Share

CHAPTER 02

Napalunok na naman siya ng laway at sinimulan ko na ulit na lumapit sa kanya. This time ay nanatili na siya sa pinagkakatayuan niya at hindi na nagbalak pa na umatras hanggang sa tuluyan na nga akong nakalapit sa may harapan niya.

"Leigh Devon, I did not expect na dito pa tayo magkikita," I said while looking directly to her eyes. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa tono nang pananalita ko dahil hindi naman ako sigurado kung natutuwa nga ba talaga sa pagkikita namin ngayon.

"Y- yeah, hindi ko rin i-inaasahan na dito pa kita makikita W-Wayne Ferrer." Nauutal na wika niya pa rin na naging dahilan kung bakit napangisi ako sa loob-loob ko.

Nagkatitigan kami ng mga ilang minuto at mukhang binabasa namin ang iniisip ng isa't-isa. Mukhang palaban pa rin siya hanggang ngayon kaya naman ako na mismo ang unang umiwas sa kanya nang tingin.

"Bakit hindi tayo maupo, para naman makapag-usap tayo ng mas maayos," sabi ko at tuluyan na akong tumalikod sa kaniya.

Hahakbang na sana ako pabalik sa may lamesa nang magsalita na naman siya na naging dahilan kung bakit medyo natigilan ako.

"Like I've said... I'm- I'm here for Attorney Brent Ong, not because of you!" madiin na saad niya. Napangisi na naman ako habang nakatalikod sa kanya pero hindi ko na siya hinarap pa. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at dumiretso na lang ako sa may lamesa. Kinuha ko 'yung folder na alam kong galing sa kanya at hinawakan ko lang 'yun at saka ko siya binatuhan nang tingin. Napansin ko naman na napatingin siya sa folder na hawak ko at halata kong nagulat na naman siya sa nakita niya.

I smiled again at her. "So, uupo ka na ba?" tanong ko at ipinatong ko ulit sa lamesa 'yung folder kung saan sinundan niya muna 'yun nang tingin pagkatapos ay ako naman ang binatuhan niya nang matatalim na tingin na tila ba ay sinasaksak niya na ako sa isipan niya.

"Bakit nasayo 'yan?!" Tanong niya and this time ay lumapit na rin siya sa akin habang galit ang ekspresyon niya.

"What do you think?"  Nanatili pa rin ang pagiging kalmado ko sa mga salitang binibitawan ko.

"Ayokong isipin kaya sagutin mo na lang ang tanong ko! Bakit. Nasayo. ‘Yan!" Matapang pa rin na wika niya.

This is the thing that I like about her. Masyado siyang palaban. Tsk, I smirk again before I started to speak, "Obviously,  I can help you. Isa ako sa pinakamagaling na abogado ng bansa, kayang-kaya kitang tulung—"

"Libre ba? Dahil wala akong pakialam kung magaling kang abogado dahil ang kailangan ko ay libre!" Mabilis at madiin na putol niya sa sinasabi ko. I feigned a laugh because of what she said at saka dahan-dahang lumapit sa kanya. I stare at her for about 10 seconds— literally and she never even look bothered dahilan kung bakit nakaramdam ako nang lihim na pagkainis.

Paano niya nagagawa na tumingin sa akin ng gano'n katagal matapos ang ginawa niya sa akin 5 years ago? Hindi ba siya nahihiya? 

Para bang siya pa 'yung matapang sa aming dalawa.

'Yung para bang wala siyang ginawang kasalanan sa akin at higit sa lahat... para bang hindi niya ako nasaktan!

I gritted my teeth to control my anger.

"I can’t let you use me for granted and for free... wala ng libre sa panahon ngayon at dapat alam mo ‘yun. Pero dahil alam ko naman na hindi mo kayang bayaran ang isang magaling na abogado na tulad ko na hahawak sa kaso mo, then...  pwede naman nating pag-usapan 'yan. Para namang hindi mo kilala ang ex boyfriend mo— I mean, AKO! Maawain ako sa mga taong nangangailangan. Hindi ba?" sabi ko sa mismong tenga niya at napangisi na naman ako ng lihim dahil alam kong hindi naman niya nakikita ang ekspresyon ng mukha ko ngayon at saka ako bumalik sa maayos na pagkakatayo ko.

You read it right? She's my ex girlfriend who left me without any reasons, five years ago! Bigla na lang siyang naglaho at kinalimutan ang halos magdadalawang taon na pinagsamahan namin. At ito... ito ang unang pagkikita namin after she ghosted me for  five years.

Mabilis niya akong hinarap na naging dahilan kung bakit naging maliit ang agwat ng mga mukha namin. Konting kilos ko lang o kilos niya ay pwedeng maglapat na ang mga labi namin. 

Matapang na naman niya akong tiningnan. "I know you Wayne,  at ano namang kapalit ang sinasabi mo? Papahirapan mo 'ko dahil sa pang iiwan ko sa'yo dati? Tell me?!" Nanghahamon na sabi niya sa akin.

"We're not inside a novel Leigh... and I'm not a bitter one," sagot ko pabalik at saka tumawa pa ako nang mahina na tila ba ay nagbitaw siya nang nakakatawang biro.

"Eh ano ngang gusto mo?!"

Tuluyan na akong lumayo sa kaniya para matitigan ko ang kabuoan ng mukha niya kung saan ay nilalabanan niya lang ang mga titig ko sa kanya hanggang sa tuluyan na akong sumagot.

"Be mine again and fulfil my lustful nights. That's what I want!" seryosong sagot ko sa kanya na naging dahilan nang pagtigil niya. Para bang binuhusan siya nang malamig na tubig mula sa pinagkakatayuan niya... siguro ay hindi niya inaasahan na sasabihin ko ‘yun.

But well, I'm deadly serious about it.

I want her- I mean, I want her body! I want to f*ck her so badly and let out my anger through it. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kahirap ang ginawa niya sa akin noong bigla na lang siyang nawala sa buhay ko.

Hindi naman siguro masama kung iparamdam ko ‘yun sa kaniya para naman maging worth it ang lahat nang nangyari sa akin sa nakaraang limang taon hindi ba? Alam kong magiging labag ‘yun sa batas pero sisiguraduhin ko naman na makukuha niya ang kailangan niya sa kaso niya and in return, siyempre... makukuha ko rin ang gusto ko. And that is to make her naked in front of me. That’s really exciting right? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status