Share

Chapter 5

Author: trecie13
last update publish date: 2026-06-15 16:37:03

Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan.

Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng centralized aircon at marahas na pag-click sa keyboard ni Reina ang naririnig.

"Gusto mo pala ng totoong trabaho, huh" pabulong na wika ni Reina sa sarili, paos ang boses. "Oh, ayan, Reina. Magdusa ka. Lasapin mo ang ganti."

Matapos ang naging tagpo kanina sa conference room, tinupad nga ni Enzo ang sinabi nitong tambakan siya ng maraming trabaho. Akala pa niya'y nagbibiro ito at makaramdam man lang ng awa pero likas na 'ata sa ugali nito ang pagiging halimaw. Mga folder na patong-patong ang ibinagsak nitosa table niya, mga report ng expense mula sa nakaraang buwan na kailangan i-reconcile bago pa man pumasok ang mga empleyado bukas. Walang kahit na anong tulong. At walang naglakas loob na tumulong. 

Kanina pa tumutunog ang tiyan niya sa gutom. Ang kain niya ay ang biscuit na nakita niya kanina sa loob ng kaniyang tote bag. Kasama na rin ang mahapding paltos sa kaniyang sakong dahil tuluyan na itong pumutok, at sa bawat kilos ng kaniyang paa sa ilalim ay napapadaing siya dahil umaabot hanggang sa kaniyang ulo ang kirot.

Pak.

Halos mapatalon siya sa gulat nang may narinig na paglapag ng kung ano sa kaniyang table, sabayan pa ng biglang pagsulpot ni Enzo. Pagsulyap niiya sa inilapag nito, nakita niya ang brown na supot at isang may kaliitang plastic mula sa mercury drugstore. 

Tumaas ang isang kilay niya at ibinaling ang tingin kay Enzo. Nakasuot na ito ng isang simpleng gray shirt na pinatungan ng black jacket. May bitbit din itong laptop bag, handa na para umuwi. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngayon, at malamig pa rin ang ekspresyon nito subalit hindi na kasing-lamig ng kanina.

"Kainin mo muna 'yan, baka lumamig. May siopao at mineral water sa loob," walang kaemo-emosyong utos nito nang 'di man lang tumitingin sa kaniya. Diretso ang mga mata sa monitor. Hindi malaman kung concern ba ito sa kaniya o natatakot na baka 'di niya matapos ang pinapagawa nito. "May band-aid at betadine sa plastic. Gamutin mo na 'yang paltos mo, at baka 'di ka pa makalakad ng maayos bukas. Ako pa sisihin mo."

At sino ba dapat sisihin? E, kasalanan mo naman talaga? Gusto niyang isagaw 'yan sa pagmumukha ni Enzo ngunit wala na siyang lakas para magsalita. Kinuha niya ang supot at plastic at binuksan iyon, ngunit natigilan siya at may pagdududang tiningnan ni Reina si Enzo. 

"Para saan 'to, sir? Pa-consuelo mo ba after ng mga sinabi at ginawa mo kanina? O, para ma-guilty ako kung hindi ko 'to matapos?

Tumingin ng diretso sa mga mata niya si Enzo, bahagyang umigting ang panga. "'Wag mong bigyan ng ibang meaning ang maliit na tulong na 'to, Ms. Olaso. Ayoko lang makarinig mula sa HR na hindi kita tinatrato ng maayos dito. I-save mo na 'yan at ituloy bukas ng umaga. May darating na bagyo kaya umuwi ka na bago ka pa ma-stranded dito."

'Di na nag-abalang magpa-alam sa kaniya si Enzo. Basta na lang ito umalis at iniwan siya roon, habang si Reina ay tulala lang habang hawak niya ang supot. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa sumakay ito ng elevator at tuluyang mawala. Aaminin niyang unti-unting natutunaw ang inis na nararamdaman niya para rito. Alam niyang nag-aalala rin ito. Ngunit biglang tamalim ang tingin niya ng maalala ang panibagong problema.

Paano siya uuwi ngayon? 'Yan feeling independent strong woman pa!

Hindi na siya nagsayang panahon, mabilis niyang niligpit ang gamit at bumababa sa lobby ng Monteverde Tower. Sinalubong siya ng malakas na ragasa ng ulan at hangin. Sobrang dilim ng lahat, at wala man lang isang butuin na makita. Unti-unti na ring binabaha ang ilang kalsada ng Pasay. Halos 'di na rin umuusad ang ilang sasakyan sa sobrang traffic. 

Palihim na kinuha ni reina ang Iphone niya sa pinakailalim na part ng kaniyang bag. Dali-dali niyang binuksan ang Grab na app para mag-book ng taxi. Ngayon nabigo siya ng bumangad sa kaniya ang No drivers available.

