Halos dalawang oras na hindi lumabas ng kwarto si Adira at sa paglabas niya ay nakabihis na siya at papunta na ng opisina ng hari para kuhanin ang passport niya.
Pagbukas niya pa lang ng pinto ay nakakunot na ang noo ni Dylan. "Wala ka sa bansa mo, bakit bigla ka na lang pumasok rito ng walang pahintulot?"
"Pasensya na mahal na prinsipe maiiwan na ako ng eroplano pag ginawa ko pa 'yon." Sabay ngisi niya, pero nagsalita na naman ito.
"Basa pa ang buhok mo. Bakit naka ayos at tali na 'yan?"
Tumingin naman siya kay King Stephen na nagtataka rin sa anak nito. "Ang dami mong nakikita prinsipe, pero ang sagot ko ay hindi ako naglulugay ng buhok kahit pa basa pa ay tinatali ko na. Nasagot ko na po ba ng maayos ang tanong mo?"
Masama ang loob nitong tumingin na lang sa ibang direksyon. "Puwede ko na bang makuha ang passport ko malapit na ang flight ko, kailangan naroon na ako bago pa mag-alas dose ng tanghali at mayroon na lang akong 1 hour at 30 minutes."
"Ito na ang passport mo mag-ingat ka sa iyong paglalakbay. Paglabas mo ng palasyo ay may naka-abang ng sasakyan para ihatid ka sa airport. Huwag kang mag-alala halos isang oras lang ang biyahe papunta doon."
Kinuha niya ang passport sa ibabaw ng lamesa. "At bago ka umalis, kailan ang balik mo rito?" tanong ni King Stephen.
"Hindi ko sigurado, pero madali naman mag-book ng flight papunta dito kaya hindi na ako mahihirapan."
"Kung ganon ay maaari ka ng umalis."
Lalakad na sana siya ng mapatingin siya sa prinsipe habang hindi pa rin nawawala ang pagkainis nito sa kanya. "Mahal na prinsipe." Lumingon ito at tumingin sa mata niya. "Sa oras na bumalik ako ay dapat handa ka na dahil kung ano ang nakita mong ugali ko ngayon ay iba sa ipapakita ko pag bumalik na ako rito, kaya suwerte ka at nakita mo ang side kong 'to at kung lalabas man ay hindi na madalas." Ngumiti siya ng malaki bago umalis sa kwarto na 'yon at nang makita niya na ang sasakyan ay sumakay kaagad siya.
Samantala si Prince Dylan ay nakatulala pa rin sa puwesto kung saan nakatayo si Adira kanina.
"Dylan, okay ka lang ba?" tanong ni King Stephen.
Bumalik naman ito sa kasalukuyan. "Okay lang ako ama," mahina nitong sagot.
"Hindi ko akalain na isang magandang binibini pala ang kinuha ko. Ang ganda ng ngiti niya 'di ba? Ngayon ko lang rin nakitang ngumiti si Adira, sa ilang araw niyang narito."
Bumalik muli ang pagkakunot ng noo ni Prince Dylan. "Hindi totoo 'yon ama, peke lang ang ngiti niya kanina."
Tumawa naman ang kanyang ama ng may kalakasan. "Mahirap ngumiti ng peke aking anak, mas makikita mong maigi kung peke ang isang ngiti dahil mahirap, pilit at may lungkot sa likod ng pagngiti nito, kaya sa tingin ko ay taos-puso naman ang pinakita niya."
Tumango naman siya. "Siya nga pala ama, kailangan ko ng maluluwag na damit para sa pagsasanay."
Napakunot ang noo ni King Stephen. "Bakit?"
"Ang sabi kasi ng binibini na 'yon na kailangan kong magsuot ng maluluwag para makagalaw ako ng magaan."
Napatango naman ang hari. "Kung ganon ay mag-uutos na lang ako para bumili ng mga ordinaryong damit pati na rin ang pantalon mo."
Tumango siya at tumayo na. "May sasabihin ka pa ba ama?"
