa kaniya. Pero dahil sa hindi matinag ang pangamba sa isipan ni Julian ay naisipan niya rin na sundan ang asawa. Una’y tinawagan niya ito, medyo nangangatal pa ang kaniyang kamay habang naghihintay ng sagot mula rito. Nakita niyang tinignan ni Alice ang telepono pero hindi sinagot ang tawag niya. Naningkit ang mga mata niya sa pagtataka dahil hindi gawain ng asawa na hindi pansinin ang mga tawag niya. 

Mula naman sa kinatatayuan habang tirik ang sikat ng araw ay pinara ni Alice ang isang taxi, nagmamadali siya sa pagkilos dahil sa labis na kaba rin sa dibdib. Naka-receive kasi siya ng text mesage kay Harold, pinapapunta siya nito sa Hotel nila. Alam ng kalaguyo na walang pasok si Julian kaya naman nagbalak na naman ito na magkita sila. 

Kahit na araw ng kaarawan ng asawa ay hindi siya nag-alinlangan na makipagkita rito, dahil kapag natapos ang gabi ay mukhang ito na rin ang magiging huling pagkakataon ng kanilang pagkikita. Makukuha na ni Julian ang kaniyang mana kaya wala na ring dahilan upang ipagpatuloy niya ang pagsunod sa mga kagustuhan ni Harold. Oo, mahal niya si Harold, pero mas kailangan niyang mabuhay ng maayos kasama ang anak. Sa isip niya’y kung kaya lang sana siyang ipaglaban ni Harold ay sasama siya rito kahit pa may masasaktan siyang iba. Kaso’y impossible…

Matagal rin ang inabot bago ni Alice narating ang Hotel, sinabayan ng traffic ang nerbyos na nararamdmaan niya kaya naman walang humpay sa pangangatal ang kaniyang mga kamay. Kaya nang makababa sa taxi’y mabilis niyang tinawagan si Harold para malaman kung nasaan ito.

Nagmamadali si Julian na i-park ang kaniyang kotse, ayaw niyang makawala sa mata ang asawa. Medyo diskumpiyado siya sa ikinikilos nito ngayon. Lakad takbo na niyang tinungo ang lobby upang magtanong kung ano ang itinungo ng kaniyang asawa sa Hotel. Ayaw ibigay ng receptionist ang detalye sa kaniya kahit na doon siya nagta-trabaho, anito’y para raw sa privacy ng nagche-check-in sa kanila. 

Kaya naman wala siyang magawa ng oras na ‘yon, dahil kahit na ipagpilitan niya pa’y isa lamang siyang Janitor Head sa Hotel, hindi magdi-disclose ng impormasyon ang sino man para sa kaniya. Wala na siyang magawa kundi ang maghintay sa lobby, aabangan na lang niya ang asawa na bumaba upang malaman kung ano ang pagay nito sa Hotel.

“Magbo-book ba siya ng reservation para sa birthday ko? Pero bakit kailangan na pumunta pa siya? P-puwede niya namang itawag na lang ang bagay na iyon, hindi pa magiging mahirap sa kaniya,” panay ang pagbibigay ng kuro-kuro ni Julian sa sarili. Pilit niyang pinapakalma ang sarili.

“Tama, baka nag-o-overthink lang talaga ako.”

“Hmm. Siguro dapat ay umuwi na ‘ko, kunwari’y wala akong nakita. Baka mamaya ay masira ko pa ang pinaplano niya.”

Nakumbinse na rin ni Julian ang sarili na walang ginagawang masama ang kaniyang asawa. Kaya naman minabuti na niyang maunang umuwi para makapaghanda. Kailangan niya ring sunduin pa ang anak sa eskwelahan nito.

“Tawagan ko na siguro si Terra para maitanong ang tungkol sa-”

“Julian?” Hindi inaasahan ni Julian na may tatawag sa kaniya. Hindi naman ‘yon boses ng kaniyang asawa pero mabilis pa rin siyang napalingon. 

Bumungad sa kaniya ang pigura ng isang babae na nakasuot ng pormal, mariing napakunot ang kaniyang noo sa pagkilatis dito. Mukha siyang guro. Ilang ulit pang napatitig si Julian sa babae dahil sa pamilyar nitong features. Pero hindi niya malaman kung saan ba niya nakita ang babaeng kaharap.

“Ahm. Kilala mo ba ako, Miss?” sa wakas ay nakapagtanong na siya rito. 

“Oo naman, Julian Kordal ng Western College, ‘di ba? I’m Zara,” napakalawak ng ngiti na iginawad nito sa kaniya. Ngiti na para bang hindi kakaiba sa kaniya.

“Zara,” ulit ni Julian. Sa dulo ng isipan niya’y wala siyang Zara na matandaan noong College niya. Siguro sa dami ng estudyante noon kaya nagkalabo-labo na sa isip niya ang pangalan ng mga naging kaklase niya noon. Pero may bahagi rin sa utak niya na may Zara nga siyang kakilala.

