ISANG ngiti ng tagumpay ang sumilay sa labi ni Ambrose habang pinapanood niya ang pagtayo ni Valentina. Tunay nga na mabilis umepekto ang pampatulog na inihalo niya sa unang baso ng wine nito. Hindi pa rin siya tumayo at pinagmasdan niya lang si Valentina hanggang sa bumagsak na ito sa kama.
Hindi niya ugali ang makuha ang gusto niya sa paraan na ganoon pero iba na sa pagkakataon na iyon. Kailangan na niyang gumamit ng pampatulog para magawa niya ang dapat niyang gawin kay Valentina. Hindi pa kasi makausad ang plano niyang DNA testing kina Monica at Valentina para malaman niya kung si Monica ba talaga ang babaeng inaakala nilang si Monica.
Iba talaga ang pakiramdam niya sa babaeng iyon. Kahit nalaman niyang si Monica iyon ay sa una lang siya nakumbinse na iyon ang kaniyang girlfriend. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay hindi niya makita sa babae na iyon ang pagkatao ni Monica. Napakalayo ng kilos at pananalita nito sa
AGAD na nilukob ng selos si Milagros nang makita niya ang isang babae na akala mo ay isang malaking ahas na nakalingkis kay Martin. Talagang sa may labas ng canteen pa nagyayakapan ang dalawa. Hindi na nahiya ang mga ito kahit maraming tao sa lugar na iyon. Sa dami ng mga iniisip niya, kahit pa mabait siyang tao at hindi siya selosa ay may galit siyang naramdaman. Sino ba naman kasing asawa ang hindi magseselos at magagalit kapag nakita niyang may nakayakap na ibang babae sa mister niya?“Sino ang babaeng iyan, Martin? Bakit siya nakayakap sa iyo?!” Hindi niya napigilan ang magtaas ng boses.Pakiramdam niya sa dami ng problema niya ngayon ay napakadali niyang magalit at uminit ang ulo. Dagdag pa ang pagiging buntis niya na totoo yata na kapag buntis ay mabilis na magbago ng mood.Nanatiling nakaupo sa lupa iyong babae. Umakyat ang dugo niya sa ulo nang titigan niya ito nang husto.Hindi niya
NAPABALIKWAS ng bangon si Valentina nang magising siya mula sa napakasamang panaginip. Kung panaginip pa bang matatawag iyon dahil ang buong akala niya ay namatay na siya nang bagsakan siya ni Milagros ng malaking bato habang nasa ilalim siya ng balon.Naiintindihan niya ang sarili kung bakit siya nananaginip ng ganoon. Aaminin niya na may takot pa rin siya sa mga maaaring mangyari nang dahil sa pagkakaroon niya ng responsibilidad sa kamatayan nina Rico at Milagros.Si Monica na anak niya ay nagpapanggap pa rin bilang si Milagros at kapag may nakaalam ng sikreto nito ay sigurado na siya ang babagsakan ng sisi ng lahat. Kaya dapat lang na matapos na ang pagpapanggap nito sa lalong madaling panahon. Ang kay Rico naman ay ang takot niya sa asawa nito. Dapat na niyang mailigpit si Danica at ang lahat ng ebidensiyang hawak nito para mawala na ang takot niya.Makailang beses na huminga nang malalim si Valentina hang
“BERNARD, gusto ko sanang humingi sa iyo ng pera. Magtatayo sana ako ng small business. Buy and sell—”“Mamaya ay dalhin mo sa mall si Monica. Ipasyal mo siya at ang sabi niya sa akin kagabi ay gusto niya ng new doll. Dalhin mo siya sa toy store.” Agad na pinutol ni Bernard ang sasabihin sana ni Valentina.Nasa hapag-kainan sila ng umagang iyon at nag-aalmusal.Ilang beses na niyang sinubukang sabihin kay Bernard ang plano niya na magkaroon ng sariling negosyo para kahit paano ay meron siyang pinagkakaabalahan. Ngunit tila tutol ang asawa niya sa bagay na iyon. Kahit hindi nito sabihin ay nararamdaman niya. Iyong pagputol palagi nito sa sasabihin niya kapag iyon ang lalabas sa bibig niya ay isang indikasyon na hindi ito sang-ayon sa pagkakaroon niya ng negosyo.Napatingin si Valentina sa batang si Monica na abala sa pagnguya ng hotdog