"Wala na, puwede ka ng bumalik sa silid mo."
"Kung ganon ay maiwan na kita. " Lumakad na siya paalis ng kwarto at nagpatuloy papunta sa silid niya.
Samantala si Adira ay mabilis lang nakasakay ng eroplano at talagang ang passport na pinagawa ng hari ay valid, dahil wala siyang naging problema o hinarang siya ng mga tauhan sa loob ng airport. Limang oras ang hihintayin niya bago siya lumapag sa kanyang bansa.
Pagkalipas ng limang oras ay ligtas na nakababa ang eroplanong sinasakyan niya, kaya naman agad siyang naghanap ng masasakyan pauwi. Dalawang oras ang nilakbay niya ulit bago tumapat ang taxi sa mismong bahay ni Simon, at dahil wala siyang dalang pera pambayad sa taxi driver.
Bumaba siya at sinabihan ang driver na maghintay sandali. Kumatok siya ng ilang beses sa pintuan ni Simon bago nito binuksan. "Bayaran mo muna ang taxi driver wala akong pera kaya ikaw muna," saad niya kaagad.
Natigilan lang ito sandali at lumabas na rin ng bahay at binayaran ang taxi driver. Nang bumalik ito ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Hindi ko alam na nagsusuot ka pala ng ganyan, Adira?"
Napabuntong-hininga na lang siya. "Wala na akong pagpipilian kailangan kong magpalit ng damit at maligo. Ito lang ang simple na damit na nandoon."
Ngumiti ito. "Kahit simple lang parang ang mahal."
"Mahal talaga dahil reyna ang may-ari nito, pero maiba tayo kailan ang misyon ko sa asawa ni Mrs. Torres?"
Napakamot ito sa ulo. "Mamaya ng alas-otso, sa isang bar kung saan laging naroon si Mr. Torres."
"Wala na pala akong magiging pahinga, pero sige pupunta ako. May silbi rin pala 'tong napili kong damit para makapasok doon."
Umupo si Simon sa isang upuan sa harap ng bahay nito. "Kumusta nga pala ang pag-uusap niyo ng hari, pumayag ka ba sa gusto niya?"
Tumingin siya sa kalangitan. "Oo."
"Nag-iba na ata ang ihip ng hangin, tinanggap muna ang ganong klaseng misyon."
"May dahilan ako, para sa hari ay tinanggap ko kahit hindi masunod ang mga rules ko sa mga misyon na tinatanggap ko."
Tumango-tango naman si Simon. "Sigurado akong mabuti naman 'yan dahil tinanggap mo. Kumain ka na ba? Meron akong niluto kumain ka muna. " Tumayo na si Simon at pumasok sa loob ng bahay nito. Natulala siya saglit bago sumunod kay Simon sa loob.
Sumapit ang takdang oras ng misyon ni Adira at handa na siyang tapusin ito kaagad dahil babalik na siya sa Stalwart Castle pagkatapos ng misyon niya. Ang motorbike niya ang dala niya papunta sa bar na sinulat ni Mrs. Torres sa impormasyon. Alam niyang hindi bagay sa suot niya ang pagsakay sa kanyang motorbike, pero wala na siyang pakialam doon. Ilang sandali pa ay na sa bakuran na siya ng bar. Hininto niya ang kanyang sasakyan sa isang parking lot at inayos ang suot niyang mask na natatakpan ang kalahating mukha niya mula ilong hanggang bibig. Hindi niya na rin dinala ang dalawang wooden stick niya dahil kung lumaban man si Mr. Torres ay kamao ang gagamitin niya.
"Huling araw na ng pagtataksil mo ngayon Mr. Torres dahil oras na pumasok ako sa loob ay hindi ka na muling makakapasok pa o makikipagkita sa babae mong laging dinadala sa loob. " Napangisi siya sa likod ng kanyang mask at nag-umpisa nang lumakad papasok ng bar.
Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang
Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga
Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat
"Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy
Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t
Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya
Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"
"Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang
Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo