Share

CHAPTER 97

     MATAPOS ang lunch ay dumating na sa bahay ni Milagros ang kaibigang si Clemente. May kasama itong matabang babae na nakasuot ng itim na blouse at palda na umaabot na sa sakong nito. Maging ang lipstick nito ay itim at akala mo ay isang panda dahil ang eyeshadow ay itim din. Kulot at mahaba ang buhok ng babae na nakalugay na akala mo ay hindi kilala ang suklay.

Ipinakilala ni Clemente ang kasamang babae bilang si Madam Ursula na siyang kilala nitong ispiritista at marunong din mag-cleanse ng bahay at tao. Ipinagmalaki pa ni Clemente sa kaniya na matagal na niyang kilala si Madam Ursula at alam nito na legit ito at talagang mahusay.

“Saang costume party mo naman nahila ang babaeng iyan, Clemente? Sigurado ka ba talaga na kaya niyang paalisin ang multo sa bahay ko?” May duda pa rin na tanong ni Valentina.

“Bastos ang bunganga mo, madam. Ako ay tunay na ispiritista. Kung ikaw ay may pagdududa sa

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status