LOGINIsang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Matthew mula sa kabilang linya. Malalim itong napaisip. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?""Tingin mo nagsisinungaling ako? At this state? Really, Matthew?""Hindi ako ang nagsabi niyan," mapaglarong tumawa nito. Nagawa pa ring magbiro sa kabila ng pagiging seryoso ni Natasha. Hindi niya pinansin ang pasaring nito. "Mayro'n pa pala. Kagabi, narinig kong hinatid ni Enzo 'yong intern. May kakaiba sa babaeng 'yon. Alam mo 'yong instinct ko, hindi pa ako nagkamali ng duda ko."Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Narinig niyang may tina-type ito sa laptop. "Kung gano'n... Anong dahilan niya ba't dito siya pumasok?" Maraming pumasok na senaryo sa isip niya. Pero natigil 'yon ng muling magsalita si Matthew. "Siguradong espeya siya mula sa kalabang kompanya. At pinadala rito para nakawin ang mga blueprint."Tila nagliwanag ang mukha ni Natasha ng sabihin 'yon ni Matthew. Sa tingin niya, mas maganda nga kung paratangan itong espiya na
Naitapon ni Natasha ang hawak na folder habang nakatingin sa kaniyang personal na laptop. Hindi pa siya na-trigger ng ganito mula ng nagtrabaho siya. She always maintains her professional dignity here, but Reina Olaso makes her lose her temper easily. Hindi niya matanggap na madali lang nito nakuha ang loob ni Enzo, kaysa sa kaniyang matagal ng kakilala.Mas lalong nadagdagan ang kaniyang inis ng ma-realize na nasayang ang kaniyang buong araw, dahil inuna niya pang tumutok sa laptop niya na may mga information tungkol sa bagong intern. "Napaka-imposible," bulong ni Natasha, habang ang kaniyang mga daliri ay 'di mapakali sa pag-top sa kaniyang table. Hindi pinapansin kung kanina pa pasilip-silip ang kaniyang secretary. Masyado siya nalulunod sa iniisip para pansinin at pagalitan ito. Muli niyang binalikan ang mga log. Ngunit kahit anong hanap niya ng mali ay wala siyang makita. Kahit sinong mga matatagal na sa ganitong industriya ay mapapahanga sa ginawa nitong pagbabago sa ilang fin
'Di makapaniwala si Reina sa kaniyang mga narinig. Gusto niyang tukuyin kung talaga bang pinagbabantaan siya nito. Ngunit bago pa makasagot si Reina upang ipagtanggol ang sarili, narinig niyang bumukas ang glass door ng opisina.Nakita niyang pumasok si Enzo. Bakas sa mukha nito ang matinding pagod at puyat. Ngunit kahit na gano'n, malinis at pormal pa rin ang tindig nito dahil sa suot na kulay asul na polo shirt. May bitbit din ito sa kanang kamay ang laptop bag, habang sa kaliwa naman ay may hawak na puting folder."Alvendo, good morning!" masiglang bati ni Natasha sa lalaki bago pa man ito tuluyang makapasok sa opisina. Ang kaninang matalim at nakasimangot na ekspresyon ay bigla na lang napalitan ng isang malambing ngunit professional na ngiti, habang humahakbang ito papalapit sa pwesto ni Enzo."Good morning, Valderama. Anong ginagawa mo rito?" rinig niyang tanong ni Enzo sa babae."I just wanted to see how your new intern is doing. Sinisiguro ko lang kung ginagawa niya ba ng maay
Eksaktong seven forty-five palang ng umaga nang dumating si Reina sa opisina. Bawat hakbang niya'y ramdam niya ang kirot sa paa dahil sa pumutok na paltos. Bitbit niya sa kanang kamay ang isang mamahaling paper bag, kung saan maayos na nakalagay ang gray na hoodie at malaking itim na payong na pinahiram kagabi ni Enzo. Nilalamig man kagabi, ngunit una niya pa ring pinaasikaso sa katulong ay ang labhan at i-dryer ang hoodie. Gusto niyang ibalik kaagad ito sa lalaki ng nasa maayos na kondisyon. Inilapag niya sa table ang dalang gamit pagkarating niya sa cubicle. Hindi naman siya nagulat ng bigla na lang sumulpot si Karen sa kaniyang tabi. Kanina niya pa kasi napapansing pinagtitinginan siya ng ibang empleyado. Malamang iniisip nila kung ilang araw na lang ang pag-stay niya rito bago magkusang aalis."Good morning, Reina! Naks! Congrats! Nalampasan mo ang bangungot ng unang araw! Naabutan ka ba ng ulan kagabi?" masiglang bungad kaagad nito. Napangiti na lang din siya ng tipid. Tahimik
Natagpuan na lang ni Reina ang sarili na nasa loob na ng lumang Mitsubishi Lancer ni Enzo. Maingay ang tunog ng makina ng kotse, at tila nagrereklamo na rin ang wiper ng windshield dahil sa mabigat na bagsak ng ulan. Ilang minuto na rin ang lumipas nang bagtasin nila ang madilim at binabahang bahagi ng Pasay.Basang-basa ang itaas na bahagi ng kaniyang katawan at nanginginig na siya sa lamig. Hindi man kasing gara ng SUV nila ang kotse na ito, ngunit para sa kaniya, ito na ang pinakamalambot na naupuan niya ngayong araw."May extra akong hoodie sa likod. Kunin mo na lang at isuot," utos ni Enzo sabay turo sa gray na telang nakalagay sa backseat habang nakatingin pa rin sa harap ng daan.Walang reklamong sinunod niya ito. Pagkasuot ng hoodie, kaagad na humaplos sa kaniya ang pamilyar na amoy ni Enzo—malaki iyon para sa kaniyang pangangatawan, ngunit sapat na upang magbigay ng init at mapalitan ang lamig na bumabalot sa kaniyang katawan."Thank you," tanging nasabi niya habang nakatingi
Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan. Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng centralized aircon at marahas na pag-click sa keyboard ni Reina ang naririnig. "Gusto mo pala ng totoong trabaho, huh" pabulong na wika ni Reina sa sarili, paos ang boses. "Oh, ayan, Reina. Magdusa ka. Lasapin mo ang ganti." Matapos ang naging tagpo kanina sa conference room, tinupad nga ni Enzo ang sinabi nitong tambakan siya ng maraming trabaho. Akala pa niya'y nagbibiro ito at makaramdam man lang ng awa pero likas na 'ata sa ugali nito ang pagiging halimaw. Mga folder na patong-patong ang ibinagsak nitosa table niya, mga report ng expense mula sa nakaraang buwan na kailangan i-reconcile bago pa man pumasok ang mga empleyado bukas. Walang kahit na anong tulong. At walang naglakas loob na tu







