Share

7 - Mrs. Torres

Nang nakapasok na siya sa loob ng bar ay sobrang ingay, mausok, amoy alak at maraming naglalandian sa mga gilid na hindi masyadong natatamaan ng liwanag ng ilaw. Sinubukan niyang makalagpas sa mga taong nagsasayaw sa gitna hanggang sa makarating siya sa isang madilim na puwesto na malaya siyang makikita ang mga tao. Pasimple niyang nilibot ang mga mata niya sa paligid dahil may mga nagkalat na bouncer malapit sa kanya na mukhang nagmamasid rin sa paligid. "High class nga ang bar na 'to masyadong mahigpit. Paano ako makakapunta sa kwarto kung nasaan si Mr. Torres?"

Nakita niya ang isang pasilyo na may kadiliman dahil sa sobrang hina ng mga ilaw na nakakabit sa ibaba na nakadikit sa pader malapit sa sahig. Ang naka-braid niyang buhok ay inilagay niya sa kaliwa niyang balikat para may dahilan siyang tumingin sa pasilyo na 'yon, pero napansin niya na may CCTV sa itaas. "Mukhang may kailangan akong lusutan o linlangin bago ako makapunta sa kwarto."

Mabuti na lang walang nagtangka na lumapit sa kanya habang may ginagawa siyang plano kung hindi isang nakakatakot na mata ang makikita nila. Ilang minuto na rin siyang nakatayo, kaya susubukan niya ng makapasok sa kwarto. Lumakad siya ng dahan-dahan papunta sa kwarto ni Mr. Torres na parang hindi niya alam na may CCTV na sumusunod sa galaw niya. Hindi naman siya paghihinalaan dahil ang mask niyang suot ay manipis, pero hindi pa rin makikilala ang mukha niya. At sa nakita niya kanina ay may kanya-kanya na paandar ang mga babae na ang iba ay naka-costume pa na pang maid at ang iba na kulang na lang ay huwag ng magsuot ng damit.

Malapit na siya sa mismong kwarto kung nasaan si Mr. Torres at hindi niya talaga tiningnan ang mga CCTV, halos pigil hininga ang ginagawa niya. Pagtapat niya sa mismong kwarto ay nagkunwari siyang kumatok ng ilang beses, pero ang totoo ay hindi niya pinatama sa mismong pinto o lumikha ng ingay ang kamay niya, kailangan niya iyon dahil napansin niyang nasa kanya na ang atensyon ng CCTV, kitang-kita niya sa gilid ng mata niya.

Nagpanggap siya na hinihintay na papasukin siya sa loob ng kwarto at ng may ilang segundo na ay binuksan niya na ang pinto. Mabuti na lang at hindi naka-lock. Sa loob ng kwarto ay nilabas niya ang hangin sa katawan na pinipigilan niya kanina. Napansin niya rin na may isa pang pasukan na walang pinto mukhang naroon na sa loob na 'yon si Mr. Torres at ang babae nito. Nagmasid na rin siya sa loob at napansin niya na wala namang kakaiba o CCTV, kaya dahan-dahan na siyang lumapit sa isa pang pasukan.

Pero ng akma na sana siyang papasok sa loob ay napahinto siya ng may nagsalita na babae, kaya sumandal muna siya sa pader at nakinig. "Kailan mo balak mag-file ng divorce sa asawa mo?" saad ng babae. Naghintay si Adira ng ilang minuto bago may narinig na nagsalita na lalaki at sigurado siyang ito na si Mr. Torres.

"Hindi agad ako makakapag-file ng divorce dahil isang buwan pa lang kaming kasal."

Kumunot ang noo niya. "Ang ibig sabihin ay may anak na sila bago pa sila ikasal? Isang taon na yung bata base sa nabasa ko," nalilito niyang tanong sa sarili.

"Bakit naman kasi nagpakasal ka pa sa Carina na 'yon? Puwede mo namang kunin na lang ang naging anak niyong dalawa, kaya ko namang alagaan ang bata," sa boses nitong tila nahihirapan.

"Wala akong magagawa dahil 'yon ang gusto ni mama. Ang balak ko lang sana ay kunin ang anak namin na tinago niya, pero hindi ko naman lubos maisip na malalaman ito ni mama at pinakasal kami kaagad."

May narinig siyang paghikbi. "Paano naman tayo Sebastian?!"

"Huwag kang mag-alala sa oras na magtagal ng ilang buwan ang kasal namin ni Carina ay kakausapin ko siya tungkol sa divorce. Wala siyang magagawa dahil hindi siya ang mahal ko, ikaw 'yon Diane."

Tumaas ang isang kilay ni Adira sa narinig, kaya ng nakita niya ang switch ng ilaw ay pinindot niya ito upang maging madilim ang paligid at makapasok siya at maka-upo sa sofa na naroon na malapit sa dalawa.

Parehas natigilan ang dalawa ng mawala ang liwanag sa kwarto. "Teka bakit walang ilaw? Hindi naman ito nangyayari at kung mawalan man ay nagkakaroon agad." saad ng babae.

Naramdaman niyang may tumayo papunta sa switch ng ilaw. "Check ko lang baka hindi naka-press ng mabuti yung switch ng ilaw." Nang na check na ni Sebastian at pinindot ulit ang switch on ay nagkaroon na ng liwanag sa loob. "Okay naman, bakit nawalan ng—" Napagawi ang tingin nito kung saan naka-upo si Adira.

Parehas pang makikitaan ng takot ang dalawa dahil kung kanina ay dalawa lang sila ay biglang may isa pang tao sa kwarto na 'yon ng nawalan ng ilaw sa loob ng kwarto. "Magandang gabi sa inyong dalawa." Hindi man nakikita pero nakangisi na siya sa likod ng mask niyang suot.

Kunot-noo siyang tiningnan ni Mr. Torres. "Sino ka paano ka nakapasok rito?"

Sa isip niya, "Kaya pala may lakas ng loob na gumawa ng kalokohan dahil gwapo at kayang-kaya makakuha ng babae sa mukha pa lang niya. " Lumipat ang tingin niya sa babae na mukhang mataray at nagtataka na rin sa kanya. "Maganda rin naman 'tong babae, pero bakit pumapatol pa sa may asawa na?"

Lalapit sana si Mr. Torres sa kanya, pero itinaas niya ang kaliwa niyang kamay. "Hanggang diyan ka lang."

"Sagutin mo ang tanong ko paano ka nakapasok dito? Mahigpit ang bantay dito sa loob bakit nakapasok ang tulad mo rito at sa mismong kwarto na 'to," matapang nitong saad.

"Masyadong matapang naman, Mr. Torres."

Nagulat ito at sigurado siya na napapatanong na ito sa sarili kung bakit alam ko ang apelyido niya. "Bakit mo alam ang apelyido ko? Sino ka ba!" sigaw nito na may bahid pa rin ng kaba sa mukha. At hindi mapagkakaila na kahit ganon na ang itsura nito ay gwapo pa rin.

Sumeryoso siya at uumpisahan niya na ang palabas. "Magkasintahan ba kayong dalawa?" tanong niya.

Isang mataray na sagot ang natanggap niya mula sa babae na ang pangalan ay Diane. "Ano bang pakialam mo, puwede bang umalis ka dito!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status