Napatutok ang mata ng binata sa magandang mukha ni Hailey.
"I'm sorry h-hindi ko sinsadiyang kagatin ka. It's just that h-hindi ko lang mapigilan."bulong ni Halls rito.
Isang manipis na ngiti ang ipinaskil ng dalaga, kasabay ng pagtayo nito. Hindi nito ipinahalata ang panghihina niya sa ginawang pagkagat ng binata sa kanya. Bawal na bawal kasi sa kanila ang magpakagat sa may dugong werewolf. Nagkakaroon ng malaking epekto at pagkairita sa kanila kapag nakagat sila nito.
Bagamat hindi naman purong werewolf ang binata ramdam niya ang masamang epekto niyon sa katawan nito. Napansin pa niya ang panghihinayang sa mata ni Halls ng lumayo siya rito.
Hindi naman niy
SA mga sandaling iyon ay tuluyan ng binalot ng pangamba at takot si Oleene. Hindi lang para sa kanya, kung 'di para na rin sa kalagayan ni Oreojon. Kitang-kita niya ang malaking hiwa nito sa tiyan. Kung saan aninaw niya ang sariwang dugo at laman ng binata. Gusto niyang maduwal ngunit nagpigil siya, ang totoo napakahina niya sa mga ganito. May phobia na kasi siya dati noong bata siya, kung saan isang trahedya ang kinasangkutang ng mga magulang niya na naging dahilan ng pagkasawi ng mga ito at maagang pagkaulila naman niya. Kabisadong-kabisado pa niya ang mga pangyayari, kung saan kalunos-lunos at tigmak na ng mapupulang dugo ang mukha' t katawan ng mga magulang sa sarili niyang kandungan. Unti-unting nanlabo ang paningin ng dalaga, dahil sa tuluyang pagtutubig ng kanyang mga mata. Hindi na niya namalayang mahigpit na pala niyang niyayakap si Oreo, kasabay ng impit na
MADILIM na ang buong kapaligiran, matatanaw ang malawak na kalangitan ang mga nakasabog na bituin at iba' t ibang uri ng hugis ng Buwan sa madilim na kalangitan. Marahan hinawi ni Herriena ang isang buwan para ilipat iyon sa kabilang panig ng langit. Maski ang mga bituin ay magaan niyang iniangat gamit ang kamay, isang kumpas ang kanyang isinagawa. Nangislap ang mga mata ng Diyosa ng sumunod ang mga mumunting bagay sa nais niya. Makaraan ang ilang sandali nanatili na lamang siyang nakatanaw. Ang kislap na bumabalot sa kanyang mga magagandang mata'y tila nahalinhinan ng panglaw. Mayamaya'y naramdaman na lang niya ang isang magaan at kakaibang enerhiya na kadalasan nadadama niya kapag magpapakita ang pinakamataas sa lahat--- Ang ama ng lumikha sa lahat. Hindi nga siya nagkamali dahil, unti-unti'y isang puting liwanag ang bumaba mula sa langit at tuluyang nagkahug
MAGKAGAYUNMAN dumating sa puntong hindi na nito napigilan ang nadarama sa kanya...Sa hapon na iyon ay inilibot ni Vermous ang mga bagong makakasama nila ng Dyosa Herriena sa palibot ng Acceria.Bagama't magkakaiba ng lahi ang nanggalingan nila ay hindi naging mahirap sa tatlo na magkasundo.Manghang-mangha sina Yaboo at Lauke habang patuloy silang naglalakad sa maberding kapaligiran. Ang masuyong hatid ng papalubog na araw ay nagbigay balsamo sa mga pagal na utak nila.Patapos na sila sa paglalakad ng umimik si Lauke."Vermous aking kaibigan nasabi mong tayo' y pabalik na, ngunit mayroon ka yatang nakaligtaang ipatingin sa amin. "Nangunot ang noo na bumaling si Vermous rito, mahihinuha ang pagkalito sa kanyang mukha."Ipagpatawad mo kaibigan, ngunit nakatitiyak akong lahat ng magaganda at importanteng lugar dito sa Ace
KASABAY ng pagkakadikit ng likuran ng binata sa madamong lapag. Ramdam niya ang pangangailangan ni Hailey sa mga sandaling iyon. Sa mga katulad nitong Alpha' y may mga sandaling kinakailangn nitong makipag-mating.Naeexcite man si Halls dahil ito ang unang karanasan niya. Hindi na niya namalayan na tuluyan na niyang tinugon ang marubdob at mapusok na halik ng dalaga. Halatang marami na itong naging karanasan sa bagay na iyon. Maski ang mapapangahas nitong kamay na naglalakbay sa kabuuan niya nagbibigay ng kakaibang init sa binata ay ipinagwalang-bahala na niya.Halos hindi mapaghiwalay ang bawat labi nila dahil sa mabilisan nilang pag-alis ng kanilang mga kasuotan.Napalunok ng laway si Halls ng mag-umpisang gumapang ang labi ni Hailey sa leeg niya pababa sa hubad niyang dib-dib, hanggang sa kanyang pag-aari na tayung-tayo at tigas na tigas na sa
ISANG haplos ang naramdaman ni Hailey sa kanyang pisngi. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Halls.Titig na titig ito sa kanya, hindi naman na bago sa kanya ang ganoong gawi nito sa kanya. Na kahit ilang dekada man at panahon ang maging pagitan niya sa edad ng binata'y hindi iyon naging hadlang para mahulog ang loob ni Halden sa kanya.Bata pa lamang ay lihim na siyang sumubaybay sa pamilya nito.Naalala niya ng minsan magtungo siya sa munting bahay ng mga ito kung saan unang beses siyang matagumpay na makalapit.Kitang-kita pa ni Hailey ang pagpasok ng tatlong paslit sa loob ng pamamahay ng mga ito.Nasa itaas siya ng isang matayog na puno, kung saan siya nakadapo. Gamit ang kapangyarihan ay nagbalat-kayo siya bilang paniki.Sa mga sandaling iyon ay papalubog na ang araw. Ilang minuto na lamang ay kakalat na ang kadiliman sa buong paligid.
