Share

Kabanata 23

Milya-milya ang itinatakbo ng dagundong ng puso ko ngayon. Hindi ako nakagalaw dahil sa sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Naestatwa ako sa pagkakatitig sa lalaki na kaharap ko ngayon. Kitang-kita ko sa mata niya ang iba’t-ibang emosyon na pilit man niya na itinatago ay kusa na lumalabas.

Gulat, galit at sakit ang ilan lamang sa mga ekspresyon na nakikita ko sa mga mata ni Colton Mijares na kasalukuyan ay nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Ashira.

“Babe.” tawag ni Aldrick sa akin. Dahilan para muli na magsalubong ang kilay ni Colton at tinapunan ng masama na titig si Aldrick.

Nakita ko ang pagkuyom niya ng mga kamao niya at ang bigla na panlilisik ng mata niya. Agad naman siya na hinawakan ni Miguel sa balikat, marahil upang pakalmahin.

“Atasha, it’s fancy seeing you here, love.” Muli na sabi niya gamit pa rin ang baritono na boses na nagpatindig sa mga balahibo ko.

Napalingon ako kay Aldrick at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Mabilis na nagsilapitan ang i
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status