LOGINFelicity Hera Dela Merced’s POV
“Good bye, Teacher! See you tomorrow!” ang masiglang pagpapaalam ng isa sa mga estudyante ko sa Grade 1. Nakangiting kumaway ako sa kaniya at sa nanay niyang nakangiti rin sa akin. “Bye! Ingat sa pag-uwi.” Pinanood ko silang makaalis bago dumeretso sa faculty para ilagay ang ibang gamit ko. Naabutan ko pa ang co-teachers ko na galing din sa kanilang mga klase. “Kapagod,” ang malamyang sabi ni Jessie matapos ibaba sa mesa niya ang mga notebook na dala. “Stress ka na naman sa mga grade 6 mo?” ang mapang-asar na tanong ko sa kaniya na lalo lang ikinalukot ng kaniyang mukha. “Ano pa ba? Mabuti nga ikaw e mukhang maganda ang naging weekends kaya sobrang blooming ngayon,” ang balik na panunukso nito na ikinawala ng ngiti ko. “Nakipag-date ka siguro.” Napatikhim ako. “Na parang may oras pa ako para d’yan,” pekeng ngiting sambit ko habang pinipilit hindi alalahanin ang nangyari sa weekend ko. Bago pa man makapagtanong ng kakaiba sa akin si Jessie ay nagpaalam na agad ako na uuwi. Dumaan pa ako sa restroom para saglit na mag-ayos at para saglit na mapag-isa dahil bumaha na naman ang alaala ng nangyari sa club sa isip ko na pilit kong kinakalimutan. “Azi?” ang pagtawag ko sa batang mag-isang nakaupo sa waiting area ng school nang mapadaan ako doon habang pauwi. Nagtaas siya ng tingin sa akin at agad na remihistro ang lungkot sa kaniyang mukha kaya agad ko siyang nilapitan. “Wala pa rin ang sundo mo?” Marahan siyang umiling. Halos wala ng tao sa lugar bukod sa kaniya at sa guard. “Sandali at tatawag ako sa inyo.” Saglit kong tinawagan ang number ng bahay nila at luckily ay tauhan sa bahay ang sumagot. Papunta na raw ang driver nila para sundin si Azi, na-delay lang dahil nasiraan ito kanina na agad ko namang sinabi sa bata na hindi nagbago ang reaksyon sa mukha. Naupo ako sa tabi niya para samahan siya sa paghihintay. “Alam mo bang nakakatanda ang pagsimangot?” Ngumuso ito. “I’m not. I’m just sad.” “Sad? Bakit? May nang away ba sa ‘yo?” Umiling siya. “I don’t have a family to bring for family day.” Nangungusap ang matang nilingon niya ako. “But I want to go, teacher.” “Oo naman,” ang agad kong sagot na ikinabuhay ng mga mata niya. “Pero susubukan pa rin ni teacher na kausapin sina mommy at daddy mo para may kasama ka sa family day.” Napakurap-kurap naman siya habang nakatingin sa akin bago muling bumakas ang lungkot sa mukha. Doon ko lang naalala na wala na nga pala ang mommy niya. Tarantang hinabol ko agad ang tingin ni Azi para bawiin ang sinabi ko. “Pero pwedeng si Teacher na lang din ang kasama mo. Family rin naman tayo rito sa school. Gusto mo ba ‘yon?” “Really?” “Of course! Promise ‘yan, kaya ‘wag ka ng sumimangot okay? Nakaka-haggard ‘yan ikaw rin.” Agad na gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at bigla akong niyakap na bahagya kong ikinagulat bago gumuhit ang ngiti sa labi ko at yakapin din siya pabalik. Somehow, isa ito sa mga dahilan kaya gusto ko rin talagang magturo. Nakipagkuwentuhan pa ako saglit kay Azi habang hinihintay ang sundo niya at nang tuluyan silang makaalis ay marahas akong napabuntong hininga. “Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa Family Day. Paniguradong makikita ko siya doon,” ang nanlulumo kong sambit habang