ログイン
Third Person’s POV
“Alam mo anong sagot sa problema mo bro?” ang sambit ni Lorrence na kaibigan ni Sage. Ngumuso ito sa stage ng club kung saan naglabasan ang mga babaeng nakasuot ng sexy na damit. “Babae.” Tinungga ni Sage ang laman ng kaniyang baso bago muling magsalin dito. “O? ‘Di ba? Kung gusto ni Azi ng mommy, marami kang mahahanap. Baka pumila pa nga sila para asawahin mo,” ang dugtong pa nito na ikinailing ng lalaki. “Nanay ang gusto ni Azrielle, hindi kung sinong babae lang na mahanap ko sa tabi,” ang sagot niya bago muling lagukin ang laman ng kaniyang baso. Lalong umingay sa loob ng nightclub kung nasaan ang dalawa nang magsimulang sumayaw ang mga babae sa itaas ng stage na ikinahiyaw ng mga lalaking nanonood. Nakihiyaw rin ang kaibigang niyang si Lorrence. “E bakit kasi hindi mo na lang pansinin si Penelope? Simula College tayo patay na patay na sa ‘yo ‘yon! Malay mo maging mabuti pa siyang nanay kay Azi,” pangungumbinsi pa ni Lorrence sa kaniya. “Isa pa boto sa kaniya ang pamilya mo.” Napatulala na lang sa stage si Sage na hindi na nakuhang sagutin ang kaibigan na nakikihiyaw pa rin dahil sa mga sexy na babae sa stage. Ilang araw ng binabagabag si Sage ng pag-uusap nila ng anak na si Azrielle, tungkol sa kagustuhan nitong magkaroon din ng nanay tulad ng mga kaklase nito. Magwawalong taong gulang na ang anak niya, at naiintindihan niyang normal lang na maghanap ito ng kalinga ng isang ina kahit naipaliwanag na ni Sage na wala na ang mommy nito simula ng ipanganak ang bata 8 years ago. Naiintindihan niya ang kalungkutan ng anak lalo na’t naranasan niya rin iyon kahit na buhay naman ang kaniyang ina. “Come on bro, cheer up!” si Lorrence na hinila siya patayo sa upuan nila. “Hindi malulutas ng pagmumukmok ang problema mo. Kung naghahanap si Azi ng mommy, bibigyan natin siya ng mommy!” “Fvck off, Lorrence. Gusto ko lang uminom ngayong gabi.” “Oh come on, Sage, para ka namang kj na virgin! Tara na at magma-mommy hunting tayo ngayong gabi!” Hindi na niya nakuhang makapiglas nang hatakin siya nito paalis sa puwesto nila. Sumuko na lang si Sage at sumama sa kaibigan na paniguradong hahanapan nga siya ng babae. ‘Mali ‘ata na sumama ako sa ungas na ‘to rito’ ang nagsisising aniya sa isipan bago mapahinto sa harap ng stage ng magkasalubong ang tingin nila ng isa sa mga dancer na nandoon. Agad na nagsalubong ang kaniyang mga kilay ng tila ay mamukhaan ito. ‘Imposible na nandito ang homeroom teacher ng anak ko’ ang litong aniya sa isipan. Habang sa kabilang banda naman sa parehong club ay halos mapako ang mga paa ni Hera sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin sa lalaking deretso rin ang tingin sa kaniya mula sa ibaba ng stage kung nasaan siya. ‘Sht! Please sabihin niyong nagkakamali lang ako,’ ang aniya sa isipan habang nagsisimula ng mahigitan ng kabog ng dibdib niya ang malakas na music sa nightclub. Mabuti na lang ay tapos na ang performance nila kaya namamadali siyang pumunta sa backstage na halos takbuhin niya na kung hindi lang siya naka-heels. “Anong problema mo?” boses iyon ni Martha pagtukoy sa biglaan niyang pag-alis sa stage. Isa ito sa mga regular dancer ng club at mukhang isa rin sa may ayaw sa kaniya. “Walang lugar para sa kaartehan dito. Papalampasin