“Hmm, pasensiya ka na ha, naging makakalimutin na ata ako, pero, hi Zara. Masaya kong  nakita ka rito,” ayaw niyang maging akward  para sa babae ang meeting nila na ito. Masyado naman atang makaka-offend sa kaniya kung malaman na hindi niya naman talaga nakikilala ang babae.

“San ka pupunta? May lakad ka ba? Baka gusto mong magcoffee?” Sa muling pagsilay ng ngiti sa labi ng babae ay bahagya ring nagtago ang kalahati ng mga mata nito. Hindi maipagkakaila na maganda siya, lalo pa sa dimple nito na lumilitaw sa kanang pisngi lang nito.

“Sorry, medyo busy kasi ako ngayon, sa susunod na lang siguro,” ani Julian. Nagmamadali na rin talaga siya’t wala na sa isip pa ang sumimsim ng mainit na kape ngayon. 

Tumango-tango naman si Zara bilang tugon sa dati nitong blockmate, masaya siya na makita ito ngayon sa loob ng mahigit labing pitong taon. Nahalata niya na para bang natataranta si Julian dahil sa hand gestures nito, natatandaan niyang mahilig ang lalaki na patunugin ang kaniyang mga daliri sa tuwing nakakaramdam ng nyerbyos o takot kaya naman minabuti niyang ibahin ang atmospera sa pagitan nila.

“Julian wait,” biglang pagpigil ni Zara rito. “‘Di ba asawa mo si Alice?”

Doon nagkaroon ng interes si Julian para maayos na harapin ang babae na nagpakilalang Zara. “O-oo.”

“Para kasing nakita ko siya kanina sa loob, pero hindi ko sigurado kung siya talaga ‘yon-”

“Puwede mo ba ‘kong gawang ng pabor? Ibibigay ko sa ‘yo ang number ko. Kapag nakita mo siya mamaya, puwede bang kontakin mo ako?” Hindi na pinatapos pa ni Julian si Zara sa pagsasalita, dali-dalai rin nyang ibinigay ang cell number dito. 

“Salamat, hihintayin ko ang message mo,” wala ng ano-ano pa’y mabilis na gumayak si Julian papalayo habang naiwan naman si Zara na nagtataka.

“May nangyari kaya sa kanila?” aniya sa kawalan. “Birthday pa naman niya ngayon,” napangiwi na lang ang babae habang nakatanaw sa papalayong pigura ni Julian.

Alas sais ng gabi. Hindi inaasahan ni Julian na naghanda ng salo-salo ang ina para sa kaniyang kaarawan. Nagulat na lang siya ng tawagan ng kapatid na magpunta sila sa Mansiyon para doon gawin ang selebrasyon ng kaniyang kaarawan. Pumayag si Julian dahil ayaw niyang madisappoint ang ina, lalo pa ngayon na nalaman niyang naghanda ito para sa kaniya. Isinantabi niya muna ang sorpresa sa asawa at anak, binalak niyang ipapakita niya na lang iyon kapag pauwe na sila.

Ngunit hindi mapakali si Julian sa pagiging ilap ng kaniyang asawa, hindi niya ito matawagan. Panay rin ang hintay nya kay Zara na kumontak sa kaniya upang malaman kung nagkaro’n ba ito ng pagkakataon na makita ang asawa sa Hotel.

Sakto lang ang pagdiriwang sa Mansiyon, sapat para sa anim na miyembero ng pamilya. Subalit wala pa rin si Alice at maging si Harold ay hindi wala rin. Hindi naman umaasa si Julian na darating ang kapatid niya dahil kahit minsan naman ay hindi ito nagkainterest sa kaniyang kaarawan. 

“Alice, nasaan ka na ba?”

Ilang beses pang ni-dial ni Julian ang number ng asawa pero wala talagang sagot, hanggang sa ibinalit ng isang katulong na dumating na nga ang asawa.

Nagulantang siya sa ayos nito, naka-white dress ang asawa, mataas ang suot na takong at full pack ang make up. Sa katunayan ay napatunganga siya sa kagandahan ng asawa. Kumikinang ito na parang diyamante sa na natamaan ng sikat ng araw.

“Hi Hon, Happy Birthday!” Niyakap ni Alice ang asawa na animo’y parang wala lang ang ginawang pagtataksil dito sa araw mismo ng kaniyang kaarawan. “Sorry, hindi ako nakapagpaalam sa ‘yo, gusto kasi kitang sorpresahin,” nangunot ang mata ni Alice. Sinusubakan ng babae na paamuhin ang asawa sa pamamagitan ng paglalambing nito, tiyak siyang gagapang na naman ang asawa sa kaniya at mawawala ang anumang pangamba nito.

