LOGIN"Casper, pwede nating pag-usapan ito. Kung hindi mo gusto ang kasalukuyang alok ko, pwede akong magbigay ng bago."
Tinanggal ni Casper ang kanyang wrist guard at handa nang umalis sa golf course. Pero sa isang iglap, nakita ni Cindy ang kanyang nakakatandang kapatid na si Derek mula sa malayo. Agad siyang lumapit kay Casper at hinawakan ang kanyang braso.
"Cindy?" Tawag ni Derek nang makalapit.
"Kuya Derek, what a coincidence!”
Humigpit ang ekspresyon ni Derek at agad na napansin ang pagkakahawak ni Cindy sa braso ni Casper.
"Kilala mo si Attorney Graham?"
"Ah!" tumawa si Cindy at pabirong sinabi, "Nakalimutan kong ipakilala siya sa'yo, Kuya. Siya ang boyfriend ko."
Nagtaka si Derek. "Nagpalit ka na naman?"
Napakunot-noo si Cindy. "Ano'ng ibig mong sabihin sa ‘nagpalit na naman’?"
"Cindy, si Attorney Graham ay isang tanyag na abogado sa bayan. Dapat mong alagaan ang relasyon n’yo. Huwag mong gawin ang dati mong ugali—yung nagpapalit ka ng boyfriend kada tatlong araw."
Habang nagsasalita si Derek, tinitigan niya si Casper, para bang sinasabing ‘Mag-ingat ka, babaero 'yan.’
Ngunit sa halip na magalit, mas lalong lumambing si Cindy. Ipinasandal niya ang baba sa balikat ni Casper at ngumiti sa kapatid.
"Huwag kang mag-alala, Kuya. Alam kong dapat kong pahalagahan ang relasyon ko—hindi tulad ng iba d’yan na may tatlong asawa na puro pera lang ang habol." Pinaringgan niya pa ang kapatid na tatlong beses ng niloko ng mga babae.
"Kuya, sige na. Maglaro ka na lang. Kami ni Casper, aalis na." Hawak pa rin ni Cindy ang braso ni Casper hanggang sa makarating sila sa lounge.
"Pwede mo na akong bitawan," sabi ni Casper. Inis na tinanggal ang kamay nito. "Tsaka diba ang sabi mo, maghanap ka na lang ng ibang abogado na tingin mong mas magaling sa akin."
Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit. Kinuha niya lang ang jacket niya at lumakad palabas. Mabilis siyang sinundan ni Cindy hanggang sa parking lot.
"Casper, pagbigyan mo naman ako! Ano bang pinagkaiba ko sa iba mong kliyente? Magbabayad naman ako. O baka naman gusto mo ako pero takot kang makasama ako gabi-gabi?"
Napatawa si Casper sa sobrang pagka-ilusyonada nito. "Alam mo ba kung bakit ayaw kong tanggapin ang kaso mo?"
"Bakit?"
"Kasi ang hirap mong pakisamahan."
Napakunot-noo si Cindy. "Talaga? Kung mahirap akong pakisamahan, bakit naman tayo nagkaintindihan nang husto nung gabi ‘yon?"
"Totoo ba?" Pumasok si Marcus at tiningnan si Casper na parang hindi makapaniwala. "Nag one-night-stand talaga kayong dalawa?"
"SHUT UP!” sabay-sabay na sigaw nina Cindy at Casper.
Napaatras si Marcus.
Binuksan ni Casper ang pinto ng sasakyan at pumasok. Ngunit bago niya maisara, mabilis itong pinigilan ni Cindy. Hinawakan niya ang pinto at tumingin sa lalaki.
"Attorney Graham, nagpakumbaba na ako, pwede mo na ba akong pagbigyan?" Aniya habang nagpapaawa ang mukha.
Tiningnan siya ni Casper at biglang bumalik sa kanya ang isang alaala mula noong nag-aaral pa sila. Muntik na siyang maloko ulit ng babaeng ito. Dahil lang sa itsura niya, halos mapasubo siya kagabi. Kung hindi lang dahil sa kagandahan niya, hindi siya magpapakabaliw nang gano’n.
"Cindy, tantanan mo na ako.” Singhal ni Casper.
“Casper!” Hindi pa siya tapos magsalita nang biglang isinara ni Casper ang pinto, pinaharurot ang sasakyan, at iniwan siyang nakatayo roon.
