Share

The Intern is a Billionaire
The Intern is a Billionaire
Penulis: trecie13

Chapter 1

Penulis: trecie13
last update Tanggal publikasi: 2026-06-14 11:48:55

Kung mayro’ng natutunan si Riena sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, iyon ay ang katotohanang iba ang magiging trato sa ‘yo ng isang tao kapag alam nilang may nakadikit na yaman sa dulo ng pangalan mo.

Kapag naglalakad siya sa isang mamahaling mall, kusang bumubukas ang mga glass door ng store. Kapag pumasok siya sa isang sikat na restaurant, kahit walang bakanteng upuan ay laging hinahanapan ng paraan at parang magic na bigla na lang susulpot ang VIP lounge para sa kaniya. Nabubuhay siyang napapaligiran ng karangyaan. Pinanganak siyang nakaukit na ang kapalaran—ang maging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng kaniyang Lolo. Pero ang gamitin siya para ipakasal sa anak ng partner ng kanilang kompanya ay ang hindi niya matatanggap.

“Ma’am Reina, okay na po ba talaga kayo rito? Baka po pwedeng doon ko na kayo ibaba sa mismong basement ng tower?” bakas ang matinding kaba sa boses ni Mang Gary, ang personal driver niya mula no’ng high school pa lang siya. Nakatingin ito sa rear-view mirror ng mamahaling Mercedes-Benz habang dahan-dahang itinabi ang sasakyan, isang metro ang layo mula sa malaking tower ng Monteverde.

“Yes, Mang Gary. Hindi naman ako iitim dahil lang sa isang beses na paglalakad,” nakangiting sagot ni Reina habang tinatanggal ang seatbelt. Sunod niya namang tinanggal ay ang kaniyang diamond rings at suot na Cartier watch sa loob ng isang velvet pouch atsaka itinago.

“Pero paano po kung malaman ng Lolo mo… tapos pinaglakad pa kita sa gitna ng tirik na araw. Baka sisantihin ako no’n,” napakamot na lamang sa ulong dagdag ng matanda. Namamasa rin ng pawis ang noo nito kahit naka-on naman ang aircon.

“Don’t worry po. Ako na ang bahala kay Lolo. In the first place, nagkasundo na kami. Atsaka... I have 2 months to prove myself,” aniya habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin.

Sa loob ng dalawang buwan na ‘yon, kailangan niyang patunayan sa Lolo niya na may silbi siya at kaniya niyang magsimula sa pinakamababang posisyon ng hindi ginagamit ang impluwensya ng kanilang pamilya. Dahil naniniwala siya na ang pagpapakasal ay para sa pag-ibig at hindi para sa kahit ano mang kasunduan.

Kaya narito siya ngayon. Mula sa Reina Keshia Monteverde, siya na muna si Reina Olaso—isang graduating student na magpapanggap na isang intern sa building nila. Mula sa kaniyang namayapang ina ang apelyidong ginamit, no’ng dalaga pa ito. Siniguro niya ring kapag papasok na siya sa Monteverde Tower ay walang kahit na anong bakas ng kaniyang totoong pagkatao at walang makakilala sa kaniya.

Huminga siya ng malalim atsaka hinubad ang kaniyang kulay white na Chanel heels bago palitan ng isang ordinaryong flatshoes na binili niya lang sa tiktok shop, sa halagang dalawang daan. Alam niya na ‘agad na magkakaroon siya ng paltos ng lumapat ito sa kaniyang paa, pero kailangan niyang tiisin. Pagkatapos ay sunod niya namang kinuha ang tote bag, at iniwan ang designer bag sa backseat ng kotse.

“Wish me luck, Mang Gary! Huwag mo na akong sunduin mamaya, okay? Mag-co-commute ako,” masiglang bilin niya rito bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse.

“Hala? Sure ka po, Ma’am? Baka maligaw ka po? O, baka pagtripan ng mga tambay riyan?”

Nakasimangot siyang hinarap ito. “Pati ba naman ikaw Mang Gary? Malaki na ako, I can handle myself!”

“Biro lang, Ma’am. Pero mag-ingat po kayo,” bungisngis nitong wika na parang bata sabay kamot sa ulo. Napatawa na lang din siya bago bumaba ng kotse.

Tumataginting ang araw at mausok na hangin ng Maynila ang sumalubong sa kaniya. Bahagya pa siyang napaubo nang malanghap ang alikabok. Sanay siya sa malinis na paligid kaya ay parang sampal ng katotohanan sa kaniyang mukha ang mga nakikita. Ngunit sa kabila ng takot ay nakaramdam siya ng kakaibang excitement. Pakiramdam niya nasa isang kdrama siya na nagsisimula ng panibagong buhay.

