BUMUKAS ang pinto ng silid kung saan naroon ang triplets."Mama!" Sabay na isinigaw ni Zain at Oreo nang makita nila na si Kendra ang pumasok mismo."Kumusta kayo?" tanong ni Kendra na nagpalinga-linga sa paligid."Ayos naman kami Mama, kaso si Halls wala pa rin pong malay," balita naman ni Oreo rito. Tuluyan naman isinarado ni Kendra ang pinto at lumapit sa kinaroroonan ng anak. Yumukod siya upang pagmasdan si Halls."Hindi niyo ba alam kung bakit wala siyang malay?" tanong niya sa dalawa."Wala po kaming ideya na dalawa ni Oreo Mama, ang sabi lang ni Yalena na ng gumising sila ay ganyan na ang kapatid namin," tugon naman ni Zain.Tuluyan nang tumuwid ng tayo si Kendra at nang balingan niya ang direksyon ng dalawa ay nagulat ang makikita sa reaksyon ng mga ito."S-sino ka! H-hindi ikaw ang Mama namin!" bulalas ni Oreo na inihanda ang sarili sa kung ano man binabalak nito sa kanila."Mali ka Oreo, ako talaga ang Mama niyo, ang pagkakaiba lang ay ibang Kendra na ako. Sundin niyo lang
NAGKATITIGAN si Zain at Oreo na hawak pa rin ang duguan na teynga.Sabay ng pag-alingawngaw ng nakakabalasik na huni galing kay Halls ay nagsimula itong sumalakay sa kanila.Maliksi naman ang bawat galaw ni Zain at Oreo na nagtatakbo palayo sa kapatid.Bawat na madaanan ni Halls na dispaly na gamit sa mansyon ay natutumba at nababasag sa sahig."Bumalik kayo rito! Hindi rin kayo makakatakas sa akin!" Pagsisigaw ni Halls.Hanggang sa nasukol nga sila sa dulong bahagi ng pasilyo--- nasa dead end na sila!"Ngayon magsimula na tayo," may ngising saad ni Halls na dinilaan ang patalim na inilabas nito.Una nitong sinugod si Zain na umiiwas sa bawat atake ng kapatid."Ang pinakaayuko ay iwas ng iwas pinapagod mo ako!" angil ni Halls.Tuluyan nitong hinablot ang isang paa ni Zain akmang isasaksak nito ang patalim na hawak ng malakas na sinipa siya ni Oreo mula sa likuran niya.Tinumbok niya ang mga pigurin na nakahilera at nabasag ang mga iyon ng sunod-sunod. Agad na lumapit si Oreo at hinaw
NAGMADALI na nga sa paglapit sina Zain sa kanilang ama. Nagtulungan pa si Oreo at Halls para alisin ang mga bangkay na nakadagan dito. Tuluyan nagpalit ng anyo bilang lobo si Halls at isinakay na nga si Timothy sa likuran niya. Sumakay na rin si Oreo, ngunit nanatiling hindi natitinag si Zain mula sa kinatatayuan at nakatingin sa direksyon na tinugpa ng kanyang inang si Kendra. "Oh, bakit Zain hindi ka pa sumakay?" tanong ni Oreo rito. Napagawi naman ang tingin ni Zain rito nang marinig niya ang tinig nito. "Mauna na kayong umalis, maiiwan ako. Kailangan kong makausap si Mama," sabi nito. "Bakit pa? hindi ba't may pagkakataon na tayong makatakas. Ano ka ba naman Zain! isipin mo naman ang sarili mo. Hindi mo ba nakikita mas pinipili niyang umanib sa mga kalaban natin kaya nga niya tinataboy tayo!" Pangangaral ni Oreo rito. "Dahil hindi ko kayang maiwan si Mama, mahal ko siya. Kung nagawa man niya tayong talikuran, pwes ako hindi! gagawin ko ang lahat para magbago ang isip niya at
MATAPOS na masiguro ni Zain na makalayo na ang mga ito. Nagdudumali na siyang lumapit sa ina."Mama! Mama! Gising po!" Tawag niya rito matapos niyang maitihiya ito.Hindi naman siya binigo ni Kendra, dahil unti-unti itong nagmulat ng mata kahit hirap na hirap pang maidilat iyon."Z-Zain..." usal nito sa pangalan niya."Ako nga Mama, mabuti at hindi ko hinayaan ang sarili ko maniwalang iniwan mo na kami. Bumalik ako para magkasama pa rin tayong babalik. Tara na po!" sabi niya. Akmang bubuhatin na niya ito nang iniiiwas nito ang kamay."Umalis ka na Zain, iwanan mo na ako rito. Hayaan mo na akong mamatay para matapos na ito..." ang hirap na saad ni Kendra."Hindi Mama! Kahit ilang beses mo along ipagtabuyan ay hindi kita susundin!" matigas na saad ni Zain.Hindi na nakasagot si Kendra dahil tuluyan ng pinanawan ng ulirat ito.Naging tyansa naman iyon sa binata.Binuhat na nga ito ni Zain at dinala sa kanilang mansyon. Nang makarating sila sa pinto ng pagsasanay ay kusa iyon bumukas."Z
