Share

CHAPTER 40

     MAHIMBING nang natutulog ang buong ni Martin ng gabing iyon nang walang anu-ano’y nagising siya nang makarinig ng tatlong magkakasunod na pagkatok sa pinto. Sa lahat ng naroon ay tanging siya lamang ang nagising dahil siguro sa mababaw siyang matulog.

Nagtataka siya kung sino ang kakatok ng ganoong oras sa bahay nila lalo na at unang beses iyong nangyari. Pumasok tuloy sa isip niya na baka merong nangti-trip kaya hindi muna siya tumayo. Hanggang sa naulit ang pagkatok. Doon na siya nagdesisyon na tumayo upang malaman kung sino iyon.

Tiwalang binuksan ni Martin ang pinto dahil wala namang krimen ng pagnanakaw o pagpatay sa lugar nila. Tuluyang nawala ang antok niya nang pagbukas niya ng pinto ay may nakita siyang tatlong lalaking may suot na bonnet mask habang ang isa ay diretso siyang tinutukan ng baril sa mukha.

Natigalgal si Martin. Hindi siya nakagalaw dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status