Share

Ang Pagtataksil

“So, kuya kumusta ka naman? Hindi tayo gano’n nagkakausap lately, medyo busy rin kasi ako sa field eh. Alam mo na, buhay journalist,” natawang sambit ni Terra kay Julian habang nasa side pool sila at nakabantay kay Jessie na masayang nagsu-swimming. 

Natapos na ang lunch ng pamilya at mamaya pa silang hapon uuwi kaya naman nag-aya munang magliwaliw ang anak na babae. As usual si Hesusa ay nasa Opisina na niya’t nagbubuklat ng ilang papeless sa trabaho. Gano’n naman ang gawi nito, ang weekends ay ginagawang workday. 

“Ayos lang naman ako, gano’n pa rin naman ang takbo ng buhay,” tunay na napatawa si Julian sa sinabi niya. Alam naman niyang nakuha ng kapatid ang nais iyang ipunto, para sa lalaki ay isa itong Anghel na kayang magbasa ng isip ng mga tao.

“Ay naku, tiis-tiisin mo na lang din ang mama, ha. Alam mo naman ‘yon masiyadong workacholic, masungit at nagmemenopause na rin kasi.” 

Dito’y sabay na napa-igik ang magkapatid. Kahit kailan naman ay naiintindihan nila ang isa’t-isa. Walang lihim na kailangang itago sa pgitan nila. Halos lahat ng dumaang problema kay Terra ay alam ng kapatid, siya lang naman kasi ang naging sandigan nito, kakampi.

“Baby, dito ka lang sa malapit,” sigaw ni Terra sa pamangkin na ngayon ay sinusubukan na gumawi sa gitna ng pool. Noon pa man ay sadyang malapit na ang dalaga sa pamangkin, parehas silang maganda at makulit ng bata kaya malawak ang bond nila. Ngunit bukod roon ay may isang dahilan pa si Terra na itinatago kung bakit gano’n na lang ang reaksiyon niya para sa pamilya ng kapatid. Gustong-gusto niyang sabihin kay Julian ngunit parati na lang siyang kinukuluban ng takot. Ayaw niyang magkaroon sila ng lamat ng kapatid kaya naman ginagawa niya ang makakaya upang mailihim ang katotohanan. 

“‘Wag kang mag-alala kay Jessie, Ter, magaling ‘yan,” napalingon ang magandang Kordal sa kapatid sa itinuran nito. “At isa pa, malakas ‘yan katulad niyo ni Alice, hindi basta-basta nagpapatalo,” masayang pagkukwento ni Julian, kung saan sa pagngiti nito ay halos mabura na ang mata sa kaniyang mukha.

“Alam ko naman ‘yon kuya, pero gusto ko pa rin na mas protektahan si Jessie, tita’s duty,” tila may laman ang winika n’yang iyon pero hindi na napansin pa ni Julian. Bagkus ay nagkaroon na ng katahimikan sa pagitan nila, katahimikang parating nangyayari tuwing may malalim na iniisip si Julian.

“Hay naku! Biglang naging creepy ang atmosphere natin kuya eh, ba’t di na lang kaya natin pag-usapan ang tungkol sa darating mong birthday? May gusto ka bang puntahan o gift?” Maligaya pa sa maligaya si Terra para sa pagigig thirty-five years old ng kuya, alam kasi niyang makukuha na rin nito sa wakas ang para sa kaniya.

“Wala, wala naman akong gusto para sa sarili ko,” aniya. “Pero gusto kong sorpresahin si Alice at Jessie sa araw na ‘yon, matutulungan mo ba ako?”

Namilog ang mga mata ni Terra sa tinuran ng kapatid, heto ang gusto niya, gumagawa ng surprises. “Oo naman kuya, ako pa ba! So, ano ba plano?” bahagyang lumapit ang kapatid na babae kay Julian, upang makuha ng malinaw ang planong sorpresa para sa sister-in-law at pamangkin.

Samantala, mula sa isang silid sa loob ng mansiyon ay umuusok ang ilong at magkasalubong ang mga kilay ni Alice habang nakasilip sa bintana patungo sa swimming pool. Una’y sa anak lamang niya siya nakatuon ngunit ng lumaon ay sa asawa na niya at hipag na tila masayang-masaya sa kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito. Bahid ang selos sa mukha n’ya, hindi ni Alice maiwasan ang gano’ng isipin lalo na’t alam naman ng lahat na hindi naman purong magkadugo ang magkapatid. O baka, masiyado lang siyang nade-demonyo ng mga salita na naririnig niya.

“Malagkit na naman ang titig mo sa kanila, baka naman mamaya ay matunaw na ang mga ‘yan.” 

Napapitlag si Alice sa tinig na ‘yon, si Harold na kakagaling lang mula sa banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya sa iba, ang buhok ay basa pa’t pumapatak ang ilang butil ng tubig mula roon. Naamoy ni Alice ang imported na shampoo nito na paborito niyang naamoy sa bayaw. 