Humakbang siya patungo sa naglalakihang tower ng Monteverde. Sa bungad palang, kita na ‘agad ang malaking logo na nag-re-represent sa kanilang pamilya. Gusto niyang ipagmalaki iyon, ngunit siguradong pagtitinginan siya ng tao at pagkakamalang baliw.

Nang makapasok sa building ay diretso siyang pumasok ng lobby ngunit nagulat siya ng harangan siya ng guard. Kusang tumaas ang kamay niya atsaka ngumiti bago binati ang guard.

“A pleasant morning, kuya!” bati niya.

Tumaas ang isang kilay nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Walang bahid ng paggalang. Walang malumanay na ngiti. Dahil para sa guard, isa lamang siyang ordinaryong tao na naliligaw sa building na ‘to.

“Patingin ng ID or clearance, Miss? At anong sadya mo rito?” walang kainte-interes na tanong ng guard.

Napatigil si Reina, bahagyang bumuka ang labi sa gulat. Ngunit bigla niyang naalala, malamang ay hindi siya nakilala ng guard dahil sa simpleng ayos niya ngayon.

“Ah, sorry po, kuya. Bago lang po akong intern sa engineering department po. Ito po ang Endorsement Letter ko,” nauutal niyang sagot habang nanginginig na kinuha ang nalukoy na papel sa loob ng kaniyang tote bag. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ng kaba.

Tiningnan nito ng mabuti ang ibinigay niyang papel. Pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa na parang tinatandaan ang siya bago pinapasok. Hanggang si Kuyang Guard ba naman, pinagdududahan din ako? 'Di bali na nga. Ginusto mo 'to Reina, panindigan mo.

Wala ng tanong-tanong sa guard, eksperto niyang tinungo ang elevator na tila hawak niya ang blueprint ng building. Siksikan ang bumungad sa kaniya ng bumukas ang elevator. Gusto niyang umatras at huwag nang sumakay ngunit pinagtitinginan siya, ang iba pa nga’y naiinis na nakatingin dahil siguro ang tagal niyang sumakay. Wala siyang magawa kundi ang humakbang papasok.

Umikot ang paningin niya sa mga empleyadong naroon. Ang iba ay may hawak na kape, may mga nag-uusap tungkol sa tambak na trabaho, at may mga mukhang puyat at stressed kahit alas-otso palang ng umaga. Nang ‘di namamalayan ay unti-unti siyang naiipit sa sulok at halos ‘di na makahinga sa liit ng space. Sanay siya maluwag at pribadong elevator, kaya ang ganitong tagpo ay nagpapainit sa ulo niya. Dagdagan pa ng masakit ang paa niya dahil mayro’ng umaapak.

Kaya laking pasasalamat niya nang bumukas ang elevator sa 14th floor, kung saan ang opisina ng mga engineer. Paglabas niya palang sinalubong na kaagad siya ng tunog ng mabilis na pagtipa sa keyboard, walang tigil na pag-ring ng telepono, at mga empleyadong pabalik-balik habang may hawak na sandamakmak na mga documento. Walang pumansin sa kaniya, patuloy pa ring nakatutok ang mga mata sa screen ng computer. Tila lahat ay naghahabol ng oras.

Humakbang siya papunta sa malapit na table, hula niya’y receptionist desk kung saan may isang babaeng seryosong nag-aayos ng dokumento.

“Excuse me po. Good morning, can I ask a question po?” Umangat ito ng tingin, sabay inayos ng salamin.

“Yes?” Tumaas ang mga balahibo niya sa batok dahil bigla siyang kinabahan. Ngunit tingin niya ay mukhang hindi naman ito nakakatakot, kaya nilakasan niya ang loob.

“I’m Reina Olaso po, ‘yong bagong intern,” masiglang bati niya, sinusubukang maging magalang at friendly. Ngunit nagulat siya ng tingnan siya nito ng may awa.

“Ah, ikaw pala ‘yon…” mahina nitong sabi at napabuntong hininga.

“Bakit po? May problema po ba?”

“Wala naman... By the way, I’m Karen, you can call me Ate Karen, ang HR assistant para sa floor na ‘to. So, lets go? Hatid na kita sa supervisor mo bago pa tayo tamaan ng bagyo rito.” Nagulat siya sa biglang pagbago ng boses nito. Kung kanina ay matamlay ito pero ngayon ang sigla na. Napailing na lang siya at sumunod rito ng may pagtataka. Naging curious siya sa inaasta nito, pero natuon ang atensiyon niya sa mga cubicles. Wala man lang nagbigay atensiyon sa kaniya, lahat ay nakatutok sa ginagawa.