nakatanaw sa malayo ng sasakyan ng bata. Naging busy ang buong week ko pagkatapos no’n dahil kasama ako sa committee na nagpe-prepare para sa Family Day ng school. Halos mawaglit na nga sa isipan ko ang nangyari noong nagdaang weekend, well, ayoko na rin kasi sanang alalahanin pa ‘yon dahil purong kahihiyan at hindi kanais-nais lang ang ibinabalik no’n sa akin. Pero mukhang kahit anong iwas ko ay hindi palalampasin ng pilyong tadhana na tuluyan ko ‘yong makalimutan. “Bakla ka! Hindi ko alam na close pala kayo ng Daddy ni Azi,” ang bulong sa akin ni Jessie habang namimigay kami ng bottled water sa mga pamilya sa field kung saan ginaganap ang Family Day. “Actually, hindi ko rin alam,” ang lutang kong pabulong na sagot bago balingan sa hindi kalayuan ang tinutukoy niya. Napasinghap ako ng magsalubong ang tingin namin ni Sage Villaruel, ang daddy ni Azi, at nagkataong ang lalaking nakakaalam din ng sekretong pagtatrabaho ko sa bar. Kanina ay hindi pa ako sigurado kung naaalala niya ba ako, pero ngayon na halos tunawin niya ako sa pagkakatitig sa akin sa buong activity ng Family Day ay siguradong-sigurado akong naaalala niya ako—ang lahat! “Bakla ka! Naglalakad papunta rito!” Kabadong nilingon ko muli kung nasaan si Sage at tama nga si Jessie dahil deretso itong naglalakad papunta sa puwesto namin. “A-Anong gawin ko?” “Anong anong gagawin mo? May atraso ka ba d’yan?” si Jessie na hindi ko makuhang sagutin ng ‘oo’ dahil malaki ang atraso ko sa lalaking huminto mismo sa harapan ko. “Tulungan ko na kayo,” si Sage matapos kuhain ang karga-karga kong box ng bottled water. Hindi ako nakaimik. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya dahil nilalamon na ng kaba ang dibdib ko. Kanina nga sa isang activity ay halos hindi na ako makahinga dahil sa lapit namin sa isa’t isa, ngayon pang siya na mismo ang lumalapit sa akin. Medyo pinagsisisihan ko na nag-promise ako kay Azi na puwede niya akong maging magulang ngayong Family Day dahil mas lalo akong napalapit sa tatay niyang iniiwasan ko. “Ay, salamat po, Mr. Villaruel,” ang sambit ni Jessie sa tabi ko nang makita niyang parang naestatwa na ako sa kinatatayuan ko. “A-Ah, tutulong lang ako sa iba pa,” ang pagkausap ko kay Jessie na nilakihan pa ako ng mga mata pero agad na akong tumalikod dahil hindi ko na kinakaya ang titig sa akin ni Sage. Hanggang matapos ang event ay hindi na ako nagpakita kay Sage. Natatakot akong bigla niya akong kausapin tungkol sa nangyari sa nightclub, bukod sa nakita niya ako roon, ay baka i-bring up niya rin—kung naaalala man niya ang nangyari sa VIP room. Para maalis na ang pagkabalisa ko ay pumunta ako sa nightclub sa parehong araw. Tuwing weekends lang ang schedule ko roon pero dahil may kutob akong magkikita ulit kami sa nightclub ni Sage ay napagdesisyunan kong kausapin na lang ang manager tungkol sa kasunduan namin. Paniguradong wala na akong mukhang maihaharap pa kapag nagkita pa ulit kami sa club. “Ano pong sabi niyo?” ang hindi makapaniwalang tanong ko sa manager ng club habang nagbibilang ito ng pera. “Bingi ka ba? Ang sabi ko hindi mo na kailangang pumasok pa dito. Puwede mo na rin makuha ‘yung titulo ng lupa niyo. Wala ka ng atraso sa ‘kin,” ang masungit na sambit nito bago padarag na inilagay sa ibabaw ng lamesa ang