"Kung minamalas nga naman," aniya ngunit bakas ang pagkabigo sa boses. Gusto niyang tawagan si Mang Gary, pero nagsabi na siyang 'di siya magpapasundo ngayon. Ayaw niya namang gambalain ito. "Kailan pa ba matatapos ang araw na 'to."

Gamit ang payong na hiniram niya sa guard kanina, humakbang siya at binagtas ang daan patungo sa sakayan ng tren. Hindi ininda ang patak ng ulan na bumabasa sa kaniyang damit. Ang hindi niya matiis ay ang sugat niya sa paa nababasa ng baha. Nakikisabay siya sa agos ng mga tao, hanggang sa makarating siya sa tren station ng Pasay. Ngunit ang nadatnan niya rin doon ay ang mahabang pila na umabot hanggang sa breakdown ng hagdanan sa labas. 

Siksikan, pinaghalong amoy ng pawis at ulan, at walang hanggan na tulukan dahil desperada ng makauwi. Habang si Reina, hindi na makagalaw sa kinatatayuan niya.

"Ba't ba ang tagal umusad! 'Yong iba, umatras naman kayo! Ang sikip na dito, oh!" sigaw ng isang lalaki sa likod niya. 

Ngunit walang nakinig sa pakiusap nito at isang malakas na tulak mula sa likod ang nanggaling, dahilan upang matumba siya. Nagkagulo ang mga tao, mas lalong nagtulakan. Hindi naman nakatayo 'agad si Reina, sa takot na baka mas lalo siyang maipit. Ramdam niya ang mabibigat na bagay ang lumalampas sa kaniya. Ang kaniyang bag ay hindi niya na rin mahagilap.

Hindi siya gumalaw, basang-basa na ang kaniyang buong katawan. Napayuko si Reina at niyakap ang dalawa niyang tuhod na tila iyon na lang ang kakampi niya. Ang iba't ibang emosyong naipon mula pa kaninang umaga ay basta na lang bumigay. Sunto od-sunod ang pagpatak ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. 

Gusto ko ng umuwi. Gusto ko nang humiga sa malambot kong kama. Bakit ko ba 'to ginagawa?

"Olaso?" Isang pamilyar na boses ang narinig niya. Mabilis siyang umangat ng ulo. Hindi naman siya nabigo nang magtama ang mga mata ni Enzo. May hawak itong payang, habang gulat na gulat na nakatingin sa kaniya.

Wala siyang sinayang na segundo, mabilis siyang tumayo at humakbang patungo sa direksyon nito bago mahigpit na niyakap. Mas lalong lumakas ang iyak niya ng maramdaman ang presesya nito. Para siyang batang nagsusumbong sa magulang. 

"Ano'ng ginagawa mo d'yan sa sahig? At ba't ka umiiyak?" sunod-sunod na tanong ni Enzo. Hinawakan siya nito sa balikat at bahagyang inilayo siya. Bakas ang matinding pag-alala sa mga mata nito. Tila natauhan naman siya at mabilis na lumayo rito.

"Wala ka nang pakialam do'n!" singhal niya, bagamat umiiyak pa rin. Tila nagulat naman si Enzo sa bigla niyang pagsigaw. "Ininsulto mo ako buong araw; iniwan mo na lang ako ng basta-basta sa opisina, tapos ngayon magpapanggap ka na parang walang nagyari? Bakit? Bakit! Siguro sa loob-loob mo tuwang-tuwa ka dahil sa kalagayan ko! Sige na, tumawa ka na! Sabihin mo nang lampa ako!"

Tiningnan siya ni Enzo ng matagal. Walang kahit na anong bakas ng galit o pagkasungit. Bagkus, napalitan ito ng isang malalim na buntong hininga. Sinulyapan nito ang sugat ni Reina sa paa, wala ng band-aid dahil sa tubig ulan. 

Walang sabi-sabi, nilapitan ni Enzo si Reina atsaka binuhat. "Keep your mouth shut, Ms. Olaso. If you don't want me to kiss you," banta nito ngunit mahinahon ang boses. Malumanay, at sa unang pagkakataon ay walang nasabi si Reina, at tahimik lang na pinagmasdan ang lalaki. "Ituro mo sa akin ang bahay mo. Ihahatid na kita."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 5

    Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan.Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng centralized aircon at marahas na pag-click sa keyboard ni Reina ang naririnig."Gusto mo pala ng totoong trabaho, huh" pabulong na wika ni Reina sa sarili, paos ang boses. "Oh, ayan, Reina. Magdusa ka. Lasapin mo ang ganti."Matapos ang naging tagpo kanina sa conference room, tinupad nga ni Enzo ang sinabi nitong tambakan siya ng maraming trabaho. Akala pa niya'y nagbibiro ito at makaramdam man lang ng awa pero likas na 'ata sa ugali nito ang pagiging halimaw. Mga folder na patong-patong ang ibinagsak nitosa table niya, mga report ng expense mula sa nakaraang buwan na kailangan i-reconcile bago pa man pumasok ang mga empleyado bukas. Walang kahit na anong tulong. At walang naglakas loob na tumu