“Ang sisipag po pala ng mga nagtatrabaho rito. Now I feel motivated, kahit hindi pa ako nagsisimula,” excited niyang sabi. Ngunit muntikan na siyang mapasubsop sa likod ni Karen ng huminto ito sa harap ng isang pinto. May nakasulat na plake sa pinto: ENZO ALVENDO - ENGINEERING MANAGER.

“No choice lang, kaya sobrang sipag nila.”

“Po?” Humarap si Karen sa kaniya.

“Dahil na-assign sila sa pinaka kinatatakutan department sa buong Monteverde Holdings,” bulong nito na tila natatakot na mayro’ng makarinig.

“Huh?” nalilitong tanong niya.

“Ang department na ‘to ang iniiwasan ng maraming empleyado. Maliban sa maraming gawain, kundi dahil din kay Sir Enzo. Ang halimaw na manager ng kompanyang ‘to.”

“H-halimaw? A-ang magiging Supervisor ko?” nauutal niyang tanong. Hindi niya na-me-meet ang magiging supervisor niya ngunit kinakabahan na siya kaagad. Huminga ito ng malalim atsaka naaawang tumango sa kaniya.

“Sinasabi ko na agad sa ‘yo, ngayong bago ka palang, kaya handa mo ‘yang katawan, puso at kaluluwa mo. Walang sinasanto ‘yon. Sobrang higpit, laging nakakunot ang noo, naninigaw, at galit na galit sa mga tamad. At higit sa lahat… galit siya sa mga mayaman o ‘yong taong akala mo kung sinong fragile. Kaya mag-ingat ka.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 21

    Isang nakakainsulto at malakas na tawa ang biglang pinakawalan ni Matthew mula sa kanyang kinaroroonan. "Unbelievable, Engr. Alvendo. You call this preparation for the Chairman? A one-billion-peso mistake? Or is this your way of pocketing the extra money?""Shut up, Matthew," matalim ang bawat salitang utos ni Enzo. Humigpit ang pag-iting ng panga nito, pinipigilan ang nabubuong emosyon. Ang tahimik na si Natasha ay mabilis na tumayo at pumagitna bago itinaas ang mga kamay bago itinuro kay Reina na tahimik na nakatingin sa kanila habang kinakabahan. "Sorry to interrup, gentleman. Pero hindi dapat si Engr. Alvendo ang sinisisi, dahil ang intern na 'yan ang huling humawak ng files kahapon! Siya rin ang nag-print at nagbigay sa inyo ng folders! Kaya sobrang linaw na sinadya o naging pabaya siya sa kaniyang task para masira ang presentation na 'to!"Lumakas ang bulungan sa boardroom nang marinig ang mahabang salaysay ni Natasha. Lahat ng mga mata ay nalipat sa direksyon ni Reina.Matindi

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 20

    Mararamdaman kaagad ang mabigat ang dapya ng hangin pagkapasok sa loob ng Execiutive Boardroom. Ang malaking silid ay napapalibutan ng floor-to-ceiling glass windows, kitang-kita ang malaking syudad. Sa gitna ay may isang mahabang oval table na gawa sa mamahaling polished mahogany, kung saan nakaupo na ang member ng Board of Directors. Sa dulo ng table, prenteng nakaupo si Don Vincenzo Monteverde. May suot itong lapel pin na ginto sa kaniyang black tailored suit, habang nakapatong ang dalawang kamay sa kaniyang gintong cane. Seryoso itong nakatingin sa unahan kung nasaan makikita ang malaking projector, habang matyagang naghihintay na magsimula ang presentation.Sa tabi ng projector screen, nakatayo si Enzo Alvarado. Nakasuot ito ng kanyang pinakamagandang black suit, bagaman halata ang kaunting puyat sa ilalim ng kanyang mga mata. Subalit wala kahit na anong bakas ng kaba sa mukha. Sa gilid naman ng pinto, nakatayo si Reina habang hawak ang kape at notebook. Nanginginig ang mga dalir

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 19

    Kanina pa nakatayo at nagtatago si Natasha sa likod ng malaking photocopying machine, pilit isiniksik ang sarili upang 'di siya makita. Kanina pa siya roon, naghihintay na umalis si Enzo at naghahanap ng pagkakataong makausap si Reina. Nanggagalaiti ang kanyang dibdib sa matinding galit at inggit. kakapasok niya palang kanina pagkatpos ng lunch break ng narinig na niya ang tsismis sa buong floor na dinala ni Enzo si Reina sa labas para ilibre ng tanghalian, isang bagay na hindi kailanman ginawa ng lalaki sa kahit kanino sa kanila! “Isang malandi at hampas lupang babae lang siya! Pero kapal ng mukha para dumikit kay Enzo!” gigil na bulong ni Natasha sa sarili habang nakakuyom ang kanyang mga kamay na may bagong dikit lang na nail extension. “Bakit ba siya ang binibigyan ng pansin ni Enzo? Bakit siya ang pinapahawak ng pinakamahalagang file para sa presentation bukas?Gano'n ba kalaki ang tiwala niya sa bruhang 'yan?!” Nang makitang tuluyang pumasok si Reina sa rest room, mabilis na lum