papeles na dahilan kung bakit ako pumayag nakaraan na pumasok bilang dancer sa club. “Pero… paano po nangyari ‘yon?” Mataman niya akong tiningnan. “Ayaw mo ba? Isa pa, bakit ba ako ang tinatanong mo at hindi ‘yung kostumer mo nakaraan? Mukhang patay na patay ‘ata sa ‘yo dahil binigyan ako ng maraming datung para lang maalis ka rito. Swerte mo!” “Kostumer? Sinong kostumer…” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tila nakakita ako ng multo ng maintindihan ang sinasabi niya. I’m totally doomed.Third Person's POV Ginugol ni Hera ang maghapon niya sa kwarto ng ama kasama ang anak na si Azi at kaibigan na si Vanessa. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang kwarto sa pangunguna ni Vanessa pero sa kabila no'n ay hindi pa rin mapigilan ni Hera na maging balisa at isipin ang naging engkwentro sa kaniyang madrasta sa parking lot ng ospital. Nang tumawag na sa kaniya ang mother-in-law niya para sunduin si Azrielle ay doon lang sila nagpaalam sa kaniyang ama. Hindi pa nga sana gustong umalis ng anak niya pero ayaw rin naman nitong paghintayin ang kaniyang mommy-lola. "You again," si Serina kay Vanessa ng sunduin na nito ang apong si Azrielle. "Good evening din sa 'yo Mrs. Villaruel," ang malawak na ngiting bati naman ni Vanessa na ikinaismid ng babae bago bumaling kay Hera na tila disappointed na makitang ito ang kaibigan niya ang kasama nila buong maghapon. "Kanina ko pa dapat sinundo ang apo ko at baka kung ano na ang natutuhan sa kaibigan mo." Ambang sasagot sana si Hera pe
35. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga palad bago malalim na bumuntong hininga para kahit paano ay maalis ang barang nararamdaman sa lalamunan dahil sa pagpigil sa naipon ko ng emosyon. Narinig ko naman ang marahang yabag na papalapit sa akin. Hindi agad ako bumaling sa kaniya dahil kino-compose ko pa ang sarili. “You can use this.” Napabaling ako sa panyo niyang nakalahad sa akin. Pilit ngumiti ako bago magtaas ng tingin kay Tristan. Tuluyan ng nagtagpo ang mga tingin namin at hindi ko alam kung bakit puno ng pag-aalala ang tingin niya. “Salamat, pero ayos na ako.” Marahan lang din siyang napangiti bago bawiin ang kamay na may hawak ng panyo. “Uhm… sorry, saktong kalalabas ko lang ng kotse ng—” “It’s fine. Public place naman ‘to. Ako nga dapat ang humihingi ng dispensa dahil sa nakita mo.” I smiled in disbelief. “Tingin ko dapat na akong mahiya na palagi mo akong nakikita sa ganitong sitwasyon—I mean na umiiyak.” “Wala namang dapat ikahiya sa pag-iyak. Kahit ako umii
"Tita Daniela..." ang mahinang bulong ko sa sarili. Anong ginagawa niya rito? Paano siya napadpad dito? Alam na ba niyang nandito si Papa kaya siya nandito? Marahas akong napalunok habang mahigpit ang kapit sa kamay ni Azrielle na lito rin na tinitingnan ang babae sa harapan namin. "Do you know her Mommy?" si Azi dahilan para mapabaling sa kaniya ang tingin ni tita Daniela. "P-Pumasok na tayo." Agad akong humakbang para maglakad papasok sa ospital. Gusto ko ng makaalis doon at magpanggap na hindi siya kilala. "Mommy? Bakit mommy ang tawag sa 'yo ng batang kasama mo?" ang dinig kong pahabol na tanong niya sa akin. Nagtuloy-tuloy naman ako sa paglalakad na para bang walang narinig. "Mommy, she's talking to you." Maliit na ngumiti lang ako kay Azi dahil hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kaniya ang sitwasyon. "Hera! Bakit tinatalikuran mo na ako kinakausap pa kita. Ang tagal na rin nating hindi nagkita—Hera!" Napahinto ako sa paglalakad maging si Azi nang hablutin niya