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 4

    Dahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang ito bago mag-ala-una. Eksaktong twelve fifty-five ng i-click niya ang save."Akala mo, huh," proud niyang sabi, nakataas pa ang kilay na tila hinahamon siya ng away.Wala siyang sinayang na segundo, mabilis siyang tumayo para pumunta sa pantry. Nang makarating, natagpuan niya ang isang mamahaling espresso machine. Nahulaan niya 'agad na walang instant coffee at lahat ay premium dahil para ito sa mga VIP at managers. Hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin. Sa mansyon nila, iba ang gumagawa nito para sa kaniya. Kahit isang beses ay hindi siya humawak ng ganitong machine. Pero minsan niya na ring nakita kung paano ginawa iyon ng kanilang barista, kaya pilit niyang inaalala ang bawat step

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 3

    Tila naging isang parusa kay Reina ang halos apat na oras na lumipas. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, dahil sa buong buhay niya ang tanging pinakamabigat na binuhat niya ay ang kaniyang designer bag. Pero ngayon? Pakiramdam niya, unti-unting nangangalay ang kaniyang likod dahil kanina pa siya pabalik-balik sa pagbuhat ng mga folder mula sa madilim at maalikabok na storage room sa dulo ng hallway.Dagdagan pa ng paltos sa kaniyang paa dahil sa suot niyang flat shoes na parang sumisingil ‘ata ng utang sa sobrang kirot, at wala man lang siyang magawa kundi ang tiisin. Kahit lagyan niya pa ng band aid, wala pa ring maitutulong. Pasalamat na lang talaga siya at walang heels ang kaniyang sinuot.“Gosh. Bakit kasi nauso pa ‘tong Excel? Sino nag-imbento nito, pasampal isa lang,” nayayamot na bulong ni Reina sa sarili habang mariing nag-ta-type sa mga pyesa ng kaniyang lumang computer.Halos nasa seventy percent pa lang ang natapos niya sa pag-encode. Napapaubo pa siya minsan sabay b

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 2

    Bahagyang siyang napalunok. Hindi niya alam kung paalala ba ang sinasabi nito o isang babala. Halimaw? Galit sa mayayaman? Napataas ang isang kilay niya sa isip. Buong buhay niya, lahat ng managers ng kompanya nila ay yumuyuko sa tuwing dadaan sila ng lolo niya. Sino ang lalaking ‘to para katakutan ng lahat? At anong karapatan niya para magalit sa mga mayayaman? “Pasok ka na, Reina. Sana umabot ka ng isang linggo. Mukhang matino ka pa naman,” huling hirit pa nito bago siya iniwan do’n na parang ayaw madamay sa kung ano mang gulo ang mangyayari sa loob ng silid na iyon. Hindi man lang ako tinuruan kung anong gagawin? Ang galing. Humingang malalim si Reina. Inayos ang nagusot na simpleng t-shirt at medyo kupas na blazer. Kumatok siya ng tatlong beses sa glass door at hinintay na papasukin siya. “Enter,” isang malalim, at malamig na boses ang narinig sa loob. Walang kahit anong bahid ng emosyon o init ang boses nito. Dahan-dahang binuksan ni Reina ang pinto at pumasok. Napansin n

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 1

    Kung mayro’ng natutunan si Riena sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, iyon ay ang katotohanang iba ang magiging trato sa ‘yo ng isang tao kapag alam nilang may nakadikit na yaman sa dulo ng pangalan mo.Kapag naglalakad siya sa isang mamahaling mall, kusang bumubukas ang mga glass door ng store. Kapag pumasok siya sa isang sikat na restaurant, kahit walang bakanteng upuan ay laging hinahanapan ng paraan at parang magic na bigla na lang susulpot ang VIP lounge para sa kaniya. Nabubuhay siyang napapaligiran ng karangyaan. Pinanganak siyang nakaukit na ang kapalaran—ang maging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng kaniyang Lolo. Pero ang gamitin siya para ipakasal sa anak ng partner ng kanilang kompanya ay ang hindi niya matatanggap.“Ma’am Reina, okay na po ba talaga kayo rito? Baka po pwedeng doon ko na kayo ibaba sa mismong basement ng tower?” bakas ang matinding kaba sa boses ni Mang Gary, ang personal driver niya mula no’ng high school pa lang siya. Nakatingin ito sa rear-view mirror

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status