Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga, hindi kasi naging maganda ang epekto ng sinag ng araw na tumama sa kabuuan ng mukha ko. Kasabay no’n ay ang paulit-ulit na pag-a-alarm ng telepono na iniwan ko sa side table katabi ng kama ko. Mas’yado pa atang maaga, tinatamad pa ‘kong bumangon. Bahagya kong hinila ang unan na alam kong nasa tabi ko lang, niyakap iyon na animo’y ang asawa kong si Alice.
Alice? Asawa?
Doon ay tuluyan na akong napatayo sa kinahihigaan ko. Ang sunod kong ineksamin ay ang aking mukha, ilang beses kong kinapa ang pisnge sunod ay ang aking mga palad.
“Buhay ako?”
Pero impossible ata ‘yon, kitang-kita ko kung paano walang awang iniwan nina Harold ang katawan ko sa ilog. Pinatay nila ako ng gabing ‘yon.
“Nasa langit na ba ‘ko? O nakaligtas ba ko mula sa insidenteng ‘yon?” muli pang pagtatanong ko sa sarili.
“Hindi. Hindi. Napakaimpossible talaga no’n,” ani ko. “Pero ano ‘to?”
Hindi na mawala ang labis na pagtataka ko sa nangyayari. “Kung nakaligtas man nga ako ay salamat sa Diyos. May pagkakataon pa ako na maayos ang mga nangyari. At ang una kong gagawin ay ipakulong ang pamilya kong pinagtangkaan akong patayin.”
“Hindi ko papalampasin ang ginawang pagtataksil ng asawa ko, ang magaling kong kapatid at ang pagbaril sa ‘kin ng stepmother ko. Pagbabayaran nilang lahat ng sakit na naramdaman ko.” Pinipilit kong i-encourage ang sarili na dapat ay dati ko pa talaga ginawa, simula ng bata pa ako. Kung hindi lang naman dahil sa ipinangako ko kay Papa bago siya namatay ay hindi ako magtitiis ng matagal sa ugali nila sa ‘kin.
“Pero hindi na ngayon,” ani ko pa.
Tumayo ako’t agad na nagtungo sa banyo. Kailangan kong maghilamos para mas mahimasmasan ang sarili dahil kung tunay man na nalagpasan ko ang kamatayan ay magbabago na ang buhay ko. Wala akong maalala sa mga sumunod na nangyari sa akin. May pagkalito sa utak ko, lalo na’t dito ako mismo nagising sa mansyon. Na-coma ba ako’t gumaling na lang bigla nang ganito kaya wala akong maalalang iba tungkol sa nangyari?
Pero kahit na ano pa ang nangyari ay isa lang ang sisiguraduhin ko, hindi na nila ako matatapakan pa, isa ‘kong Kordal at ‘yon ang ipapamukha ko sa kanila.
Subalit ang lahat ng tapang ko’y naglaho ng mabungaran ko ang sarili sa harapan ng salamin sa loob ng banyo. Kinapa-kapa ko ang mukha sa labis na pagkagulat. Sinipat ang ilang bahagi ng katawan kung may ibang nagbago.
“Ano ‘to?”
“N-nanaginip ba ‘ko?”
“AH!” Napalakas ata ang pagkakasampal ko sa sarili.
“Impossible, ano ‘to?”
Mabilis akong lumabas ng banyo, doon ko lang napagtanto na hindi talaga tama ang mga bagay sa paligid ko.
Pamilyar ang kuwarto na kinaroroonan ko, ang isang set ng console sa kaliwang sulok, ang higaan na mayroong purong puti na kobre kama at ang mga sapatos na maayos na nakasalansan sa tatlong layer na shoe rack. Halos madapa pa ako palapit sa mga sapatos, marami ang tumatakbo ngayon sa isipan ko tungkol sa lugar na ito. Hindi ko maipagkaila sa sarili ko na alam ko kung nasaan talaga ako, ngunit pilit kong hindi pinapaniwalaan iyon. Kaya naman ng madaanan ng mata ko ang kulay pulang converse shoes na nasa pangalawang rack ay kinuha ko iyon.
Kapag nakita ko ang markang ‘yon sa ilalim ng swelas nito ay maghihisterikal talaga ako sa kaba. Kaya naman mataman muna akong pumikit habang kinakabahan sa bubungad sa ‘kin.