"Tsk, Miss Mendez, hindi ganyan ang tamang paraan ng pagmamakaawa. Kung gusto mong may tumulong sa'yo, dapat marunong kang lumuhod."
Masayang naglakad palayo si Marcus, tila aliw na aliw sa eksena.
"Ikaw—"
Bigla namang may tatlong motorsiklo ang dumaan, diretso sa direksyon ni Cindy!
Agad siyang umatras, pero hindi pa man siya nakakahinga nang maluwag, isang motorsiklo ang nag-drift at bumalik, mabilis na papunta ulit sa kanya.
Mabilis siyang umatras sa likod ng sasakyan, binuksan ang trunk, kinuha ang baseball bat, at saka pinalo ang ulo ng motoristang umatake sa kanya.
"Hoy! Sino kayo!" Mabilis naman na lumapit si Marcus para tulungan si Cindy.
"May nakaaway ka ba?" Napangiti si Cindy nang may halong pang-aasar.
Walang ibang naisip si Cindy kung hindi ang mga kapatid niyang tuso. Si Casper ay patuloy na nagmamaneho palayo habang isip si Cindy. Ngunit nang mapansin niyang walang sasakyang sumusunod sa kanya, binaba niya ang bintana at tiningnan ang rearview mirror.
Sa tahimik ng kalsada, biglang umalingawngaw ang tunog ng mga motor na humahagod sa lupa.
Agad niyang pinihit ang manibela, bumalik sa pinanggalingan, at nakita niyang napapalibutan ng apat o limang motor sina Cindy at Marcus. Wala siyang sinayang na oras—binilisan niya ang sasakyan at binangga ang dalawa sa kanila.
Bumukas ang pinto ng kotse at bumaba siya. Agad niyang kinuha ang baseball bat mula kay Cindy.
"Hoy! Akin 'yan! Pambansang depensa ko 'yan!" reklamo ng babae.
"Tingin mo ba kailangan mo pa ng depensa sa liit mong 'yan?" sagot ni Casper bago walang sabi-sabing hinataw sa balikat ang isa sa mga lalaking umatake.
Hindi epektibo ang tumama sa helmet—dapat sa katawan. Napatulala si Cindy habang pinapanood ang mabilis at walang sablay na galaw ni Casper.
Ang gwapo talaga ng lalaking 'to. Mas lalo pa siyang gumwapo habang lumalaban at tahimik.
Mas gwapo pa kumpara sa itsura niya nung gumagalaw ang balakang niya. Habang siya at si Marcus ay nagtatago at dumedepensa, si Casper ay natapos sa laban sa loob lang ng tatlo hanggang limang minuto.
"Alisin mo ang helmet," Utos ni Casper sa isa sa kanila.
Lumingon si Casper kay Cindy. "Kilala mo ba sila?”
Umiling si Cindy bilang tugon.
Maya-maya, dumating ang mga pulis at inaresto ang mga lalaki. Alas-onse na ng gabi nang matapos silang magbigay ng pahayag sa presinto.
***
"Hatinggabi na, kaya tara, midnight snack tayo! Treat ko na 'to bilang pasasalamat kay Attorney Graham sa pagsagip sa buhay ko," nakangiting sabi ni Cindy habang nakasakay sa likod ng sasakyan. Nakahawak siya sa upuan ni Casper.
"Aba, game ako d’yan. Gutom na gutom na ako," agad namang sang-ayon ni Marcus.
"Teka,hindi ka ba minamanmanan ng ibang kapatid mo?" tanong ni Casper habang nagmamaneho.
Bahagyang sumandal si Cindy sa upuan at marahang sumagot, "Hmm. No idea."
Habang pinagmamasdan ang kanyang pasa sa braso, nagpatuloy siya, "Labindalawa ang anak sa labas ni Dad, tapos lima naman ang legal niyang anak. Ngayon, malapit na siyang mamatay, pero wala siyang iniwang sulat o kahit anong pahiwatig ng mana. Hindi ba natural lang na mag-agawan ang lahat?"
"Kapag nabawasan ng isa, mas mababa ang kompetisyon. S’yempre, lahat gustong makakuha ng mas malaking parte."
Ang ama ni Cindy ay kabilang sa Top 100 na pinakamayamang tao sa bansa. Kahit na hati-hatiin sa 15 katao ang mana, bawat isa ay makakakuha pa rin ng sampu-sampung bilyon. Habang iniisip ni Cindy ang sitwasyon, alam niyang hindi siya pwedeng umupo na lang at hintaying matalo.
