Mag-log inDahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang ito bago mag-ala-una. Eksaktong twelve fifty-five ng i-click niya ang save.
"Akala mo, huh," proud niyang sabi, nakataas pa ang kilay na tila hinahamon siya ng away. Wala siyang sinayang na segundo, mabilis siyang tumayo para pumunta sa pantry. Nang makarating, natagpuan niya ang isang mamahaling espresso machine. Nahulaan niya 'agad na walang instant coffee at lahat ay premium dahil para ito sa mga VIP at managers. Hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin. Sa mansyon nila, iba ang gumagawa nito para sa kaniya. Kahit isang beses ay hindi siya humawak ng ganitong machine. Pero minsan niya na ring nakita kung paano ginawa iyon ng kanilang barista, kaya pilit niyang inaalala ang bawat steps.Bakit kasi iniwan ko sa table ang cellphone ko? Sana nanood na ako ng tutorial ngayon sa YouTube. Pindot dito, lagay doon, at pagkatapos ay nilagyan ng gatas bago hinalo. Gumawa rin siya ng isang malaking tasa ng triple-shot espresso na may kaunting latte art—isang skill na natutunan niya kakapanood sa Tiktok kapag nababagot siya sa mansyon. She's so proud of herself. Inilagay niya ang tasa ng kape at ilang baso ng tubig sa isang tray bago binuhat. May ingat at kalkolado ang bawat hakbang habang pilit niyang binabalanse ang sarili dahil ramdam niya ang pagkirot sa parte ng paa niyang may sugat. Nang makarating ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng conference room. Bumungad sa kaniya si Enzo, nakaharap ito sa pinto habang ang kausap na tatlong lalaking nakasuot ng pormal na business suit ay nakatalikod. Seryoso ang mga itong nag-uusap tungkol sa mga materyales na para sa eco-housing project. Maingat siyang pumasok at diretsong tumungo sa tabi ni Enzo. Hindi man lang binigyang pansin ang mga taong kausap nito. "Ito na po 'yong kape pinapatimpla mo, sir," mahinang wika ni Reina habang bahagyang ibinaba ang tray, sinadyang ipinakita ang kapeng ginawa. Napahinto sa pagsasalita si Enzo at tumingin sa hawak niya. Bahagyang kumunot ang noo. Nang makita ang disenyo ng kape. Ngiting tagumpay naman siya. "I said black coffee, Ms. Olaso. Hindi ko sinabing mag-design ka." "Kung hindi mo po alam, triple-shot espresso 'yan, sir. Ipaalala ko lang din po, hindi mo sinabing black coffee. Napakaulyanin mo na po pala. At mas kailangan mo po 'yan para man lang magising ang natutulog mong konsensya," bulong ni Reina, bakas ang pagiging sarcastic sa boses. Siniguro niyang si Enzo lang din ang nakakarinig. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Enzo sa hirit ng kaniyang intern. Akmang kukunin na sana ni Enzo ang tasa mula sa tray nang mawalan ng balanse si Reina sa pagkakatayo dahil sa pananakit ng kaniyang sugat sa paa at pangangalay ng tuhod. "Shit!" matinis na mura ni Reina sa gulat. Dumulas sa kamay niya ang hawak na tray, at ang punong-puno na tasa ng triple-shot espresso ay diretsong tumapon sa dibdib ni Enzo. Ang mainit at maitim na likido ay kumalat sa maputi at bagong plantsang button-up shirt ng lalaki. "Shit! Lampa ka ba!" malakas na mura din nito habang mabilis na tumayo mula sa kinauupuan. Maging ang mga kliyente ay napaatras sa gulat. Habang si Reina ay napaupo sa sahig, hawak pa rin ang tray at walang lakas upang tumayo dahil sa matinding pagkakahiya, kaba at takot. Naiiyak siyang tumingin kay Enzo upang humingi ng tulong. Ngunit umaapoy sa galit ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Sorry po, sir! Hindi ko po sinasadya! Nadulas po ang sapatos ko," nanginginig ang mga kamay niya habang inaabot ang tissue sa mesa at nang lalapitan niya sana si Enzo upang punasan ang dibdib nito, ngunit marahas nitong kinabig palayo ang kamay niya. "Don't