“Wala, wala ‘to. Tiyak na nananaginip lang ako.”
Pero paano naman ako mananaginip, ang huling nangyari sa ‘kin ay nabaril ako pagkatapos ay walang awa na pinatay ng tiuturing kong pamilya?
“Walang marka ng pinturang itim ang swelas na ‘to,” pilit kong pinapaniwala ang sarili sa bagay na ‘yon.
Dumadagundong ang dibdib ko, namumuo ang pawis sa noo na pinataob ang sapatos na naaalala kong iniregalo sa akin ni Papa noong ika labing-anim na taong kaarawan ko.
Ngunit lahat ng pagpapakampante ko sa sarili ay naglaho ng tumambad sa mata ko ang marka na ayaw kong makita.Naitapon ko ang hawak at napaatras, iginiya ang mga mata sa kabuuan ng silid na iyon. Tama ako, kwarto ko ‘to.
Hindi puwede ‘to, dahil ng ikinasal kami ni Alice ay inilagay ko ang lahat ng sapatos ko noon sa bodega, pati ang Console game ko, ang skateboard na nabili ko sa inipon na allowance at pati na rin ang gitara na ngayon ay nakikita kong nakasabit sa pader malapit sa uluhan ng kama.
Muling dumapo ang mga palad ko sa mukha, ako ‘to pero bakit bumata ako?
Ano ba ang nangyari matapos ang pag-iwan nila sa katawan ko sa ilog?
Maging ako ay hindi rin magawang sagutin ang mga katanungang iyon, wala na akong ibang maalala bukod sa nag-away kami ni Harold nang mareceive ko ang pinadalang image sa ‘kin ni Zara. Kumulo ang dugo ko ng makita ang imahe ni Alice na palabas sa hotel hanggang sa paghihintay nito ng masasakyan at ang pagdating ni Harold mula rin sa loob ng Hotel. At ang huling litrato ay ang padaplis nilang paghawak kamay habang pumapasok sa sasakyan. Pagkatapos kong sugurin siya at bugbugin ay naramdaman kong ay mainit na likido mula sa likuran ng dibdib ko. Nahilo ako’t natumba. Do’n ko napagtanto na ang madrasta ko ang bumaril sa ‘kin sa ebidensiyang hawak niya na nakita ko pa bago ako nawalan ng ulirat.
Matapos no’n ay muli akong nagising pero hirap na hirap na ‘kong kontrolin pa ang sarili, pero bago tuluyang sumuko ang mga mata ko’y naaniag ko pa kung papaano i-dispose ng tatlong taong malapit sa ‘kin ang katawan ko. Hinayaan nilang lumubog ang duguan kong katawan sa ilog, habang sila’y nagmamadaling umalis papalayo sa Crime scene.
Hanggang do’n lang wala ng kasunod ang naaalala ko.
“Tawag, kailangan kong tumawag, si T-Terra, matutulungan niya ‘ko.”
Pero bago ko pa man makuha ang cellphone na nasa side table ay isang nakakabulabog na katok ang dumagundong sa pintuan ng silid ko.
“Julian, Julian nakaready ka na ba? Bilisan mo na bago pa tayo ma-late. Dinaanan kita rito ng mabasa ko ang text mo.”
Nangunot ang noo ko sa boses ng lalaki na ‘yon. Isa pang pamilyar sa ‘kin.
“Julian, buksan mo ‘tong pinto para ma-discuss ko sa’yo yung tungkol sa tula na ibibigay mo kay Alice mamaya sa School Fest.”
Sa detalye na ‘yon ako nagkaro’n ng interes, lalo ng mabanggit niya ang pangalan ni Alice, ang taksil na ‘yon. Kaya naman dali-dali kong binuksan ang pinto para sa bisitang kumakatok. Pero na-estatwa ako sa napakasayang ngiti na ibinungad sa ‘kin ng lalaking naka-unipormeng pang-eskwelan, may kahabaan ang tabas ng buhok nito na aakalain mong bahay ng isang ibon. May kapayatan siya pero sakto lang ang tangkad.
“Ano hindi ka pa rin nakakapagbihis?” bulalas ng lalaki sabay tulak ng mahina sa akin upang tuluyang makapasok sa silid.
“Sige na, hihintayin na kita. Ano pa ba ang aasahan ko sa’yo? Eh parati ka namang mabagal kumilos kaya pati sa babae ay parati kang olats.”