namin ‘to dahil unang araw mo pa lang pero sa susunod iwan mo ‘yang kaartehan mo sa bahay niyo.” Inis na binunggo siya nito bago lampasan. Habang mariin na napapikit naman si Hera para pigilan ang sarili na sumagot lalo at may kailangan siya sa club at hindi siya puwedeng mapaalis. Pero, hindi iyon ang dapat niyang problemahin ngayon. “There you are!” ang boses ng manager ng club na nagpatigil kay Hera na akma na sanang magpapalit para makaalis na sa lugar. “Ako?” “Yes! Our lucky charm! Kahit na nag-walk-out ka bigla sa stage,” ang sambit nito na napangiwi sa huling sinabi. Bahagya siyang napayuko, “Sorry po naninibago lang.” “It’s fine dear,” ang nakangiting sabi nito bago siya hawakan sa braso. "Pero kung gusto mo talagang makabawi—” Agad na binawi ni Hera ang kamay niya dahil may kutob na siya sa sasabihin ng babae. “May usapan po tayo na hindi ako magpapahawak sa kostumer!” “Of course,” ang nakangiti muling sagot nito bago tumalas ang tono. “Pero dahil nagkalat ka kanina binibigyan lang kita ng option para makabawi dahil baka topakin ako at bawiin ang napagkasunduan natin.” Napaawang ang labi ni Hera para sana umalma pero sa takot na baka nga bawiin ng babae ang napagkasunduan nila at hindi makuha ang pakay niya sa lugar ay nanghihinang napabuntong hininga na lang siya. “Anong gusto niyong gawin ko?” ang tanong ni Hera na ikinangiti ng babae. Mabibigat ang bawat hakbang ni Hera papunta sa isang VIP room kung saan siya pinapapunta ng manager dahil nirequest daw siya ng isang kostumer. Sinigurado naman sa kaniya nito na hindi siya hahawakan ng kostumer na pumupunta lang daw sa room para mag-inom. Pero kahit na ganoon ay kailangan niya pa ring maging maingat lalo na at hindi ito lugar ng mga santo. “Onting tiis pa, Hera,” ang pilit na pagkumbinsi niya sa sarili. Andito na siya at wala ng lugar para umatras gayong ibinaba na niya ang dignidad nang pumayag siya na makipagkasundo sa manager ng club. Sa kuwarto ay naabutan ni Hera ang isang lalaki sa paikot na couch at mag-isang umiinom. May kadiliman ang kuwarto kaya hindi niya ito makita nang maayos pero nakasuot ang lalaki ng black long sleeve na nakatupi hanggang siko ang mga manggas. “That jerk really never listened to me,” ang britonong boses ng lalaki habang nagsasalin sa baso ng alak. “You can sit anywhere, you can also drink if you want.” Marahas namang napalunok si Hera, nagdadalawang isip pa siya bago maglakad papalapit sa lalaki. Iniurong nito ang isang baso papalapit sa kaniyang puwesto. “Do you want hard drinks? Ito lang ang meron ako rito,” ang tanong ng lalaki na halatang marami ng nainom bago siya balingan ng tuluyan siyang maupo sa tabi nito. Ambang sasagot na sana si Hera sa lalaki ng magtama ang tingin nilang dalawa. Muling gumapang ang kaba sa kaniyang dibdib. Kung kanina ay nagawa niyang iwasan ang lalaki, ngayon ay mukhang wala na siyang takas dito. ‘Anong ginagawa niya rito!’ Kumunot naman ang noo ni Sage habang nakatitig kay Hera na halos umatras na sa kinauupuan niya. “Ikaw…” ang putol na sambit nito na ikinabalik ni Hera sa realidad at wala sa sariling inabot ang baso na may lamang alak bago iyon deretsong lagukin na agad niyang pinagsisihan. “Ang pait!” ang bulaslas niya sa pagitan ng pag-ubo, agad naman siyang ianbutan ni Sage ng tubig na mariin pa rin ang titig sa kaniya. “Ang akala ko namamalikmata lang ako kanina,” ang biglaang sambit ng lalaki na ikinataranta lalo ni Hera. “Ngayon sigurado na akong—” Hindi na natapos ni Sage ang sasabihin ng bigla siyang hilain ni Hera papalapit bago tuluyang magtagpo ang kanilang labi. Mariing nakapikit ang dalaga na ito lang ang naisip na paraan para mapatahimik ang lalaki. Napadilat lang siya ng maramdaman ang kamay ng lalaki sa kaniyang batok bago ito gumanti ng halik sa kaniya.Aldous Sage Villaruel’s POV“This is ridiculous!”Napatayo ang mommy ko sa sobrang galit. Nanatili naman akong nakaupo at sumisimsim sa baso kong may lamang tsaa.“I cannot allow this nonsense, Sage,” ang seryosong tinig ni Dad.Ibinaba ko ang hawak na baso sa lamesa at kapuwa silang tiningnan. “I’ve already decided. No one can change my mind now.”Bumakas lalo ang galit sa mukha nilang dalawa. Nasa mansyon ngayon ang parehong magulang ko matapos nilang malaman ang tungkol sa plano kong pagpapakasal. I don’t want to disclose this yet with them pero masyadong madaldal ang kapatid ko at nagsumbong agad sa kanila.Masyado na talagang na-spoiled ang isang ‘yon, tsk.“Ni hindi mo pa nga naihaharap sa amin ang babaeng ‘yan and now you are telling us that no can change your mind about marrying her? I don’t even know her name or family status!” my mother burst. “You’re not marrying that woman.”Imigting ang panga ko bago padarag na tumayo sa kinauupuan ko. Kapuwa silang napabaling sa akin.
Napakurap-kurap ako habang pinuproseso ang sinabi ni Sage. Bumalik din ang tanong sa akin ni Azi kanina sa parke tungkol sa pagiging mommy ko sa kaniya. Naintindihan ko pa ang anak niya sa tanong nito kanina lalo na at naging malapit na rin sa akin ang bata. Pero, si Sage Villaruel ay gusto akong maging nanay ng anak niya? In short maging asawa niya? Hibang na ba siya? Ni hindi nga kami personal na magkakilalang dalawa!“Tingin ko hindi ko nasusundan ang gusto mong sabihin,” ang naguguluhan kong sambit.Hindi naman nagbago ang seryoso niyang tingin sa akin. Umayos siya ng pagkakaupo bago muling magsalita.“I need someone who can be a mother to my son. At sa kaso ko, ikaw lang ang nakikita kong makakasundo niya—”“Wait! Sandali,” pigil ko agad sa kaniya. “Ito ba ang rason kaya mo binayaran ang utang ko sa club? Para hindi ako makatanggi kapag inalok mo ako ng kung ano man ‘to?”Kumunot ang noo niya. “Hindi ‘yon ang intensyon ko.”“Well, gano'n ang pagkakaintindi ko, Mr. Villaruel. Una
“Daddy!”Tumakbo si Azi papalapit sa lalaking kararating lang. Sa itsura nito ay mukhang galing pa ito sa trabaho at dumeretso lang rito. Muntikan ko ng makalimutan na siya ang pinunta ko rito, pero ngayong nasa harapan ko na siya ay muli na naman akong nilalamon ng kaba.“Sage,” ang mahinhin na sambit ng babaeng ngayon ay abot-langit na ang ngiti. “Penelope,” ang banggit ng lalaki sa pangalan nito matapos buhatin si Azi. Dumako rin ang tingin niya sa akin na agad kong ikinaiwas.“Sa bahay ka na sana dumeretso. Sinusundo ko lang si Azi,” si Penelope.Halos mapairap ako dahil sa pagiging two faced niya pero dahil sa mariin na tingin sa akin ni Sage na tila nagtatanong ang mga mata ay pinigilan ko ang sarili.“You are here,” ang pagkausap sa akin ni Sage na ikinabaling ko sa kaniya.“Binili po ako ni teacher ng ice cream!” si Azi.“Ah! Yes, siya ang nakakita kay Azi. Sobrang thankful nga ako nung tumawag siya sa bahay. Sobrang nag-aalala talaga ako kanina,” ang madramang sabi ni Penel
