Share

Kabanata 27.1

Kasalukuyan na nasa isang pagpupulong sa palasyo ng mga Altamirano ang hari, reyna, si Prinsipe Akiro at ang head security sa palasyo sa ngayon na si Caden.

Ito ay sikreto na pagpupulong matapos na isambulat ni Caden ang mga impormasyon na nakuha nila sa nahuli na mga guwardiya.

Labis ang galit ng hari nang malaman na ang ina ni Aldrick na si Queen Isabel ang may pakana nang nangyari na aksidente. Wala pa na iba na nakakaalam sa mga detalye na ito maliban sa mga tao na nasa pagpupulong ngayon araw.

“Bakit ito gagawin ni Isabel, Akiro? Hindi ba’t maayos na ang relasyon nina Aldrick at Atasha? Ano ang kan’yang rason para ipahamak ang apo ko? Bakit niya ito nagawa?” Umiiyak na tanong ni Reyna Beatrice.

Hindi niya rin matanggap na ang reyna ng mga Laureus ang nagpahamak sa pamilya niya at naging dahilan ng pagkamatay ng kan’yang apo. Hindi niya matanggap na ang babae na itinuring niya na pamilya ang mananakit sa kanila.

Galit. Ito ang matinding emosyon na nararamdaman ng mga magulang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status