Hindi na humingi ng permiso ang lalaki sa akin, tuloy-tuloy ito sa pag-upo sa aking gulo-gulong kama at kumuha ng magazine ng komiks mula sa ilalim ng nito.
Tama doon nga niya itinatago ang mga babasahing hindi pang-eskwela noong kabataan niya dahil ayaw ng ina na nakikitang nagbabasa siya ng mga gano’ng libro.
“Hoy! Nakatunganga ka na riyan!”
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari, nagtime-travel ba ako? Nananaginip?O na-possess ng masamang elemento?
“Joker David?” patanong talaga ang pagkakasambit ko ng pangalan niya, pang play safe para kapag nagkamali ay malulusutan ko pa.
“So, binabanggit mo na ng buo ang pangalan ko ngayon? Gusto mo atang masaktan, no?”
Mas lalo atang sumakit ang ulo ko sa naging sagot niya sa ‘kin. Isa lang ang ibig sabihin kung tama na siya nga si Joker ay nababaliw na ako.
Dahil mahigit isang dekada na nang mawalan kami ng komunikasyon ni Joker. Matapos ang Graduation namin sa College ay pinutol ko na ang pagiging magkaibigan namin. At iyon ang isa sa pinakamaling desisyon ko sa buhay. Si Joker ang matalik kong kaibigan na naaasahan ko sa halos lahat ng bagay sa mundo ngunit ng dahil lang sa isang babae ay nagawa ko siyang kalimutan.
Kung hindi lang ako nakinig kay Alice noon na layuan na siya ay may kaibigan pa sana akong naging karamay ng mga panahong naguguluhan ako sa buhay.
Pero ano’t narito siya ngayon sa harapan ko?
Sana'y suportahan niyo ang kwento ko na ito, tiyak na magugustuhan niyo ang isang materpiece na 'to mula sa akin.
“Salamat sa araw na ito Julian, kahit papaano’y nakalimutan ko ang tungkol sa nangyari sa akin.” Narito na kami sa tapat ng bahay namin, alam nila papa na kasama ko si Julian kaya nang magsabi ako na medyo malalate ako ng uwi ay hindi na sila tumutol pa. Sa tagal ng panahon na nanilbihan ang ama ko sa mga Kordal ay kabisado na nito kung sino ang dapat at hindi dapat na pagkatiwalaan, nasabi naman niya sa akin ang tungkol doon. “Walang anuman ‘yon, kapag kailangan mo ng makakausap ay tawagan mo lang ako.” Nakakagulat man ngunit napangiti pa rin ako sa tinuran na iyon ni Julian. “Sige, sabi mo ‘yan ha.” “Hmp. Isa pa’y ako naman ang dahilan kung bakit nangyari ito sa ‘yo.” “Hala, parang makokonsensya pa ata ako ha, bakit ikaw ba ang nanakit sa akin? Hindi naman eh, kung hindi pa nga dahil sa ‘yo ay baka mas malala pa ang nangyari sa akin,” sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko naman talaga siya sinisisi ang totoo pa nga niyan ay nahihiya ako sa kaniya. Simula pa lang ay ako naman
“Thank you, Julian.”Sa isang parke ako dinala ni Julian, sumikat na nang mataas ang araw kaya ramdam na ramdam ko ang init niyon sa aking mukha. Hindi gano’n karami ang tao na naririto dahil na nga rin siguro sa magtatanghali pa lang. “It’s nothing Alliyah, as long as you are safe,” sagot niya sa akin.Ngumiti ako bilang tugon sa kaniya.Nagpalinga-linga ako, nasa bayan pala kami ng aming lugar. Mula nga rito sa aking kinauupuan ay tanaw ko ang malaking Mall. Kaya naman bigla kong naisipan na ayain si Julian doon, mas malamig at maraming makikita roon. “Tutal narito na rin naman tayo, ano ba ang gusto mong kainin?”Nag-isip ako, as of the moment ay wala naman akong gusto, pero para hindi naman masyadong nakakahiya sa kaniya ay sinabi ko na lang ayos na sa akin ang burger. Wala namang turo-turo dito sa loob ng mall dahil kung mayroon lang ay ‘yon na lang para mas mura.Dinala niya ako sa isang fastfood chain, bale nagtake out na nga lang pala siya para sa aming dalawa. Tig isang bur