“Heto nga pala, Hon, para sa ‘yo,” anito sabay abot ng isang maliit na box sa walang kamalay-malay na lalaki. 

“Ba’t nag-abala ka pa, Hon? Alam mo namang hindi importante sa ‘kin ang mga materyal na bagay. Basata ba’t kumpleto tayo ay ayos ‘ko.” Tama nga si Alice patungol sa asawa, mabilis itong umamo basta gagamitan lang niya ng kaniyang ‘charms’.

  Naging masaya ang gabi sa Mansiyon ng mga Kordal sa presensiya na rin ni Terra at Jessie. Hindi gano’ng nagpapakita ng kawilihan si Hesusa pero hindi rin naman siya naging outcast sa kasiyahan. Nadagdgaan pa ang ingay ng dumating si Harold, na may dalang cake at wine para kay Julian. Nakapagtataka sa side ni Julian pero natuwa na rin siya, inakala niyang baka may nakatago namang pagmamahal ang kapatid para sa kaniya. Nakangiti niyang tinanggap ang regalo nito’t iniutos sa katulong na ihapag para sa kanila. 

Pero ‘yon ang hindi alam ni Julian, na ang pagmamahal ang bagay na pinakahuling maibibigay sa kaniya ni Harold.

Nauwi sa pagkakaroon ng night swimming sa labas ng side pool ng Mansiyon, ang nagpasimuno ay walang iba kundi sina Terra at Jessie. Sa Gazebo naman nagstay sina Hesusa, Julian, Alice at Harold sa harap nila ay isang bote ng red wine. May kalamigan ang gabing iyon at bilog na bilog ang buwan, ilang oras na lang ay matatapos na ang araw na kaarawan ni Julian. Bakas na bakas na sa mukha niya ang kasayahan, dahil bukas ay matatapos na ang pagiging mababa niya bilang isang Kordal, natitiyak niya ‘yon sa sarili.

“Hon, excuse muna, kailangan ko lang mag-cr. Mabilis lang ako. Ma. . .” magalang na pagmamaalam ni Alice sa kaniyang mga kasama.

Nagmamadali si Alice na nagtungo sa second floor, tinungo niya ang guest room dahil balak niya rin na magtagal. Hindi pa rin kasi siya talaga nahihimasmasan sa nangyari ngayong araw. Binabalot siya ng guiltness para kay Julian, na sa isipan niya ay hindi naman dapat.

“Hindi naman talaga siya ang gusto kong makasama, hindi siya ang pinangarap kong maging asawa,” aniya sa harapan ng salamin. Lumingid ang munting luha sa mga mata ni Alice, kung bakit kasi’y kailangan pa siyang ipagtabuyan ni Harold noon kay Jullian.

“Gusto ko nang maging masaya,” aniya pang muli.

“Ano ba’ng dapat kong sundin?”

Naitakip na ni Alice ang mga palad sa mukha, ilang beses din s’yang napabuga ng hangin upang subukang ikalma ang sarili.

Pero ang pagda-dramang iyon ng babae ay naputol ng isang kalabog mula sa labas ang umalingawngaw, hindi iyon gano’ng kalakas mula sa kinatatayuan niya pero nakakagulat pa rin. Binilisan niya ang kilos upang malaman ang nanagyayari mula sa ibaba, ang unang rumehistro sa utak niya ay ang anak na si Jessie. Ilang beses pang may lumagapak habang sahig na sadyang ikinagulat na niya. Lakad takbo, kamuntik na nga siyang mapada sa hindi wastong pagtama ng suot na stilleto sa sahig.

“Julian? Harold?” Nanlaki ang mga mata ni Alice ng mabungaran ang pagbubuno ng dalawang lalaki sa receiving area ng mansiyon. Dali-dali siyang bumaba sa may katarikan at pa-ikot na hagdan upang daluhan ang magkapatid na nagkakasakitan.”

‘Pa-papa…” hikbi ni Jessie ang unang rumehistro sa utak niya. Ang magtita ay magkayakap habang umiiyak sa nangyayari. Ang inang si Hesusa naman ay may pagkataranta na nakapinta sa mukha, hindi rin nito malaman kung ano ang dapat na gawin sa dalawa. 

Ilang housemaid ang nakiusyoso, tila ba isang shooting ng pelikula ang marahas na nagaganap sa mga oras na ‘yon.

“Tumawag kayo ng Securiy!” Sigaw ni Alice na siya namang ikinatalima ng mga kasambahay. 

“Terra,” yugyog niya sa hipag na mukhang wala na sa sarili sa shock na nararamdaman. 