"Pagbalik ko, kakausapin ko si Derek at yayayain siyang makipag-alyansa sa akin. Una kong aalisin sa eksena ang labindalawang anak sa labas."
Saglit siyang tiningnan ni Casper. "Bilang abogado, ipapaalala ko lang na labag sa batas ‘yan."
"Wala akong pakialam. Tutal, alam naman ng lahat sa kumpanya mo na girlfriend mo ako. Kung lalabag ako sa batas, sabit ka rin."
Hindi makapagsalita si Casper.
"Tsaka Attorney, huwag mong sabihing naaawa ka na sa’kin at gusto mo na akong tulungan??”
Hinawakan ni Cindy ang likuran ng upuan ni Casper at nagbanta, "Kapag hindi mo ako tinulungan, pag wala na akong makain, isasama ko ang nanay ko, magdadala kami ng lata, at magpapalimos kami sa harap ng kumpanya mo araw-araw!"
"Wag kang mag-alala, Miss Mendez. Hindi makakapasok ang mga pulubi sa building ko."
"Eh ‘di sa labas ako maglalagay ng malaking tarpaulin!"
Napakagat-labi si Casper at sumandal sa manibela. "Cindy…"
Napagod na siya. Sobrang ingay ng babaeng ‘to.
"May dalawang pagpipilian ka—bumaba ka ng kotse, o manahimik ka."
Muling nagbalik ang afternoon coffee service ni Cindy matapos itong matigil nang halos kalahating buwan. Para sa mga tao sa law firm, para silang highschool sweethearts, pero wala silang kaalam-alam na tinatapon ni Casper ang kape o binigay kay Secretary Mark o kay Lyle. Natatakot kasi siya na baka may lason ito, o hindi gayuma.Pagbalik ni Casper sa opisina, gaya ng inaasahan, nadatnan niya roon si Cindy."Hindi ka pa rin sumusuko?"Nagsusulat si Cindy sa isang A4 na papel. Nang marinig ang sinabi ni Casper, ngumiti siya at sumagot, "Huwag mo akong galitin."Sinulyapan siya ni Attorney Graham at nagtanong, "Ano ang sinusulat mo?""May partnership kami sa isang brand at plano naming mag-organize ng group buy para sa mga babaeng abogado dito sa law firm ninyo.""Sayang at hindi naging purchasing agent si Miss Cindy.""Kung para lang kay Attorney Graham, handa akong gawin."Mahilig si Cindy magsalita ng kung anu-ano. Pagkatapos niyang magsulat, ibinaba niya ang ballpen ni Casper sa mes
Bumalik naman si Cindy sa variety show kung saan ginanap sa malaking club ni Marcus. Noong nakaraan ay nakipag-boxing pa siya sa isang lalaki na agad niyang ipinatumba kaya siya nag-viral.Pero iba ang twist ngayon. Pagkabukas ng blind box, may kalahating oras ang lahat para humanap ng mentor at matuto."Simulan na ang bunutan.""Si Cindy na ang mauna! Bagong balik lang siya mula sa injury, kaya siya nalang," sabi ng katunggali niyang si Katie, sabay atras nang may tusong ngiti. Hindi siya tanga. Kung sino ang unang bubunot, parang ipinapadala na rin agad para maging test subject."Wow, Katie, ang bait mo naman. Naiiyak ako sa tuwa, gusto ko tuloy maging stepmother ka," biro ni Cindy na kunwari’y sobra ang pasasalamat, may luha pa sa mata nang tumingin kay Katie.Ang galing ng acting—sobrang totoo ang dating.Napangiwi si Katie. Ang plastik na bulaklak na ‘to, sobrang galing magpanggap."Miss Cindy, anong brand ng plastic bag gamit mo? Ang dami nitong laman.""Maski plastic bag, hindi