“Mabuti naman at pumasok ka na.” Nagkaroon kami ni Alliyah ng pagkakataon upang makapag-usap. Matapos kong i-deklara kay Coach kung ano ang gusto kong mangyari sa pilit nilang pagbawi sa posisyon na ibinigay nila sa akin ay nagbreak muna kami. Lumabas ng sabay sina Joker at Janice matapos ulit nai-congratulate ako. Ang sabi nila’y babalik daw sila kapag natapos na ang sunod na klase ni Janice. “Hmm. Napag-isip-isip ko kasi ang sinabi mo sa akin, salamat sa panenermon mo Julian. Kung hindi ka siguro pumunta’t naglaan ng oras para sa akin ay baka naroon pa rin ako hanggang ngayon, nagmumukmok sa nangyari,” mahabang sabi niya sa akin. “Ako ang dapat na manghingi sa ‘yo ng pasensiya, kung hindi dahil sa akin ay hindi ka naman mapupunta sa gano’ng sitwastyon.” Naglalakad kaming dalawa patungo sa Canteen, balak ko siyang i-treat para sa kaniyang muling pagbabalik. “Naku! Hindi ko naman inisip ang tugkol do’n Julian, walang ibang may mali kundi sila lang. Sadyang makikitid lang kasi a
NAPANGISI ako nang malaman ang pinaggagawa ni Julian. Ang lakas ng loob niyang lumaban sa alam niyang mas mataas sa kaniya. Isa si Lizzy Burkinton sa superior sa University, bukod sa maganda at maagas siya ay ito pa ang bunsong anak ng may-ari ng Unibersidad. Hindi niya man lang ba naisip kung ano ang kalalabasan ng maling kilos niya? Pero ano nga bang pakialam ko do’n? Eh mas gusto ko nga na masaktan siya para mas masaya sa akin. Makaganti man lang sa mga pinapasok niya sa utak ni Papa tungkol sa akin. “Narinig mo na ba ang bagong balita, Harold?” lumapit ang isa sa kasa-kasama ko mula sa Department namin. “Hindi, ano ba ‘yon?” tanong ko. Isinalampak ko ang aking sarili sa upuan, magulo ang loob ng silid namin. Parehas lang naman kami ng kurso ni Julian pero magkaiba ng block. Ayaw ko siyang makasama, though may ilang subjects na nagkakasabay talaga kami. “Ang kapatid mo, talaga palang binasted na si Alice. Usap-usapan na ‘yon sa lahat ng Department.”Medyo nagulat ako sa sinabi
Wala akong pakialam sa kahit na sino ngayon, kahit na sina Joker at Janice ay hindi ko ring magawang pagtuunan ng pansin. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano-ano pa ang mga nangyari noon, sa panahon na ito. Gusto kong maalala upang mapaghandaan ko na. Batay sa obserbasyon ko ay nangyayari pa rin ang mga dapat, ngunit mayroon na parang nalilihis ng sitwasyon, lalo na sa mga events na tungkol sa akin. Sa tuwing may babaguhin akong kilos ay may kaakibat na rin na pagbabago iyon para sa iba na maaapektuhan. Tulad na lang ng hindi ko pagpatuloy sa panliligaw kay Alice, nang mawala siya ay bigla naman na dumating si Alliyah. Nang iligtas namin si Mang Nardo sa isang maling akusasyon ay si Harold naman ang naipit sa isang maling sitwasyon na hindi naman dapat na mangyari. Kumbaga, mangyayari pa rin ang mga dapat mangyari, kung iiwasan ang isang masamang mangyayari sa isang tao ay may sasalo niyo na iba dapat. Hindi maaaring wala kapalit, at baka maging magulo na ang hinaharap. At ngayon