33. “I did not call you to hear other man’s name.”Mariin akong napapikit habang dinadaga ang dibdib. Gusto ko na lang magpakain sa lupa.“Ngayon hindi mo na ako gustong makausap? Did I disappoint you dahil hindi ako ang inaasahan mong tumawag?” muling seryosong hirit nito na agad kong ikinasagot.“Sorry. I mean, hindi sa gano’n. Ang akala ko kasi…” Hindi ko matapos ang sasabihin ko nanatili namang saglit na tahimik si Sage sa kabilang linya bago magsalita muli na agad kong kinataranta.“Can we do a video call?”“Ha? Bakit–I mean, ngayon na?”“Of course.”Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at lalong nataranta dahil sa biglaan niyang pag-switch sa video call gayong hindi ako nakasuot ng disente ngayon. Naka-night spaghetti dress lang ako at walang suot na bra kahit na hindi naman niya ako makikita ng buo ay naiilang pa rin ako. “Ahem! Bakit biglang gusto mo ng video call?” ang naiilang na tanong ko matapos i-accept ang video call nito.Napataas ang isang kilay ni Sage na hindi ko m
32.“Maybe, she's like that because Sage is not here to monitor her,” si Penelope. “I heard nga rin na wala ka rito sa nung inatake si Azi, buti na lang dumating si tita dito. Is that what a real mother do? Kasi kung, oo, kawawa nga ang mag-ama mo.”Napaigting ang panga ko dahil sa mga pinagsasabi ni Penelope. Pinipigilan ko ang sarili na sagutin siya dahil ayokong gumawa ng gulo at patulan siya sa harapan ni Azi at tita Serina.Imbis na balingan siya ay naglakad ako palapit kay tita para bumeso.“Hello po, tita. Thank you po pala sa paglabas kay Azi. Dito na rin po kayo mag-dinner, magluluto po ako.”Mataman niya akong tiningnan at ambang sasagot na sana nang kapwa kami mapabaling kina Azrielle dahil sa boses nito.“Hindi po kami kawawa ni Daddy because Mommy Hera always cooked delicious food for us! She love me and daddy so much, so, stop being mean to her, tita Pen, that’s bad!”Napaawang naman ang bibi ni Penelope sa pagkabigla. Tumingin pa siya sa gawi namin ni tita na tila ay na
31.Gaya ng sinabi ni Sage ay umalis din siya nang sumunod na araw pagkatapos magising ni Azrielle. Medyo naging pahirapan pa nga ang pag-alis niya dahil hindi mapigilan ni Azi na umiyak mabuti na lang napatahan at nakumbinsi ko siya na babalik din agad ang ama kahit na halos isang buwan itong mawawala.Mas lalo kong naintindihan kung bakit nasasabi ni Sage na hindi niya maalagaan nang maayos ang anak niya dahil ilang beses din siyang halos wala sa mansyon kada taon. Naiintindihan ko rin ang marahil attachment issues ni Azi sa magulang niya at pananabik na mabigyan ng atensyon ng ama o kahit nung maging mommy na niya ako.Lalo akong nakumbinsi ng mga realizations na iyon na mag-resign na sa trabaho. Tutal ay para na rin namang trabaho ang pinirmahan kong kontrata kay Sage. Tingin ko rin ay ito ang mas makabubuti sa sitwasyon ko ngayon.“What? Nagpasa ka na ng resignation?” si Vanessa habang may fries pa sa bibig.“Yep. Magrerender na ako for a month or less, they are already finding s