"Anong nangyari sa mukha mo, Ate Cindy? Para kang sinampal ng pitong demonyo," biro ni Summer nang lumabas siya mula sa kusina, may dalang prutas.Nakita niya si Cindy na nakaupo sa harap ng floor-to-ceiling window, pulang-pula ang pisngi."Anong tinitingnan mo d'yan?!" singhal ni Cindy.Umubo si Summer sabay abot ng prutas. "Ate, ano ba sinabi ni Attorney Graham sa’yo? Namula pati tenga mo, baka hinalikan ka na naman."Naiinis pa si Cindy sa kanya dahil binuko pa siyang gustong putulin ang ari ni Casper. Hinampas niya ang sarili niyang ulo at tiningnan si Summer nang masama."Sabi ko bantayan mo si Marina! Ano na ang balita?""May nakilala siyang ilang tao kahapon, pero hindi sila kapatid mo," sagot ni Summer.Ayaw na ayaw na ni Cindy marinig ang salitang kapatid. Dahil sa kanila, nagkagulo ang buhay niya at ilang beses na rin siyang muntik mawalan ng hininga. Tigok na sana ang matandang ‘yon ng sampung libong beses."Sino sila?""Mga barkadang hindi maganda ang reputasyon," tugon ni
Pagkatapos magsalita ni Cindy nang buong kumpiyansa, nagsimulang gumulong sa sahig ang mga tao at nagmakaawa.Mabilis na tumingin si Cindy kay Casper. Itinaas ni Casper ang mga mata niya."Tama ang sinabi niya, Ma’am. Hindi iniutos ni Sir Derek na saktan ka namin. Ang bilin lang niya ay bantayan kung sino ang nakakasalamuha mo at alamin kung saan mo itinago ang matanda. Wala nang iba pa.""Magaling ka ring magsalita," malamig na sagot ni Casper bago tumingin kay Secretary Mark at utusang paalisin ang mga tao.Sandaling natahimik ang sala ng villa. Nakatayo si Casper sa harap ni Cindy, isang kamay sa bulsa, nakayuko habang tinititigan siya."Kamusta ang paa mo?""Kung talagang gusto mong malaman, Attorney Graham, yumuko ka at tingnan mo," sagot ni Cindy. Hindi niya tatanggapin ang pagpapaalala lang; dapat ay lumuhod siya sa harap niya."Gusto mo ba akong dilaan?" tugon ni Casper na may mapanuksong ngiti.Nang bahagyang itaas ni Cindy ang balakang, alam na agad ni Casper na may balak it
Nang marinig ni Casper ang apelyidong na Mendez, kusa niyang naisip na si Cindy iyon.Ngunit nang lumapit ang tao, doon lang niya napagtanto na si Derek Mendez pala."Boss Mendez, ano ito?""Narito ako para makipag-usap tungkol sa kooperasyon kay Attorney Graham," nakasandal si Derek sa upuan at tinitigan siya nang may kumpiyansa.Bahagyang tumaas ang kilay ni Casper, at hindi na nagpaligoy-ligoy si Derek. Inilapag niya ang cellphone sa harapan ni Casper. Ang unang headline sa internet ay tungkol sa mainit na balita: “Si Cindy Mendez, nahuling may kasamang boyfriend sa kanyang pribadong tirahan kagabi.”"Hindi ba’t naputol na ang negosasyon mo at ni Cindy?""Pagod na makisama sa isang maselang dalaga na tulad ni Cindy. Kung ipipilit mo na kumuha ng kliyente, maaari ba akong isaalang-alang?""Nang kinuha mo Attorney Graham ang kaso ni Cindy, kailangan niyang makipag-ayos hindi lang sa pera kundi pati sa relasyon. Pero noong kinuha niya ang kaso ko, diretsuhan lang tayo, pera lang ang u
"Parang sabi sa internet, magaling daw siyang mag-deliver ng linya. Hindi man lang humihinga kapag mahahaba ang monologue niya.""Doc, sino ba yung lalaking yon kanina? Ang gwapo niya, di ba? At sobrang maginoo pa." tanong ng isang nurse.Dumating si Maricel nang marinig ang balita at nagmamadali papunta sa ospital para tingnan ang kaibigan."Cindy!" sigaw niya paglapit."Hoy, babae! Nasugatan ka ba?" dali-dali niyang sinuri si Cindy. Nakita ni Casper ang pagkabalisa ni Maricel at naglabas lang ng isang salita: "Paa."Huminga nang maluwag si Maricel. "Buti na lang hindi sa mukha. Kung pati mukha mo nasira, hindi ka na makaka-shooting at baka pati pagkain hindi mo na kayang bilhin."Inismaran siya ni Cindy. "Hay, salamat nalang at niligtas ka ni Attorney Graham."Nang marinig ni Cindy ang pasasalamat ni Maricel kay Casper, itinuro niya ito gamit ang natitirang lakas. Matagal siyang nanginginig. Bigla na lang bumagsak ang kamay niya at nawalan ng malay."Doc..." bulong ng isa.***Gabi