NAGISING na lang siya ng maramdaman niya ang pagtapik ng isang kamay sa may balikat niya."Anong nangyayari sa'yo?"nagtatakang tanong ng babaeng nasa harapan niya.Ikinurap-kurap lang niya ang mata habang pinagmamasdan ang kaharap. Napapaligiran lang naman sila ng napakadaming libro, sa isip niya'y nasa isang silid-aklatan sila."Hello Selina! tulala ka na riyan!"natatawang sabi pa nito."H-huh?"iyon lamang ang naiusal niya."Ano ba tulog ka pa ba, bakit parang wala ka sa sarili mo.""H-hindi naman,"matipid lamang na sabi niya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa upuan. Ramdam niya ang pananakit ng likuran niya dala na rin ng matagal niyang pagkakayukyok sa kinapwe-pwestuhan.Pinagsasamsam na niya ang mga nagkalat na libro at kagamitan sa lamesa. Akmang hahakbang siya paalis ng maramdaman niya ang paghawak ng babae sa braso niya."Sis! nakalimutan mo na ba ang salamin mo sa mata?"gulat na sabi n
KATULAD ng araw-araw na nakagawian ni Kendra ay tanging pagmaman-man gamit ang ibang katawan ang pinagkaabalahan niya.Magmula kasi ng magising siya mula sa pagkakatulog ng mahabang panahon na rin ay halos hindi niya magamit ng wasto ang mga katangian niya bilang bampira.Tila sa pagka-idlip niya ay tuluyan naupos din ang mga katangi-tangi niyang kakayahan. Kaya heto siya, sa limang dekada na nakalipas ay tila siya isang batang paslit na nagsasanay."Selina, mayroon ka na bang ipapasang proyekto kay sir Argus?"Tukoy ni Rosemarie sa Pilipino teacher nila."W-wala, a-ano kasi nga ulit iyong ipinapagawa niya?"pagtatanong ni Kendra."Halla! pati ba naman iyon nakalimutan mo na. Lumiban ka lang ng isang linggo ay marami ka ng hindi matandaan sis. Baka naman may ginawa sa iyo ang albularyo na gumagamot sa'yo. Sabi ko naman kay Auntie Lucia sa ospital ka idala. Bakit ba naman kasi panay pagtitipid iyang tiyahin mo sa iyo, eh asa abroad Mama mo,"wik
BIGLA ang ginawang pagtawa ng malakas ni Kendra. Mabuti na lang at kakunting estudyante na lang ang nasa loob ng klasrum nila."Weird ka talaga."Naiiling na saad ni Aziel na pinisil pa ang pisngi niya.Muli ay napatulala si Kendra, gawain kasi niya iyon noong maliit pa ang mga ito. Mabuti na lang at hindi na siya pinansin ng mga ito dahil nag-aayos na rin ng kagamitan ang triplets sa pag-uwi."Tara na?"aya ni Klent. Tumango na silang tatlo at tuluyan naglakad palabas.Inaakala ni Kendra ay malayo-layo ang lalakarin nila, ngunit tila siya nagbabalik sa dating panahon ng maalala niya ang gubat na laging dinadaanan niya noong nag-aaral pa lang siya sa kolehiyo.Maging ang ilog na inaagusan ng talon ay naroon at buhay na buhay! Para siyang nahihibang habang nakatutok ang buong pansin ni Kendra roon."Uy! natigilan ka na diyan?"takang-tanong ni Gio. Pero nagulat na lang ang tatlong binatilyo ng big