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 18

    Halos mag-alas otso na ng gabi, nakapatay na rin ang mga ilaw sa mga cubicle, subalit nananatili pa ring nakabukas ang monitor ni Reina. May nagmumula ring ilaw mula sa nakabukas na p***o ng opisina ni Enzo sa dulo ng hallway. Pagod na pagod at halos pumikit na ang mga mata ni Reina habang nakatutok sa liwanag ng computer monitor. Sa loob ng ilang araw, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-type, mag-compute, at mag-recheck ng libo-libong figures para sa gaganaping Executive Budget Presentation para sa Eco-Housing Project. Alam niyang dito nakasalalay ang lahat, kung kaya hanggang maaari, sa abot ng kaniyang makakaya ay kaniyang tinutulungan si Enzo. Maging ito ay halos gano'n din ang ginagawa. Minsan hindi niya rin masisisi kung bakit ang bilis nitong magalit, hindi lang sa ibang empleyado, maging sa kaniya. At dahil siya naatasang mag-encode ng final financial data, hawak niya ang pinaka-crucial na bahagi ng project kaya isang pagkakamali niya lang, magsisimula ulit sa umpisa. H

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 17

    Huminto sila sa isang makitid, siksikan, maingay, at pipitsuging karenderya. Malapit lang ito sa Monteverde tower ngunit ni minsan ay 'di niya man lang binigyang pansin ang eskenetang 'to. Sa labas may kay tarpauling nakasabit na may pangalang Tatiy's Manukan. Gawa rin sa lumang kahoy ang pundasyon. Nangingitim na rin dahil sa usok at paglipas ng panahon.What is this place? Napaatras siya, hindi niya inaasahang dito sila kakain. Sa rami ng pwedeng pagdadalhan, bakit dito pa? Hindi siya pamilyar sa lugar, at kahit kailan hindi pa siya nakaapak dito."May problema ba, Olaso?" tanong ni Enzo nang mapansin ang pag-atras niya."H-huh? W-wala, sir." Kumulo ang kalamnan niya sa nakikita. Hindi niya alam kong dahil ba sa gutom o dahil sa takot."Ito na ang pinakamurang kainan. Bukod do'n, malinis at masarap din sila magluto rito. Kaya 'wag kang mag-alala," nanunuksong hirit nito habang naghahanap na ng pwede nilang mauupuan. "Alisin mo 'yang pagkakunot ng noo mo, Olaso. Baka iisipin ng may-

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 16

    Masama pa rin ang loob ni Reina dahil sa kaganapan kanina habang sa matapos niyang linisan ang madilim at puno ng alikabok na storage room. Nangangati na rin ang katawan niya, at malagkit dahil sa pawis. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaranas na maglinis ng ganito. Yes, she was definitely cleaning her room, but it wasn't this messy. "Ganito ba talaga sila rito mag-trato ng intern nila? Saan ang hustisya?" galit na usal niya, pabagsak na inilapag nag isang malaking lagayan ng mga dokumento. Sa tantiya niya ay mga report 'yon. "At isa pa, ang yabang ng Castro na 'yon. Pero kaharap si lolo, akala mo tuta kung magpa-cute at magsalita. Mas halimaw pa pala. Nasa loob talaga ang kulo." Pagod siyang umupo sa kupas na upuan sa pagod at pananakit ng kaniyang paa. Plano niyang mag-stay muna ro'n ng ilang minuto pa upang makapagpahinga. Pinangpunas niya na lang ang wipes na dala para mabasan ang lagkit ng katawan, at mawala ang alikabok na kumapit. Napahikab siya pagkatapos at napapik

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 5

    Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan. Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng cen

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 4

    Dahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang it

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 2

    Bahagyang siyang napalunok. Hindi niya alam kung paalala ba ang sinasabi nito o isang babala. Halimaw? Galit sa mayayaman? Napataas ang isang kilay niya sa isip. Buong buhay niya, lahat ng managers ng kompanya nila ay yumuyuko sa tuwing dadaan sila ng lolo niya. Sino ang lalaking ‘to para katakutan

  • The Intern is a Billionaire   Chapter 3

    Tila naging isang parusa kay Reina ang halos apat na oras na lumipas. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, dahil sa buong buhay niya ang tanging pinakamabigat na binuhat niya ay ang kaniyang designer bag. Pero ngayon? Pakiramdam niya, unti-unting nangangalay ang kaniyang likod dahil kanina pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status