touch me!" galit na sigaw ni Enzo. Tila isang kidlat na bumagsak sa lupa. Umalingawngaw rin sa apat na sulok ng conference room ang kaniyang boses, sigurado rin siyang umabot hanggang sa cubicle ng mga empleyado. Pilit pinakalma ni Enzo ang sarili kahit nanginginig na siya sa galit bago humarap sa mga kliyento. "I apologize, gentlemen. Let's pause for ten minutes and resume shortly. I need to take care of... something here first." Naiilang na sumang-ayon ang mga kliyente at tahimik na lumabas ng silid. Halata ang dessapointment sa mga mata. Isang nakakatakot na katahimikan ang namagitan sa kanila ng magsara ang pinto. Nakaupo pa rin siya sa sahig habang nakatayo si Enzo, may hawak na tissue. Nagbabadya na ring bumagsak ang luha niya. Hindi siya umiyak dahil sa pagkakabagsak niya, kundi dahil sa hiya, takot, pagod, at ang katotohanang buong buhay niya ay ngayon lang siya napahiya. This is torture to her. Lumapit sa kaniya si Enzo, napatingala siya ng huminto ito sa harap niya. "First day, Ms. Olaso. Unang araw mo palang nga pero gulo na 'agad ang dala mo. Hindi ka lang mabagal, sumasagot ka pa sa supervisor mo, and now... sinira mo ang importanteng meeting dahil diyan sa katangahan mo. Are you treating this as a joke?" "Ilang ulit ko pa bang sabihin na nadulas nga ako at hindi ko sinasadya!" sigaw ni Reina. Tila umipon lahat ng emosyon niya at bigla na lang sumabog. Pumatak ang mga luha niya ay tuloy-tuloy na umagos sa kaniyang pisngi. "Ang sakit na ng paa ko, hindi pa nag-a-almusal at nag-l-lunch dahil diyan sa pisteng inuutos mo! Tapos ganyan ka pa magsalita, kahit ikaw naman ang dahilan! Wala kang awa!" Humagulgol siya pagkatapos niyang magsalita. Natigilan si Enzo ng makita ang pag-agos ng mga luha ni Reina. Bumaba ang tingin nito sa paa kung saan kitang-kita ang namamagang pantal sa paa ng intern, may bakas na rin ng dugo iyon. Ngunit bago pa lumambot ang ekspresyon at maawa, muli nitong pinatigas ang mukha at naiinis na pinaluwagan ang necktie. "Your personal circumstances are not a concern of mine, Ms. Olaso. Kung nagugutom ka pala, sana kumain ka sa tamang oras. Ang absenteeism mo at incompetence ay walang puwang dito sa kompanya," wika nito ng hindi tumitingin sa kaniya. "Now, leave my sight. Clean up your own mess, and then go back to your cubicle. Ihanda mo rin sarili mo, dahil mamayang gabi... sisiguraduhin kong ipaparanas ko sa 'yo kung ano ang totoong trabaho. Hind nakasagot si Reina dahil pagkatapos nitong magsalita ay basta na lang siyang iniwan. Tahimik niyang nilinis ang kalat at mabilis na lumabas ng conference room. Nahihiya pa siyang tinakpan ang mukha upang hindi makita ng mga kasama ang sitwasyon, at 'di tumatak sa isipin nila na balang araw kapag makilala na siya—hindi ang tagpong ito ang una nilang maalala.Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan.Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng centralized aircon at marahas na pag-click sa keyboard ni Reina ang naririnig."Gusto mo pala ng totoong trabaho, huh" pabulong na wika ni Reina sa sarili, paos ang boses. "Oh, ayan, Reina. Magdusa ka. Lasapin mo ang ganti."Matapos ang naging tagpo kanina sa conference room, tinupad nga ni Enzo ang sinabi nitong tambakan siya ng maraming trabaho. Akala pa niya'y nagbibiro ito at makaramdam man lang ng awa pero likas na 'ata sa ugali nito ang pagiging halimaw. Mga folder na patong-patong ang ibinagsak nitosa table niya, mga report ng expense mula sa nakaraang buwan na kailangan i-reconcile bago pa man pumasok ang mga empleyado bukas. Walang kahit na anong tulong. At walang naglakas loob na tumu
Dahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang ito bago mag-ala-una. Eksaktong twelve fifty-five ng i-click niya ang save."Akala mo, huh," proud niyang sabi, nakataas pa ang kilay na tila hinahamon siya ng away.Wala siyang sinayang na segundo, mabilis siyang tumayo para pumunta sa pantry. Nang makarating, natagpuan niya ang isang mamahaling espresso machine. Nahulaan niya 'agad na walang instant coffee at lahat ay premium dahil para ito sa mga VIP at managers. Hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin. Sa mansyon nila, iba ang gumagawa nito para sa kaniya. Kahit isang beses ay hindi siya humawak ng ganitong machine. Pero minsan niya na ring nakita kung paano ginawa iyon ng kanilang barista, kaya pilit niyang inaalala ang bawat step
Tila naging isang parusa kay Reina ang halos apat na oras na lumipas. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, dahil sa buong buhay niya ang tanging pinakamabigat na binuhat niya ay ang kaniyang designer bag. Pero ngayon? Pakiramdam niya, unti-unting nangangalay ang kaniyang likod dahil kanina pa siya pabalik-balik sa pagbuhat ng mga folder mula sa madilim at maalikabok na storage room sa dulo ng hallway.Dagdagan pa ng paltos sa kaniyang paa dahil sa suot niyang flat shoes na parang sumisingil ‘ata ng utang sa sobrang kirot, at wala man lang siyang magawa kundi ang tiisin. Kahit lagyan niya pa ng band aid, wala pa ring maitutulong. Pasalamat na lang talaga siya at walang heels ang kaniyang sinuot.“Gosh. Bakit kasi nauso pa ‘tong Excel? Sino nag-imbento nito, pasampal isa lang,” nayayamot na bulong ni Reina sa sarili habang mariing nag-ta-type sa mga pyesa ng kaniyang lumang computer.Halos nasa seventy percent pa lang ang natapos niya sa pag-encode. Napapaubo pa siya minsan sabay b
Bahagyang siyang napalunok. Hindi niya alam kung paalala ba ang sinasabi nito o isang babala. Halimaw? Galit sa mayayaman? Napataas ang isang kilay niya sa isip. Buong buhay niya, lahat ng managers ng kompanya nila ay yumuyuko sa tuwing dadaan sila ng lolo niya. Sino ang lalaking ‘to para katakutan ng lahat? At anong karapatan niya para magalit sa mga mayayaman? “Pasok ka na, Reina. Sana umabot ka ng isang linggo. Mukhang matino ka pa naman,” huling hirit pa nito bago siya iniwan do’n na parang ayaw madamay sa kung ano mang gulo ang mangyayari sa loob ng silid na iyon. Hindi man lang ako tinuruan kung anong gagawin? Ang galing. Humingang malalim si Reina. Inayos ang nagusot na simpleng t-shirt at medyo kupas na blazer. Kumatok siya ng tatlong beses sa glass door at hinintay na papasukin siya. “Enter,” isang malalim, at malamig na boses ang narinig sa loob. Walang kahit anong bahid ng emosyon o init ang boses nito. Dahan-dahang binuksan ni Reina ang pinto at pumasok. Napansin n
Kung mayro’ng natutunan si Riena sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, iyon ay ang katotohanang iba ang magiging trato sa ‘yo ng isang tao kapag alam nilang may nakadikit na yaman sa dulo ng pangalan mo.Kapag naglalakad siya sa isang mamahaling mall, kusang bumubukas ang mga glass door ng store. Kapag pumasok siya sa isang sikat na restaurant, kahit walang bakanteng upuan ay laging hinahanapan ng paraan at parang magic na bigla na lang susulpot ang VIP lounge para sa kaniya. Nabubuhay siyang napapaligiran ng karangyaan. Pinanganak siyang nakaukit na ang kapalaran—ang maging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng kaniyang Lolo. Pero ang gamitin siya para ipakasal sa anak ng partner ng kanilang kompanya ay ang hindi niya matatanggap.“Ma’am Reina, okay na po ba talaga kayo rito? Baka po pwedeng doon ko na kayo ibaba sa mismong basement ng tower?” bakas ang matinding kaba sa boses ni Mang Gary, ang personal driver niya mula no’ng high school pa lang siya. Nakatingin ito sa rear-view mirror







