Share

12 - Ordinaryong Kasuotan

Lumapit siya at tumigil sa tabi ng sofa kung saan nakahiga si Dylan habang pinagmamasdan niya itong matulog ay napakunot ang noo niya. "Ganito ba talaga ang mga maharlika, wala man lang kahit anong pores kahit ang mga labi ay mapupula?" Habang nakatitig sa mukha ng prinsipe ay napansin niyang gumalaw na ang talukap ng mata nito habang nakapikit hudyat na gising na ito.

Unti-unting minulat ni Prince Dylan ang mata at saktong si Adira ang nakita niya, kaya ngayon ay walang umiwas o kumurap sa kanilang dalawa.

Sa isip ni Prince Dylan, "Hanggang sa panaginip nandito pa rin itong babae na 'to?"

Tumaas ang kilay ni Adira habang nakatitig ito kay Prince Dylan, pero unti-unting namumulat ng malaki ang mata ng prinsipe ng lumapit na si Adira habang nakahiga siya. Ngayon ay isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha. Napalunok ang prinsipe sa hindi malamang dahilan, pero biglang sumakit ang noo nito dahil pinitik pala ni Adira, at sa sobrang kaba ay hindi na napansin iyon ng prinsi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status