“NASAAN na ang ebidensiya, Danica? Ibigay mo sa akin. Sabihin mo kung nasaan?” Pinagtakpan ni Valentina ang kaba sa pamamagitan ng pagsigaw. Ngunit tila nilalamon siya ng titig ni Danica.Sa tanang ng buhay niya ay noon lamang siya nakaramdam ng ganoong takot. Dahil ba sa tunay na nagagalit si Danica dahil sa ginawa niya sa asawa nito?“Ngayon na matatapos ang kasamaan mo, Valentina. Pagbabayaran mo sa kulungan ang lahat-lahat ng ginawa mo—”Ipinutok niya sa itaas ang baril. “Ang ebidensiya ang tinatanong ko sa iyo! Kapag hindi mo pa sinabi sa akin kung nasaan ay ikaw na ang susunod na tatamaan nito!” Muli niyang ibinalik ang baril sa pagkakatutok kay Danica.“Bakit hindi mo na ako patayin?” hamon nito. Hindi kakabakasan ng takot ang mukha ni Danica.Napamura sa utak niya si Valentina. Matalino nga si Danica. Masyado niya itong minaliit. Alam
TAHIMIK na nagtatrabaho si Ambrose sa kaniyang table. Seryoso siyang nakaharap sa kaniyang laptop dahil pinag-aaralan niya ang proposed design ng architect na kinuha niya para mag-design ng bagong cottage na itatayo sa resort. Nabili na rin kasi niya ang kabilang resort kaya mag-e-expand na ang nasasakupan ng kaniyang resort. Noon ay balak na talaga ni Monica na mabili ang kalapit na resort dahil marami itong pinaplano para sa Montealta Beach Resort and Hotel.Lunch break na ng oras na iyon at nasa labas si Monica kaya siya lamang ang mag-isa sa opisina. Mamaya na siya kakain. Hindi pa naman siya nakakaramdam ng gutom.Nasa ganoon siyang kaseryosong tagpo nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Tumatawag si Brent. Bigla siyang kinabahan dahil mahigit one week na simula nang huling magkausap sila ng kaibigang doktor. Hindi na siya nakapag-follow up kay Brent dahil ang sabi nito ay baka dalawang linggo pa ang abutin ng D
NASA loob ng kaniyang kotse si Ambrose. Nakatingin siya sa kawalan habang may hinihintay. Maya maya pa ay may kumatok na babae sa bintana sa tabi ng driver’s seat. Nang makilala niya ang babae ay sinenyasan niya itong umikot sa kabila.Agad na tumalima ang babae at binuksan ang pinto sa may unahan. Pumasok ito at umupo. Sa klase ng pagkakangiti nito ay alam niya na nagtagumpay ito sa ipinagawa niya rito.“Kumusta, Anna?” tanong niya.“Mission accomplished, sir!” Ipinakita nito ang isang resealable plastic na may laman na ilang hibla ng buhok.Kagabi ay isang ideya ang naisip niya na paraan para makakuha ng sample para sa DNA test na isasagawa niya doon sa babaeng inakal nilang si Monica at sa isa sa pamilya ni Milagros. Malakas talaga ang kutob niya na baka nga si Milagros talaga ang babaeng iyon.Isang nakakatawang ideya ang naisip niya. Kinausap niya ang isa sa mga
NAPABALIKWAS ng bangon si Milagros habang habol ang paghinga nang magising siya mula sa bangungot na iyon. Naramdaman niya ang paghawak ni Martin sa kamay niya. Kahit madilim pa ng oras na iyon ay alam niyang si Martin ang kaniyang katabi. Nagpasalamat agad siya sa Diyos nang mapagtantong panaginip lamang ang lahat. Ang buong akala niya talaga ay namatay na silang mag-asawa sa kamay ni Valentina.“Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang hinaplos siya ni Martin sa likod.“Napanaginipan ko si Valentina! P-pinatay niya raw tayong dalawa. Martin, natatakot ako na baka magkatotoo iyon!” Halos maiyak na si Milagros sa labis na takot.“Ano ka ba? Hindi iyon mangyayari. `Di ba, ang panaginip ay kabaligtaran ng sa realidad. `Wag mong kaisipin iyon. Okay? Nandito lang ako sa tabi mo.”“Natatakot pa rin ako. Sana ay mahuli na si Valentina ng mga pulis para hi
“`ETO na ang kape mo, Danica. Sana ay magustuhan mo ang pagkakatimpla ko.” Inilapag ni Milagros ang isang tasa ng mainit na kape sa lamesa na nasa gitna ng sala. Umupo siya sa tabi ni Martin na nasa mahabang upuan.“Maraming salamat!” Nakangiting wika ni Danica. Kinuha nito ang tasa at humigop ng kape. Ibinalik din nito iyon sa lamesa.Sa sobrang paranoid ni Milagros dahil nagkausap sila ni Valentina kanina sa grocery store ay ito ang agad na naisip niya nang may kumatok sa pinto nila. Mabuti na lamang at si Danica lang pala. Ikinagulat niya ang pagdalaw nito sa bahay nila ngunit natutuwa siya na makitang ligtas ang babae.“Pasensiya ka na nga pala kung ngayon lang ako nagpakita sa iyo tapos biglaan pa. Wala kasi akong contact number mo kaya hindi kita nasabihan. Naging abala rin kasi ako dahil sa mga nangyari,” ani Danica.“Wala iyon. Kumusta ka na pala?”Huminga ito nang