Kung nakatutunaw lang ang tingin ay kanina pa siguro nalusaw ang papeles ng bahay at lupa namin sa harapan ko. Pagkatapos ng nalaman ko sa nightclub ay halos hindi ako patulugin ng pag-iisip ng mga sagot sa tanong kung bakit iyon ginawa ni Sage. Anong kailangan niya sa akin? Bakit niya ako tinutulungan?Nagtatalo ang isip ko sa kung dapat kong gawin gayong alam na nito ang isa sa pinakatatago ko.“Walang mangyayari kung hindi ko siya pupuntahan,” ang tuluyang pagsuko ko bago tumayo sa aking upuan.Kung alam na niya lahat ng dahilan kaya ako nasa nightclub ng gabing iyon ano pa bang ikahihiya ko?Ang totoo ay nang gabing iyon ang unang araw ko sa club matapos kong pumayag na maging dancer doon para mabayaran at makuha agad ang titulo ng bahay at lupa ng bahay namin, na isinanla ng madrasta kong iniwan na kami pagkatapos maospital ni Papa. Iyon na lang choice na mayroon ako para hindi mawala ang nag-iisang alaala na mayroon ako sa mga magulang ko.Nasa ospital pa rin si Papa at halos ba
Felicity Hera Dela Merced’s POV“Good bye, Teacher! See you tomorrow!” ang masiglang pagpapaalam ng isa sa mga estudyante ko sa Grade 1.Nakangiting kumaway ako sa kaniya at sa nanay niyang nakangiti rin sa akin.“Bye! Ingat sa pag-uwi.”Pinanood ko silang makaalis bago dumeretso sa faculty para ilagay ang ibang gamit ko. Naabutan ko pa ang co-teachers ko na galing din sa kanilang mga klase.“Kapagod,” ang malamyang sabi ni Jessie matapos ibaba sa mesa niya ang mga notebook na dala.“Stress ka na naman sa mga grade 6 mo?” ang mapang-asar na tanong ko sa kaniya na lalo lang ikinalukot ng kaniyang mukha.“Ano pa ba? Mabuti nga ikaw e mukhang maganda ang naging weekends kaya sobrang blooming ngayon,” ang balik na panunukso nito na ikinawala ng ngiti ko. “Nakipag-date ka siguro.”Napatikhim ako. “Na parang may oras pa ako para d’yan,” pekeng ngiting sambit ko habang pinipilit hindi alalahanin ang nangyari sa weekend ko.Bago pa man makapagtanong ng kakaiba sa akin si Jessie ay nagpaalam
Third Person’s POV“Alam mo anong sagot sa problema mo bro?” ang sambit ni Lorrence na kaibigan ni Sage. Ngumuso ito sa stage ng club kung saan naglabasan ang mga babaeng nakasuot ng sexy na damit. “Babae.”Tinungga ni Sage ang laman ng kaniyang baso bago muling magsalin dito.“O? ‘Di ba? Kung gusto ni Azi ng mommy, marami kang mahahanap. Baka pumila pa nga sila para asawahin mo,” ang dugtong pa nito na ikinailing ng lalaki.“Nanay ang gusto ni Azrielle, hindi kung sinong babae lang na mahanap ko sa tabi,” ang sagot niya bago muling lagukin ang laman ng kaniyang baso.Lalong umingay sa loob ng nightclub kung nasaan ang dalawa nang magsimulang sumayaw ang mga babae sa itaas ng stage na ikinahiyaw ng mga lalaking nanonood. Nakihiyaw rin ang kaibigang niyang si Lorrence.“E bakit kasi hindi mo na lang pansinin si Penelope? Simula College tayo patay na patay na sa ‘yo ‘yon! Malay mo maging mabuti pa siyang nanay kay Azi,” pangungumbinsi pa ni Lorrence sa kaniya. “Isa pa boto sa kaniya ang