PINAGMAMASDAN lamang ni Oreo ang nakahigang ama at ina. Wala pa rin malay ang mga ito ng mga sandaling iyon.Ang sabi sa kanya ni Eleezhia kanina kapag inabot pa ng umaga na hindi nagigising ang mga ito ay tiyak na magiging critical ang kalagayan ng mga magulang."Ma-co-coma pa yata kayo Papa." Pakikipag-usap ni Oreo sa sarili lamang habang may bahid ng kalungkutan ang makikita sa mukha niya.Doon naman naalimpungatan si Coleene na siyang hinayaan lang ni Oreo na makatulog."Hindi ka pa natutulog niyan?" patanong niya."Hindi pa, hindi ako dalawin ng antok. Sige na bumalik ka na sa pagtulog ako ng bahalang magbantay kina Papa," tugon ni Oreo."Nais ko man na bumalik sa pagtulog ay mahihirapan na ako. Sasabayan na lang kita sa pagbabantay. Gusto mo ba ng makakain, do you want cofee?" sabi naman ni Coleene na nag-inat na. Nang balingan niya ang relo na nakasabit sa dingding ay alas-kuwatro na pala ng madaling-araw."Cofee na lang," matipid na pagsagot nito. Tumango naman si Coleene at
MULING bumalik sa pagkakaupo si Oreo. Hihintayin na lamang niyang makabalik si Halls bago siya tuluyan magpunta sa silid niya.Ngunit hindi na namamalayan ni Oreo na tuluyan na pala siyang nakatulog mula sa kinauupuan...NALIMPUNGATAN si Oreo nang maramdaman niya ang malakas na ihip ng hangin mula sa nabuksan na bintana."Teka.. bakit bukas ito?" takang tanong ni Oreo sa sarili. Naalala niya kasi na ipinagbawal ni Yalena na huwag buksan ang bintana lalo at napasensitibo parehas ng kalagayan ng kanilang mga magulang.Tuluyan na siyang tumayo at naglakad para isara iyon. Saglit pa siyang napatayo sa harapan ng bukas na bintana."Umaga na pala..." usal niya. Biglang tinambol ng malakas ang puso niya nang mapagtanto ang isang bagay."Mama!" Pagsigaw niya. Nang lingunin niya ang kama kung saan nakahiga ito ay lalo siyang nagulat--- wala ang ina sa kinahihigaan."Teka... nasaan si Mama?" Kinakabahan na usal niya. Halo-halo na ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon katuwaan at excit
NAKITA ni Halls na pumasok si Yalena sa silid kung saan naroon ang Mama Kendra nila. Ilang Buwan na rin ang nakalilipas at nanatiling nasa coma ito."Hon, tara kumain muna tayo." Pag-aya ni Yalena sa lalaki."Past muna, wala akong ganang kumain," sagot niya."Na naman? Hindi ba't kahapon hindi ka na naman nag-dinner. May sakit ka ba?" Takang-tanong ni Yalena at hinipo pa ang noo nito."Teka... malamig ka? May nararamdaman ka bang kakaiba? Halika mahiga ka muna rito." Inakay na nito si Halls na mahiga sa bakanteng kama.Kinuha niya ang stethoscope at tyi-nek niya ang pagpintig ng puso nito."Nauuhaw ako Yalena," usal ni Halls."Sandali at kukuhanan lamang kita ng maiinom na tubig." Akmang tatalikod siya para lumabas ng kuwarto nang pigilan siya ni Halls."Stay, iba ang tinutukoy ko. Ang gusto kong inumin... ay ang dugo mo."Hindi na nakapalag si Yalena, dahil bigla na lang siyang kinagat nito. Naramdaman na lang niya ang pagsisip ni Halls sa may leeg niya."Please h-hon... itigil mo..
BIGLANG nabaling ang buong pansin nina Timothy nang magising si Zain at Oreo. Ngunit hindi na katulad ng dati ang gawi ng dalawa.Biglang nagwawala ang mga ito na parang ulol na aso."A-ano pong nangyayari sa kanila?" Nahihintakutan at umiiyak na tanong ni Coleene.Hindi naman nasagot ni Timothy ito dahil sa tuluyan niyang tinalian ang mga anak. Masakit man sa loob niya na gawin iyon ay iyon ang dapat.Agad naman niyakap ni Eleezhia si Coleene, maging siya ang nabibigla rin sa mga nangyayari. Kanina lang ay maayos pa nilang nakakausap ang dalawa. Pero ngayon halos hindi na nila makilala ang dalawa."Lumabas na muna kayo." Utos ni Timothy matapos na gumilid. Katatapos lang niyang matalian ng mahigpit ang dalawa. Pinagpawisan siya at nahirapan dahil sa pangangalmot at ginawang pagwagwag ng mga kamay."Pero gusto po namin silang bantayan, kung pahihintulutan niyo po." Pakiusap ni Coleene."I'm sorry ija, pero hindi pwedi... mas mabuting iwan niyo muna sila. Hindi kayo safe rito," sabi n