“Terra!” Isang sampal na ang dumapo sa pisngi ng kapatid. At ng makabalik si Terra sa sarili ay si Jessie kaagad ang pinansin nito. “Umalis na muna kayo, isama mo si Jessie. Mas mabuti siguro kung umuwi kayo sa bahay, sige na.” Sa puntong ito’y alam na ni Alice kung ano ang pinag-aawayan nina Julian at Harold. Nahulaan na niya mula sa mga sinasambit ng asawa. 

Nalaman na nito ang lihim nila. Ngunit papaano?

Nang tumalima si Terra sa utos ni Alice ay ang pag-agap naman sa asawa ang ginawa niya. Ngayon ay dinig na rin niya ang tinig ng inang si Hesusa habang inaawat ang mga anak nito. 

“Julian, tama na.”

Pero hindi maawat ang dalawa, si Harold ay may tama na mula sa ilang baso ng alak na nainom at si Julian ay desidido sa mga suntok na binibitawan para sa kapatid. Sa lakas ng impact na dala ng kamao niyang masasabi na napakabigat ng pinanghahawakan na poot sa puso nI Julian. Para siyang bulkan na sasabog, naglalagablab. 

“Walanghiya ka, nirespeto kita kahit na hindi maganda ang turing mo sa ‘kin. Kapatid kita, pero inaahas mo ang asawa ko?” Isang suntok, dalawa at tatlo.

Halos walang palya sa mga kamao na pinapakawalann ni Julian, lahat ‘yon ay nasasalo ng katawan ni Harold.

“Hindi kita mapapatawad, papatayin kita!” 

“Julian, ano ba tama na!” sigaw ni Alice na siyang nakaagaw sa pansin ni Julian.

Ang asawa niyang taksil!

May bakas na rin ng dugo sa mukha ni Julian, marahil ay dahil sa pagkakatama sa kaniya ng isang vase na ginamit ni Harold bilang pangganti sa panankit nito.

“Ano’ng nagawa ko para lokohin mo ko?” Ngayon ay kay Alice nalipat ang atensiyon niya.

“W-wala Julian… S-sorry. Please, tama na,” pakiusap niya, dumaloy ang pares ng luha sa pisngi nI Alice dala ng takot sa nakikitang aura sa asawa. Ito ang unang beses na nakita niyang tila naging dem*nyo si Julian.

“Tama na? Para ano? Makaligtas ang kalaguyo mo’t maging masaya kayo? Hindi Alice, dahil hindi kayo makakaalis dito,” punong-puno ng poot ang mga mata niya, sa kabila noon ay nagu-unahan ang luha at uhog na bumuhos sa kaniyang mukha. Labis labis ang hinagpis ni Julian, maraming bagay ang tunakbo sa kaniyang isipan. Bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kaniya.

“May kulang pa ba, Alice? Ano’ng pagkukulang ko? Sana sinabi mo lang para naresolbahan ko, natin,” garalgal man ay naintindihan pa rin lahat ni Alice ang sunod-sunod na katanungang iyon ng asawa.

Ngunit wala siyang tuwid na maisagot bukod sa pag-iyak.

“Pera ba? B-bahay? Oras? H-hindi ba ‘ko magaling sa kama?”

“Julian…”

“Sumagot ka!’

Napapitlag na lang si Alice sa napakalakas na sigaw na iyon ni Julian, hindi niya magawang titigan ito sa mga mata dahilan upang sa kalagayan ni Harold siya mapatingin. Lupaypay ang lalaki sa sahig, walang malay.

“Ano?!”

“Si Harold ang mahal ko.” Kailagan na niyang sabihin ang totoo, upang matapos na ang kabaliwang ito sa kanilang pamilya. Ilang sandaling nagkaro’n ng katahimikan sa pagitan nila, hanggang sa buong kabahayan na ang nawalan ng boses. Napasabunot na si Julian sa kaniyang buhok, pigil ang emosyon na dumadaloy sa kaniyang katawan ng mga oras na iyon. Pero parang huli na para kausapin niya pa ng masinsinan ang sarili at ipaintindi na asawa niya pa rin si Alice kahit na ano pa ang mangyari.

Sinunggaban niya ang asawa’t sinakal ito.

Binabalot na ng kadiliman ang emosyon niya. 

“Ju-Julian … “

“Minamahal ko naman kayong lahat, ha.”

“P-please, J-Julian…”

Wala ng makakaampat pa sa bumubuhos na luha sa pisngi ng pinagkatsilan.

BANG! 

Kasunod ng putok ng baril ay ang pagbagsak ng duguang katawan ni Julian.

Sari-saring emosyon ang dumadaloy sa utak ni Julian, karamay niya ang luha at kadiliman sa mga oras ng kaniyang panghihina. Hindi niya matanggap na pinagkaitan siya ng tadhanang maging masaya. Iniwan siya ng tunay na ina. Nilayuan ng mga kaibigan. Niloko siya ng asawa. At higit sa lahat ay pinatay ng kaniyang ikalawang ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status