“Ahm, pasensya na,” umiwas ng tingin si Alice sa lalaki na siyang ikinasilay ng ngiti sa labi nito. Alam na alam niya kung paano kunin ang kiliti ng babaeng nasa harapan. “Aalis na ‘ko, dinala ko lang ‘yong iniutos sa akin ni mama, inilapag ko sa lamesa mo,” malumanay na sambit ni Alice at saka humakbang patungo sa pintuan. Ngunit bago pa man nangyari ‘yon ay nakabig na siya ni Harold papalapit sa basa nitong katawan.

“H-Harold, a-ano ka b-ba,”  pagpupumiglas ni Alice. 

“Why? You don’t like this?” Inilapit pa ni Harold ang mukha sa leeg ni Alice, at hindi nga siya nagkamali’t umalinghing ng bahagya ang babae.

“Aray! Harold, aalis na ‘ko. Please.” Mahirap basahin ang emosyon sa mga mata ni Alice, takot siya, na parang hindi naman.

“Don’t push too much yourself away Alice, you’ll regret it if you do,” puno ng paalala ang tinig ni Harold, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagningning pa ang mga mata nito na akala mo’y nanalo sa lotto.

“B-bitiwan mo na ‘ko, Harold, baka may biglang makakita sa ‘tin,” walang otoridad sa boses ni Alice, imbes ay pangamba ang laman ng tinig nito. “Si Julian, baka kung ano ang magawa niya kapag nahuli niya kung ano ang ginagawa mo sa ‘kin.”

Bumitiw ang lalaki sa kaniya, matamang tumitig sa mga mata nito sabay ang paghawi sa ilang hibla ng buhok na tumakip sa maamo nitong mukha. “And so? Mas gusto ko nga ‘yon, para naman matapos na ang pagtitiis ko. Parati na lang siyang nakaharang sa lahat ng naisin ko, hindi na nakakatuwa ang presensiya niya sa mata ko.”

“Hindi mo alam kung ano’ng sinasabi mo, hindi mo gu-gustuhin na mawala ang kapatid mo, lalo na ngayon.”

Humagalpak ng tawa si Harold na siyang pumaibabaw sa kabuuan ng soundproof niyang silid. Si Alice naman ay napatulala na lang sa asal nito. Mula pagkabata ay naging karibal ni Harold ang kapatid sa halos lahat ng bagay, sa eskwelahan, atensiyon ng ama at maging sa babaeng gusto ay naungusan pa siya nito. Kaya naman ngayong kaya na nilang tumayo sa sariling mga paa ay hindi siya pumapayag na maging anino lang nito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang pabagsakin ang kapatid na si Julian. Ang makitang gumagapang ang kapatid ang labis na pinapangarap ni Harold, aangkinin niya lahat ng pinapahalagahan nito, kahit buhay pa ang maging kabayaran.

“Tama ka, hindi pa ngayon pero malapit na hindi ba? Itataon ko sa araw na makukuha niya ang para sa akin naman talaga!” May kalakasan ang boses ng binata ngunit wala na siyang pakialam pa. Daglian niya pang sinunggaban si Alice at saka sinibasib ng halik ang labi nito, sinadya niyang idiin ang katawan sa babae at ipadama ang kumakawalang init sa kaniyang katawan. Sa una’y pinipilit pang itulak ni Alice ang bayaw subalit hindi na rin niya napigilan ang sarili’t tumugon sa makamandag na halik nito. Hindi na rin niya maitago ang kasabikan sa lalaki, matagal na panahon na rin nilang pilit na itinatago ang tunay na koneksiyon nila sa isa’t-isa. Ngayon ay medyo nangangamba siya dahil lahat sila’y nasa isang teritoryo’t napakadelikado ng sitwasyon kung hindi niya pipigilan si Harold. 

“Hey, don’t push me. I missed you.” Nang magkahiwalay ang kanilang mga labi ay malamyos na hinaplos ni Harold ang makinis na mukha ni Alice - ang kaniyang mahal.

“Delikado Harold, nasa labas lang si Julian, tiyak na hahanapin niya ako kapag matagal na nawala ako sa mga mata niya,” anito. Ngayon ay lumabas na ang tunay na Alice, umpisa pa lang ng relasyon nila ni Julian ay nagtataksil na siya rito. Simula College days ay sI Harold naman talaga ang mahal niya, nabuo lang ang planong pagpapakasal nila ni Julian ng mabuntis siya. Planado ang pagiging magnobyo nila ni Julian, pero hindi ang pagkakaroon ng anak. 

“Shhh… don’t mind them. Let me be yours for now,” wala ng iba pang nais sabihin si Harold. Hindi na niya mapigilan ang nagsusumidhing damdamin sa loob ng katawan. Itinulak niya si Alice sa malambot niyang kama sabay ang pag-alis ng tabing sa kalahati ng kaniyang katawan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status