Maagang naging usap-usapan ang tungkol sa pambubully sa isang babaeng estudyante. Maaga pa lang ay napuno na ng chismis ang buong BU. Ayon sa ilan ay brutal daw ang ginawang pananakit, habang ang iba naman ay hindi na magawang magkomento dahil na rin sa takot. Nang malaman kasi nila na ang may pakana niyon ay ang anak ng may-ari ng BU ay hindi na sila nagbigay ng komento.Dumating si Julian sa University, sakay ng motor na hiningi niya sa kaniyang madrasta noon. Mayroon siyang hindi magandang karanasan sa motor kaya nahirapan siyang ipush ang sarili na gamitin iyon. Ngunit ngayon ay hinanda na niya ang sarili. Ang motor na iyon kasi ang naging daan upang makapaningil siya sa nagkasala sa kaniya.Buong-buo ang kaniyang lakad, ni hindi siya tumititig sa kung sino man, poker faced at diretso lang ang tingin sa kaniyang dinaraanan. At at punta niya? Sa department kung saan naroon ang grupo na nanakit kay Alliyah.“Uy, si Julian Kordal ‘yan ha. Naku, ang usap-usapan di ba girlfriend niya ‘
“Ano’ng ginawa mo, Alice?” “W-wala akong ginagawa, J-Julian-” “Wala, eh ano ‘to?” Hindi ko na napigilan na masaktan si Alice, hindi ko na napigilan pa lalo nang makita si Alliyah na nasa harapan niya, lugmok sa sahig at nahihirapan. “Alliyah,” tinawag ko ang pangalan niya ngunit hindi ito sumagot, nagpakislot-kislot lang ang kaniyang mga mata na animo’y hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. “Hear me out Julian,” anito. Pero dahil wala akong pakialam sa sasabihin niya ay itinuloy ko ang pagrescue kay Alliyah. Dali-dali kong kinalas ang tali sa kaniyang kamay at paa, hindi ko kayang titigan ang nangyari sa kaniya. Namuo ang ilang mapupulang pasa sa ilang parte ng braso at binti nito. Hindi nga rin nakatakas ang mukha niya sa ilang gasgas at sugat. At ang higit sa lahat ay ang pagkakaputol ng kaniyang mahabang buhok. Naikuyom ko ang aking kamay at muling tiningala si Alice na hindi na maipinta ang mukha sa kung ano ang sasabihin niya sa mga oras na iyon. Ano ba ang
Madiin ang ginawa kong pagtapak sa gas ng sasakyan ni Joker. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang mapuntahan ng mabilis si Alliyah. Sa tuwing sumasagi ang litrato niya na ipinakita ni Janice sa isipan ko’y nanggigigil lang ako sa kung sino ang may gawa niyon. Paano at bakit nila nagawang pahirapan ng walang kalaban-laban ang isang babae? Pangako, hind ko mapapatawad ang tao na ‘yon.Ilang pag overtake pa ang aking ginawa sa mga sasakyang nasa unahan ko. Higpit na higpit ang pagkakahawak ko sa manibela, pansin ko ‘yon, konti pa ay baka masira ko na ito. “Hang on Alliyah, papunta na ako.”Sa BU ang tungo ko. Sinipat ko ang aking relo upang malaman nga kung ano’ng oras na. It was already 9:30 pm, siguradong wala ng tao doon maliban sa security guard na mahihirapan akong malusutan kapag nagkataon.Habang nasa daan nga ay napa-isip ako ng mabuti. Walang nangyari o naibalita sa eskwelahan namin noon tungkol sa isang bullying accident sa ganitong oras o araw. O baka hindi ko na nam
Hindi na natutuwa pa si Julian sa tagal ni Alliyah sa pagdating. Hndi na rin kasi biro ang mahigit isang oras at kalahati na nakalipas ay wala pa rin ang dalaga. Hindi na mapakali ang binata, panay ang paglalakad niya nang pabalik-balik sa harapan ng kaniyang mga kaibigan. “Julian, puwede bang manahimik ka sa isang lugar? Nahihilo na kami sa ‘yo, eh.” Pagsaway ni Janice sa lalaki. Gusto rin nitong magpanick ngunit wala namang magagawa kung gano’n ang gagawin niya. Kaya ang mas mabuting gawin ay magtanong-tanong sa mga kakilala niya, magbabakasakali kung nakita man lang nila si Alliyah. “Baka naman ayaw niya lang talagang pumunta,” ani Joker na ikinatigil ni Julian sa pagkakaparanoid. Possible ang sinabi nito, pero tama ba na hindi man lang mag-abiso si Alliyah at paasahin siya? “Impossible ‘yon, love, kasi tuwang-tuwa nga siya kanina no’ng sinabi natin na hinahanap siya ni Julian eh. Excited siya kaya napaka impossible talaga na bigla na lang itong hindi pupunta sa usapan.” Si Jan